Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad
IAng Diyos ay praktikal na Diyos.
Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita,
mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal.
Lahat ng iba pa'y hungkag at hindi tama.
Gagabay sa tao Banal na Espiritu
tungo sa mga salita ng Diyos.
Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong
hanapin, alamin, at maranasan ito.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
II
Siya na mas nakakaalam ng realidad ay kayang makita
kung kaninong mga salita ang totoo,
at mas kaunti ang mga akala.
Mas maraming karanasan,
mas lalong malalaman ng tao ang mga gawain ng Diyos
at iwawaksi ang kanilang mga kasamaan.
Mas marami silang taglay na realidad,
mas makikilala nila ang Diyos,
kamumuhian ang laman at mamahalin ang katotohanan,
mas malapit sa mga pamantayan ng Diyos.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
III
Mamuhay sa liwanag ng Diyos ngayon,
lilinaw ang iyong landas ng pagsasagawa.
Mapapalaya mo ang iyong sarili sa dating gawain
at lumang relihiyosong pag-iisip.
Ngayon ang pansin ay sa realidad.
Kapag mas taglay ito ng tao,
mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan
at pag-unawa sa kalooban ng Diyos.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.