Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos" (Salita ng Buhay)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Siya na gumagawa sa loob ng pagkaDiyos ay kumakatawan sa Diyos, habang yaong gumagawa sa loob ng pagkatao ay mga tao na ginagamit ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang nagkatawang-taong Diyos ay may malaking kaibahan mula sa mga tao na ginagamit ng Diyos. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kayang gawin ang gawain ng pagkaDiyos, samantalang ang mga tao na ginagamit ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawa’t isang kapanahunan, ang Espiritu ng Diyos ay personal na nagsasalita upang ilunsad ang bagong kapanahunan at dalhin ang tao sa isang bagong simula. Kapag natapos na Siya sa pagsasalita, nagpapahiwatig ito na ang gawain ng Diyos sa loob ng Kanyang pagkaDiyos ay tapos na. Pagkatapos noon, ang mga tao ay sumusunod lahat sa pangunguna niyaong mga ginagamit ng Diyos upang pumasok sa karanasan ng kanilang buhay. Sa parehong kaparaanan, ito rin ang yugto kung saan dinadala ng Diyos ang tao sa bagong kapanahunan at binibigyan ang lahat ng bagong panimulang punto. Sa ganito, nagtatapos ang gawain ng Diyos sa katawang-tao."