Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

29 Abril 2020

"Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan" (Clip 2/2)


Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.

27 Abril 2020

Dagsa ang Malalaking Sakuna sa Mundo: Kailan Magaganap ang Pagdadala?



Ni Becky, U.S.

Ngayon, mas lalong tumitindi ang malalaking sakuna. Ang balita ay puno ng mga kuwento tungkol sa mga salot, lindol, baha, at tagtuyot. Naisip mo na ba sa sarili mo: Natupad na ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kaya bakit hindi pa natin nasasalubong ang Panginoon? Kung magpapatuloy ito, kapag dumating ang malaking pagdurusa, mapapahamak din ba tayo? Kailan ba talaga tayo dadalhin ng Panginoon sa kaharian sa langit?

26 Abril 2020

Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit


Yang Qing

Baffled From Reading the Bible

Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.

24 Abril 2020

Pagtanggap sa Ebanghelyo ng Ikalawang Pagdating ng Panginoong Hesus at Pagtitipon sa Harap ng Diyos


Sa Biblia, sabi ni Pablo, "Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo" (Galacia 1:6). Mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder sa mga salitang ito ni Pablo, at tinutuligsa ang lahat ng taong tumatanggap sa ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, na sinasabi na pag-apostasiya at pagtataksil ito sa Panginoon. Sa gayo’y lumalampas sa ilang nananalig ang pagkakataong tanggapin ang Panginoon, dahil nalinlang sila. Malinaw na ang malinaw na pag-unawa sa tunay na kahulugan ng tekstong ito ay napakahalaga sa pagtanggap natin sa pagbalik ng Panginoon. Kaya ano ang tunay na kahulugan ng siping ito ng Kasulatan? Pag-apostasiya ba ang tanggapin ang ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus?

22 Abril 2020

Ang mga Palatandaan ng Pagbabalik ni Cristo ay Naglilitawan: Paano Sasalubungin ang Ikalawang Pagparito ng Panginoon


Ni Anyuan, Pilipinas

Dalawang libong taon na ang nakararaan, tinanong ng mga alagad ng Panginoon si Jesus, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:3). Sumagot ang Panginoong Jesus, “At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka’t kinakailangang ito’y mangyari datapuwa’t hindi pa ang wakas. Sapagka’t magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba’t ibang dako. Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan” (Mateo 24:6–8). Ngayon, parami nang parami ang nagaganap na mga kalamidad sa buong mundo. Sunud-sunod ang mga lindol, epidemya, taggutom, digmaan at baha. Sa pagtatapos ng 2019, isang bagong uri ng coronavirus ang lumitaw sa Wuhan, China. Nakakabahala ang bilis ng pagkalat nito; sa loob lamang ng ilang buwan, naglitawan ang mga kaso sa buong bansa, at agad nagkagulo sa China. Maraming lalawigan, munisipalidad at nayon ang sunud-sunod na ikinu-kuwarentina habang patuloy na dumarami ang namamatay. Kumalat na rin ang virus sa mahigit dalawampung iba pang mga bansa sa buong mundo. Bukod pa rito, sa pagitan ng Setyembre 2019 at Enero 2020, winasak ng mga wildfire sa Australia ang mahigit 5,900 gusali at pinatay ang mahigit isang bilyong hayop. Noong Enero 2020, tinamaan din ang kontinenteng iyon ng minsan-sa-isang-siglong malakas na pag-ulan, na nagsanhi ng mga pagbaha na pumatay sa maraming isda sa tubig-tabang. Sa buwan ding iyon, libu-libong tao ang nawalan ng tahanan dahil sa mga pagbaha sa Indonesia. Nagkaroon din ng pagsabog ng buklan sa Pilipinas, ang pinakamalalang pamemeste ng mga balang sa loob ng 25 taon sa Africa, isang 6.4 magnitude na lindol sa Xinjiang. … Humahaba pa ang listahan. Natupad na ang mga propesiya sa Biblia tungkol sa pagdating ng Panginoon. Patunay ito na nagbalik na ang Panginoon—kaya bakit kailangan pa nating salubungin ang Kanyang pagdating? Hindi ba tayo masasadlak sa malaking pagdurusa kung magpatuloy ito? At ano naman ang dapat nating gawin para salubungin ang pagdating ng Panginoon?

