Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

31 Marso 2020

Ano ang Kalooban ng Diyos sa Likod ng Talinghaga ng Panginoon at Alipin?


Ni Wang Yan, China

Mula noong tayo’y nabautismuhan at bumalik tayo sa Panginoon, madalas nating marinig ang ating mga pastor at nakatatanda na nagsasabing, “Sinabi ni apostol Pablo, ‘Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din naman ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita’ (2 Timoteo 4:7-8). Hangga’t tinatalikuran natin ang lahat, gumagawa, nagdurusa, at ibinibigay ang sarili para sa Panginoon, at nagtitiis hanggang sa dulo; kung gayon, sa Kanyang pagbabalik, tayo ay kokoronahan ng kaluwalhatian, itataas, at papasok sa kaharian ng langit.”

28 Marso 2020

Ano ang tunay na madala sa langit?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

“Isulat mo, Mapapalad ang mga inanyayahan sa paghapon sa kasalan ng Cordero.” (Pahayag 19:9).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. …

…………

Ang Diyos ay walang imik, at hindi kailanman nagpakita sa atin, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi huminto. Binabantayan Niya ang lahat ng lupain, at inuutusan ang lahat ng bagay, at pinagmamasdan ang lahat ng mga salita at gawa ng tao. Ang Kanyang pamamahala ay isinasagawa sa bawat hakbang at alinsunod sa Kanyang plano. Ito ay tahimik na nagpapatuloy, hindi masigabo, ngunit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang upuan sa paghatol ay lumawak hanggang pandaigdigan na kasing-bilis ng kidlat, kasunod nito ang pagpanaog ng Kanyang trono sa ating kalagitnaan. Isang makahari na tanawin yaon, isang marangal at taimtim na larawan. Katulad ng isang kalapati, at katulad ng umaatungal na leon, ang Espiritu at dumating sa ating kalagitnaan. Siya ay matalino, Siya ay matuwid at makahari, Siya ay tahimik na dumarating sa ating kalagitnaan na may angking awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. Walang nakakaalam sa Kanyang pagdating, walang sumasalubong sa Kanyang pagdating, at higit sa lahat, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin. Ang buhay ng tao ay nananatiling hindi nagbabago; gayundin ang kanyang puso, at ang mga araw ay dadaan gaya ng dati. Ang Diyos ay namumuhay sa ating kalagitnaan katulad ng isang karaniwang tao, katulad ng isang hamak na tagasunod at karaniwang mananampalataya. Siya ay may sariling mga gawain, Kanyang sariling mga layunin, at higit sa lahat, Siya ay may pagka-Diyos na wala sa kahit na sinong karaniwang tao. Walang sinuman ang nakapansin sa Kanyang pagka-Diyos, at walang sinuman ang nakaramdam ng kaibahan ng Kanyang diwa at sa kung ano ang sa tao. …

…………

Ngunit ang karaniwang taong ito na nakatago sa mga tao ang siyang gumagawa ng bagong tungkulin ng pagliligtas sa atin. Hindi Niya nililinaw ang anumang bagay para sa atin, hindi rin Niya sinasabi kung bakit Siya dumating. Ginagawa Niya lamang ang mga gawain na kailangan Niyang gawin sa mga hakbang na alinsunod sa Kanyang plano. Ang Kanyang mga salita at mga pagbigkas ay naging mas madalas. Mula sa pag-aliw, pagpapayo, pagpapaalala, at mga babala, hanggang sa pagpapagalit at pagdidisiplina; mula sa tinig na banayad at maawain, hanggang sa mga salitang malupit at makahari—ang mga iyon ay parehong nagtatanim ng awa at pangamba sa tao. Lahat ng Kanyang sinasabi ay palaging tumatama sa mga lihim na nakatago sa ating kaibuturan. Ang Kanyang mga salita ay kumakagat sa ating mga puso, kumakagat sa ating mga kaluluwa, at iniiwan tayong napahiya at naaba. …

