Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

06 Marso 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Magpapasakop Ako sa mga Pagsasaayos ng Diyos sa Lahat ng Bagay


Tagalog church songs | "Magpapasakop Ako sa mga Pagsasaayos ng Diyos sa Lahat ng Bagay"


I

O Diyos, ipinahahayag Mo ang katotohanan
para iligtas ang sangkatauhan sa mga huling araw.
Narinig ko ang tinig Mo
at nadala sa harap ng Iyong trono.
Ang paghatol at paglilinis Mo,
malinaw kong nakikita ang tunay Mong pag-ibig.
Maglinis at magligtas ang tanging ginagawa Mo.
Kahit na ako ay nagdusa,
nakikita ko ang kagandahang loob Mo.
Pagmamahal at biyaya ang paghatol Mo,
gusto kong sundin Ka
sa lahat ng Iyong mga pagsasaayos.
O Diyos, nauunawaan ko ang kalooban Mo.
Ipagkaloob Mo man ay paghatol,
pagkastigo, o ang Iyong biyaya,
lahat ng ginagawa Mo'y para iligtas ang tao.
O Diyos, lubos Kang kaibig-ibig,
determinado akong sumunod sa Iyo nang tapat.
Anuman ang harapin ko, anuman ang pagdusahan ko,
nabubuhay lamang ako upang matamo ang katotohanan at buhay.

04 Marso 2020

Mga Propesiya sa Biblia Mga Propesiya ng Bibliya Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Hesukristo


Mga Propesiya ng Bibliya Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Hesukristo


Mayroong maraming mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Hesukristo, ngunit marami sa atin ang nakatuon lamang sa mga propesiya ng Panginoon tungkol sa pagdating ng lantad sa mga ulap, at hindi iniintindi ang mga propesiya tungkol sa pagdating ng palihim, tulad ng isang magnanakaw. Dito aming pinagsama-sama ang mga propesiyang ito upang matulungan kang maayos na maintindihan at tukuyin ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon at mahanap ang paraan upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

02 Marso 2020

Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos


Nagkatotoo na ang halos lahat ng propesiyang binanggit sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Naramdaman ng karamihan ng tao na nagbalik na ang Panginoon, kaya paano natin sisiyasatin ito para makatiyak tungkol sa kung ang Makapangyarihang Diyos nga ba ang nagbalik na Panginoong Jesus? Dapat ba tayong gumawa ng paghatol batay sa mga propesiya sa Biblia o dapat ba nating direktang siyasatin ang salita at gawain ng Makapangyarihang Diyos?

29 Pebrero 2020

Sermon Tungkol sa Kaligtasan: Ano ang Kaligtasan


Sermon Tungkol sa Kaligtasan: Ano ang Kaligtasan


Ni Junying

Ang maligtas ng Diyos ay hindi katulad ng pagsagip. Hindi iyon tulong na ibinibigay ng mayaman sa mahirap, hindi iyon pagliligtas ng doktor sa buhay ng isang pasyente, at hindi ito ang mapagmahal na tulong ng isang mabait na tao o mapagkawang-gawang organisasyon. Ang kaligtasan ng Diyos ay inihahanda upang mailigtas ang sangkatauhan at ito ay nag-uumapaw sa dakilang pag-ibig at awa ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang pagtamo nito ay nangangahulugan na nagawa nating matanggap ang kaligtasan ng Diyos, sundin ang Kanyang kasalukuyang mga salita at gawain, isagawa ang mga salita ng Diyos, sumunod sa paraan ng Diyos, gayundin ang gawin ang mga bagay at pakilusin ang ating mga sarili ayon sa Kanyang mga kinakailangan. Ito lamang ang tanging paraan upang matamo natin ang kaligtasan ng Diyos.

25 Pebrero 2020

Ang mga Pangunahing Paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


(1) Ang mga Doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang mga doktrina ng Cristianismo ay nagmumula sa Biblia, at ang mga doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagmumula sa lahat ng katotohanan na ipinahayag ng Diyos simula pa noong panahon ng paglikha, sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ibig sabihin, ang Lumang Tipan, ang Bagong Tipan, at ang Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao—na ipinahayag ng nagbalik na Panginoong Jesus ng mga huling araw, na Makapangyarihang Diyos, ay ang pangunahing paniniwala at ang mga doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Itinatala ng Lumang Tipan ang gawain ng Diyos na Jehova na pag-aatas ng mga batas at mga kautusan at paggabay sa buhay ng tao sa Kapanahunan ng Kautusan; itinatala sa Bagong Tipan ang gawain ng pagtubos na isinagawa ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya; at Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay ang lahat ng mga katotohanan para sa pagdadalisay at kaligtasan ng sangkatauhan na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, na isa ring salaysay ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ang totoong Biblia ay ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos sa tatlong yugto ng gawain, at ang mga pangunahing paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos sa tatlong yugto ng gawain, ibig sabihin, lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos sa tatlong yugtong ito ng gawain. Ang tatlong banal na kasulatan ay ang mga pangunahing paniniwala at ang mga doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

23 Pebrero 2020

Ano ang madala sa langit bago sumapit ang kalamidad? Ano ang isang mananagumpay na ginawang ganap bago sumapit ang kalamidad?


Ano ang madala sa langit bago sumapit ang kalamidad? Ano ang isang mananagumpay na ginawang ganap bago sumapit ang kalamidad?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang “pagiging nadagit” ay hindi ang makuha mula sa isang mababang lugar tungo sa isang mataas na lugar gaya ng iniisip ng mga tao. Ito ay isang malaking pagkakamali. Ang pagiging nadagit ay tumutukoy sa Aking pagtatadhana bago pa man at pagpipili. Ito ay nakatutok sa lahat ng Aking naordinahan bago pa man at pinili. Yaong mga nagkamit ng estado ng pagiging mga panganay na anak, ang estado ng Aking mga anak, o Aking bayan, ay ang lahat ng mga tao na nadagit. Ito ay napaka-hindi-tugma sa mga paniwala ng mga tao. Sinuman na may bahagi sa Aking bahay sa hinaharap ay ang lahat ng tao na nadagit sa harap Ko. Ito ay tunay na tunay, hindi-nagbabago-kaylan-man, at hindi kayang pasubalian ng kahit sino. Ito ang Aking ganting-atake laban kay Satanas. Sino mang Aking naordinahan bago pa man ay madadagit sa harap Ko.

21 Pebrero 2020

Ang Diyos ay nagkatawang-tao na sa China sa mga huling araw; ano ang batayan nito sa mga propesiya sa Biblia at sa mga salita ng Diyos?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagka’t mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil” (Malakias 1:11).

“Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:27).