Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

12 Nobyembre 2018

Clip ng Pelikulang | "Nagsimula Na ang Paghatol sa Harap ng Malaking Tronong Puti"

Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train | "Nagsimula Na ang Paghatol sa Harap ng Malaking Tronong Puti"

    Alam mo ba kung paano natupad ang paghatol ng malaking luklukang maputi na ipinropesiya sa Pahayag? Sa langit ba gagawin ang paghatol ng malaking luklukang maputi, o sa lupa? Ginagawa ba ito ng Diyos na nagkatawang-tao, o ng Espiritu? Isa-isang sasagutin ng maikling videong ito ang iyong mga tanong.

Rekomendasyon: 
Christian Movie | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus

11 Nobyembre 2018

Ang Muling Pagkakatawang-Tao ng Panginoon ay Tumutupad sa mga Propesiya sa Biblia

Clip ng Pelikulang Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train - Ang Muling Pagkakatawang-Tao ng Panginoon ay Tumutupad sa mga Propesiya sa Biblia

    Tungkol sa kung paano babalik ang Panginoon sa mga huling araw, sabi ng Panginoong Jesus, "Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating" (Lucas 12:40). "Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon di naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:24-25). Ano ang tagong kahulugan ng "ang Anak ng tao ay darating" at "gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan" tulad ng binanggit sa mga talatang ito? Kung nagbabalik ang Panginoon sakay ng mga ulap, para "magbata ng maraming bagay" at "itakuwil ng lahing ito," paano ito nararapat unawain?

Rekomendasyon: 
Christian Movie | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus

09 Nobyembre 2018

Tagalog Christian Music Video | Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao

Tagalog Christian Music Video | Ang Tanging Nais ng Diyos ay Makinig at Sumunod ang Tao

I
Yamang nilikha ng Diyos ang mundo
maraming taon na ang nakalilipas,
natapos Niya ang isang napakahusay na trabaho
sa mundong ito,
Siya ay nagdusa ng pinakamasamang
pagtanggi ng sangkatauhan
at nakaranas ng maraming panirang-puri.
Walang sinuman ang tumanggap
sa pagdating ng Diyos sa lupa.
Lahat sila ay nagpaalis sa Kanya sa
pamamagitan ng gayong pagwawalang-bahala.
Nagdusa siya ng libu-libong tao'ng paghihirap.
Ang pag-uugali ng tao sa nakalipas na panahon
ay sumira sa Kanyang puso.
Hindi na Niya pinapansin ang panghihimagsik ng tao,
ngunit pinaplano upang baguhin at linisin sila sa halip.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.
II
Ang Diyos sa katawang-tao ay nagdusa
nang sapat na pang-aalipusta
at nakaranas ng pagbubukod at pagpapako sa krus;
pinagtiisan din Niya ang pinakamasama sa mundo ng tao.
Hindi nakayanan ng Ama sa langit na makita ito.
Tiningala Niya ang Kanyang ulo
at ipinikit ang Kanyang mga mata
upang hintayin ang pagbabalik ng Kanyang minamahal na Anak.
III
Ang Diyos ay matagal nang tumigil sa paghingi sa tao.
Ang presyo na binayaran Niya ay masyadong mataas,
at gayon pa man ang tao ay patuloy
na nagpapahinga nang madali;
sa gawain ng Diyos sila’y maging isang bulag mata.
Ang tanging hangarin ng Diyos
ay makinig at sumunod ang tao,
makaramdam ng pagkahiya sa harap ng
Kanyang katawang-tao at hindi labanan.
Lahat ng nais Niya para sa bawat isa,
para sa lahat ng tao ngayon,
ay paniwalaan lamang na Siya ay umiiral.

08 Nobyembre 2018

Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas"

Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas" 

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?"