Walang tayong kaalam-alam, ang hamak na taong ito ay pinangunahan tayo sa hakbang-hakbang na pagpunta sa gawain ng Diyos. Nagdadaan tayo sa hindi mabilang na mga pagsubok, sumailalim sa napakaraming pagpaparusa, at sinubok ng kamatayan. Natutunan natin ang matuwid at makahari na disposisyon ng Diyos, matamasa, din, ang Kanyang pag-ibig at awa, pahalagahan ang dakilang kapangyarihan at talino ng Diyos, masaksihan ang kagandahan ng Diyos, at mapagmasdan ang Kanyang sabik na pagnanais na iligtas ang tao. Sa mga salita ng karaniwang taong ito, nalalaman natin ang katangian at diwa ng Diyos, at ating naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao, at makita ang paraan ng kaligtasan at pagka-perpekto. Ang Kanyang mga salita ay ang dahilan ng ating kamatayan, at ang dahilan ng ating kapanganakang-muli; Ang Kanyang mga salita ay nagdudulot ng kaginhawahan, gayun pa man ay iniiwan din tayong nililigalig sa pagkakasala at ang pakiramdam ng may pagkakautang; Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay ng kagalakan at kapayapaan, subalit ito’y nagbibigay din ng matinding kirot. Minsan tayo ay parang mga tupang kakatayin sa Kanyang mga kamay; minsan tayo ay Kanyang kinagigiliwan, at ating masayang tinatamasa ang Kanyang pagmamahal at pagsinta; minsan tayo ay parang Kanyang mga kaaway, naging abo dahil sa Kanyang galit sa Kanyang mga mata. Tayo ang sangkatauhan na Kanyang iniligtas, tayo ang mga uod sa Kanyang paningin, at tayo ang mga ligaw na tupa na Kanyang iniisip na hahanapin umaga man o gabi. Siya ay maaawain sa atin, tayo ay Kanyang kinamumuhian, tayo ay Kanyang iniaangat, tayo ay Kanyang inaaliw at pinapayuhan, tayo ay Kanyang ginagabayan, tayo ay Kanyang nililiwanagan, tayo ay Kanyang kinakastigo at dinidisiplina, at tayo rin ay Kanyang isinusumpa. Siya ay nag-aalala para sa atin sa gabi at araw, tayo ay Kanyang pinagtatanggol at pinangangalagaan sa gabi at araw, hindi Siya kailanman lumilisan sa ating tabi, at itinatalaga Niya ang lahat ng Kanyang pangangalaga sa atin at handang magdusa para sa atin. Sa mga salita ng maliit at karaniwang laman, tinamasa natin ang kabuuan ng Diyos, at namasdan ang hantungan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. …

Nagpatuloy ang pagbigkas ng Diyos, at gumamit Siya ng iba’t-ibang paraan at pagtingin upang pagsabihan tayo kung ano ang nararapat gawin at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan sa buhay, at ipinakikita sa atin ang daan kung saan tayo ay maglalakad, at pinahihintulutang ating maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating isip sa himig at paraan kung papaano ang Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang maging mahilig sa tinig ng puso ng di-pansining taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nawawalan ng tulog at gana para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakararanas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkasuwail. Ang ganoong pagkatao at Kanyang mga pag-aari ay higit pa sa karaniwang tao, at hindi kailanman makakamit o matatamo ng sinumang ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi nakamit ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng kahit na sinumang nilikhang tao. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Tayo ay pinahintulutan Niyang mabuhay muli, na makita ang liwanag, at pinigilan ang ating mga puso sa paglihis. Tayo ay nagbalik sa tahanan ng Diyos, tayo ay nagbalik sa harap ng Kanyang trono, tayo ay harap-harapan sa Kanya, nasaksihan natin ang Kanyang mukha, at nakita na ang landas sa hinaharap. Sa panahong iyon, ang puso natin ay lubusang Niyang malulupig; hindi na tayo magdududa kung sino Siya, at hindi na tututulan ang Kanyang gawain at salita, at tayo ay luluhod, nang lubusan, sa Kanyang harapan. Tayo ay nagnanais ng walang anuman maliban sa pagsunod sa mga yapak ng Diyos sa nalalabing bahagi ng ating buhay, at upang tayo ay Kanyang gagawing perpekto, at upang masuklian natin ang Kanyang biyaya, upang masuklian natin ang Kanyang pag-ibig sa atin, at upang sundin ang Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos, at upang makipagtulungan sa Kanyang gawain, at gawin ang lahat ng ating makakaya upang lubusin ang Kanyang mga ipinagkatiwala sa atin.

…………

Tayo ay mga karaniwang kalipunan lang ng tao na nagtataglay ng tiwaling disposisyon ni Satanas, tayo ang mga itinalaga ng Diyos noon, at tayo ang mga nangangailangan na iniangat ng Diyos mula sa tambak ng dumi. Minsan na nating tinanggihan at hinusgahan ang Diyos, ngunit ngayon tayo ay Kanyang nalupig. Tayo ay nakatanggap ng buhay at nakatanggap ng daan ng buhay na walang hanggan mula sa Diyos. Kahit saan man tayo sa lupa, sa kabila ng pag-uusig at kapighatian, hindi tayo maaaring hiwalay sa kaligtasan na mula sa Makapangyarihang Diyos. Dahil Siya ang ating Manlilikha, at ang ating tanging pagtubos!

———————————————————————————

Ano ang rapture? Ira-rapture ba tayo ng Panginoon sa hangin kapag Siya ay bumalik? Sa pamamagitan ng pagsasaliksik, kanya nang naunawaan ang mga kasagutan at na-rapture sa harapan ng Panginoon.

