Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

05 Disyembre 2018

Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?

Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?

    Sa kasalukuyan, ang pagpapahirap ng ateistang gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ay tumitindi araw-araw. Ang mga mananampalataya ay nahaharap sa mga pagbabawal na isagawa ang kanilang pananalig sa lahat ng oras; ni hindi sila makahanap ng lugar para makapagtipon nang payapa. Dahil wala nang pagpipilian, sa kamalig na lamang ni Liu Xiumin ginanap ang pagtitipon nila ng kanyang mga kapatid. Ngunit habang sila'y nagtitipon-tipon, isa isang dumarating ang mga pinuno ng nayon upang tumingin sa paligid, gumagawa ng kung ano- anong dahilan at dinala pa ang kapulisan ng CCP....Matagumpay kayang makapagtitipon sina Liu Xiumin at ang kanyang mga kapatid? Mabibisto kaya sila? Maaaresto kaya sila? Sa maikling dula na ito na pinamagatang Pagtitipon sa isang Kamalig, ihahayag sa inyo kung paano naipagpapatuloy ng mga Kristiyano sa China ang kanilang pananampalataya sa ilalim ng pagpapahirap ng gobyerno ng CCP.

04 Disyembre 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Kakanyahan ng Diyos Tunay na Umiiral" (Tagalog Song)

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Kakanyahan ng Diyos Tunay na Umiiral" (Tagalog Song)

I
Ang kakanyahan ng D'yos ay 'di huwad.
Ang kariktan ng D'yos ay hindi huwad.
Ang kakanyahan ng D'yos ay umiiral; 'di ito nadadagdagan ng iba,
at tiyak na 'di nagbabago sa mga panahon, oras at lugar.
II
Ang mga bagay na ginagawa ng D'yos
na masyadong maliit para banggitin,
na 'di masyadong mahalaga sa mga mata ng tao,
na sa mga isipan ng tao ay 'di kailanman magagawa ng D'yos,
ang mga maliliit na mga bagay na 'to ang talagang nagpapakita
ng pagkatotoo ng D'yos at kariktan N'ya.
Di Siya mapagpanggap; ang disposisyon N'ya at kakanyahan
ay walang pagmamalabis, pagpapanggap o kayabangan.
Hindi S'ya nagyayabang sa halip ay tapat, at totoo,
mahal N'ya, inaalagaan at pumapatnubay sa mga taong ginawa N'ya.
Gaano man nila pinahahalagahan,
gaano ang kanilang maramdaman o Makita,
totoong gingawa ito ng D'yos, lahat ng mga bagay na ito.
Totoong gingawa ito ng D'yos, lahat ng mga bagay na ito.

03 Disyembre 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito

I
Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa't pag-ibig.
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha,
sa Kanyang mga nilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.
II
Sa puso Niya'y ramdam ang bawat kilos ng tao.
Sala nila'y pumupukaw sa poot N'ya't kalungkutan.
Ngunit pag sila'y nagsisisi, pinatatawad Niya, nagagalak S'ya.
Siya ay laging nagmamadali, nasa bawa't dako bawat sandali.
Bawat damdamin Niya'y iniaalay; ang buong buhay Niya,
ito ay tahimik Niyang iniaalay sa bawat segundo.
Lahat ay para sa tao.
III
Walang awa sa sariling buhay, ngunit tao'y minamahal.
Gamit ang Kanyang kamay, hinubog ang sangkatauhan.
Pagdamay at pagpaparaya'y ipinadarama Niya,
na walang kundisyon o kapalit,
nang tao'y mabuhay sa ilalim ng Kanyang pagtitig,
na isang araw, sila'y magpapasakop at kilalanin
na Siya ang isa na nagtutustos,
at kilalanin na Siya lamang.
Ah…
Siya ang nagtutustos ng buhay ng sangnilikha,
buhay ng buong sangnilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao. Lahat ay para sa tao.