06 Nobyembre 2018

Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos" (Salita ng Buhay)

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa iyong paniniwala sa Diyos, paano mo Siya makikilala? Dapat mong makilala ang Diyos sa pamamagitan ng mga salita at mga gawain ng Diyos sa ngayon, nang walang paglihis o kamalian, at bago ang lahat ng iyan, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos. Ito ang pundasyon tungkol sa pagkilala sa Diyos. Lahat ng mga iba’t-ibang kamalian na walang dalisay na pagtanggap sa mga salita ng Diyos ay pawang mga relihiyosong pagkaintindi, ang mga ito’y pagtanggap na lihis at mali. Ang pinakadakilang kakayahan ng mga pinuno ng relihiyon ay ang pagkuha sa mga salita ng Diyos na tinanggap noong nakaraan at ang pagkukumpara ng mga ito sa mga salita ng Diyos ngayon. Kung sa iyong paglilingkod sa Diyos ngayon, kumapit ka sa mga bagay na niliwanagan ng Banal na Espiritu noong nakaraan, kung gayon ang iyong paglilingkod ay magdudulot ng pagkaantala, at ang iyong pagsasagawa ay malilipasan ng panahon at pawang relihiyosong seremonya lamang....Walang pananabik sa nakaraan ang Diyos sa nasambit o nagawa Niya noong una; kung ito’y lipas na, ito’y aalisin na Niya. Tiyak na magagawa mong bitawan na ang iyong mga pagkakaintindi? Kung ikaw ay mangunguyapit sa mga salita ng Diyos noong una, katunayan ba ito na alam mo na ang gawain ng Diyos? Kung hindi mo pa tinatanggap ang liwanag ng Banal na Espiritu sa ngayon, at sa halip ay mangunguyapit sa liwanag ng nakaraan, mapatutunayan ba nito na ikaw ay sumusunod sa mga yapak ng Diyos? Hindi mo pa rin ba mabitawan ang iyong mga relihiyosong pagkaintindi? Kung iyan ang lagay mo, ikaw ay magiging isang kumakalaban sa Diyos."

05 Nobyembre 2018

Nanganganib na Pagdala | Inilalantad ang Kamalian ng "Teoriyang Diyos-tao" (Mga Movie Clip)

Nanganganib na Pagdala | Inilalantad ang Kamalian ng "Teoriyang Diyos-tao" (Mga Movie Clip)


    Sa relihiyosong mundo, may ilang mga denominasyon na naniniwalang naging tao ang Diyos na maaaring maging Diyos ang tao. Umaayon ba ang teoriyang ito sa intensyon ng Diyos nang nilikha Niya ang tao? Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang ating Diyos ay tunay ngang Diyos, at ang tao ay tao lang. Ang Diyos ay may sangkap ng Diyos, at ang tao'y may sangkap ng tao" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Diyos ang Manlilikha. Bilang mga tao, mga nilikhang nilalang lang tayo. Hindi natin maaaring banggitin na ang sangkap ng tao at ang sangkap ng Diyos ay magkatulad, kaya paano magiging Diyos ang tao? 

 Rekomendasyon:   
Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)

04 Nobyembre 2018

Inilalantad ang Maling Ideya "Ang Nananahanan na Banal na Espiritu, Dalawang Espiritung Naghahalo"

Nanganganib na Pagdala | Inilalantad ang Maling Ideya "Ang Nananahanan na Banal na Espiritu, Dalawang Espiritung Naghahalo" (Mga Movie Clip)


    Iniisip ng ibang tao na nang muling nabuhay ang nagkatawang-taong Panginoong Jesus matapos Siyang pakuin, naging Espiritu Siyang nagbibigay-buhay. At sa gayon, ang Espiritung nagbibigay-buhay na nananahan sa loob natin, ay humahalo sa ating espiritu, at nagiging isa ang dalawang espiritu. Sa gayon ay magiging Diyos tayo sa huli. Wasto ba ang ideyang ito? Sa katunayan, ang sangkap ng Banal na Espiritu ay hindi nagbabago, kaya paano Siya magiging Espiritung nagbibigay-buhay? Ipinapatupad ng Banal na Espiritu ang gawain ng pagliligtas sa tao, kaya paano Siyang mananahan sa atin bilang buhay ng tao?

Rekomendasyon:   
Tagalog Christian Movie | "Nanganganib na Pagdala" (Tagalog Dubbed)