Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

22 Setyembre 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Awit Ng Mga Mananagumpay"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Awit Ng Mga Mananagumpay

I Ang kaharia'y lumalago dito sa mundo. Ito'y nabubuo sa tao. Lumalago sa tao. Walang puwersang sisira sa kaharian ng Diyos. Lumalakad ang Diyos at namumuhay kasama ng Kanyang bayan. Ang tunay na nagmamahal sa Diyos, sila'y kahanga-hangang pinagpapala! Mapalad ang nagpapasakop sa Diyos. Sila'y mananahan sa Kanyang kaharian. Mapalad ang kumikilala sa Diyos. Kanyang ibibigay kapangyarihan ng kaharian. Mapalad ang naghahanap sa Kanya. Sila'y makakalaya mula kay Satanas. Sa lahat ng tumalikod sa sarili, kayamanan ng kaharia'y tiyak makakamit. Natanggap nyo na ba ang mga pagpapala ng Diyos, hinanap pangakong bigay ng Diyos? Sa liwanag Nya'ng gabay, tiyak kayo'y matagumpay sa puwersa ng kadilima'y maliligtas. Sa mundong nababalot ng kadiliman, 'di mawawala ang ilaw ny'ong gabay. Kayo'y magiging pinuno, sa lahat ng nilikha, ang mananagumpay laban kay Satanas! II Natanggap nyo na ba ang mga pagpapala ng Diyos, hinanap pangakong bigay ng Diyos? Sa liwanag Nya'ng gabay, tiyak kayo'y matagumpay sa puwersa ng kadilima'y maliligtas. Sa mundong nababalot ng kadiliman, 'di mawawala ang ilaw ny'ong gabay. Kayo'y magiging pinuno, sa lahat ng nilikha, ang mananagumpay laban kay Satanas! Sa pagbagsak ng malaking dragon, kayo'y kapansin-pansin, at magpapatotoo sa tagumpay ng Diyos. Sa lupain ng Sinim, magiging malakas at matatag, pagpapala ng Diyos ay manahin kapalit ng mga pagdurusa. Makikita sa inyo ng daigdig ang kaluwalhatian ng Diyos! Natanggap nyo na ba ang mga pagpapala ng Diyos, hinanap pangakong bigay ng Diyos? Sa liwanag Nya'ng gabay, tiyak kayo'y matagumpay sa puwersa ng kadilima'y maliligtas. Sa mundong nababalot ng kadiliman, 'di mawawala ang ilaw ny'ong gabay. Kayo'y magiging pinuno, sa lahat ng nilikha, ang mananagumpay laban kay Satanas!

Tagalog Christian Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" (Tagalog Subtitles)

Tagalog Christian Praise Song | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" (Tagalog Subtitles)

Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan, para ito sa buong bayan ng Diyos. Naglalakad at nagsasalita si Cristo sa iglesia at nabubuhay kasama ng bayan ng Diyos. Narito ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, gayundin ang gawa ng Banal na Espiritu. Nagdidilig, tumutustos at gumagabay sa'tin mga salita ng Diyos, at lumalago buhay natin. Ito ang kahariang pinamumunuan ni Cristo, ito'y patas at makatarungang mundo. Kaharian ni Cristo'y mainit kong tahanan, napakahalaga nito sa bayan ng Diyos. Naghahari salita ng Diyos sa iglesia, tayo'y kumikilos ayon sa totoo at Cristo'y pinagbubunyi sa'ting puso. Wala nang paglalaban o intriga, hindi na kailangan ang pagtatanggol o takot. Himlayan ng kaluluwa ng tao si Cristo, di na kailangang gumala-gala pa ako. Ito ang kaharian ng Diyos inaasam ng mga tao, ito ang payapang tahanan ng sangkatauhan. Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan, para ito sa buong bayan ng Diyos. Dito nararanasan ko ang paghatol at mga pagsubok ng Diyos, at ang aking masamang disposisyon ay dinalisay at binago. Ang aking mga kasiyahan at pagtawa, ang kuwento ng aking paglago ay narito, narito rin ang aking mga tahimik na salita sa Diyos. Ang mga hindi malilimutan kong alaala ay narito, isang talaan ng halagang binabayaran ng Diyos. Lahat dito'y inaantig ako, di maihahayag ng mga salita taimtim na katapatan. Cristo ng mga huling araw, mahal Ko, pinaka-kaibig-ibig, Binigyan Mo ako ng mainit na tahanang ito.

