Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

30 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie | The Lord Has Returned "Kumakatok sa Pinto" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)

Tagalog Christian Movie | The Lord Has Returned "Kumakatok sa Pinto" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)

Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sa loob ng huling dalawang libong taon, naging mapagmatyag ang mga nananampalataya sa Panginoon at hinihintay ang pagkatok Niya sa pintuan, kung ganon paano Siya tutuktok sa pintuan ng sangkatauhan sa Kanyang pagbabalik? Sa mga huling araw, pinatototohanan ng ilang tao na nagbalik na ang Panginoong Jesus — ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao — at gagawin Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ginimbal ng balitang ito ang buong mundo ng relihiyon. Si Yang Aiguang, ang bida ng pelikula, ay ilang dekada ng naniniwala sa Panginoon at matagal ng nakikiisa nang buong-puso sa gawain at pangangaral, naghihintay na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Isang araw, may dumating na dalawang tao at kumatok sa pinto, sinabi nila kay Yang Aiguang at sa asawa nito na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ibinahagi sa kanila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Labis silang naantig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pero dahil natuklasan ni Yang Aiguang ang mga kasinungalingan, panlilinlang at paghihigpit ng mga pastor at elder, pinalayas niya sa bahay nila ang mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos noon, ilang beses pang kumatok sa pintuan nila ang mga saksi at ibinahagi kay Yang Aiguang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pinatotohanan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga sandaling ito, paulit-ulit na ginulo at pinigil ng pastor si Yang Aiguang, at hindi nawala ang kanyang pag-aalinlangan. Ganunpaman, sa pakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tuluyang naintindihan ni Yang Aiguang ang katotohanan at naunawaan ang tungkol sa mga tsismis at kasinungalingang ikinalat ng mga pastor at elder. Naiintindihan na niya sa wakas kung paano kumakatok ang Panginoon sa pintuan ng mga tao sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, at kung paano natin Siya dapat salubungin. Nung maglaho ang hamog, narinig na ni Yang Aiguang ang tinig ng Diyos at tinanggap na talagang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

29 Setyembre 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Pagsaliksik sa Dahilan ng Mapapanglaw na Iglesia"

Tagalog Christian Movie Clips | Mapalad ang Mapagpakumbaba | "Pagsaliksik sa Dahilan ng Mapapanglaw na Iglesia"

Sa nakalipas na mga taon, ang mundo ng relihiyon ay mas lalong pumapanglaw at mas lalong dumarami ang kasamaan, ang mga pastor at elder ay wala nang maipangaral at nawala na ang gawain ng Banal na Espiritu. Gusto niyo ba'ng malaman ang sanhi ng pagkasira ng mundo ng relihiyon? Gusto niyo ba'ng makamit ang gawain ng Banal na Espirity at makasabay sa yapak ng Panginoon? Kung ganoon, panoorin niyo ito!

Tagalog Christian Movie Clips | "Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?"

Tagalog Christian Movie Clips | Mapalad ang Mapagpakumbaba | "Makakapasok ba sa Kaharian ng Langit ang mga Naligtas?"

Sa Panahon ng Biyaya, isinagawa ng Panginoong Hesus ang gawain ng pagtubos na nagpatawad sa lahat ng ating mga kasalanan. Hangga't tinatanggap natin ang Panginoong Hesus bilang ating Tagapagligtas at ipinagdasal at ikinumpisal natin ang ating mga kasalanan sa Panginoon, mapapatawad ang ating mga kasalanan at maliligtas tayo sa pamamagitan ng ating pananampalataya. Kaya ano ba talaga ang ibig sabihin ng "naligtas na?" Maaari ba tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoon, dumating sa ilalim ng Kanyang biyaya at maligtas?

28 Setyembre 2018

Paano Makikilala ang Pagkakaiba ng Pagkakaligtas at Totoong Kaligtasan

Tagalog Christian Movie Clips | Mapalad ang Mapagpakumbaba "Paano Makikilala ang Pagkakaiba ng Pagkakaligtas at Totoong Kaligtasan"

Naniniwala ang maraming nasa mundo ng relihiyon tayong mga nananalig sa Panginoon ay napatawad na ang mga kasalanan at nailigtas na sa pamamagitan ng Kaniyang biyaya, at isinasabuhay natin ang kababaang-loob at pagtitiis, pinapasan ang ating mga krus at nagkakaroon ng maraming magandang pag-uugali, kaya hindi pa ba ito nangangahulugan na sumailalim kami sa pagbabago? Naniniwala sila na kung palagi nating itataguyod ang ating pananampalataya sa ganitong paraan, sa bandang huli, maaari tayong madala at makapasok sa kaharian ng langit. Ganito nga ba talaga ang mga katotohanan? Maaari ba na ang pagkakaroon lamang ng magandang pag-uugali sa ating pananalig ang kinatawan ng kaligtasan? Ano ba talaga ang pagkakaiba sa pagitan ng naligtas at totoong Kaligtasan?

Ginagamit ng Diyos ang Salita upang Gawin ang Gawaing Paghatol sa mga Huling Araw

Tagalog Christian Movie Clips | Mapalad ang Mapagpakumbaba "Ginagamit ng Diyos ang Salita upang Gawin ang Gawaing Paghatol sa mga Huling Araw"

Sa Panahon ng Kautusan at sa Panahon Ng Biyaya, nagsalita ang Diyos ng maraming salita na mabibigat at sumaway sa mga tao. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salitang ito sa mga salita ng paghahatol na ipinayag ng Diyos habang isinasagawa niya ang Kanyang gawain ng paghahatol sa mga huling araw? Ano ba talaga ang paghahatol? Paano hinahatulan at pinadadalisay ang tao ng gawain ng paghahatol ng Diyos sa mga huling araw?

27 Setyembre 2018

Best Tagalog Christian Movie Trailer | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train"

Best Tagalog Christian Movie Trailer | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train"

Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. … Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. … Naging miserable si Chen Peng, nalito, at hindi maunawaan kung bakit nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia, at bakit nawala sa kanila ang presensya ng Panginoon.

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (Unang bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (Unang bahagi)"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang disposisyon ng Diyos ay lantad sa lahat at hindi nakatago, dahil hindi kailanman sinadyang umiwas ang Diyos sa sinumang tao at hindi Niya kailanman sinadyang hangarin na itago ang Sarili Niya upang hindi Siya makilala o maunawaan ng mga tao. Ang disposisyon ng Diyos ay palaging bukas at palaging nakaharap sa bawat tao sa isang lantad na paraan. Sa pamamahala ng Diyos, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain na lantad sa lahat; at ginawa Niya sa bawat tao ang Kanyang gawain. Sa paggawa Niya ng gawaing ito, patuloy Niyang ibinubunyag ang Kanyang disposisyon, patuloy Niyang ginagamit ang Kanyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya upang gabayan at tustusan ang bawat tao."