Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

18 Marso 2020

Ano ang Kahalagahan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus?


Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa.

15 Marso 2020

Paano Hahanapin ang Mga Yapak ng Diyos at Salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon


Paano Hahanapin ang Mga Yapak ng Diyos at Salubungin ang Pagbabalik ng Panginoon


Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, "Dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay."

13 Marso 2020

Alam Mo Ba ang Tunay na Kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay?


Ano Ang Pasko ng Pagkabuhay? Ang Pinagmulan ng Pasko ng Pagkabuhay

Pasko ng Pagkabuhay, o tinatawag din na Linggo ng Pagkabuhay, ay isang pista na nagdiriwang sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus na naganap tatlong araw matapos Siyang ipako sa krus. Ang eksaktong oras na ito ay nataon sa unang Linggo ng kasunod na unang kabilugan ng buwan matapos ang panahon sa tagsibol kung saan magkasinghaba ang umaga at gabi sa bawa’t taon. Upang gunitain ang muling pagkabuhay ni Hesus at upang alalahanin ang kaligtasan at pag-asang dinala ni Hesus sa sangkatauhan, taun-taon mula Marso hanggang Abril, nagsasagawa ng pagdiriwang ang mga Kristiyano sa buong mundo ng araw ng Pasko ng Pagkabuhay. Kaya habang ipinagdiriwang nating mga Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus, alam ba natin kung bakit Siya nagbalik mula sa kamatayan at nagpakita sa tao sa kabila nang natapos na Niya ang gawain ng pagtubos? At ano ang ibig sabihin sa likod ng Kanyang muling pagkabuhay at pagpapakita Niya sa tao?

10 Marso 2020

Mga Sermon at Pagbabahagi: Tanggapin ang Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw Bago ang Sakuna para Madala at Dumalo sa Piging Kasama ang Panginoon


 Ngayon sa mga huling araw, nagpakita ang Diyos at nagsimulang gumawa, ibig sabihin, sinimulan na ng nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw; samakatuwid yaong mga makatatanggap ng gawain ng Makapangyarihang Diyos ang pinakamapapalad. Naririnig ito ng ilang relihiyosong tao at tinatanggihan ito, hindi nila kinikilala ang pahayag na ito, sinasabi nilang: “Ang Panginoong ang totoong Diyos, ang Panginoong Jesus ang Cristo. Hindi tayo kailangang maniwala sa Makapangyarihang Diyos upang makapasok sa kaharian ng langit.” Ganito bang mag-isip ang lahat ng relihiyosong tao? Umaayon ba ito sa mga layon ng Diyos? Hindi sinabi ng Panginoong Jesus kailanman na kung naniniwala kayo sa Kanya ay makakapasok kayo sa kaharian ng langit, hindi Niya sinabi iyon. Hindi Niya sinabi na kung tinatanggap ninyo ang gawaing mapantubos ay patatawarin Niya ang inyong mga kasalanan at papapasukin kayo sa kaharian ng langit.

08 Marso 2020

Paano ba Talaga Darating ang Panginoon


Sa mga huling araw, lalong umiigting ang pakiramdam ng mga Kristiyanong naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, ngunit paano nga ba talaga magbabalik ang Panginoon? Sinasabi ng ilan, "Darating ang Panginoong Jesus kasama ng mga ulap".<!--more--> Sinasabi naman ng iba, "Ang mga propesiyang humuhula sa Kaniyang pagbabalik ay sinasabi ring, "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay, at itakuwil ng lahing ito" (Lucas 17:25). "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw,Narito, ang kasintahang lalake; magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kung darating Siya na kasama ng mga ulap upang makita ng lahat, paano natin  ipaliliwanag ang hiwaga ng pagdating Niya nang palihim, pagdurusa at pagtanggi sa Kaniya, pati na rin ang sinasabi na may mga magpapatotoo tungkol sa Kaniyang pagbalik?" Paano magpapakita sa atin ang Panginoon? Sa nakakatawang "crosstalk" na Paano Ba Talaga Darating ang Panginoon, susubukang alisin ang ating mga duda tungkol sa usaping ito. 


——————————

Ano ang mga palatandaan ng pagbabalik ni Cristo na nakapropesiya sa Bibliya? Paano ang mga ito matutupad? Basahin ang artikulong ito upang mas higit na matuto.

06 Marso 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Magpapasakop Ako sa mga Pagsasaayos ng Diyos sa Lahat ng Bagay


Tagalog church songs | "Magpapasakop Ako sa mga Pagsasaayos ng Diyos sa Lahat ng Bagay"


I

O Diyos, ipinahahayag Mo ang katotohanan
para iligtas ang sangkatauhan sa mga huling araw.
Narinig ko ang tinig Mo
at nadala sa harap ng Iyong trono.
Ang paghatol at paglilinis Mo,
malinaw kong nakikita ang tunay Mong pag-ibig.
Maglinis at magligtas ang tanging ginagawa Mo.
Kahit na ako ay nagdusa,
nakikita ko ang kagandahang loob Mo.
Pagmamahal at biyaya ang paghatol Mo,
gusto kong sundin Ka
sa lahat ng Iyong mga pagsasaayos.
O Diyos, nauunawaan ko ang kalooban Mo.
Ipagkaloob Mo man ay paghatol,
pagkastigo, o ang Iyong biyaya,
lahat ng ginagawa Mo'y para iligtas ang tao.
O Diyos, lubos Kang kaibig-ibig,
determinado akong sumunod sa Iyo nang tapat.
Anuman ang harapin ko, anuman ang pagdusahan ko,
nabubuhay lamang ako upang matamo ang katotohanan at buhay.

04 Marso 2020

Mga Propesiya sa Biblia Mga Propesiya ng Bibliya Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Hesukristo


Mga Propesiya ng Bibliya Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Hesukristo


Mayroong maraming mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Hesukristo, ngunit marami sa atin ang nakatuon lamang sa mga propesiya ng Panginoon tungkol sa pagdating ng lantad sa mga ulap, at hindi iniintindi ang mga propesiya tungkol sa pagdating ng palihim, tulad ng isang magnanakaw. Dito aming pinagsama-sama ang mga propesiyang ito upang matulungan kang maayos na maintindihan at tukuyin ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon at mahanap ang paraan upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.