Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

19 Setyembre 2018

Maikling Dula "Baka Nananaginip Tayo" (Tagalog Dubbed)

Maikling Dula "Baka Nananaginip Tayo" (Tagalog Dubbed)

Isang pastor ng relihiyosong mundo na may jacket na gawa sa balat ng tupa, isang mabait at matapat na asawa, at isang tapat na Kristiyanong may pagkaunawa na nagmamahal sa katotohanan ang nagsasama-sama sa isang nakakatawang maikling dula na sumisiyasat sa tanong na, "Makakapasok ba ang isang tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsisikap?" Mapapaisip ang mga manonood dahil sa kabalintunaang lengguwahe at matalinong debate sa pagitan ng naniniwala at ng pastor…

18 Setyembre 2018

Maikling Dula "Ang Pagmamatyag" (Tagalog Dubbed)

Maikling Dula "Ang Pagmamatyag" (Tagalog Dubbed)

Si Xu Huilin at ang kanyang asawang si Zhiyong ay mga lider sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tumakas sila mula sa kanilang bayang sinilangan matapos malaman na tinutugis sila ng pamahalaan ng China dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang kaisa-isa nilang anak na si Lingling ay nakitira sa lola niya, at umaasa sila sa isa’t isa. Lihim na umuwi si Xu Huilin noong Bisperas ng Bagong Taon para makasama ang kanyang pamilya, pero nagmamatyag na ang mga pulis, sa pag-asang maaresto ang mag-asawa. Doon nagsisimula ang kuwento …


17 Setyembre 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ibigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Utos ng Diyos"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ibigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Utos ng Diyos



Bilang mga kasapi ng sangkatauhan at mga Kristiyanong tapat,
pananagutan at obligasyon nating lahat
sa katuparan ng utos ng Diyos,
na ialay ang ating katawa't isipan
at umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.
dahil buong pagkatao nati'y nagmula sa Diyos,
o para sa matuwid na layunin ng sangkatauhan,
Kung mga katawa't isip nati'y 'di para sa utos ng Diyos
higit na mas 'di karapat-dapat sa Diyos,
mga kaluluwa nati'y 'di magiging karapat-dapat
sa mga taong naging martir para sa utos ng Diyos,
na naglaan sa'tin ng lahat ng bagay, ng lahat ng bagay.


16 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back

Tagalog Christian Movie "Mapalad ang Mapagpakumbaba" | The Lord Has Come Back

Si Cho Yeonghan ay pastor sa isang iglesia sa South Korea. Malugod siyang naglingkod sa Panginoon nang ilang dekada at nakamtan ang matinding paggalang ng kanyang kapwa mananampalataya. Sa nagdaang mga taon, ang iglesia niya ay naging mas mapanglaw araw-araw. Ang masasamang gawa ay naging pangkaraniwan na lamang, at kahit siya, madalas niyang natatagpuan ang sarili niya na nagkakasala. Bilang resulta, naging masyado siyang miserable at nakadama ng labis na pagkalito. Pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat, maayos niyang ibinigay ang kanyang posisyon bilang pastor at iniwan ang kanyang denominasyon, naghanap ng isang iglesya na may gawain ng Banal na Espiritu, umaasa na matatagpuan ang landas na mag-aalis ng kanyang kasalanan. Dinalaw niya ang ilang sekta, pero ang kanilang pagkawasak at kabuktutan ay nagdulot lang sa kanya ng mas lalong pagkaligaw at pagkalito, at wala siyang magawa. Ang sabi niya sa Panginoon: " Panginoon! Nasaan Ka? Nang magsimula si Cho Yeonghan na suriin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, malugod siyang nasurpresa nang matuklasang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay puno ng awtoridad, kapangyarihan at ang katotohanan! Pagkatapos makinig sa pakikipagbahagi at pagpapatotoo ng mga saksi mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Cho Yeonghan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na bilang isang manananampalataya ng Panginoong Hesusf, na pinatawad na ang kanyang mga kasalanan at nailigtas na ng biyaya ng Diyos, ibig sabihin, hindi na siya muling babansagan ng Diyos na makasalanan at may karapatan na siyang lumapit sa harapan ng Diyos at manalangin at tamasahin ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos. Gayunpaman, dahil sa makasalanang kalikasan na malalim nakatanim sa kanyang pagkatao, nakagapos at kontrolado pa rin siya ng kasalanan at hindi maaring maging banal. Tanging sa pagtanggap sa paghahatol at pagkakastigo ng salita ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw lamang niya makakayang unti-unting kumawala sa kasalanan, tunay na makamit ang pagdadalisay at kaligtasan, at maakay ng Diyos papasok sa Kaniyang kaharian. Sa sandaling ito, si Cho Yeonghan ay napuno ng pananabik, at masaya niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nagbalik upang tumayo sa harapan ng trono ng Diyos.

15 Setyembre 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos"

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, at Siya’y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao, katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat maging totoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay na ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao...Nguni’t Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo, at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; sapagka’t sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay gumulang hanggang sa puntong kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya ang ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos."

14 Setyembre 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaapat na Bahagi)

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaapat na Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:

Ang Di-Natitinag na Katapatan ni Job ay Nagdadala ng Kahihiyan kay Satanas at Nagiging Sanhi ng Pagtakas Nito nang may Pagkasindak
Sa Gitna ng Sukdulang Paghihirap, Tunay na Napagtanto ni Job ang Pangangalaga ng Diyos sa Sangkatauhan
Ang Pag-ibig ni Job sa Paraan ng Diyos ay Humihigit sa Lahat
Isa pang Paghahayag ni Job ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan ay ang Kanyang Pagpupuri sa Pangalan ng Diyos sa Lahat ng Bagay

13 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)


Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam.... Gayunpaman, pagkatapos dumating at lumipas ng taong 2000, nabalewala ang lahat ng kanyang pag-asa. Dumating ang isang di-inaasahang krisis sa pananampalataya sa kanyang denominasyon, at hindi niya maiwasang mag-isip kung tama o mali ba ang landas na tinahak niya.
Matapos ang ebanghelyo ng pagbaba ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos na kumalat sa kanyang buong denominasyon, pumasok sa isang mainit na talakayan at debate sina Zhao Zhigang at isang grupo ng mga katrabaho sa mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Umikot ang mga talakayang ito sa mga paniniwalang pinanatili nila ng maraming taon sa kanilang denominasyon.... Sa huli, malinaw na nakita ni Zhao Zhigang na sila ay dinala sa pagkalito ng mga anticristo. Agad niyang nalaman ang katotohanan at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Kalaunan ay nadala siya sa harapan ng trono ng Diyos, kung saan hindi niya napigilan ang managhoy, "Tunay na nanganib ang aking pagdala!"