Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

12 Enero 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos

I
Paghahayag ng Diyos ng poot N'ya'y nangangahulugan
na titigil sa pag-iral lahat ng masasamang puwersa;
nangangahulugan 'to
na lahat na kumakalabang puwersa'y mawawasak.
Pagkakaiba 'to ng matuwid na disposisyon ng Diyos,
at pagkakaiba 'to ng poot ng Diyos.
Kapag hinahamon ang karangalan at kabanalan ng Diyos,
pag makatarungang puwersa'y nahahadlangan,
'di nakikita ng tao,
ipadadala ng Diyos poot N'ya sa panahong ito.
Ipadadala ng Diyos poot N'ya sa panahong ito.
II
Dahil sa diwa ng Diyos,
lahat ng puwersa sa lupa na sumasalungat,
tumututol sa Kanya'y masama, 'di-makatarungan.
Lahat mula kay Satanas, nabibilang kay Satanas.
Dahil Diyos makatarungan, sa liwanag, at banal,
kaya lahat na masasama, tiwali, kabilang kay Satanas,
maglalaho mula rito.
Mangyayari 'to pag pinadala ng Diyos poot Niya.
Mangyayari 'to pag pinadala ng Diyos poot Niya.
III
Lahat masasamang puwersa
matitigil pag pinadala ng Diyos poot N'ya.
Lahat ng salang nakapipinsala sa tao'y matitigil
pag pinadala ng Diyos poot N'ya.
Lahat kalabang puwersa'y makikilala,
mahihiwalay at masusumpa,
mga katulong ni Satanas pinaparusahan,
inaalis pag pinadala ng Diyos poot N'ya.
At tuloy gawain ng Diyos na walang hadlang.
Unti-unting sumusulong plano ng pamamahala
N'ya ayon sa pagtakda N'ya.
Ito'y matapos ipadala ng Diyos ang Kanyang poot.
Malaya mula sa panggugulo't panlilinlang
ni Satanas mga piling tao N'ya.
Tinatamasa ng alagad N'ya tustos N'ya sa dakong payapa.
Ito'y matapos ipadala ng Diyos ang Kanyang poot.
Ito'y matapos ipadala ng Diyos ang Kanyang poot.
IV
Sang sanggalang poot ng Diyos
pinipigilan pagdami't paglaganap masasamang puwersa.
Sang sanggalang poot ng Diyos
pinagtatanggol pag-iral ng lahat
na makatarunga't mabubuting bagay.
Poot ng Diyos sanggalang binabantayan
anong makatuwira't mabuti
mula pagsugpo't mula paghimagsik.

11 Enero 2019

Clip ng Pelikulang (5) "Paano Nagkaroon ng mga Pagkakamali sa Loob ng Biblia?"

Clip ng Pelikulang Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (5) "Paano Nagkaroon ng mga Pagkakamali sa Loob ng Biblia?"

    Maraming naniniwala na ang buong Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na lubos itong nagmumula sa Banal na Espiritu, at na walang mali ni isang salita. Umaayon ba sa mga tunay na pangyayari ang ganitong klaseng pananaw? Ang Biblia ay isinulat ng mahigit 40 awtor, ang mga nilalaman nito ay itinala at isinaayos ng tao, at hindi tuwirang inihayag ng Banal na Espiritu. Mahirap iwasang ipakita ang mga ideya at pagkakamali ng tao kapag tao ang nagtala at nagsaayos nito.

10 Enero 2019

Tagalog Gospel Crosstalk | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means

Tagalog Gospel Crosstalk | Isang Planong "Mangisda" | CCP's Persecution of Christians by Evil Means

    Si Zhou Zhiyong ay isang Kristiyanong inaresto ng pulisyang CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Pagkaraan ng kalahating buwan ng malupit na pagpapahirap na walang ibinunga ang kanilang interogasyon, bigla siyang pinalaya ng gobyernong CCP. Lihim na natuwa si Zhou Zhiyong na makaalis sa masamang lugar na iyon. Pero nang naghahanda na siyang makipagkita sa kanyang mga kapatid, nagkasunud-sunod ang mga kakatwang pangyayari…. Sa huli isang araw ay muli siyang inaresto ng mga pulis at noon lang niya lubos na naunawaan ang katotohanan. Ginamit pala siyang pain ng CCP sa isang napakahabang pisi para hulihin ang malaking isda! Sa tatlong taong sentensya kay Zhou Zhiyong, mas naunawaan niya ang kasamaan ng CCP sa pagkalaban sa Diyos, at natutuhan niya na talagang kamuhian iyon. Nauhaw siya sa katotohanan at mas naghangad pa ng liwanag at nagpasiya: Gaano man kahirap ang daranasin ko, susundan ko ang Diyos hanggang wakas!

09 Enero 2019

Paggising Mula sa Panaginip (2) Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos

Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (2) "Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos"

    Kapag ang mga kasalanan nating mga mananampalataya sa Panginoon ay pinatawad, makakamit ba natin ang paglilinis?  Kung hindi tayo nagsisikap para sa paglilinis, at binibigyang pansin lang ang paggugol sa sarili para sa Panginoon at masigasig na paggawa ng gawain ng Panginoon, madadala ba tayo sa kaharian ng langit?  Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!

Recommended:
Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

08 Enero 2019

Clip ng Pelikulang (4) Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit

Clip ng Pelikulang Paggising Mula sa Panaginip (4) "Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit"

    Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit?  Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

Recommended:
Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

07 Enero 2019

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China | "Isang Kabataang Puno ng Pagdurusa"

    Mula noong naluklok sa kapangyarihan sa kalakhang China noong 1949, ang Chinese Communist Party ay walang humpay sa pag-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Inaresto at pinatay nito ang mga Kristiyano, pinalayas at inabuso ang mga misyonero na nagtatrabaho sa China, kinumpiska at sinira ang di mabilang na mga kopya ng Biblia, ipinasara at winasak ang mga gusali ng simbahan, at walang tigil sa pagtatangkang alisin ang lahat ng mga bahay-iglesia. Ang dokumentaryo na ito ay nagsasalaysay ng totoong kuwento ng pag-uusig na pinagdusahan sa mga kamay ng CCP ng pamilya ng Kristiyanong Chinese na si Christian Lin Haochen. Sinundan ni Lin Haochen ang mga yapak ng kanyang ama at naniwala sa Panginoon, at bilang resulta, habang sinasaksihan ng isang bata ang  mga kadre ng nayon na madalas na pumunta sa kanyang tahanan upang pagbantaan at takutin ang kanyang mga magulang para talikuran ang kanilang pananampalataya at pagsisikap na ipalaganap ang ebanghelyo. Matapos tanggapin ng pamilya ni Lin Haochen ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, mas matinding pag-uusig at pag-aresto ang ginawa sa kanila ng pamahalaan ng CCP.  Ang ina ni Lin Haochen ay nasawi sa karamdaman nang siya ay tumakas, at si Lin Haochen, ang kanyang ama, at ang kanyang nakatatandang kapatid ay napilitang lisanin ang bahay nila, at halos imposible nang makapabalik pa. Ang isang dating masaya at magandang pamilya ay nagkahiwalay at nagkawatak-watak nang dahil sa pagpapahirap ng CCP...

06 Enero 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)

Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi."