Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

26 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Official Trailer)

Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Official Trailer)

Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito: Malinaw na nakikita niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at tinig ng Diyos, kaya bakit tinutuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Hindi lang nila ayaw maghanap o magsiyasat mismo, sinikap pa nilang patigilin ang iba na tanggapin ang tunay na daan. Bakit ganoon? … Nangamba si Zheng Mu'en na malinlang siya at mali ang tinatahak niyang landas, pero nangamba rin siyang mawalan ng pagkakataong ma-rapture. Sa gitna ng pagtatalo ng damdamin at pagkalito, nagpakita pa si Pastor Ma ng mas negatibong propaganda mula sa CCP at sa mga relihiyon, na nagbunga ng mas maraming pagdududa sa puso ni Zheng Mu'en. Ipinasiya niyang makinig kay Pastor Ma at tigilan ang pagsisiyasat sa tunay na daan. Kalaunan, matapos marinig ang patotoo at paliwanag ng mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Zheng Mu'en na sa pagsisiyasat sa tunay na daan, ang pinaka-pangunahing prinsipyo ay alamin kung nasa daang iyon ang katotohanan at kung nagpapahayag ito ng tinig ng Diyos. Sinuman na makakayang magpahayag ng maraming katotohanan ay posibleng ang pagpapakita ni Cristo, dahil walang miyembro ng tiwaling sangkatauhan ang maaaring magpahayag ng katotohanan. Hindi maikakaila ang katotohanang ito. Kung hindi nagtutuon ang isang tao sa pakikinig sa tinig ng Diyos habang sinisiyasat nila ang tunay na daan, at sa halip ay hinihintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus sakay ng mapuputing ulap batay sa kanilang mga imahinasyon, hinding-hindi nila matatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Sa wakas ay naunawaan din ni Zheng Mu'en ang hiwaga ng matatalinong birhen na nakinig sa tinig ng Diyos na binanggit ng Panginoong Jesus, nagpasiyang hindi na maniniwala sa mga kasinungalingan at katawa-tawang mga teorya ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, at tumakas sa mga paghihigpit at pang-aalipin ng pastor ng kanyang relihiyon. Lubhang nahirapan si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Kung hindi sa pagkaintindi o paghahangad sa katotohanan, walang paraan para marinig ang tinig ng Diyos o ma-rapture sa harap ng luklukan ng Diyos. Sa halip, malilinlang at makokontrol at mamamatay lang ang isang tao sa bitag ni Satanas, na lubos na tumutupad sa mga salita sa Biblia na, "Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman" (Hos 4:6). "Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa" (Kaw. 10:21).

Pag-uusap - "Isang Maling Liko" (Tagalog Christian Video)

Pag-uusap - "Isang Maling Liko" (Tagalog Christian Video)

Nang marinig ni Zhao Xun ang mga salitang binigkas ng nagbalik na Panginoon, nadama niyang ang mga salitang ito'y pawang katotohanan. Gayunman, natakot siya na napakaliit niya at hindi niya kayang makakilala, kaya gusto niyang hanapin ang kanyang pastor bilang tagapag-ingat ng pintuan. Di inaasahan, habang papunta siya sa bahay ng pastor, nasalubong niya si Sister Zheng Lu. Sa pagbabahagi ni Sister Zheng ng katotohanan, sa wakas si Zhao Xun ay nagising at natanto na para masalubong ang pagbabalik ng Panginoon, kailangang nakatuon siya sa pakikinig sa tinig ng Diyos, na ito lang ang paraan para masundan ang Kanyang mga yapak. Ang pabulag na pagsamba at pagsunod sa mga pastor at elder ay maling pagliko lamang.

25 Setyembre 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Unang Bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi V Ang Kabanalan ng Diyos (II) (Unang Bahagi)"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ito ay dahil naninirahan ang mga tao sa kabila ng masamang disposisyon at namumuhay sa isang mundo ng kasamaan at karumihan. Ang lahat ng kanilang nakikita, lahat ng kanilang nahahawakan, lahat ng kanilang nararanasan ay kasamaan at pagpapasama ni Satanas pati na rin ang panloloko, paglalabanan, at digmaan na nagaganap sa mga tao na nasa ilalim ng impluwensya ni Satanas. Samakatuwid, kahit kapag isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawa sa mga tao, o kahit kapag Siya ay nangungusap sa mga tao at ng Kanyang disposisyon at kalooban ay ipinapakita sa mga tao, hindi nila kayang makita o matanggap kung ano ang kabanalan."

Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)

Tagalog Christian Music Video | “Ang Diwa ni Cristo ay ang Diyos” (Tagalog song)

I Diyos na nagkakatawang tao'y tinatawag na Cristo, ang Cristong makapagbibigay ng katotohana'y Diyos. Hindi kalabisang sabihin nang gayon. Dahil angkin N'ya ang diwa ng Diyos. Angkin N'ya ang disposisyon ng Diyos at dunong sa gawa N'ya, na di-maabot ng tao. Yaong tinatawag ang sarili na Cristo pero di magawa ang gawain ng Diyos ay mga mandaraya, 'di katagala'y babagsak lahat. Sapagka't kahit tinatawag nila ang sarili na Cristo, ala silang taglay alinmang diwa ni Cristo. II Si Cristo ay di lang pagpapakita ng Diyos sa lupa, ngunit ang katawang-tao mismo ng Diyos, habang tinatapos ang Gawain N'ya sa mga tao, sa mga tao. Ang katawang taong ito'y di mapapalitan ninuman. Kayang dalhin ang Gawain ng Diyos sa lupa. Hinahayag disposisyon ng Diyos, kinakatawan ang Diyos at nagtutustos ng buhay sa tao. 'Di maipaliwanag ng tao, ang pagiging tunay ni Cristo, Diyos lamang ang may sagot at ang magpapasya. Kaya, kung talagang nais mong makita ang daan ng buhay, dapat mo munang kilalanin, na sa pagpunta sa mundo ng tao na ibinibigay N'ya sa tao ang daan ng buhay. Sa mga huling araw na dumarating S'ya sa mundo para ibigay sa tao ang daan ng buhay. Sa pagpunta niya sa mundo binigay niya daan ng buhay sa tao. Hindi ang nakaraan. Nangyayari ito ngayon.

24 Setyembre 2018

Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Mahalagang Kaibahan sa Pagitan ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Mga Taong Ginamit ng Diyos" (Salita ng Buhay)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Siya na gumagawa sa loob ng pagkaDiyos ay kumakatawan sa Diyos, habang yaong gumagawa sa loob ng pagkatao ay mga tao na ginagamit ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang nagkatawang-taong Diyos ay may malaking kaibahan mula sa mga tao na ginagamit ng Diyos. Ang nagkatawang-taong Diyos ay kayang gawin ang gawain ng pagkaDiyos, samantalang ang mga tao na ginagamit ng Diyos ay hindi. Sa simula ng bawa’t isang kapanahunan, ang Espiritu ng Diyos ay personal na nagsasalita upang ilunsad ang bagong kapanahunan at dalhin ang tao sa isang bagong simula. Kapag natapos na Siya sa pagsasalita, nagpapahiwatig ito na ang gawain ng Diyos sa loob ng Kanyang pagkaDiyos ay tapos na. Pagkatapos noon, ang mga tao ay sumusunod lahat sa pangunguna niyaong mga ginagamit ng Diyos upang pumasok sa karanasan ng kanilang buhay. Sa parehong kaparaanan, ito rin ang yugto kung saan dinadala ng Diyos ang tao sa bagong kapanahunan at binibigyan ang lahat ng bagong panimulang punto. Sa ganito, nagtatapos ang gawain ng Diyos sa katawang-tao."

23 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie Trailer | "Kumawala sa Bitag" (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Movie Trailer | "Kumawala sa Bitag" (Tagalog Dubbed)

2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon. Ang laganap na mga tsismis at maling pagkaunawa na nanghusga at nanira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parang di-nakikitang bitag, na bumabalot at kumokontrol sa napakaraming nananalig. Naulit ang trahedya ng kasaysayan …


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal" (Tagalog songs)

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal" (Tagalog songs)

I Ang panalangin ay isa sa mga paraan kung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos, upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng Diyos. Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig, maliliwanagan at magiging matatag. Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon. Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig, maliliwanagan at magiging matatag. Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon. II Kaya ang mga hindi nananalangin ay patay na walang espiritu. Hindi sila maaaring maantig ng Diyos, hindi masusunod ang gawain ng Diyos. Ang mga taong hindi nananalangin ay mawawalan ng normal na espirituwal na buhay, may sirang relasyon sa Diyos; hindi Niya sila sasang-ayunan. Ang mga taong hindi nananalangin ay mawawalan ng normal na espirituwal na buhay, may sirang relasyon sa Diyos; hindi Niya sila sasang-ayunan. III Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig, maliliwanagan at magiging matatag Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon. Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig, maliliwanagan at magiging matatag Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon. Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig, maliliwanagan at magiging matatag Ang gayong mga tao'y maaaring gawing perpekto sa lalong madaling panahon.