Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

08 Oktubre 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaanim na Bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaanim na Bahagi)"


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Patotoo ni Job ay Nagdulot ng Kaginhawahan sa Diyos
Ang Pananampalataya ni Job sa Diyos ay Hindi Nayayanig Dahil Nakatago ang Diyos sa Kanya
Bagama’t ang Diyos ay Hindi Ibinunyag ang Sarili Niya kay Job, Si Job ay Naniniwala sa Dakilang Kapangyarihan ng Diyos
Bagaman ang Diyos ay Nakatago Mula sa Tao, ang Kanyang mga Gawa sa Lahat ng Bagay ay Sapat na para sa Tao na Makilala Siya
Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan
Kung ang Puso ng Tao ay may Pagkapoot sa Diyos, Paano Siya Matatakot sa Diyos at Makalalayo sa Kasamaan

06 Oktubre 2018

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)

Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya. Pagkatapos niyang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalaman ni Cheng Jianguang mula sa salita ng Diyos na tanging sa paghahanap ng katotohanan at pagiging tapat niya makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at mapagkakalooban ng kaligtasan ng Diyos, kaya sumumpa siya na magiging matapat na tao. Pero, sa kanyang mga tungkulin, siya'y napigilan ng kanyang tiwaling disposisyon, at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa pagkilos ayon sa makasatanas na mga pilosopiya sa buhay: Nang matuklasan niya ang isang pinuno ng iglesia na di kumikilos ayon sa katotohanan sa kanyang mga tungkulin, na nakaimpluwensya sa gawain ng iglesia, nagpasiya si Cheng Jianguang na ingatan ang kanyang kaugnayan sa pinunong iyon, at nabigong kaagad na ipaalam ang problema; nang lapitan siya ng isang kapatid na naghahanap ng sagot na mangangailangan ng kanyang paninindigan at pagprotekta sa kapakanan ng iglesia, sa halip ay pinili ni Cheng Jianguang na magsinungaling, manlinlang, at talikuran ang kanyang mga responsibilidad dahil natatakot siyang masaktan ang damdamin ng iba, na nagresulta sa pag-aresto ng komunistang Pamahalaan ng Tsina sa kanyang mga kapatid…. Nang paulit-ulit siyang malantad ng mga pangyayari at nahatulan at nabunyag sa salita ng Diyos, naunawaan ni Cheng Jianguang na ang lohika at mga patakaran niya sa pagkilos ay mga makasatanas na lason at ipinamumuhay niya ang makasatanas na disposisyon. Nakita rin niya na ang diwa ng pagiging yes-man ay sa taong mapanlinlang, isang taong kinasusuklaman at kinaiinisan ng Diyos, at kung ang isang yes-man ay hindi magsisisi at magbabago, siya'y tiyak na tatanggihan at aalisin ng Diyos. Naunawaan din niya na tanging sa pagiging matapat na tao siya maaaring maging mabuting tao. Kaya, sinikap niyang hanapin ang katotohanan at maging matapat na tao, at sa patnubay ng salita ng Diyos, sa wakas siya'y nagtagumpay sa pamumuhay na tulad ng isang matapat na tao at lumakad sa landas ng kaligtasan ng Diyos.

Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao" (Salita ng Buhay)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, pinakilos ng Espiritu ng Diyos ang dakilang gawaing ito, at bukod dito ay gumawa ng iba’t ibang gawain sa iba’t ibang kapanahunan at sa iba’t ibang bansa. Nakikita ng mga tao ng bawa’t kapanahunan ang ibang disposisyon Niya, na likas na nabubunyag sa pamamagitan ng ibang gawain na ginagawa Niya. Siya ay Diyos, puno ng awa at mapagmahal-na-kabaitan; Siya ang handog para sa kasalanan ng tao at ang pastol ng tao; nguni’t Siya rin ang paghatol, pagkastigo, at sumpa ng tao. Nakaya Niyang pamunuan ang tao upang mabuhay sa lupa sa loob ng dalawang libong taon, at nakaya rin Niyang tubusin ang masamang sangkatauhan mula sa kasalanan. Ngayon, kaya rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, na hindi nakakakilala sa Kanya, at sanhiing magpatirapa sila sa ilalim ng Kanyang pagkasakop, upang ang lahat ay lubusang magpasakop sa Kanya. Sa katapusan, susunugin Niya ang lahat ng marumi at hindi-matuwid sa kalooban ng mga tao sa buong sansinukob, upang ipakita sa kanila na hindi lamang Siya isang maawain at mapagmahal na Diyos, hindi lamang Diyos ng karunungan at mga kababalaghan, hindi lamang isang banal na Diyos, kundi higit pa rito, isang Diyos na humahatol sa tao."