27 Marso 2020

Kapag Dumating ang Panginoon na Kumakatok sa Pintuan, Paano Tayo Sasagot


Xiao Fei

Pagkapasok ko sa paniniwala sa Panginoon, gustong awitin ng mga kapatid ang himnong tinatawag na “Ang Mabuting Tao ay Kumakatok sa Pintuan” na ganito: “Ang mabuting tao ay kumakatok sa pintuan, Ang Kanyang buhok ay basa sa hamog; kaagad tayong bumangon at buksan ang pintuan, at huwag hahayaan ang mabuting tao na tumalikod at umalis. …” Sa bawat pagkakataong inaawit namin ang himnong ito, ang aming mga puso ay lubos na naaantig at napupukaw. Nais naming lahat na hilingin sa mabuting tao na magpalipas ng gabi, kaya pagdating ng mabuting tao at kakatok sa pintuan sasalubungin natin ang Panginoon sa unang pagkakataon na maririnig natin ang tinig ng mabuting tao. Maaaring sabihin na lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay mayroong ganoong pag-asa. Ngunit pagdating ng Panginoon, paano Siya kakatok? Kapag kumatok ang Panginoon, ano ang dapat nating gawin upang matiyak na tinatanggap natin Siya bilang Panginoon? Ito ay isang bagay na dapat pag-isipan ng mga tao na naniniwala sa Panginoon.

25 Marso 2020

Ang mga Salita ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga Disipulo Pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli


Jn 20:26–29 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang Kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. Nang magkagayo’y sinabi Niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang Aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa Aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. Sumagot si Tomas, at sa Kaniya’y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka’t Ako’y nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayunma’y nagsisampalataya.

Jn 21:16–17 Sinabi Niya muli sa kanya sa ikalawang beses, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga Ako? Sinabi niya sa Kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita’y iniibig. Sinabi Niya sa kaniya, Alagaan mo ang Aking mga tupa. Sinabi Niya sa kaniya sa ikatlong beses, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga Ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kaniya’y sinabi nang ikatlong beses, Iniibig mo baga Ako? At sinabi niya sa Kaniya, Panginoon, nalalaman Mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman Mo na kita’y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin Mo ang aking mga tupa.

Ang ikinukuwento ng mga siping ito ay ilang bagay na ginawa at sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang mga disipulo pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli. Una, tingnan natin ang anumang mga pagkakaiba sa pagitan ng bago at pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus. Siya pa rin ba ang dating Panginoong Jesus sa mga nakaraang mga araw? Nilalaman ng kasulatan ang mga sumusunod na linya na inilalarawan ang Panginoong Jesus pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli: “Dumating si Jesus, nang nangapipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.” Masyadong malinaw na ang Panginoong Jesus sa panahong iyon ay hindi na isang laman, ngunit isang espirituwal na katawan. Ito ay dahil nahigitan na Niya ang mga limitasyon ng laman, at nang ang pinto ay isinara makakarating pa rin Siya sa kalagitnaan ng mga tao at hinayaan silang makita Siya. Ito ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Panginoong Jesus pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli at ang Panginoong Jesus na nabubuhay sa katawang-tao bago ang pagkabuhay na mag-uli. Bagamat walang pagkakaiba sa pagitan ng kaanyuan ng espirituwal na katawan sa sandaling iyon at ang kaanyuan ng Panginoong Jesus mula sa dati, si Jesus nang sandaling iyon ay naging isang Jesus na nakadama na parang isang estranghero sa mga tao, sapagkat Siya ay naging espirituwal na katawan pagkatapos mabuhay na mag-uli mula sa mga patay, at kung ihahambing sa Kanyang nagdaang laman, ang espirituwal na katawang ito ay lalong palaisipan at nakalilito para sa mga tao. Lumikha din ito ng higit na agwat sa pagitan ng Panginoong Jesus at ng mga tao, at naramdaman ng mga tao sa kanilang mga puso na ang Panginoong Jesus sa sandaling iyon ay naging higit na misteryoso. Ang mga pagkaunawa at damdaming ito sa bahagi ng mga tao ay biglang nagdala sa kanila pabalik sa isang kapanahunan ng paniniwala sa isang Diyos na hindi maaaring makita o mahawakan. Kaya, ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matiyak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang Siya ay gumagawa pa sa katawang-tao, at Siya ang Cristo na magagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makakabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa “pagkawala” o “paglayo” ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy pasulong, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay.

