Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

26 Nobyembre 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Alam Mo ba ang Iyong Misyon" (Tagalog song)

I
Alam mo ba ang pasanin,
ang tungkulin at ang komisyon sa iyong balikat?
Nasaan ang iyong makasaysayang diwa ng misyon?
Paano ka magiging isang mabuting panginoon
sa susunod na kapanahunan?
Matatag ba ang 'yong diwa ng pagka-puno?
Paano mo maipapaliwanag ang panginoon ng lahat?
Ito ba ang talagang panginoon ng lahat ng nabubuhay,
o panginoon ng lahat ng materyal na mundo?
Anong plano mo sa sunod na hakbang ng gawa?
Gaano karami ang naghihintay sa iyo na iyong papastulan?
Hindi ka ba nabibigatan sa iyong gawain?
II
Itong mga kaawa-awang kaluluwa'y kahabag-habag,
bulag at lubhang nawala,
tumatangis sa dilim, naghihintay makalabas.
Paano nila ninanais na makamtan ang liwanag
katulad ng isang bulalakaw
at buwagin ang puwersa ng dilim
na nang-aapi sa kanila nang maraming taon.
Ang kanilang pananabik sa araw at gabi,
sino ang kailanman nakakaalam?
Kapag ang ilaw ay kumikislap,
ang mga hamak na nagdurasang ito ay
nananatiling nakabilanggo sa kadiliman,
na walang pag-asang lumaya.
Kailan sila titigil sa pagtangis?
Ang mga kaawa-awang kaluluwang ito'y nagdurusa
sa gayong kasawian.
Ang walang pusong mga lubid, at ang nakapirming kasaysayan
ay matagal nang nagkukulong sa kanila.
III
Sino ang nakarinig ng kanilang pagtangis?
Sino ang nakakita ng kanilang paghihirap?
Ni minsan ba'y naisip mo rin ang Diyos?
Kung gaano Siya nagdalamhati at nababahala?
Paano Niya nakakayanang
makita ang sangkatauhan na nagdurusa,
na Siya mismong lumikha?
Ang sangkatauhan ay ang mga kaawa-awang nalason.
At bagaman sila ay nakaligtas hanggang ngayon,
sila ay matagal ng nalason ni Satanas.
Nakalimutan mo ba na ikaw mismo ay biktima?
Di mo ba nais, para sa pag-ibig mo sa Diyos,
na iligtas yaong mga natitirang buhay,
upang masuklian ang Diyos sa iyong makakaya,
na minamahal ang tao
tulad ng sarili Niyang katawang-tao at dugo?
Paano mo naiintindihan ang pagiging instrumento mo sa Diyos
upang mabuhay nang di-pangkaraniwan?
Mayroon ka bang tunay na pagnanais at kumpiyansa
upang mamuhay ng may kabuluhang kabanalan debosyon,
isang buhay na paglingkuran ang Diyos?

25 Nobyembre 2018

Nagising ang mga Kristiyano nang Marinig Magsalita ang Panginoon sa Kanyang Pagbabalik (3)

Mga Movie Clip (3) | Kumakatok sa Pintuan | "Nagising ang mga Kristiyano nang Marinig Magsalita ang Panginoon sa Kanyang Pagbabalik"

    Sinabi ng Panginoong Jesus, "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sa loob ng maraming taon, patuloy na pinatotohanan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos na nagbalik na ang Panginoong Jesus, at sinabi ang mga salita upang gawin ang gawain ng paghatol ng mga huling araw. Ganunpaman, ang mga pastor at elder ng mga grupo ng relihiyon, habang nagpapanggap sa pagprotekta sa kawan, ay ginawa ang lahat para pigilan ang mga mananampalataya sa pag-iimbestiga sa tunay na daan at marinig ang tinig ng Diyos. Anong gagawin ng mga Kristiyano sa pagharap sa problemang ito?

Rekomendasyon: 
Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)

24 Nobyembre 2018

Mga Movie Clip (1) | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?"

Mga Movie Clip (1) | Kumakatok sa Pintuan | "Ano ang Pinakamahalagang Gawi para Masalubong ang Pagdating ng Panginoon?"

