Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

08 Nobyembre 2018

Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas"

Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas" 

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?"

06 Nobyembre 2018

Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos" (Salita ng Buhay)

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa iyong paniniwala sa Diyos, paano mo Siya makikilala? Dapat mong makilala ang Diyos sa pamamagitan ng mga salita at mga gawain ng Diyos sa ngayon, nang walang paglihis o kamalian, at bago ang lahat ng iyan, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos. Ito ang pundasyon tungkol sa pagkilala sa Diyos. Lahat ng mga iba’t-ibang kamalian na walang dalisay na pagtanggap sa mga salita ng Diyos ay pawang mga relihiyosong pagkaintindi, ang mga ito’y pagtanggap na lihis at mali. Ang pinakadakilang kakayahan ng mga pinuno ng relihiyon ay ang pagkuha sa mga salita ng Diyos na tinanggap noong nakaraan at ang pagkukumpara ng mga ito sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung sa iyong paglilingkod sa Diyos ngayon, kumapit ka sa mga bagay na niliwanagan ng Banal na Espiritu noong nakaraan, kung gayon ang iyong paglilingkod ay magdudulot ng pagkaantala, at ang iyong pagsasagawa ay malilipasan ng panahon at pawang relihiyosong seremonya lamang....Walang pananabik sa nakaraan ang Diyos sa nasambit o nagawa Niya noong una; kung ito’y lipas na, ito’y aalisin na Niya. Tiyak na magagawa mong bitawan na ang iyong mga pagkakaintindi? Kung ikaw ay mangunguyapit sa mga salita ng Diyos noong una, katunayan ba ito na alam mo na ang gawain ng Diyos? Kung hindi mo pa tinatanggap ang liwanag ng Banal na Espiritu sa ngayon, at sa halip ay mangunguyapit sa liwanag ng nakaraan, mapatutunayan ba nito na ikaw ay sumusunod sa mga yapak ng Diyos? Hindi mo pa rin ba mabitawan ang iyong mga relihiyosong pagkaintindi? Kung iyan ang lagay mo, ikaw ay magiging isang kumakalaban sa Diyos."

05 Nobyembre 2018

Nanganganib na Pagdala | Inilalantad ang Kamalian ng "Teoriyang Diyos-tao" (Mga Movie Clip)

Nanganganib na Pagdala | Inilalantad ang Kamalian ng "Teoriyang Diyos-tao" (Mga Movie Clip)


    Sa relihiyosong mundo, may ilang mga denominasyon na naniniwalang naging tao ang Diyos na maaaring maging Diyos ang tao. Umaayon ba ang teoriyang ito sa intensyon ng Diyos nang nilikha Niya ang tao? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang ating Diyos ay tunay ngang Diyos, at ang tao ay tao lang. Ang Diyos ay may sangkap ng Diyos, at ang tao'y may sangkap ng tao" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Diyos ang Manlilikha. Bilang mga tao, mga nilikhang nilalang lang tayo. Hindi natin maaaring banggitin na ang sangkap ng tao at ang sangkap ng Diyos ay magkatulad, kaya paano magiging Diyos ang tao? 

 Rekomendasyon:   
Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)

04 Nobyembre 2018

Inilalantad ang Maling Ideya "Ang Nananahanan na Banal na Espiritu, Dalawang Espiritung Naghahalo"

Nanganganib na Pagdala | Inilalantad ang Maling Ideya "Ang Nananahanan na Banal na Espiritu, Dalawang Espiritung Naghahalo" (Mga Movie Clip)


    Iniisip ng ibang tao na nang muling nabuhay ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus matapos Siyang pakuin, naging Espiritu Siyang nagbibigay-buhay. At sa gayon, ang Espiritung nagbibigay-buhay na nananahan sa loob natin, ay humahalo sa ating espiritu, at nagiging isa ang dalawang espiritu. Sa gayon ay magiging Diyos tayo sa huli. Wasto ba ang ideyang ito? Sa katunayan, ang sangkap ng Banal na Espiritu ay hindi nagbabago, kaya paano Siya magiging Espiritung nagbibigay-buhay? Ipinapatupad ng Banal na Espiritu ang gawain ng pagliligtas sa tao, kaya paano Siyang mananahan sa atin bilang buhay ng tao?

