Crosstalk – "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" (Tagalog Gospel Video)
Sa loob ng dalawang libong taon, palaging nagdarasal at nananawagan ang mga Kristiyano sa pangalan ng Panginoong Jesus, nananalig na ang pangalan ng Diyos ay palaging magiging Jesus. Gayunman, ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag, kapitulo 3, bersikulo 12, na magkakaroon ng bagong pangalan ang Panginoon pagbalik Niya. Kaya ngayong nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, matatawag pa rin ba natin siyang Jesus? Anong mga hiwaga ang nasa likod ng pangalan ng Diyos? Ang pagtatanghal na salitaan na may pamagat na "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos," ay pinaghahalo ang mga estilo ng pag-awit at pagbigkas para gabayan tayo sa pag-unawa sa kahalagahan kung bakit iba-iba ang pangalan ng Diyos sa iba’t ibang panahon.