    Sabi ng Panginoong Jesus, "Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa akin"(Juan 10:27). Ilang beses ding iprinoposiya sa Pahayag na, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Ang tinig at mga salita ng Espiritu ang tinig ng Panginoon, at ang tupa ng Diyos ang siyang makakikilala sa tinig ng Diyos. Kung ganon, ano nga bang gawain ang pinakamahalaga para sa mga Kristiyano sa pagsalubong nila sa pagdating ng Panginoon?

Rekomendasyon: 
Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)

23 Nobyembre 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikalimang Bahagi)

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikalimang Bahagi)

    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Sa Araw-araw na Pamumuhay ni Job Makikita Natin ang Kanyang Pagka-perpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan
Ang Pagkamakatwiran ni Job

22 Nobyembre 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, magiging imposible para sa iyo na magpakita sa Kanya ng pagpipitagan at pagkatakot, pero sa halip tanging walang pakundangang pagwawalang-bahala at paglihis, at bukod diyan, hindi na maiwawastong paglapastangan. Bagama’t ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay tunay na mahalaga at ang pag-alam sa diwa ng Diyos ay hindi dapat maliitin, walang sinuman ang kailanman ay lubusang nakapagsuri o nakapagsiyasat na sa mga isyung ito. Malinaw na binalewala ninyong lahat ang mga kautusang administratibo na ipinahayag Ko. Kung hindi ninyo naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, madali ninyong malalabag ang Kanyang disposisyon. Ang ganitong paglabag ay katumbas ng pagpapagalit sa Diyos Mismo, at ang katapusang bunga ng iyong kilos ay nagiging isang pagsalangsang laban sa mga kautusang administratibo. Ngayon dapat mong malaman na ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay may kasamang pag-alam sa Kanyang diwa, at kasama sa pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay ang pag-intindi sa mga kautusang administratibo. Sigurado, marami sa mga kautusang administratibo ay may kinalaman sa disposisyon ng Diyos, ngunit ang Kanyang disposisyon ay hindi pa naipapahayag sa kabuuan nito sa loob ng mga ito. Kaya kailangan ninyong humakbang pa patungo sa pagpapaunlad ng inyong kaunawaan ng disposisyon ng Diyos."

21 Nobyembre 2018

Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord

Tagalog Christian Movie 2018 | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord

    2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol. Muli, matindi Siyang tinuligsa, sinupil, at inaresto sa pagkakataong ito ng gobyernong Chinese Communist at mga relihiyon. Ang laganap na mga tsismis at maling pagkaunawa na nanghusga at nanira sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay parang di-nakikitang bitag, na bumabalot at kumokontrol sa napakaraming nananalig. Naulit ang trahedya ng kasaysayan …
    Ang bida sa pelikulang ito ay isa sa napakaraming nananalig na iyon. Nang una niyang marinig ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalito siya sa mga tsismis ng gobyernong CCP at mga pinuno ng mga relihiyon. Nasilo siya dahil sa pagkalito … Pagkaraan ng ilang matitinding debate, pinatanto sa kanya ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, at sa huli ay naunawaan niya ang mga tunay na pangyayari sa likod ng mga tsismis. Nalagpasan niya ang bitag at namasdan ang pagpapakita ng tunay na Diyos …

20 Nobyembre 2018

Clip ng Pelikulang | "Mga Patotoo Mula sa Pagdanas sa Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw"

Clip ng Pelikulang | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono | "Mga Patotoo Mula sa Pagdanas sa Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw" (9)

    Sa mga huling araw, ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan sa China at isinasagawa ang gawaing paghatol simula sa bahay ng Diyos. Nilupig at iniligtas Niya ang isang grupo ng mga tao, at sila ang mga nakakamit sa daan ng walang hanggang buhay. Gusto mo bang malaman kung paano sila sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos? Gusto mo bang malaman kung anong mga pagbabago ang pinagdaanan nila sa pamamagitan ng pagsailalim sa paghatol at pagkastigo ng Diyos? Maririnig mo ito sa kanila kung panonoorin mo ang maikling video na ito.

Rekomendasyon: 
Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" | God Is the Life Supply for Me