Rekomendasyon:   
Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)

03 Nobyembre 2018

Paano Kikilatisin ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao (Mga Movie Clip)

Nanganganib na Pagdala | "Paano Kikilatisin ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao" (Mga Movie Clip)

Sa relihiyosong mundo maraming tao ang hindi makilatis ang gawain ng Diyos mula sa gawain ng tao. Maraming mga tao ang itinuturing ang gawaing isinagawa ng mga sinasamba nila at hinahangaan bilang gawain ng Diyos, ngunit isinasaalang-alang ang gawain na isinagawa ng nagkatawang-taong Diyos bilang gawain ng tao. Hindi nila alam na nasasaktan nito ang disposisyon ng Diyos, na nilalabanan nila ang Diyos at nilalapastangan ang Diyos sa kabila ng paniniwala sa Kanya, at nagiging kaaway sila ng Diyos dahil dito. Kaya, ano ang aktwal na pagkakaiba sa gawain ng Diyos at gawain ng tao? Ano ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga taong ginagamit ng Diyos?
Rekomendasyon: Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)

02 Nobyembre 2018

Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?

Nanganganib na Pagdala | "Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?" (Mga Movie Clip)

Sinasabi ng Diyos, "Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan, at dalawang beses na nagkaroon ng mga taong ginamit ng Diyos na nakikipagtulungan sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Ang parehong nagkatawang-taong Diyos at mga taong ginagamit ng Diyos ay nagtataglay ng normal na pagkatao at gawain ng Banal na Espiritu, ngunit ano ba talaga ang pagkakaiba ng kanilang mga sangkap? At paano ba dapat natin aalamin ang nagkatawang-taong Diyos? Ibinunyag ang mga sagot sa maigsing video na ito.
Rekomendasyon:
Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)

