Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)
Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito: Malinaw na nakikita niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at tinig ng Diyos, kaya bakit tinutuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Hindi lang nila ayaw maghanap o magsiyasat mismo, sinikap pa nilang patigilin ang iba na tanggapin ang tunay na daan. Bakit ganoon? … Nangamba si Zheng Mu'en na malinlang siya at mali ang tinatahak niyang landas, pero nangamba rin siyang mawalan ng pagkakataong ma-rapture. Sa gitna ng pagtatalo ng damdamin at pagkalito, nagpakita pa si Pastor Ma ng mas negatibong propaganda mula sa CCP at sa mga relihiyon, na nagbunga ng mas maraming pagdududa sa puso ni Zheng Mu'en. Ipinasiya niyang makinig kay Pastor Ma at tigilan ang pagsisiyasat sa tunay na daan. Kalaunan, matapos marinig ang patotoo at paliwanag ng mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Zheng Mu'en na sa pagsisiyasat sa tunay na daan, ang pinaka-pangunahing prinsipyo ay alamin kung nasa daang iyon ang katotohanan at kung nagpapahayag ito ng tinig ng Diyos. Sinuman na makakayang magpahayag ng maraming katotohanan ay posibleng ang pagpapakita ni Cristo, dahil walang miyembro ng tiwaling sangkatauhan ang maaaring magpahayag ng katotohanan. Hindi maikakaila ang katotohanang ito. Kung hindi nagtutuon ang isang tao sa pakikinig sa tinig ng Diyos habang sinisiyasat nila ang tunay na daan, at sa halip ay hinihintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus sakay ng mapuputing ulap batay sa kanilang mga imahinasyon, hinding-hindi nila matatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Sa wakas ay naunawaan din ni Zheng Mu'en ang hiwaga ng matatalinong birhen na nakinig sa tinig ng Diyos na binanggit ng Panginoong Jesus, nagpasiyang hindi na maniniwala sa mga kasinungalingan at katawa-tawang mga teorya ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, at tumakas sa mga paghihigpit at pang-aalipin ng pastor ng kanyang relihiyon. Lubhang nahirapan si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Kung hindi sa pagkaintindi o paghahangad sa katotohanan, walang paraan para marinig ang tinig ng Diyos o ma-rapture sa harap ng luklukan ng Diyos. Sa halip, malilinlang at makokontrol at mamamatay lang ang isang tao sa bitag ni Satanas, na lubos na tumutupad sa mga salita sa Biblia na, "Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman" (Hos 4:6). "Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa" (Kaw. 10:21).