21 Setyembre 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Pagpapatuloy ng Ikalawang Bahagi)

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Pagpapatuloy ng Ikalawang Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Sa Pang-anim na Araw, Nagsalita ang Maylalang, at ang Bawat Uri ng Buhay na Nilalang sa Kanyang Isipan ay Lumitaw, nang Isa-isa
Wala sa mga Nilikha at Di-nilikhang mga Bagay ang Maaaring Pumalit sa Pagkakakilanlan ng Maylalang
Sa Ilalim ng Awtoridad ng Maylalang, Perpekto ang Lahat ng mga Bagay

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)

Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)

Isang elder si Zhao Zhigan sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam.... Gayunpaman, pagkatapos dumating at lumipas ng taong 2000, nabalewala ang lahat ng kanyang pag-asa. Dumating ang isang di-inaasahang krisis sa pananampalataya sa kanyang denominasyon, at hindi niya maiwasang mag-isip kung tama o mali ba ang landas na tinahak niya.
Matapos ang ebanghelyo ng pagbaba ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos na kumalat sa kanyang buong denominasyon, pumasok sa isang mainit na talakayan at debate sina Zhao Zhigang at isang grupo ng mga katrabaho sa mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Umikot ang mga talakayang ito sa mga paniniwalang pinanatili nila ng maraming taon sa kanilang denominasyon.... Sa huli, malinaw na nakita ni Zhao Zhigang na sila ay dinala sa pagkalito ng mga anticristo. Agad niyang nalaman ang katotohanan at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Kalaunan ay nadala siya sa harapan ng trono ng Diyos, kung saan hindi niya napigilan ang managhoy, "Tunay na nanganib ang aking pagdala!"

20 Setyembre 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos"

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan o maranasan ang salita ng Diyos, ito ay patunay pa rin na wala kang puso ng pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Pagdating sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ang panghuling layunin at dapat hanapin ng tao. Dapat kang magtalaga ng pagsisikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay maisakatuparan sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang na kaalamang doktrina, kung gayon ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung isagawa at isabuhay mo ang Kanyang mga salita, maaaring ituring na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos."

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Unang bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II) (Unang bahagi)"

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:

Pagkaunawa sa Awtoridad ng Diyos mula sa Pangmalawakan at Pangmaliitang mga Perspektibo
Ang Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha

19 Setyembre 2018

Tagalog Christian Crosstalk | "Paggising" | Wise Virgins Hear the Voice of God and Welcome the Lord

Tagalog Christian Crosstalk | "Paggising" | Wise Virgins Hear the Voice of God and Welcome the Lord



Sina Kagigising at Gigising ay mga mangangaral ng isang sektang Kristiyano na kapwa taimtim na naniniwala sa Panginoon, at sabik na naghihintay sa Kanyang pagbabalik. Pero palagi silang naguguluhan at nalilito tungkol sa kung paano kakatok sa pinto ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik, at ano ang dapat nilang gawin para salubungin Siya. Nang kumatok ang isang sister sa kanyang pinto nang ilang beses para ipangaral ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, nagising rin sa wakas si Kagigising sa katotohanan sa mahabang panahon ng paghahanap at pagsisiyasat. Nang marinig ang karanasan ni Kagigising, nagising din si Gigising mula sa kanyang pagkalito, at nalaman niya na matagal nang dumating nang lihim ang Panginoon, na Siya ay nagkatawang-tao para ipahayag ang Kanyang mga salita, na ginagamit Niya ang Kanyang mga salita sa pagkatok sa puso ng tao at, sa pakikinig nang mabuti sa tinig ng Diyos, nagagawang salubungin ng matatalinong dalaga ang pagbabalik ng Panginoon at sundan ang mga yapak ng Diyos!