01 Nobyembre 2018

Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan

Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan

I Ang mga huling araw 'di tulad ng Kapanahunan ng Biyaya't Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain sa huling araw ay hindi ginagawa sa Israel, kundi sa mga Hentil. Ito'y pagsakop ng lahat ng bansa sa harap ng trono ng Diyos. L'walhati ng Diyos pupunuin ang kalawakan. Ipahahayag 'to sa lahat ng bansa, sa lahat ng henerasyon at, bawa't nilalang kita l'walhating nakamit ng Diyos sa mundo. II Mga huling araw ay paglupig, di-paggabay sa buhay ng tao. Kundi wakas ng walang-hanggang pagdurusa ng tao. Di ito singtagal ng paggawa ng Diyos sa Judea at Israel libo-libong taon hanggang pangal'wang pagkakatawang-tao, sa halip maikli. Mga tao'y nakakatagpo ang Manunubos na bumabalik sa katawang-tao, tinatanggap personal na paggawa, salita ng Diyos sa maikling araw bago ang wakas. Mga huling araw, wakas at kaganapan ng anim-na-libong-taong-plano ng Diyos. Mga huling araw, wakas ng paglalakbay ng tao, sa pagdurusa. Nguni't di lahat papasok sa bagong kapanahunan. Pantaong buhay di na gaya dati. Sapagka't walang saysay 'to sa dakilang plano ng Diyos. Dahil kung mapilit ang tao, lalamunin sila ng d'yablo, at kalul'wa nila'y sasakamay ni Satanas. III Mga huling araw, tapos na ang panahon. Di-na magpapatuloy ang Diyos; 'Di Siya paaantala. Mga huling araw, talo na si Satanas, at babawiin ang lahat ng Kanyang luwalhati. Di Siya paaantala. Anim na libong taon lang gawa ng Diyos. Kontrol ni Satanas sa sangkatauhan di-lalampas dito sa anim na milenyo. Bawa't kalul'wang sa Diyos, tatakas sa dagat ng pagdurusa, at matatapos buong gawain ng Diyos sa lupa. Di na magkakatawang-tao ang Diyos. Di na gagawa Espiritu N'ya sa lupa. Sangkatauha'y muli N'yang huhulmahin, gagawing banal, sa tapat N'yang tahanan sa lupa. Mga huling araw, wakas at kaganapan, ng anim-na-libong-taong plano ng Diyos. Mga huling araw, wakas ng paglalakbay ng tao, sa pagdurusa. Nguni't di lahat papasok sa bagong kapanahunan. Pantaong buhay di na gaya dati. Sapagka't walang saysay 'to sa dakilang plano ng Diyos. Dahil kung mapilit ang tao, lalamunin sila ng d'yablo, at kalul'wa nila'y sasakamay ni Satanas. Mga huling araw, wakas at kaganapan, ng anim-na-libong-taong plano ng Diyos. Mga huling araw, wakas ng paglalakbay ng tao, sa pagdurusa. Mga huling araw. Mga huling araw. Mga huling araw.Tagalog Christian Song | Ang Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw ay Upang Wakasan ang Kapanahunan
I Ang mga huling araw 'di tulad ng Kapanahunan ng Biyaya't Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain sa huling araw ay hindi ginagawa sa Israel, kundi sa mga Hentil. Ito'y pagsakop ng lahat ng bansa sa harap ng trono ng Diyos. L'walhati ng Diyos pupunuin ang kalawakan. Ipahahayag 'to sa lahat ng bansa, sa lahat ng henerasyon at, bawa't nilalang kita l'walhating nakamit ng Diyos sa mundo. II Mga huling araw ay paglupig, di-paggabay sa buhay ng tao. Kundi wakas ng walang-hanggang pagdurusa ng tao. Di ito singtagal ng paggawa ng Diyos sa Judea at Israel libo-libong taon hanggang pangal'wang pagkakatawang-tao, sa halip maikli. Mga tao'y nakakatagpo ang Manunubos na bumabalik sa katawang-tao, tinatanggap personal na paggawa, salita ng Diyos sa maikling araw bago ang wakas. Mga huling araw, wakas at kaganapan ng anim-na-libong-taong-plano ng Diyos. Mga huling araw, wakas ng paglalakbay ng tao, sa pagdurusa. Nguni't di lahat papasok sa bagong kapanahunan. Pantaong buhay di na gaya dati. Sapagka't walang saysay 'to sa dakilang plano ng Diyos. Dahil kung mapilit ang tao, lalamunin sila ng d'yablo, at kalul'wa nila'y sasakamay ni Satanas. III Mga huling araw, tapos na ang panahon. Di-na magpapatuloy ang Diyos; 'Di Siya paaantala. Mga huling araw, talo na si Satanas, at babawiin ang lahat ng Kanyang luwalhati. Di Siya paaantala. Anim na libong taon lang gawa ng Diyos. Kontrol ni Satanas sa sangkatauhan di-lalampas dito sa anim na milenyo. Bawa't kalul'wang sa Diyos, tatakas sa dagat ng pagdurusa, at matatapos buong gawain ng Diyos sa lupa. Di na magkakatawang-tao ang Diyos. Di na gagawa Espiritu N'ya sa lupa. Sangkatauha'y muli N'yang huhulmahin, gagawing banal, sa tapat N'yang tahanan sa lupa. Mga huling araw, wakas at kaganapan, ng anim-na-libong-taong plano ng Diyos. Mga huling araw, wakas ng paglalakbay ng tao, sa pagdurusa. Nguni't di lahat papasok sa bagong kapanahunan. Pantaong buhay di na gaya dati. Sapagka't walang saysay 'to sa dakilang plano ng Diyos. Dahil kung mapilit ang tao, lalamunin sila ng d'yablo, at kalul'wa nila'y sasakamay ni Satanas. Mga huling araw, wakas at kaganapan, ng anim-na-libong-taong plano ng Diyos. Mga huling araw, wakas ng paglalakbay ng tao, sa pagdurusa. Mga huling araw. Mga huling araw. Mga huling araw.