Yamang Siya ay isang espirituwal na katawan, paano mangyayaring nahahawakan Siya ng mga tao, at nakikita Siya? Ito ay may kinalaman sa kahalagahan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan. Mayroon ba kayong napansing anumang bagay sa mga sipi ng kasulatan? Sa karaniwan ang espirituwal na mga katawan ay hindi maaaring makita o mahawakan, at pagkatapos ng pagkabuhay na mag-uli ang gawain na binalikat ng Panginoong Jesus ay nakumpleto na. Kaya sa teorya, tiyak hindi na Niya kailangang bumalik sa kalagitnaan ng mga tao sa Kanyang orihinal na larawan upang makipagkita sa kanila, ngunit ang pagpapakita ng espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus sa mga tao kagaya ni Tomas ang lalong nagpatatag sa kahalagahan nito, at ito ay tumagos nang mas malalim sa mga puso ng mga tao. Nang Siya ay lumapit kay Tomas, hinayaan Niya ang nagdududang si Tomas na hawakan niya ang Kanyang kamay, at sinabi sa kanya: “At idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa Aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.” Ang mga salitang ito, ang mga pagkilos na ito ay hindi ang mga bagay na gusto lamang sabihin at gawin ng Paginoong Jesus pagkatapos na Siya ay mabuhay na mag-uli, ngunit ang mga bagay na gusto Niyang gawin bago pa man Siya ipinako sa krus. Maliwanag na ang Panginoong Jesus na hindi pa ipinapako sa krus ay mayroon nang pagkaunawa sa mga taong kagaya ni Tomas. Kaya ano ang ating makikita mula rito? Siya pa rin ang dating Panginoong Jesus pagkatapos Niyang mabuhay na mag-uli. Ang Kanyang diwa ay hindi nagbago. Ang mga pagdududa ni Tomas ay hindi lamang nagsimula ngunit taglay na Niya sa buong panahon na siya ay sumusunod sa Panginoong Jesus, ngunit Siya ang Panginoong Jesus na nabuhay na mag-uli sa mga patay at nagbalik mula sa espirituwal na daigdig sa Kanyang orihinal na larawan, sa Kanyang orihinal na disposisyon, at sa Kanyang pagkaunawa sa sangkatauhan mula sa panahon na Siya ay nasa katawang-tao, kaya Siya ay nagpunta upang hanapin muna si Tomas, upang hayaan si Tomas na mahipo ang Kanyang tadyang, upang hayaan siyang makita hindi lamang ang Kanyang espirituwal na katawan pagkatapos mabuhay na mag-uli, ngunit upang hayaan siyang mahipo at maramdaman ang pag-iral ng Kanyang espirituwal na katawan, at tuluyang mapakawalan ang kanyang mga pagdududa. Bago ipinako sa krus ang Panginoong Jesus, si Tomas ay laging nag-aalinlangan na siya ang Cristo, at hindi niya mapapaniwalaan ito. Ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay itinatag lamang sa batayan ng kung ano ang kanyang makikita sa kanyang sariling mga mata, kung ano ang kanyang mahihipo sa kanyang sariling mga kamay. Ang Panginoong Jesus ay may mabuting pagkaunawa sa pananampalataya ng ganitong uri ng tao. Naniniwala lamang sila sa Diyos na nasa langit, at hindi naniniwala nang lubusan, at hindi tatanggapin ang Isa na ipinadala ng Diyos, o ang Cristo na nasa katawang-tao. Nang upang makilala niya at maniwala sa pag-iral ng Panginoong Jesus at na totoo talagang Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, tinulutan Niya si Tomas na iabot ang kanyang kamay at mahawakan ang Kanyang tadyang. Ang pag-aalinlangan ba ni Tomas ay may pinagkaiba bago at pagkatapos ng muling pagkabuhay ng Panginoong Jesus? Siya ay palaging nagdududa, at maliban sa espirituwal na katawan ng Panginoong Jesus na personal na nagpapakita sa kanya at tinutulutan si Tomas na mahipo ang mga bakas ng pinagpakuan sa Kanyang katawan, walang sinuman ang makalulutas sa kanyang mga pag-aalinlangan, at walang sinuman ang makapagpapaalis sa kanya sa mga ito. Kaya, mula sa sandaling tinulutan siya ng Panginoong Jesus na hipuin ang Kanyang tadyang at hayaan siyang tunay na madama ang pag-iral ng mga bakas ng pinagpakuan, naglaho ang pagdududa ni Tomas, at totoong nalaman niya na ang Panginoong Jesus ay nabuhay nang muli at kinilala niya at pinaniwalaan na ang Panginoong Jesus ay ang tunay na Cristo, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Bagamat sa sandaling ito ay hindi na nag-alinlangan si Tomas, nawala niya magpakailanman ang pagkakataon na makipagkita kay Jesus. Nawala niya magpakailanman ang pagkakataon na makasama Siya, na sundan Siya, na makilala Siya. Nawala niya ang pagkakataon para gawin siyang perpekto ni Cristo. Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus at ang Kanyang mga salita ay naglaan ng isang konklusyon, at isang hatol sa kanila na puno ng mga pag-aalinlangan. Ginamit Niya ang Kanyang aktwal na mga salita at mga pagkilos upang sabihan ang mga mapag-alinlangan, upang sabihin sa yaong mga naniniwala lamang sa Diyos sa langit ngunit hindi naniniwala kay Cristo: Hindi pinuri ng Diyos ang kanilang pananampalataya, ni hindi pinuri ang kanilang pagsunod na puno ng mga pag-aalinlangan. Ang araw na lubos silang maniniwala sa Diyos at kay Cristo ay maaaring ang araw lamang na nakumpleto na ng Diyos ang Kanyang dakilang gawain. Mangyari pa, ang araw na yaon ay ang araw din na ang kanilang pag-aalinlangan ay tatanggap ng isang hatol. Ang kanilang saloobin tungo kay Cristo ang nagpasya sa kanilang kapalaran, at ang kanilang sutil na pag-aalinlangan ay nangahulugan na ang kanilang pananampalataya ay hindi nagkamit ng mga resulta, at ang kanilang katigasan ay nangangahulugang ang kanilang pag-asa ay nawalan ng saysay. Sapagkat ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa langit ay bunga ng mga ilusyon, at ang kanilang pagdududa tungo kay Cristo ay ang kanila talagang tunay na saloobin tungo sa Diyos, kahit na hinipo nila ang mga bakas ng pinagpakuan sa katawan ng Panginoong Jesus, ang kanilang pananampalataya ay wala pa ring kabuluhan at ang kanilang kalalabasan ay maaari lamang ilarawan bilang suntok sa hangin—walang saysay. Kung ano ang sinabi ng Panginoong Jesus kay Tomas ay totoong malinaw ding nagsasabi sa bawat isang tao: Ang Panginoong Jesus na nabuhay na muli ay ang Panginoong Jesus na noong una ay gumugol ng tatlumpu’t tatlo at kalahating taon na gumagawa sa gitna ng sangkatauhan. Bagamat Siya ay ipinako sa krus at naranasan ang lambak ng anino ng kamatayan, at naranasan Niya ang mabuhay na mag-uli, ang Kanyang bawat aspeto ay hindi sumailallim sa anumang mga pagbabago. Bagamat mayroon na Siya ngayong mga bakas ng pagkakapako sa Kanyang katawan, at kahit na Siya ay nabuhay na mag-uli at lumabas mula sa libingan, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang pagkaunawa sa sangkatauhan, ang Kanyang mga hangarin tungo sa sangkatauhan ay hindi nagbabago kahit na kaunti. Gayundin, sinasabi Niya sa mga tao na Siya ay bumaba mula sa krus, napagtagumpayan ang kasalanan, napagtagumpayan ang mga pagdurusa, at napagtagumpayan ang kamatayan. Ang mga bakas ng pagkapako ay mga katunayan lamang ng Kanyang pagkapanalo kay Satanas, katunayan ng pagigigng isang handog para sa kasalanan upang matagumpay na matubos ang buong sangkatauhan. Sinasabi Niya sa mga tao na inako na Niya ang mga kasalanan ng sangkatauhan at nakumpleto na Niya ang Kanyang gawain ng pagtubos. Nang Siya ay makabalik upang makita ang Kanyang mga disipulo, sinabi Niya sa kanila sa Kanyang pagpapakita: “Ako ay buhay pa, umiiral pa rin Ako; sa araw na ito ay talagang nakatayo Ako sa inyong harapan nang upang Ako ay inyong maaaring makita at mahipo. Ako ay palaging sasainyo.” Gusto rin ng ating Panginoong Jesus na gamitin ang kaso ni Tomas upang maging isang babala para sa mga tao sa hinaharap: Bagamat ikaw ay naniniwala sa Panginoong Jesus, hindi mo makikita ni mahihipo Siya, ngunit ikaw ay maaaring pagpalain sa iyong tunay na pananampalataya, at magagawa mong makita ang Panginoong Jesus sa pamamagitan ng iyong tunay na pananampalataya; ang ganitong uri ng tao ay pinagpala.

