Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

08 Setyembre 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ikaw Ba’y Nabuhay?" (Tagalog Dubbed)

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ikaw Ba’y Nabuhay?" (Tagalog Dubbed)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na maging buhay na katauhan, at magpatotoo sa Diyos, at sang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, dapat silang sumuko nang malugod sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang tanggapin nang malugod ang pagpupungos at pakikitungo ng Diyos. Saka lamang nila magagawang isagawa ang lahat ng mga katotohanang hinihingi ng Diyos na isabuhay, at saka lamang nila makakamtan ang pagliligtas ng Diyos, at magiging tunay na mga buhay na katauhan. Inililigtas ng Diyos ang mga buhay, nahatulan at nakastigo na sila ng Diyos, handa nilang italaga ang kanilang mga sarili at masaya silang mag-alay ng kanilang mga buhay sa Diyos, at malugod nilang maihahandog ang kanilang buong buhay sa Diyos. Tanging kapag nakapagpatotoo ang buhay tungkol sa Diyos saka lamang magagawang hiyain si Satanas, ang buhay lang ang makakapagpalaganap sa ebanghelyong gawain ng Diyos, ang mga buhay lang ang naghahabol sa puso ng Diyos, at ang mga buhay lang ang mga tunay na tao."

07 Setyembre 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Pagpapatuloy ng Ikaapat na bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Maraming Di-Pagkakaunawa ng mga Tao Tungkol kay Job
Tinalo ni Job si Satanas at Naging Tunay na Lalake sa Paningin ng Diyos
Isinusumpa ni Job ang Araw ng Kanyang Kapanganakan dahil Hindi Niya Gustong Masaktan ang Diyos nang dahil sa Kanya

06 Setyembre 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan"

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto...Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga utos at batas upang, habang pinangungunahan Niya sila sa kanilang buhay, ang mga tao ay makikinig at tatalima sa Kanyang salita at hindi magrerebelde laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga batas na ito upang ang bagong-silang na lahi ng tao ay makokontrol, mas mainam upang mailatag ang pundasyon para sa Kanyang gawain sa hinaharap. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, ang unang kapanahunan ay tinawag na Kapanahunan ng Kautusan."

Tagalog Christian Music Video | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"

Tagalog Christian Music Video | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"

I
Sangkatauha'y nilikha ng Diyos,
nilagay sa lupa't pinangunahan hanggang kasalukuyan.
Nagsilbi S'yang handog sa kasalanan
Sa huli'y dapat pa rin N'yang lupigin,
at dahil dito niligtas N'ya ang tao.
Mula sa simula ito ang gawaing ginagawa Niya.
ipanumbalik sa dating kalagayan ang tao.
Kaharian N'ya'y Kanyang itatatag,
Ipanunumbalik N'ya awtoridad N'ya
ipanunumbalik awtoridad N'ya sa lupa
pati kalagayan ng tao.
ng nilalang ng Diyos mula sa simula.
sa lahat ng nilalang N'ya.
II
Ginawang tiwali ni Satanas, puso ng tao'y nawala,
pusong may takot sa Diyos,
S'ya'y naging kaaway ng Diyos,
at nawala tungkulin na dapat taglay
Kaharian N'ya'y Kanyang itatatag,
namuhay sa ilalim ng utos at sakop ni Satanas.
Nawala ng Diyos pagsunod at takot ng tao,
ipanunumbalik awtoridad N'ya sa lupa
at Kanyang gawai'y 'di na magagawa sa kanila.
Ngunit tumalikod s'ya sa Diyos at sumamba kay Satanas.
pati kalagayan ng tao.
Ipanunumbalik N'ya awtoridad N'ya
sa lahat ng nilalang N'ya.
III
Tao'y nilikha ng Diyos at dapat sambahin ang Diyos.
na ibig sabihi'y nawala sa tao
Tao'y nilikha ng Diyos at dapat sambahin ang Diyos.
Ngunit tumalikod s'ya sa Diyos at sumamba kay Satanas.
IV
Naging idolo si Satanas sa puso ng tao,
Kaharian N'ya'y Kanyang itatatag,
habang katayuan ng Diyos sa tao'y nawala,
kahulugan ng paglikha sa kanya.
Upang mapanumbalik kahulugan na 'to,
tao'y dapat bumalik sa original n'yang kondisyon.
ipanunumbalik Kanyang awtoridad sa lupa.
Dapat alisin ng Diyos tiwaling disposisyon ng tao.
sa lahat ng nilalang N'ya.
Kaharian N'ya'y Kanyang itatatag,
ipanunumbalik Kanyang awtoridad sa lupa.
Kaharian N'ya'y Kanyang itatatag,
pati kalagayan ng tao.
ipanunumbalik awtoridad N'ya sa lupa
Ipanunumbalik N'ya awtoridad N'ya
na mas mapabuti ang pagsamba sa Diyos
V
Upang bawiin ang tao kay Satanas,
kailangang iligtas ng Diyos ang tao,
iligtas mula sa kasalanan.
Doon lamang unti-unti N'yang mapapanumbalik
orihinal na tungkulin ng tao,
Mga anak ng pagsuway ay pupuksain,
at sa huli'y mapanumbalik ang Kanyang kaharian.
upang pahintulutan ang tao
at mabuhay ng mas maayos dito sa lupa.

