Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa ngayon, pormal na gagawing perpekto ng Diyos yaong mga walang relihiyosong paniwala, na handang isantabi ang kanilang dating mga sarili, at sumusunod sa Diyos sa matapat na paraan, at Kanyang gagawing perpekto yaong mga nananabik sa salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat manindigan at maglingkod sa Diyos. Sa Diyos ay naroroon ang walang-katapusang kasaganaan at walang-hangganang karunungan. Ang Kanyang kahanga-hangang gawa at mahahalagang salita ay naghihintay sa lalo pang mas maraming bilang ng mga tao upang masiyahan sa mga iyon. Sa ganitong kalagayan, yaong may mga relihiyosong paniwala, yaong humahawak ng pagiging nauna sa panunungkulan, at yaong hindi maisantabi ang kanilang mga sarili ay nahihirapang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Walang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na gawing perpekto ang mga taong ito. Kung ang isang tao ay hindi nagpasya na sumunod, at hindi nauuhaw sa salita ng Diyos, kung gayon hindi nila makakayang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Sila lamang ay magiging mas lalong mapanghimagsik, mas lalong tuso, at hahantong sa maling daan. Sa paggawa ng Kanyang gawain ngayon, itataas ng Diyos ang mas maraming tao na tunay na nagmamahal sa Kanya at nakakatanggap ng bagong liwanag. At lubos Niyang puputulin ang mga relihiyosong namumuno na ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan. Yaong matitigas ang ulo na lumalaban sa pagbabago: hindi Niya nais ang isa man sa kanila."