Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

29 Enero 2019

(Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan

"Nakamamatay na Kamangmangan" (Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan

    Maraming tunay na sumasampalataya sa Panginoon ang nananabik para sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kumilalang lahat na ang mga iyon ang katotohanan, na ang mga iyon ang tinig ng Diyos, at nakahanda sila na hanapin at sinisiyasat ang tunay na daan. Gayunman, may ilan sa kanila na nagdududa tungkol sa gawain ng Diyos at nagnanais na isuko ang kanilang pagsusuri sa tunay na daan dahil sa kaso sa Zhaoyuan Shandong noong Mayo 28, at dahil naniwala sila sa mga kasinungalingan na ipinakalat ng ateistang pamahalaan ng Partido Komunista ng Tsina at ng mga pastor at matatanda sa iglesia ng mundo ng relihiyon. Ang ang tunay na isyu dito? Ang kaso ba sa Shandong Zhaoyuan ay may kaugnayan sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos? Kaninong mga salita ang dapat na pakinggan ng mga Kristiyano sa paghahanap at pagsusuri sa tunay na daan?

Recommended:
Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" | Why Are Foolish Virgins Abandoned?

28 Enero 2019

Ang Himno ng Salita ng Diyos | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

Ang Himno ng Salita ng Diyos | Gaano Kahalaga Ang Pagmamahal ng Diyos sa Tao

I
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
Nakakamangha at kahanga-hanga
Unang naipakita sa Bibliya
Sa istorya ni Adan at Eba
Nakaka-antig at madamdamin
Ang Pag-ibig ng Diyos sa tao
II
Ang umaapaw na pag-ibig ng Diyos malayang ibinigay sa tao.
Inosente at puro, hindi nababagabag,
puno ng biyaya sa buhay.
Alaga siya ng Diyos, at laging sakop ng Kanyang pakpak.
Lahat ng ating salita't gawa,
ay kaugnay ng Diyos at di mai-wawalay.
III
Mula nang unang likhain ang sangkatauhan,
nasa isip ng Diyos, protektahan at laging bantayan
Nais Niyang manalig ang tao sa Kanya (ang tao sa Kanya).
At sundin ang Kanyang Salita,
ito ang inasahan ng Diyos sa Sangkatauhan.
IV
Dala ang pag-asang ito, sinabi ng Diyos:
''Bawat puno sa hardin, Malaya kang kumain,
maliban lang sa puno ng kaalaman ng mabuti't masama (mabuti't masama).
'Pagkat sa araw na kinain mo 'yon,
tiyak kang mamamatay.''
Mga simpleng salita, sumasagisag ng nais Niya,
nagpapakita ng malasakit ng Diyos para sa atin.
V
Sa mga simpleng salita, laman ng puso Niya'y nakita.
May pag-ibig ba? Malasakit at Kalinga?
Ito ay nadarama, pag-ibig Niya at alaga.
Ng taong may konsensya at may pagkatao,
may kasiyahang dala ng Kanyang biyaya.
VI
Dahil sa 'yong nadarama(nadarama), ano ngayon ang tugon mo sa Diyos?
Kakapit ka ba sa Kanya?
Mapitagang pag-ibig lalago sa puso?
At sa Diyos ay mas lalapit pa?
Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos,
ngunit mas mahalaga na dama't unawa ng tao.
Mahalaga ang pag-ibig ng Diyos,
ngunit mas mahalaga na dama't unawa ng tao.

27 Enero 2019

Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?


Tanong 1: Naramdaman ko ang kalungkutan sa ating iglesia nitong mga nakaraang taon. Nawala natin ang pananampalataya at pagmamahal na taglay natin noong simula, at naging mas mahina at mas negatibo. Kahit ang mga nangangaral, hindi alam ang gagawin kung minsan, at hindi alam kung ano ang pag-uusapan. Pakiramdam nami’y nawala namin ang gawain ng Banal na Espiritu. Naghanap din kami sa lahat ng dako ng iglesia na nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu, pero bawat iglesiang makita nami’y kasinglungkot ng sa amin. Bakit napakaraming iglesia ang nagugutom at nalulungkot?