01 Disyembre 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)

Tagalog Christian Music Video | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)

I
Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga
marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto.
Naging tao ang Diyos.
S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila,
lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon
upang mailigtas at malupig ang mga tiwali,
ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila.
Nagpapakumbaba S’ya Mismo bilang tao
at tinitiis ang mga pasakit na dala nito.
Ito’y pinakamalaking pagpapahiya
sa pinakamataas na Espiritu.
Diyos, dakila, matayog. Tao, masama’t mababa.
Subali’t ang Diyos kumakausap at naghahanda,
namumuhay sa gitna nila.
Siya’y napaka-mapagpakumbaba, napaka-kaibig-ibig.
II
Diyos namumuhay sa katawang-tao
at normal na buhay't pangangailangan,
pinatutunayan na ibinaba Niya sa isang antas.
Espiritu ng Diyos, matayog at dakila,
dumarating na karaniwang tao
para isagawa ang gawain ng Kanyang Espirtu.
'Di ka karapat-dapat sa gawa N'ya't paghihirap na dinanas.
Nakikita ito sa mga katangian, mga pananaw,
at mga katinuan niyo.
Ika’y hindi karapat-dapat
sa gawa N'ya't paghihirap na dinanas.
Nakikita sa pagkatao at buhay mo.
Diyos, dakila, matayog. Tao, masama’t mababa.
Subali’t ang Diyos kumakausap at naghahanda,
namumuhay sa gitna nila.
Siya’y napaka-mapagpakumbaba, napaka-kaibig-ibig.
Siya’y napaka-mapagpakumbaba, napaka-kaibig-ibig.

30 Nobyembre 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalawang Bahagi)

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalawang Bahagi)"

    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Bagaman Nakatago ang Galit ng Diyos at Nakalihim sa Tao, Hindi Nito Kinukunsinti ang Pagkakasala
Ang Galit ng Diyos ay Isang Pananggalang sa Lahat ng Makatarungang mga Puwersa at Lahat ng Positibong mga Bagay
Bagaman si Satanas ay Mukhang Makatao, Makatarungan at Mabuti, Ito ay Malupit at Masama sa Diwa
Hindi Dapat Umasa ang Tao sa Karanasan at Imahinasyon upang Malaman ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

29 Nobyembre 2018

Clip ng Pelikulang (5) "Sumailalim sa Paghatol sa mga Huling Araw at Kumawala sa Bitag ni Satanas"

Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (5) | "Sumailalim sa Paghatol sa mga Huling Araw at Kumawala sa Bitag ni Satanas"

    Sabi sa Biblia, "Sapagka't dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios" (1 Pedro 4:17). Sa mga huling araw, ipinapahayag ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanang nagpapadalisay at nagliligtas sa tao at ipinapakita sa atin ang Kanyang matuwid, dakila at di-masusuway na disposisyon. Hinahatulan ng Diyos ang tao sa mga huling araw para iligtas ang tao at makaalpas sila sa impluwensya ni Satanas at tunay na makabalik sa Diyos. Malinaw na nauunawaan ng lahat ng taong hinirang ng Diyos na tumatanggap sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na katotohanan na ang paglilingkod ng mga pastor at elder sa Diyos ay totoong sumusuway sa Diyos, malinaw na nakikita ang kanilang pagka-ipokrito at pagkamuhi sa katotohanan at sa gayo'y hindi sila nalilito at nakokontrol ng mga pastor at elder at tunay na nakakabalik sa harapan ng Diyos. Sa pakikinig sa mga patotoo ng mga taong hinirang ng Diyos tungkol sa kanilang mga karanasan sa paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo, mauunawaan mo ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw.

Rekomendasyon: 
Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord

28 Nobyembre 2018

Clip ng Pelikulang (3) "Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kumakatawan sa Paniniwala sa Diyos?"

Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (3) | "Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kumakatawan sa Paniniwala sa Diyos?"

    Nanghahawakan ang mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga salita ni Pablo sa Biblia na nagsasabing "Ang lahat ng mga kasulatan [ay] kinasihan ng Dios," na naniniwala na ang Biblia ay puro salita ng Diyos at ginagawa nila ang lahat para purihin at patotohanan ang Biblia, na ipinapantay ang Biblia sa Diyos. Naniniwala sila na ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon at na ang pananalig sa Panginoon ay pananalig sa Biblia. Kaya talaga bang ibinigay ang buong Biblia sa inspirasyon ng Diyos? Ang gawain ba ng Diyos ang nagpasimula sa Biblia, o ang Biblia ang nagpasimula sa gawain ng Diyos? Talaga bang maaaring katawanin ng Biblia ang Panginoon? Gagabayan kayo ng maikling videong ito sa tamang landas.

Rekomendasyon: 
Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord