Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

20 Enero 2019

Tagalog Song | "Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Tagalog Song | "Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos"

I
Diyos naging tao dahil pakay ng gawain N'ya
ay 'di espiritu ni Satanas, ni anumang 'di,
'di ng laman, pero ng tao.
Pinasama ni Satanas laman ng tao't
naging pakay ng gawain ng Diyos.
Ang lugar ng kaligtasan ng Diyos ay tao, ay tao.
Ang tao ay isang mortal, tanging laman at dugo,
Diyos lang makapagliligtas sa kanya.
Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao,
upang gawin ang Kanyang gawain,
makamit pinakamagandang resulta.
Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao, dahil tao'y laman,
na 'di kayang daigin ang kasalanan.
Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao, dahil tao'y laman,
na 'di kayang palayain sarili sa pagkaalipin ng laman.
II
Pinasama ni Satanas ang laman ng tao,
na malubhang napinsala at nabulag.
At ang dahilan bakit dumarating ang Diyos,
ang dahilan bakit dumarating Siya sa laman
ay dahil ang tao'y pakay ng Kanyang pagliligtas,
at ginugulo ni Satanas gawain
ng Diyos gamit ang laman,
ng laman ng tao, ng tao.
Kinakalaban ng Diyos si Satanas sa paglupig sa tao,
kasabay ng pagliligtas sa tao.
Sa ganitong paraan ang Diyos Mismo
ay dapat magkatawang-tao,
upang magawa Kanyang gawain,
upang magawa Kanyang gawain.
Si Satanas ay may masamang laman,
nanahan ito sa laman ng tao at dapat siyang talunin ng Diyos.
Upang labanan si Satanas at iligtas ang tao,
Dapat pumarito ang Diyos sa lupa maging tao.
Ito'y tunay na gawain.
III
Pag gumawa ang Diyos sa katawang-tao
talagang lumalaban S'ya kay Satanas.
Ang Kanyang gawain sa mundo
ng espiritu ay nagiging praktikal,
ito ay totoo sa lupa, sa tao.
Ang nilulupig ng Diyos ay ang masuwaying tao,
habang sa tao ang diwa ni ay Satanas natalo,
at sa huli ang nailigtas ay tao, ay tao.
Kinakailangan ng Diyos na maging isang tao
at gumamit ng anyo ng tao,
upang labanan si Satanas at lupigin ang sangkatauhan,
na mapanghimagsik sa Kanyang anyong tao.
Kinakailangan ng Diyos na maging isang tao
at gumamit ng anyong tao,
upang iligtas sangkatauhan na gumagamit
ng parehong panlabas na anyo,
ngunit napinsala ni Satanas, na napinsala ni Satanas.
Ang tao ay kaaway ng Diyos, dapat siyang lupigin ng Diyos.
Ang tao ay pakay ng pagliligtas ng Diyos;
Dapat taglayin ng Diyos katawang-tao, at maging tao.
Sa paraan ito mas mapapadali Kanyang gawain.
Matatalo ng Diyos si Satanas, malulupig ng Diyos ang tao,
maililigtas ng Diyos ang sangkatauhan.

19 Enero 2019

Tagalog Christian Praise Song | "Mahal Ko, Pakihintay Ako" | Praise the Love of God Wholeheartedly

Tagalog Christian Praise Song | "Mahal Ko, Pakihintay Ako" | Praise the Love of God Wholeheartedly

I
Sa ibabaw ng mga puno, umaakyat sa payapang buwan.
Bilang mahal ko, marikit at maganda.
O mahal ko, nasaan Ka?
Ngayon ako'y lumuluha. Naririnig Mo ba akong umiiyak?
Ikaw ang Siyang sa aki'y nagmamahal.
Ikaw ang Siyang sa aki'y kumakalinga.
Ikaw ang Siyang sa aki'y nag-iisip lagi.
Ikaw ang Siyang nagpapahalaga sa aking buhay.
Buwan, balik sa kabilang panig ng papawirin.
Huwag mong paghintayin ang mahal ko nang matagal.
Pakisabi sa Kanya na nangungulila ako sa Kanya.
Huwag kalimutang dalhin ang aking pagmamahal,
dalhin ang aking pagmamahal.
II
Mailap na mga gansang magkakapareha, lumilipad sa malayo.
Dadalhin ba nila pabalik ang wika mula sa aking mahal?
O, pakiusap pahiramin ako ng inyong mga pakpak.
Makalilipad ako pabalik sa aking mainit na sariling bayan.
Susuklian ko ang pag-aalala ng aking minamahal.
Nais kong sabihin sa Kanya: Huwag Kang malungkot!
Ibibigay ko sa Iyo ang sagot na ikinasisiya Mo.
Upang hindi masayang ang Iyong mga pagsisikap.
Gaano ko kanais na ako'y lumaki na agad,
upang lumaya sa buhay na masakit at pagala-gala.
O mahal ko, pakihintay ako.
Lilipad akong palayo sa luho ng mundong ito.
Susuklian ko ang pag-aalala ng aking mahal.
Nais kong sabihin sa Kanya: Huwag Kang malungkot!
Ibibigay ko sa Iyo ang sagot na ikinasisiya Mo.
Upang hindi masayang ang Iyong mga pagsisikap.
Gaano ko kanais na ako’y lumaki na agad.