    Sagot: Mahalaga ang tinanong ninyo. Alam nating lahat na nabubuhay tayo sa dulong yugto ng mga huling araw. Iprinopesiya noon ng Panginoong Jesus: “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12). Dumarami ang katampalasanan sa mundo ng relihiyon. Hindi sinusunod ng mga pinuno ng relihiyon ang mga utos ng Panginoon, sinusunod lang nila ang mga tradisyon ng tao. Ipinangangaral lang nila ang kaalaman sa biblia para magyabang at magpatotoo sa kanilang mga sarili. Hindi talaga sila nagpapatotoo sa Diyos o nagpaparangal sa Diyos, at lubos na humiwalay sa daan ng Panginoon, kaya tinatanggihan at inaalis sila ng Diyos. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu. At dahil din sa nagbalik sa katawang-tao ang Panginoong Jesus, at sinimulan ang gawain ng “paghatol simula sa bahay ng Diyos” sa mga huling araw. Tulad ng pagpapahayag ni Cristo ng mga huling araw-Makapangyarihang Diyos sa buong katotohanan ng pagliligtas sa sangkatauhan para dalisayin ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos ng mga huling araw, ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagiging gawain ng Diyos ng mga huling araw. Tatanggapin ng mga tumatanggap sa gawaing paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw ang gawain ng Banal na Espiritu, at tatanggapin ang pagtutustos at pagdidilig ng tubig na buhay. Gagawin ng Diyos na mananagumpay ang mga bumabalik sa harapan ng Kanyang trono, at dadalhin sila alinsunod sa Kanyang kalooban, habang ang mga humihinto sa lugar ng relihiyon, at tumatangging tanggapin ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, ay maiiwan sa madilim na kalungkutan. Pinatutunayan nito ang isang propesiya sa Biblia: “At akin namang pinigil ang ulan sa inyo, nang tatlong buwan na lamang at pagaani na; at aking pinaulan sa isang bayan, at hindi ko pinaulan sa kabilang bayan: isang bahagi ay inulanan, at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo. Sa gayo’y dalawa o tatlong bayan ay nagsigala sa isang bayan upang magsiinom ng tubig, at hindi nangapawi ang uhaw: gayon ma’y hindi kayo nanganumbalik sa akin, sabi ng Panginoon” (Amos 4:7-8). Dito, ang “isang bahagi ay inulanan” ay tumutukoy sa mga iglesiang tumatanggap at sumusunod sa gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Tinanggap nila ang presensiya ng mga salita ng Diyos, at tinamasa ang panustos ng tubig na buhay na dumadaloy mula sa trono. “… at ang bahagi na hindi inulanan ay natuyo.” ay tumutukoy sa mga pastor at elder ng relihiyon na tumatangging isagawa ang mga salita ng Panginoon at sumusuway sa Kanyang mga utos, at tinatanggihan, tinututulan, at kinokondena ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw, na dahilan para tanggihan at isumpa ng Diyos ang mundo ng relihiyon, para ganap na mawala ang gawain ng Banal na Espiritu at paraang makuha ang tubig na buhay, at makulong sa kalungkutan. Parang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, noong naging malungkot ang templo na dati’y puno ng kaluwalhatian ng Jehovah na Diyos, Hindi sinunod ng mga Hudyo ang mga kautusan ng Diyos, nag-alay ng mga hindi nararapat na sakripisyo, at naging lugar ng kalakalan, lungga ng mga magnanakaw ang templo. Bakit nangyari ito? Pangunahin dahil hindi sinunod ng mga Hudyong pinuno ng relihiyon ang mga kautusan ng Jehovah na Diyos, at hindi natakot sa Diyos sa kanilang mga puso. Sinunod nila ang mga tradisyon ng mga tao, pero tinanggihan ang mga utos ng Diyos. Lubos silang lumayo sa daan ng Diyos, Pero isa pang dahilan ay nagkatawang-tao ang Diyos para tubusin ang sangkatauan sa Kapanahunan ng Biyaya. Nagbago na ang gawain ng Diyos. Natanggap ng kahat ng tumanggap sa gawaing mapantubos ng Panginoong Jesus ang gawain ng Banal na Espiritu, at nagkaroon ng bagong paraan para isagawa ang kanilang pananampalataya, pero ang mga tumanggi at tumutol sa gawain ng Panginoong Jesus ay inalis ng gawain ng Diyos, at nahulog sa madilim na kalungkutan. Kung gusto ninyong matanggap ang gawain ng Banal na Espiritu, at makamit ang pagtustos ng tubig na buhay, ang pinakamahalagang bagay na kailangan ninyong gawin ay hanapin at siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Lulutasin nito ang ugat ng problema sa kadiliman sa mga espiritu ninyo at kalungkutan sa iglesia ninyo. Sang-ayon ba kayo?