Ang mga salitang ito na naitala sa Biblia na sinalita ng Panginoong Jesus nang Siya ay magpakita kay Tomas ay malaking tulong sa lahat ng tao sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang Kanyang pagpapakita at ang Kanyang mga salita kay Tomas ay mayroong isang malaking epekto sa mga susunod na salinlahi, at taglay nila ang walang hanggang kahalagahan. Si Tomas ay kumakatawan sa isang uri ng tao na naniniwala sa Diyos subalit pinagdududahan ang Diyos. Sila ay likas na mapagduda, mayroong masasamang puso, mga taksil, at hindi naniniwala sa mga bagay na makukumpleto ng Diyos. Hindi sila naniniwala sa kapangyarihang walang hanggan ng Diyos at sa Kanyang pamamahala, at hindi sila naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao. Gayunpaman, ang pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus ay isang sampal sa mukha nila, at nagbigay din ito ng isang pagkakataon sa kanila upang matuklasan ang kanilang sariling pagdududa, upang makilala ang kanilang sariling pagdududa, at upang makilala ang kanilang sariling kataksilan, kaya ito ang tunay na paniniwala sa pag-iral at sa pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesus. Kung ano ang nangyari kay Tomas ay isang babala at isang babala para sa mga susunod na salinlahi nang upang mas maraming tao ang makakapagbabala sa kanilang mga sarili upang huwag maging mapagduda kagaya ni Tomas, at kung sila ay magkagayon, sila ay lulubog sa kadiliman. Kung ikaw ay sumusunod sa Diyos, ngunit gaya lamang ni Tomas, lagi mong nanaisin na mahipo ang tadyang ng Panginoon at madama ang Kanyang mga bakas ng pinagpakuan upang makatiyak, upang mapatunayan, upang manghula kung ang Diyos ba ay umiiral o hindi, pababayaan ka ng Diyos. Kaya, hinihiling ng Panginoong Jesus sa mga tao na huwag maging kagaya ni Tomas, pinaniniwalaan lamang kung ano ang kanilang makikita sa kanilang sariling mga mata, ngunit upang maging isang dalisay, tapat na tao, na huwag magkimkim ng mga pagdududa tungo sa Diyos, ngunit manampalataya lamang at sundin Siya. Ang ganitong uri ng tao ay pinagpala. Ito ay isang napakaliit na kahilingan na mayroon ang Panginoong Jesus para sa mga tao, at isang babala sa Kanyang mga tagasunod.