18 Enero 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX" (Ikatlong Bahagi)

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (III) (Ikatlong Bahagi)"

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang nilkha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse sila, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng mga uri ng mga hayop, mga ibon, mga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga kautusang Kanyang itinatag. Ang lahat ng nilalang ay hindi makalalabas sa mga kautusang ito at hindi sila maaaring labagin. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran maaaring ligtas na makapanatili at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi."

17 Enero 2019

(3) Maaaring Tagumpay na Maputol ng Taos na Pananampalataya sa Diyos ang Adiksyon sa Online Gaming

Clip ng Pelikulang Anak, Umuwi Ka Na! (3/4) | "Maaaring Tagumpay na Maputol ng Taos na Pananampalataya sa Diyos ang Adiksyon sa Online Gaming"

    Nahirapan ang tinedyer na adik sa internet na si Li Xinguang sa kanyang adiksyon sa online games. Nang hindi siya mapatigil ng mga pamamaraang naisip ng tao at wala na silang ibang maisip, taos siyang naniwala sa Diyos, nagdasal siya at nanalig sa Diyos, at nakakita ng paraan para tagumpay na maputol ang kanyang adiksyon sa online gaming.

Recommended:
Christian Full Movie 2018 | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)

16 Enero 2019

Anak, Umuwi Ka Na! (1/4) | "May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming"

Clip ng Pelikulang Anak, Umuwi Ka Na! (1/4) | "May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming"

    Maraming kabataan sa modernong lipunan na nahuhumaling sa online gaming at hindi makalaya rito. Matindi ang epekto nito kapwa sa kanilang kalusugan at sa kanilang pag-aaral. Anuman ang subukang gawin ng mga magulang para mapigil ang kanilang mga anak sa online games, walang saysay ang lahat ng iyon, at naging malaking sakit ng ulo sa maraming pamilya ang pagputol sa adiksyon ng kanilang mga anak sa online gaming. Ang maikling videong ito na, May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming, ay magbibigay-liwanag sa atin.

Recommended:
Christian Full Movie 2018 | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)

14 Enero 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang mga Taong Natamo ng Diyos ay Nagtataglay ng Realidad

I
Ang Diyos ay praktikal na Diyos.
Lahat ng Kanyang gawain, Kanyang bawat salita,
mga katotohanang Kanyang ipinahayag ay praktikal.
Lahat ng iba pa'y hungkag at hindi tama.
Gagabay sa tao Banal na Espiritu
tungo sa mga salita ng Diyos.
Para makapasok sa realidad, kailangan ng taong
hanapin, alamin, at maranasan ito.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
II
Siya na mas nakakaalam ng realidad ay kayang makita
kung kaninong mga salita ang totoo,
at mas kaunti ang mga akala.
Mas maraming karanasan,
mas lalong malalaman ng tao ang mga gawain ng Diyos
at iwawaksi ang kanilang mga kasamaan.
Mas marami silang taglay na realidad,
mas makikilala nila ang Diyos,
kamumuhian ang laman at mamahalin ang katotohanan,
mas malapit sa mga pamantayan ng Diyos.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.
III
Mamuhay sa liwanag ng Diyos ngayon,
lilinaw ang iyong landas ng pagsasagawa.
Mapapalaya mo ang iyong sarili sa dating gawain
at lumang relihiyosong pag-iisip.
Ngayon ang pansin ay sa realidad.
Kapag mas taglay ito ng tao,
mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan
at pag-unawa sa kalooban ng Diyos.
Sila na taglay at alam ang realidad
ay ang mga natamo ng Diyos.
Alam nila ang Kanyang mga gawain
sa pamamagitan ng pagdanas sa realidad.
Mas nakikipagtulungan ka sa Diyos
at lalo mong dinidisiplina ang iyong laman,
lalong gagawa ang Diyos at magliliwanag sa iyo,
at iyong matatamo ang realidad
at malalaman ang mga gawain ng Diyos.

13 Enero 2019

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikatlong Bahagi)

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Ikatlong Bahagi)

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Dahil sa ang Diyos ay walang kasamaan ng sangkatauhan at wala kahit na malayo man tulad ng masamang disposisyon ng tao o ng kakanyahan ni Satanas, mula sa kuru-kurong ito maaari nating masabi na ang Diyos ay banal. Ang Diyos ay walang ibinubunyag na kasamaan, at ang pagbubunyag ng Kanyang sariling kakanyahan sa Kanyang gawain ay lahat pagpapatibay na kinakailangan natin na ang Diyos Mismo ay banal. Nakikita n’yo ba ito ngayon? Na ibig sabihin, upang makilala ang banal na kakanyahan ng Diyos, pansamantalang tingnan natin ang dalawang aspetong ito: 1) Walang masamang disposisyon sa Diyos; 2) ang kakanyahan ng gawain ng Diyos sa tao ay nagpapahintulot sa tao na makita ang sariling kakanyahan ng Diyos at ang kakanyahang ito ay kapwa ganap na positibo at ganap na tunay. Para ano ang mga bagay na bawat pamamaraan ng Diyos ay dinadala sa tao? Lahat sila ay positibong mga bagay, lahat sila'y pag-ibig, lahat katotohanan at lahat realidad."