26 Enero 2019

Tagalog Christian Song | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"

Tagalog Christian Song | "Ang Katotohanan ang Pinakamataas sa Lahat ng Talinghaga ng Buhay"

I
Ang ''Katotohanan'' ay ang pinaka-tunay
sa mga talinghaga ng buhay,
at pinakamataas ito sa buong sangkatauhan.
Tinatawag itong "talinghaga ng buhay",
ito ang hinihingi ng Diyos sa tao
at ginagawa Niyang personal,
hinihingi ng Diyos sa tao at ginagawa Niya nang personal.
Di kasabihang binuod mula sa isang bagay,
ni tanyag na kasabihang mula sa isang dakila.
Ngunit ito'y pagbigkas sa sangkatauhan
mula sa Panginoon ng lahat sa lupa at langit'.
II
Di ilang salitang binuod ng sangkatauhan,
ngunit likas na buhay ng Diyos, ng Diyos Mismo.
Kaya ito'y "pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay."
Ang pagsasagawa sa katotohana ay pagtupad sa tungkulin,
at bigyang kasiyahan ang utos ng Diyos, utos ng Diyos.
Di kasabihang binuod mula sa isang bagay,
ni tanyag na kasabihang mula sa isang dakila.
Ngunit ito'y pagbigkas sa sangkatauhan
mula sa Panginoon ng lahat sa lupa at langit.
III
Ang diwa nitong "utos"
ang pinakatotoo sa lahat ng katotohanan,
at di lang hungkag na doktrinang di matatamo.
Di kasabihang binuod mula sa isang bagay,
ni tanyag na kasabihang mula sa isang dakila.
Ngunit ito'y pagbigkas sa sangkatauhan
mula sa Panginoon ng lahat sa lupa at langit.

25 Enero 2019

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa mga kasiyahan at kalungkutan ng pagkakahiwalay at pagkatapos ay muling nakasama ang tao, hindi kami nakakapagpalitan ng mga saloobin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa ibaba sa lupa, hindi namin magawa ng tao na magtagpo nang palagian. Sino ang nakakalaya mula sa galimgim? Sino ang nakakapigil sa pag-alala sa nakaraan? Sino ang hindi masasabik na umasam sa pagpapatuloy ng masayang damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi umaasa sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nagnanais sa muli Kong pakikiisa sa tao? Malalim ang pagkabagabag ng Aking puso, at matindi ang pag-aalala ng espiritu ng tao. Bagama’t pareho ang aming mga espiritu, hindi kami maaaring magkasama nang madalas, at hindi namin maaaring makita ang isa’t isa nang madalas....Kapag malakas ang kanilang pagmamakaawa, inilalayo Ko ang mukha Ko sa kanila, hindi Ko na kayang saksihan ito; gayunpaman, paanong hindi Ko maririnig ang tunog ng kanilang mga pag-iyak? Itatama Ko ang mga kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Personal Kong gagawin ang Aking gawain sa buong mundo, hindi Ko na hahayaan si Satanas na muling saktan ang Aking bayan, pagbabawalan Ko ang mga kaaway na gawin muli ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking trono doon, payuyukuin Ko ang lahat ng Aking mga kaaway sa lupa at ipakukumpisal ang kanilang mga krimeng nagawa sa Aking harapan. Tatapakan Ko ang buong sansinukob dahil sa magkahalong lungkot at galit Ko, walang isa mang itinitira, at sinisindak ang lahat ng Aking mga kaaway. Wawasakin Ko ang buong lupa, at pababagsakin ang mga kaaway Ko sa mga guhò, upang mula ngayon ay hindi na nila mapápasámâ ang sangkatauhan. Buo na ang Aking plano, at walang sinuman, maging sino man sila, ang maaaring makapagpabago nito. Habang naglilibot Ako sa makaharing parada sa ibabaw ng sansinukob, magagawang bago ang lahat ng mga tao, at mapapasigla ang lahat ng mga bagay. Hindi na iiyak ang tao, at hindi na sila sisigaw sa Akin para tulungan. Sa gayon magagalak ang Aking puso, at babalik ang mga tao upang makipagdiwang sa Akin. Magbubunyi ang buong sansinukob, mula sa itaas hanggang sa ibaba, dahil sa kagalakan …"

24 Enero 2019

Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang Bahagi)

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao."

23 Enero 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)

    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova. Kaya gaano man karami ang gawaing kanilang isinagawa, gaano man kadakila ang mga himalang kanilang ginawa, sila pa rin ay mga nilalang lamang ng Diyos, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos. Sila ay gumawa sa ngalan ng Diyos o matapos ipadala ng Diyos; higit pa rito, sila ay gumawa sa panahong sinimulan ni Jesus o Jehova, at ang gawaing kanilang isinagawa ay hindi magkahiwalay. Sila ay, sa katunayan, mga nilalang lamang ng Diyos."