Yaon ang saloobin ng Panginoong Jesus tungo sa kanila na puno ng pagdududa. Kaya ano ang sinabi ng Panginoong Jesus, at ano ang Kanyang ginawa sa kanila na nagagawang tapat na manampalataya at sumunod sa Kanya? Ito ang ating susunod na titingnan, tungkol sa isang bagay na sinabi ng Panginoong Jesus kay Pedro.

Sa pag-uusap na ito, paulit-ulit na tinanong ng Panginoong Jesus si Pedro ng isang bagay: “Pedro, anak ni Jonas, iniibig mo ba Ako?” Ito ay isang lalong mas mataas na pamantayan na kinakailangan ng Panginoong Jesus mula sa mga taong kagaya ni Pedro pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na mag-uli, na tunay na naniniwala kay Cristo at nagsisikap na ibigin ang Panginoon. Ang tanong na ito ay isang uri ng pagsisiyasat, at isang uri ng pag-uusisa, ngunit higit pa rito, ito ay isang kinakailangan at inaasahan sa mga taong kagaya ni Pedro. Ginamit Niya ang pamamaraang ito ng pagtatanong nang makapagbubulay ang mga tao sa kanilang mga sarili at masisiyasat ang kanilang mga sarili: Ano ang mga kinakailangan ng Panginoong Jesus para sa mga tao? Mahal ko ba ang Panginoon? Isa ba akong tao na umiibig sa Diyos? Paano ko dapat ibigin ang Diyos? Kahit na itinanong lamang ng Panginoong Jesus ang katanungang ito kay Pedro, ang totoo sa Kanyang puso, gusto Niyang gamitin ang pagkakataong ito sa pagtatanong kay Pedro upang itanong ang ganitong uri ng katanungan sa mas maraming tao na naghahangad na ibigin ang Diyos. Biniyayaan lamang si Pedro na kumilos bilang kinatawan ng ganitong uri ng tao, upang tumanggap ng pagtatanong mula sa sariling bibig ng Panginoong Jesus.