05 Setyembre 2018

Tagalog Gospel Videos | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days

Tagalog Gospel Videos | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days (Tagalog Dubbed)

Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?

04 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mapalad ang Mapagpakumbaba" (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mapalad ang Mapagpakumbaba" (Tagalog Dubbed)

Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya. Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan. Dinalaw niya ang ilang sekta, pero ang kanilang pagkawasak at kabuktutan ay nagdulot lang sa kanya ng mas lalong pagkaligaw at pagkalito, at wala siyang magawa. Ang sabi niya sa Panginoon: " Panginoon! Nasaan Ka? Nang magsimula si Cho Yeonghan na suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, malugod siyang nasurpresa nang matuklasang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay puno ng awtoridad, kapangyarihan at ang katotohanan! Pagkatapos makinig sa pakikipagbahagi at pagpapatotoo ng mga saksi mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Cho Yeonghan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na bilang isang manananampalataya ng Panginoong Hesus, na pinatawad na ang kanyang mga kasalanan at nailigtas na ng biyaya ng Diyos, ibig sabihin, hindi na siya muling babansagan ng Diyos na makasalanan at may karapatan na siyang lumapit sa harapan ng Diyos at manalangin at tamasahin ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Gayunpaman, dahil sa makasalanang kalikasan na malalim nakatanim sa kanyang pagkatao, nakagapos at kontrolado pa rin siya ng kasalanan at hindi maaring maging banal. Tanging sa pagtanggap sa paghahatol at pagkakastigo ng salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw lamang niya makakayang unti-unting kumawala sa kasalanan, tunay na makamit ang pagdadalisay at kaligtasan, at maakay ng Diyos papasok sa Kaniyang kaharian. Sa sandaling ito, si Cho Yeonghan ay napuno ng pananabik, at masaya niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagbalik upang tumayo sa harapan ng trono ng Diyos.

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikaapat na bahagi)

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikaapat na bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Tunay na Pagsisisi sa Puso ng mga Taga-Ninive ang Nagdulot sa Kanila ng Awa ng Diyos at Nagpabago sa Kanilang Sariling Kahihinatnan
Ang Tapat na Damdamin ng Manlilikha sa Sangkatauhan
Ang Awa at Pagpaparaya ng Diyos ay Hindi Bihira—Ang Totoong Pagsisisi ng Tao ang Ganoon
Ang Matuwid na Disposisyon ng Manlilikha ay Tunay at Malinaw
Ipinapahayag ng Manlilikha ang Kanyang Tunay na Nararamdaman sa Sangkatauhan