20 Abril 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos


I

Nagbalik ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono, 
inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos 
ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita,
na marinig nila ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon.

18 Abril 2020

Paano Mahahanap ang Tunay na Iglesia na Maaaring Ma-Rapture Bago ang Matinding Kapighatian


Ni Baoda, Australia

Pansin ng Patnugot: Ngayon ang mga sakuna ay nagaganap ng madalas. Maraming mga tao ang nakatatanto na ang araw ng Panginoon ay dumating na. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang hindi nakatatamo ng pagtutubig at pagtustos ng buhay na mga tubig at nakadarama sa presensiya ng Panginoon; sa halip, namumuhay sila sa isang negatibo at nanghihinang estado at pati na napupuno ng takot dahil sa paglaganap ng mga sakuna. Kaya’t, ang ilan ay nagsimulang maghanap ng iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu–nagngangalang, ang iglesia ng Philadelphia na kung saan ay mara-rapture bago ang malaking kapighatian. Ito’y dahil sa ito ay nauugnay kung maaari nating matanggap ang Panginoon bago ang malaking kapighatian at mai-rapture sa makalangit na kaharian. Kaya paano natin makikilala ang sa pagitan ng tunay at huwad na mga iglesia? Paano natin mahahanap ang tunay na iglesia na mara-rapture bago ang malaking kapighatian? Ang artikulong ito ay gagabay sa iyo upang mahanap ang mga paraan.

16 Abril 2020

Mga Pagbigkas ni Cristo | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan o maranasan ang salita ng Diyos, ito ay patunay pa rin na wala kang puso ng pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Pagdating sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ang panghuling layunin at dapat hanapin ng tao. Dapat kang magtalaga ng pagsisikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay maisakatuparan sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang na kaalamang doktrina, kung gayon ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung isagawa at isabuhay mo ang Kanyang mga salita, maaaring ituring na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos."

14 Abril 2020

Paano Natakot si Job sa Diyos at Iniwasan ang Kasamaan?


Ni Zhou Ming

Sa tuwing mababanggit ang mga salitang “matakot sa Diyos”, karamihan sa mga tao ay iisipin ang kuwento ni Job sa Biblia. Si Job ay natakot sa Diyos at iniwasan ang kasamaan, nagpatotoo siya para sa Diyos noong panahong siya ay sinusubok, nakamit niya ang papuri at pagpapala ng Diyos, at namuhay siya ng karapat-dapat at makabuluhang buhay na labis nating hinahangaan ngayon. Ngayon, suriin natin ang Aklat ni Job at detalyadong suriin ang mga paraan kung saan ipinamalas ni Job ang kanyang pagkatakot sa Diyos, at ito ay makatutulong sa atin para makakuha ng panibagong pagkaunawa at pagpasok sa katotohanan ng pagkatakot sa Diyos.

12 Abril 2020

Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Langit Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?


He Jun, Sichuan

Linggo Agosto 5, 2018. Makulimlim.

Pagkatapos ng pulong sa araw na ito, dumating ang isang kapatid na lalaki na naghahanap sa akin, ang kanyang mukha ay puno ng pangamba. Sinabi niya na hinihiling ng Diyos na magpakabanal ang mga tao, ngunit madalas siyang nagkakasala nang hindi sinasadya, at kung palagi siyang mabubuhay sa kasalanan ng ganito, kung gayon makapapasok ba siya sa kaharain ng langit pagdating ng Panginoon? Sinabi ko sa kanya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at na inako Niya Mismo ang lahat ng ating mga kasalanan, tinumbasan ng Kanyang buhay.

10 Abril 2020

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | "Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban.

08 Abril 2020

Narito na ang Mga Huling Araw: Paano Natutupad ang Mga Propesiya sa Ikalawang Pagparito ni Jesus?


