Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

19 Nobyembre 2018

Ang Pagsisikap ba sa Pagtatrabaho ay Nangangahulugang Sinusunod Natin ang Kalooban ng Ama sa Langit?

Clip ng Pelikulang | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Ang Pagsisikap ba sa Pagtatrabaho ay Nangangahulugang Sinusunod Natin ang Kalooban ng Ama sa Langit?" (7)

    Iniisip ng ilang mananampalataya na ang tanging kailangan nating gawin ay magdusa at bayaran ang kapalit na ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon, pasanin ang krus at sundan ang Panginoon, at magpakumbaba, magpasensiya at magtitis, at sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng ito sinusunod natin ang kalooban ng Ama sa langit, at naniniwala rin sila na kung palagi tayong magpupursige sa pananampalataya natin sa ganitong paraan, sa kalauna’y ililigtas tayo ng Diyos at makakapasok sa kaharian ng langit at makakamit ang walang hanggang buhay. Pero tama bang magkaroon ng ganitong pagkakaintindi at pagsasagawa sa ganitong paraan? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan" (Mateo 7:22-23). Bakit hindi lamang di makakapasok sa kaharian ng langit ang mga taong ito na nangangaral at nagtatrabaho sa ngalan ng Panginoon, pero parurusahan din sila ng Panginoon?

Rekomendasyon: 
Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me


18 Nobyembre 2018

Clip ng Pelikulang | "Ano ang Nagkakaloob ng Daan ng Walang Hanggang Buhay sa Tao?"

Clip ng Pelikulang | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Ano ang Nagkakaloob ng Daan ng Walang Hanggang Buhay sa Tao?" (5)

    Sinabi ng Panginoong Jesus: “Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan” (Juan 4:14). Ang Panginoong Jesus ang nagbibigay ng tubig ng buhay, Siya ang daan ng walang hanggang buhay, pero, tulad ng nasaksihan ng Kidlat ng Silanganan, tanging si Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos ang makapagbibigay sa mga tao ng daan ng walang hanggang buhay. Kaya galing ba sa parehong pinagmumulan ang Makapangyarihang Diyos at ang Panginoong Jesus? Ang gawain ba Nila’y isinasagawa ng iisang Diyos? Bakit si Cristo ng mga huling araw lang ang makapagbibigay sa atin ng daan ng walang hanggang buhay?

Rekomendasyon: 
Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me

17 Nobyembre 2018

Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos

Clip ng Pelikulang | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos" (3)

    Nagkatotoo na ang halos lahat ng propesiyang binanggit sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Naramdaman ng karamihan ng tao na nagbalik na ang Panginoon, kaya paano natin sisiyasatin ito para makatiyak tungkol sa kung ang Makapangyarihang Diyos nga ba ang nagbalik na Panginoong Jesus? Dapat ba tayong gumawa ng paghatol batay sa mga propesiya sa Biblia o dapat ba nating direktang siyasatin ang salita at gawain ng Makapangyarihang  Diyos? Paano natin gagamitin ang napakabihirang pagkakataong ito at salubungin ang pagbabalik ng ating Panginoon? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang kinakailangang mong gawin ay pagtanggap ng, hindi kailangan ng anumang patunay mula sa Biblia, anumang gawain hangga’t ito ay mula sa Banal na Espiritu, dahil ikaw ay naniniwala sa Diyos upang sundan ang Diyos, hindi upang siyasatin Siya. Hindi ka dapat maghanap ng karagdagang patunay para sa Akin upang ipakita na Ako ang iyong Diyos. Sa halip, kinakailangan mong aninawin kung Ako ay kapaki-pakinabang sa iyo; iyan ang susi" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Rekomendasyon: 
Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me

16 Nobyembre 2018

Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos"

Clip ng Pelikulang | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Paano Hahanapin ang mga Yapak ng Gawain ng Diyos" (1)

    Kapag nahaharap sa kalungkutan ng mga iglesia at kadiliman sa espiritu, paano natin hahanapin ang mga yapak ng Panginoon? Mula sa mga sinaunang panahon inusig na ang totoong daan, at ang pagpapakita at gawain ng totoong Diyos ay palaging sasalubungin ng pinakamalupit na pagpigil at pag-uusig at ng pinakamalupit na pagtutol at pagkokondena ng mundo ng relihiyon at mga ateistang pamahalaan. Tulad ng sinabi sa Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). Kaya saan man nagpapakita ang totong Diyos para isagawa ang Kanyang gawain, siguradong naririto ang mga tinig na pinakamalakas na nagkokondena sa Kanya. Ito ang paraan ng paghahanap sa mga yapak ng Panginoon.

