Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nakaranas ka na ng iba’t-ibang karanasan, makikilala mo na ang iba’t-ibang bagay—malalaman mo kung ano ang tama at mali, ang pagkamatuwid at katampalasanan, kung ano ang laman at dugo at kung ano ang nasa katotohanan. Dapat makilala mo ang lahat ng mga ito, at sa paggawa nito, kahit anuman ang mangyari, hindi ka malilito. Ito lamang ang tunay na matayog mong kalagayan. Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay hindi isang simpleng bagay: Dapat mayroon kang pamantayan at layunin sa iyong pagsisikap, dapat alam mo kung paano hanapin ang tunay na daan, at kung paano sukatin kung ito ba ay tunay na daan o hindi, at kung ito ba ay gawain ng Diyos o hindi. Ano ang pinaka-pangunahing alituntunin sa paghahanap sa tunay na daan?"