Kung ihahambing sa “at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa Aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin,” na sinabi ng Panginoong Jesus kay Tomas pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, ang Kanyang tatlong ulit na pagtatanong kay Pedro: “Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga Ako?” ay nagpapahintulot sa mga tao na madamang mas mabuti ang katigasan ng saloobin ng Panginoong Jesus, at ang pagmamadali na Kanyang nadama sa panahon ng Kanyang pagtatanong. At tungkol sa nagdududang si Tomas sa kanyang mapanlinlang na kalikasan, tinulutan Siya ng Panginoong Jesus na idaiti ang kanyang kamay at hipuin ang Kanyang mga bakas ng pinagpakuan, na nagpahintulot sa kanyang maniwala na ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng tao na muling nabuhay at kilalanin ang pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus bilang Cristo. At bagamat hindi pinagsabihan nang may katigasan ng Panginoong Jesus si Tomas, ni hindi Niya ipinahayag sa salita ang anumang malinaw na paghatol sa kanya, Kanyang ipinabatid na naunawaan Niya siya sa pamamagitan ng mga praktikal na pagkilos, habang ipinakikita din ang Kanyang saloobin patungo at pagpapasiya sa gayong uri ng tao. Ang mga kahilingan at mga inaasahan ng Panginoong Jesus sa gayong uri ng tao ay hindi makikita mula sa kung ano ang Kanyang sinabi. Sapagkat ang mga taong kagaya ni Tomas ay walang diwa ng tunay na pananampalataya. Ang mga kahilingan ng Panginoong Jesus para sa kanila ay nasa ganito lamang, ngunit ang saloobin na Kanyang ibinunyag sa mga taong kagaya ni Pedro ay lubos na naiiba. Hindi Niya hiniling na idaiti ni Pedro ang kanyang kamay at hipuin ang Kanyang mga marka ng pinagpakuan, ni Hindi Niya sinabi kay Pedro: “Huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.” Sa halip, paulit-ulit Niyang itinanong ang kaparehong katanungan kay Pedro. Ito ay isang nakawiwili, makahulugang tanong na hindi lamang makakatulong sa bawat tagasunod ni Cristo na makadama ng pagsisisi, at ng takot, ngunit madadama rin ang balisa, malungkot na kalooban ng Panginoong Jesus. At kapag sila ay nasa matinding kalungkutan at pagdurusa, magagawa nilang mas maunawaan ang pag-aalala ng Panginoong Jesucristo at ang Kanyang pagmamalasakit; kanilang mapagtatanto ang Kanyang taimtim na aral at ang mahigpit na mga pangangailangan ng dalisay, tapat na mga tao. Ang katanungan ng Panginoong Jesus ay nagtutulot sa mga tao na madama na ang mga inaasahan ng Panginoon sa mga tao na nabunyag sa mga simpleng pananalitang ito ay hindi basta na lamang mananampalataya at susunod sa Kanya, subalit matamo ang pagiging iniibig, iibigin ang iyong Panginoon, iibigin ang iyong Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay mapagmalasakit at masunurin. Ito ay ang mga taong nabubuhay para sa Diyos, namamatay para sa Diyos, iniaalay ang lahat sa Diyos, at gumugugol at nagbibigay ng lahat para sa Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay nagbibigay din ng kaaliwan sa Diyos, nagtutulot sa Kanya na matamasa ang sumaksi, at nagtutulot sa Kanya na makapagpahinga. Ito ang ganti ng sangkatauhan sa Diyos, kanilang pananagutan, obligasyon at tungkulin, at ito ay isang paraan na kailangang sundin ng mga tao habang sila ay nabubuhay. Ang tatlong katanungang ito ay isang kahilingan at isang pagpapayo na ginawa ng Panginoong Jesus kay Pedro at sa lahat ng tao na gagawing perpekto. Ang tatlong katanungang ito ang gumabay at nag-udyok kay Pedro na kumpletuhin ang kanyang landas sa buhay, at ang mga tanong sa paghihiwalay ng Panginoong Jesus ang umakay kay Pedro na magsimula sa kanyang landas ng pagiging perpekto, na umakay sa kanya, dahil sa kanyang pag-ibig para sa Panginoon, upang magmalasakit para sa puso ng Panginoon, upang sundin ang Panginoon, upang maghandog ng kaaliwan sa Panginoon, at upang ihandog ang kanyang buong buhay at ang kanyang buong sarili dahil sa pag-ibig na ito.

Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang gawain ng Diyos ay pangunahin para sa dalawang uri ng mga tao. Ang una ay ang uri ng mga tao na sumampalataya at sumunod sa Kanya, na makakapag-ingat sa Kanyang mga utos, na makakapagpasan ng krus at makakapanghawak sa daan ng Kapanahunan ng Biyaya. Makakamit ng ganitong uri ng tao ang pagpapala ng Diyos at matatamasa ang biyaya ng Diyos. Ang ikalawang uri ng tao ay gaya ni Pedro, isang tao na gagawing perpekto. Kaya, pagkatapos na ang Panginoong Jesus ay nabuhay na muli, una Niyang ginawa ang dalawang totoong makahulugan na mga bagay na ito. Ang isa ay kay Tomas, ang isa pa kay Pedro. Ano ang kinakatawan ng dalawang bagay na ito? Kinakatawan ba nila ang tunay na mga hangarin ng Diyos sa pagliligtas sa sangkatuhan? Kinakatawan ba nila ang katapatan ng Diyos tungo sa sangkatauhan? Ang gawain na Kanyang ginawa kay Tomas ay upang balaan ang mga tao na huwag maging mapagduda, ngunit upang maniwala lamang. Ang gawain na Kanyang ginawa kay Pedro ay upang patatagin ang pananampalataya ng mga tao gaya ni Pedro, at upang gumawa ng malinaw na mga kinakailangan sa ganitong uri ng tao, upang ipakita kung anong mga layunin ang dapat nilang hangarin.