05 Oktubre 2018

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)

Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito: Malinaw na nakikita niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at tinig ng Diyos, kaya bakit tinutuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Hindi lang nila ayaw maghanap o magsiyasat mismo, sinikap pa nilang patigilin ang iba na tanggapin ang tunay na daan. Bakit ganoon? … Nangamba si Zheng Mu'en na malinlang siya at mali ang tinatahak niyang landas, pero nangamba rin siyang mawalan ng pagkakataong ma-rapture. Sa gitna ng pagtatalo ng damdamin at pagkalito, nagpakita pa si Pastor Ma ng mas negatibong propaganda mula sa CCP at sa mga relihiyon, na nagbunga ng mas maraming pagdududa sa puso ni Zheng Mu'en. Ipinasiya niyang makinig kay Pastor Ma at tigilan ang pagsisiyasat sa tunay na daan. Kalaunan, matapos marinig ang patotoo at paliwanag ng mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Zheng Mu'en na sa pagsisiyasat sa tunay na daan, ang pinaka-pangunahing prinsipyo ay alamin kung nasa daang iyon ang katotohanan at kung nagpapahayag ito ng tinig ng Diyos. Sinuman na makakayang magpahayag ng maraming katotohanan ay posibleng ang pagpapakita ni Cristo, dahil walang miyembro ng tiwaling sangkatauhan ang maaaring magpahayag ng katotohanan. Hindi maikakaila ang katotohanang ito. Kung hindi nagtutuon ang isang tao sa pakikinig sa tinig ng Diyos habang sinisiyasat nila ang tunay na daan, at sa halip ay hinihintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus sakay ng mapuputing ulap batay sa kanilang mga imahinasyon, hinding-hindi nila matatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Sa wakas ay naunawaan din ni Zheng Mu'en ang hiwaga ng matatalinong birhen na nakinig sa tinig ng Diyos na binanggit ng Panginoong Jesus, nagpasiyang hindi na maniniwala sa mga kasinungalingan at katawa-tawang mga teorya ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, at tumakas sa mga paghihigpit at pang-aalipin ng pastor ng kanyang relihiyon. Lubhang nahirapan si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Kung hindi sa pagkaintindi o paghahangad sa katotohanan, walang paraan para marinig ang tinig ng Diyos o ma-rapture sa harap ng luklukan ng Diyos. Sa halip, malilinlang at makokontrol at mamamatay lang ang isang tao sa bitag ni Satanas, na lubos na tumutupad sa mga salita sa Biblia na, "Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman" (Hos 4:6). "Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa" (Kaw. 10:21).

Tagalog Crosstalk | "Serbisyo sa Pagmamanman" | Ripping Off the Mask of China's "Religious Freedom"

Pag-uusap - "Serbisyo sa Pagmamanman" (Tagalog Christian Video)



Sa China, kung saan ang CCP ang mayhawak ng lahat ng kapangyarihan sa pulitika, ang malupit na pang-uusig sa mga Kristiyano ay nangyayari araw-araw. Para mawala ang paniniwala sa relihiyon, ang CCP ay mayroon pang "tracking service" para sa mga Kristiyano. Itinuturo sa inyo ng crosstalk Tracking Service ang lahat ng kasuklam-suklam na pamamaraan na gamit ng CCP para manmanan at tuntunin ang mga Kristiyano, at ipinakikita ang pagpapaimbabaw ng China ukol sa “kalayaan sa relihiyon”.

04 Oktubre 2018

Maikling Dula - "Watch Over This House" (Tagalog Christian Video)

Maikling Dula - "Watch Over This House" (Tagalog Christian Video)


Sa China, inuusig ng CCP ang mga Kristiyano hanggang sa mahirapan na silang umuwi, kaya madalas ay kung saan-saan na lang sila nakatira. Sa dulang ito, isang mag-asawang Kristiyano, na nainis na sa pag-monitor sa kanila sa nayon nila dahil sa paniniwala sa Diyos, ang nagpasiyang lumipat sa lungsod at mangupahan sa apartment, pero hindi nagtagal, ang pulis ng CCP, miyembro ng neighborhood committee, security guard, at isang walang-modong kapitbahay ang nagsimulang bumisita nang sunod-sunod para "tulungan ang matandang mag-asawa na bantayan ang apartment nila." Muling nainis sa pagmamanman, nagpasiya ang mag-asawa na mag-impake at muling lumipat …

Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"

Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"

I Nais n'yo bang malaman kung bakit nilabanan ng mga Fariseo si Jesus? Nais n'yo bang malaman kung ano ang diwa nila? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesias, naniniwala lamang sa Kanyang pagdating, di-hanap ang katotohanan ng buhay. Sila'y naghihintay pa rin sa Kanya hanggang ngayon, landas ng buhay at katotohana ay di nalalaman. II Paanong mga taong hangal, sutil, mangma'y pagpapala ng Diyos makakamtan? Paanong ang Mesias kanilang mamamasdan? Kinontra nila si Jesus, di-nalamam na sinabi N'ya ang landas ng katotohanan, di-nabatid ang Mesias o ang gawain ng Banal na Espiritu, di-nakita ni nakasama S'ya kailanman. Mga hungkag na papuri ‘ginawad sa ngalan Niya at lahat ginawa para labanan S'ya. III Pasaway, sutil, hambog, pinanghawakan nila ang paniniwalang ito. Malalim man pangangaral Mo, mataas man awtoridad Mo, di Ka Cristo malibang Mesias ang tawag sa'Yo. Paligoy-ligoy lang ang mga ito na dapat kutyai't bansagang malalaking pantasya ng tao. IV Tanong ng Diyos sa inyo: Uulitin n'yo ba mga mali ng mga Fariseo? Yamang si Jesu-Cristo'y di n'yo naiintindihan, nakikilala mo ba ang landas ng katotohanan at buhay, ang gawa ng Banal na Espiritu'y iyo bang nasusundan? Matitiyak mo bang di mo lalabanan si Cristo? Kung di, ikaw nga'y nasa bingit ng kamatayan, di ng buhay.