Rekomendasyon: 
Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me

15 Nobyembre 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (II) Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII (II) Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Bagay (Ikalawang Bahagi)

    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Partikular na mga Pagpapamalas ni Job ng Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan sa Kanyang Araw-araw na Buhay
Pinahihintulutan ng Diyos si Satanas na Tuksuhin si Job upang Gawing Perpekto ang Pananampalataya ni Job
Na Kusang Ibinalik ni Job ang Lahat ng Kanyang Pag-aari na Nanggaling sa Kanyang Takot sa Diyos

14 Nobyembre 2018

Salita ng Buhay | "Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos"

Salita ng Buhay | "Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos"

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong mga sinasabi Ko na mga sumasalungat sa Diyos ay yaong mga hindi kilala ang Diyos, yaong mga tumatanggap sa Diyos sa pamamagitan ng mga walang kabuluhang salita ngunit hindi Siya kilala, yaong mga sumusunod sa Diyos pero hindi Siya dinidinig, at yaong mga nagsasaya sa biyaya ng Diyos ngunit hindi magagawang maging saksi sa Kanya. Kung walang pag-unawa sa layunin ng gawain ng Diyos at sa gawa ng Diyos sa tao, hindi makaaayon ang tao sa puso ng Diyos, at hindi magagawang maging saksi sa Diyos. Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa masamang disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos."

13 Nobyembre 2018

The Best Christian Music Video | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)

The Best Christian Music Video | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)

A ... a ... a ... a ... a ... a ... a ... a …
I
Ang makapangyarihang tunay na D'yos,
hari sa trono naghahari sa buong sansinukob,
buong sansinukob, nakaharap sa lahat ng bansa't mga tao.
Nagniningning l'walhati ng D'yos sa buong mundo.
Hanggang sa dulo ng sansinukob,
lahat ng buhay dapat makita.
Mga lawà, ilog, dagat, lupa, bundok,
lahat ng nabubuhay nabubunyag sa liwanag
ng presensya ng tunay na D'yos,
napanumbalik, nagising sa panaginip,
sumisibol sa lupa!
O! Ang tanging tunay na D'yos nagpapakita sa mundo.
Sinong may tapang upang lumaban?
Lahat nanginginig sa takot, napaniwalang ganap,
patuloy na nagmamakaawa.
Lahat ng tao'y yumuyukod sa Kanya't
lahat ng dila'y sumasamba!
II
Lahat ng dako sa mundo, lahat ng bagay sa lupa,
di kailanman huminto sa kanilang papuri sa Diyos.
Sa pagdating ng tagsibol,
maalinsanga't kaaya-ayang simoy dala'y ulan ng tagsibol.
Lagaslas at ngawa ng mga sapa, gaya ng tao,
masaya't mapanglaw, lumuluha, luha ng pagsisisi.
Mga ilog, lawa, alon ng karagata't daluyong umaawit lahat,
pinupuri ngalang banal ng tunay na D'yos,
ngalan N'yang banal!
O! Himig ng papuri nila, himig ng papuri'y kaylinaw!
Mga tiniwali ni Satanas noon,
mga tiniwaling bagay noon, lahat mapapanibago,
lahat iyo'y mapapanibago, mapapanibago't mapapalitan,
papasok sa katayuang bago….
III
Ito ang banal na trumpeta, banal na trumpeta'y tumutunog!
Makinig maigi: Kaytamis ng tunog!
Pagbigkas mula sa trono!
Nagpapahayag sa lahat ng bansa't mga tao.
Ang oras dumating na. Wakas ng mga huling araw.
Planong pamamahala ng D'yos ay natapos na.
Kaharian ng D'yos lumitaw na nang publiko sa lupa.
Mga bansa sa mundo'y naging kaharian ng D'yos.
Mga bansa sa mundo'y naging kaharian ng D'yos.
Pitong trumpeta ng D'yos tumutunog mula sa trono.
Anong kahanga-hanga't kamangha-manghang mga bagay
ang mangyayari!
Minamasdan ng D'yos ang bayan N'yang may galak;
kilala nila ang tinig N'ya.
Mula sa bawa't bansa't dako,
bayan ng D'yos nagsasama-sama.
O! mga tao'y 'di-makahinto
sa pagpupuri't paglukso para sa tunay na D'yos.
Sumasaksi sa tunay na D'yos, sumasaksi sa mundo,
tinig nila'y madagundong, parang lagaslas ng maraming tubig.
Mga tao'y dadagsa sa kaharian ng D'yos,
kaharian ng D'yos, kaharian ng D'yos.