Isang grupo ng masisigla at kaibig-ibig na mga kabataan ang walang-malay na naglalaro nang itanong nila nang diretsahan, nang hindi nag-iisip, na: "Saan nanggaling ang sangkatauhan?" Alam mo ba ang sagot sa tanong na ito?
"Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-13 Pagganap" - Ang Awtoridad ng Salita ng Diyos (Clip 2/7)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang Aking mga salita ay ang katotohanan, ang buhay, ang daan, at isang tabak na magkabila’y-talim, na makagagapi kay Satanas" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Diyos ay parang espadang magkabila ang talim, na kayang manaig sa lahat ng puwersa ng kasamaan. Naranasan mo na ba ang nakakatakot na kapangyarihan at awtoridad ng mga salita ng Diyos?
"Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-13 Pagganap" - Pagpapanibagong-buhay sa Liwanag (Clip 4/7)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "O, na sa wakas muling nabuhay na sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan!" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Koro ng Ebanghelyong Tsino Ika-13 Pagganap" - Ang Pagpapanibago ng Lahat ng Bagay (Clip 6/7)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "O, na sa wakas muling nabuhay na sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
"Tamis sa Kahirapan" Clip 5 - Bakit inimbento ng Partido Komunista ng Tsina ang Insidente nung 5/28 sa Zhaoyuan?
Pagkatapos ng pampublikong paglilitis sa Insidente ng Zhaoyuan sa Shandong, naintindihan na ng lahat ng mga naguguluhang tao na inimbento lang ang kasong ito ng Partido Komunista ng Tsina para ibunton ang sisi at masira ang reputasyon ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isa lamang iyong inimbentong kaso at maling paggamit ng hustisya. Ano kaya ang masamang motibo ng Partido Komunista ng Tsina sa paggawa nito?
"Tamis sa Kahirapan" Clip 3 - Bakit Hindi Pinahihintulutan ng CCP ang mga Kristiyano na Tahakin ang Tamang Landas ng Buhay?
Walang-awang inuusig at inaatake ng Partido Komunista ng Tsina ang pananampalataya ng relihiyon. Walang pakundangan nilang ikinukulong at pinahihirapan ang mga Krsitiyano. Pinapayagan lamang nila ang mga tao na sumunod sa Partido Komunista. Hindi nila pinapayagan ang mga tao na manalig sa Diyos at sumunod sa Kanya habang tinatahak nila ang tamang landas ng buhay. Ano kaya ang kahihinatnan sa huli ng Partido Komunista ng Tsina? Sa ilalim ng walang-awang pagmamalupit, paghuli at pagpapahirap ng Partido Komunista ng Tsina, hindi pa rin tumigil ang mga Kristiyano sa pananalig sa Diyos, sa pagpapalaganap ng ebanghelyo at sa pagpapatotoo sa Kanya. Ano kaya ang dahilan? Sa video na ito, ilalantad ng napakagandang debate sa pag-itan ng isang Kristiyano at ng mga opisiyal ng Partido Komunista ng Tsina ang dalawang magkaibang landas na ito na nagdadala sa dalawang magkaibang katapusan sa ating mga buhay.