Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan
Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng Diyos. Dahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang gawaing pag-eebanghelyo ay napakahirap na isagawa. Magiging kahanga-hanga sana kung nagpamalas na lamang ang Diyos ng ilang himala at pinarusahan yaong mga huwad na sumasaksi gayundin yaong mga lubhang lumalaban sa Diyos para ipakita sa mga nalinlang. Kung gayon hindi ba’t mas mabilis na maisasagawa ang gawain ng ebanghelyo? Hindi magiging napakahirap para sa atin na ipangaral ang ebanghelyo…. Ito ang dahilan kung bakit dumarating ang pag-asang ito sa aking puso tuwing makakaranas ako ng ganitong uri ng mga suliranin. Nang maglaon, nakakita ako ng nakasulat na mga salaysay na nagpapatotoo sa mga halimbawa ng pagpaparusa at habang nasa pagbabahagi ay nakarinig ng patotoo ng ilan sa mga palatandaan at mga himala ng Diyos, at nakaramdam nang labis na kagalakan ang aking puso. Umasa ako nang husto na gagawa ang Diyos ng ilang bagay sa mga lugar na aking pinagtatrabahuhan nang sa gayon ang mabigat na suliranin ng aming gawaing ebanghelyo ay mas madaling malutas. Ngunit kahit gaano man ako umaasa, hindi ko pa rin nakitang magsagawa ng anumang mga himala dito ang Diyos o magparusa ng mga tao. Nilalabanan pa rin nang husto ng mga taga-sekta ang Diyos, at napakalaki pa rin ng mga suliranin sa gawaing pag-eebanghelyo. Naging negatibo ako tungkol dito: Bakit kaya hindi nagbibigay-daan ang Diyos para sa atin? Hindi kaya kulang pa ang ating pananampalataya?