Ni Zhou Jing

Isang araw nakakita ako ng isang puno ng buhay na diskusyon sa online; ang mga tao ay nagsasabi na ang apat na mga buwang-dugo sa gabi sa Hilagang hating-globo ay isang babala sa mga panahon ng pagtatapos, at ang mga pangunahing lindol ay nagiging mas madalas sa buong mundo. Naisip ko sa aking sarili, “Ang apat na buwang-dugo ay nangyari na, ang mga bagay na selestiyal ay lumitaw na, ang mga sakuna ay mas madalas na nangyayari sa buong mundo, ang mga insidente ng terorista ay lumalago, ang mga digmaan ay patuloy na nagkakalasan…. Ang lahat ng mga palatandaan ay nagpapakita na ang mga propesiya sa pagbabalik ng Panginoon ay may pangunahing natutupad na, kaya bakit hindi ko pa nakikita Siya na bumaba sa isang ulap upang salubungin tayo? Ito kaya’y dahil hindi pa bumalik ang Panginoon o kaya’y nakabalik na Siya, subalit hindi ko Siya nakita? Paano ko masasalubong ang Kanyang pagbabalik?” Ang pagkalito na ito ay sumugat sa paligid ng aking puso na nag-iiwan sa akin ng kaguluhan. Sinusubukan kong makakuha ng kalinawan sa isyung ito, sinimulan kong manalangin ng manalangin sa Panginoon, humiling sa Kanya na liwanagan at gabayan ako upang malugod kong tanggapin ang Kanyang pagbabalik at hindi mapalayas sa Kanya.

06 Abril 2020

Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong


Tagalog Christian Movie  | "Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong" | Where Are the Footprints of God? (Tagalog Dubbed)


Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar. Nagpasimula ito ng mga talakayan sa pagitan ng mga miyembro ng Iglesia ng Three-Self. Ilang tao ang naniwala na ang Kidlat sa Silanganan ay nagdusa sa malupit na pagsupil at pag-uusig ng Komunistang pamahalaan ng China. Napakamapanganib na maniwala sa Kidlat ng Silanganan, at pinakaligtas na maniwala sa Iglesia ng Three-Self. Hindi sila magdurusa ng paghihirap at magagawa nilang pumasok sa kaharian ng langit. Naniwala ang ibang mga tao na ang Kidlat ng Silanganan ang siyang tunay na daan, ngunit masyadong mabagsik ang kinakaharap nitong pag-uusig at aresto. Kung maniniwala sila, inisip nila na mas mabuting maniwala nang palihim. Sa sandaling matutumba ang Komunistang pamahalaan ng China, malaya na silang maniniwala sa Makapangyarihang Diyos. Inimbestigahan ng ilang tao ang Kidlat ng Silanganan ngunit naniwala sila na ikinakalat ng Kidlat ng Silanganan ang ebanghelyo at sumasaksi sa Panginoon nang walang pagsasaalang-alang sa buhay o kamatayan at na sila ay pinupuri ng Diyos. Inisip nila na ang mga taong nagtatago sa loob ng Iglesia ng Three-Self ay mga taong duwag na inaanod sa buhay nang walang layunin at na hindi sila karapat-dapat na pumasok sa kaharian ng langit. … Pagkatapos ng mainit na talakayang ito, nalaman ba ng lahat kung anong uri ng mga tao ang pinupuri ng Panginoon at kung ang mga natatakot ba ay makakapasok sa kaharian ng langit?

04 Abril 2020

Mga Senyales ng Paghuhukom ay Lumitaw: Paano Tayo Mara-rapture Bago ang Malaking Kapighatian?


Sa  pagtatapos ng 2019, ang coronavirus-infected pneumonia ay lumaganap sa Wuhan, Tsina. Ngayon, ang coronavirus ay kumalat sa higit sa 27 ng mga bansa at rehiyon sa buong mundo. Inihayag ng World Health Organization na ito ay isang pampublikong emergency na pangkalusugan na pandaigdigang interes. Bilang karagdagan, noong 2020 ang Silangan ng Africa ay dumanas ng pinaka-matinding pagsalakay ng mga balang sa disyerto sa loob ng 25 taon. Bilang resulta, isang matinding krisis sa pagkain ang nangyayari ngayon sa maraming mga bayan sa Africa. Ang pinakamatinding pag-ulan sa loob ng 100 taon ay tumama sa timog-silangan sa Brazil at sinira ang hindi mabilang na mga bahay. Ngayon sa buong mundo, ang mga salot, sunog, salot na mga balang, baha at iba pang sakuna ay lubhang lumalala.

02 Abril 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"


Tagalog praise and worship songs | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"


I
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig, ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli, ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.