Pagkatapos na ang Panginoong Jesus ay mabuhay na muli, nagpakita Siya sa mga tao na iniisip Niyang kinakailangan, nakipag-usap sa kanila, at gumawa ng mga kailangan sa kanila, isinantabi ang Kanyang mga layunin, at ang Kanyang mga inaasahan sa mga tao. Na ang ibig sabihin, bilang Diyos na nagkatawang-tao, hindi na mahalaga kung ito pa ang panahong nasa katawang-tao Siya, o sa espirituwal na katawan pagkatapos mapako sa krus at nabuhay na muli—ang Kanyang malasakit sa sangkatauhan at mga kailangan ukol sa mga tao ay hindi nagbago. Siya ay nag-aalala sa mga disipulong ito bago Siya dalhin sa krus; sa Kanyang puso, malinaw sa Kanya ang ukol sa kalagayan ng bawat isang tao, naunawaan Niya ang pagkukulang ng bawat isang tao, at mangyari pa ang Kanyang pagkaunawa sa bawat isang tao ay pareho din pagkatapos Niyang mamatay, nabuhay na muli, at naging isang espirituwal na katawan gaya nang kung Siya ay nasa katawang-tao. Nalaman Niya na ang mga tao ay hindi nakatiyak nang lubos ukol sa Kanyang pagkakakilanlan bilang Cristo, ngunit sa Kanyang panahong nasa katawang-tao hindi Siya gumawa ng mahigpit na mga kahilingan sa mga tao. Ngunit pagkatapos Niyang mabuhay na muli nagpakita Siya sa kanila, at ginawa Niya silang lubusang nakatitiyak na ang Panginoong Jesus ay nagmula sa Diyos, na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, at ginamit Niya ang katotohanan ng Kanyang pagpapakita at ang Kanyang pagkabuhay na muli bilang pinakadakilang pangitain at pagganyak para sa habambuhay na paghahangad ng sangkatauhan. Ang Kanyang pagkabuhay na muli mula sa kamatayan ay hindi lamang pinatatag yaong lahat na sumunod sa Kanya, ngunit ganap ding pinahintulot na ipatupad ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya sa gitna ng sangkatauhan, at sa gayon ang ebanghelyo ng pagliligtas ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ay unti-unting lumaganap sa bawat sulok ng sangkatauhan. Masasabi mo ba na ang pagpapakita ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang pagkabuhay na muli ay nagkaroon ng anumang kahalagahan? Kung ikaw ay si Tomas o si Pedro sa panahong iyon, at iyong nasagupa ang isang bagay na ito sa iyong buhay na totoong makahulugan, anong uri ng epekto ang ibibigay nito sa iyo? Titingnan mo ba ito bilang pinakamainam at pinakadakilang pangitain sa iyong buhay ng paniniwala sa Diyos? Titingnan mo ba ito bilang isang puwersa na nagtutulak sa iyo sa pagsunod sa Diyos, pagsisikap na mapalugod Siya, at ang paghahangad sa pag-ibig sa Diyos sa iyong buhay? Gugugol ka ba ng isang habambuhay na pagsisikap upang ipalaganap ang pinakadakilang pangitain na ito? Gagawin mo ba ang pagpapalaganap ng pagliligtas ng Panginoong Jesus bilang isang tagubilin na tinatanggap mo mula sa Diyos? Kahit na hindi pa ninyo nararanasan ito, ang dalawang kaso nina Tomas at Pedro ay sapat na para sa makabagong mga tao upang magkaroon ng isang malinaw na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos at sa Diyos. Maaaring sabihin na pagkatapos maging tao ng Diyos, pagkatapos Niyang maranasan ang buhay sa gitna ng sangkatauhan at ang buhay ng tao, at pagkatapos Niyang makita ang kabulukan ng sangkatauhan at ang kalagayan ng buhay ng tao, mas lalong matinding naramdaman ng Diyos sa katawang-tao kung gaano kawalang magawa, kalungkot, at nakahahabag ang sangkatauhan. Nagkaroon ang Diyos ng higit pang pagkahabag para sa kalagayan ng tao dahil sa Kanyang pagkatao habang nabubuhay sa katawang-tao, dahil sa Kanyang likas na ugali sa katawang-tao. Ito ang umakay sa Kanya upang magkaroon ng mas malaking malasakit para sa Kanyang mga tagasunod. Ang mga ito marahil ay mga bagay na hindi ninyo maiintindihan, ngunit mailalarawan Ko ang pangamba at pagmamalasakit ng Diyos na nasa katawang-tao para sa bawat isa sa Kanyang mga tagasunod sa pariralang ito: matinding pagmamalasakit. Kahit na ang terminong ito ay nanggagaling mula sa wika ng tao, at bagamat ito ay isa talagang pantaong paririala, tunay nitong ipinapahayag at inilalarawan ang mga damdamin ng Diyos para sa Kanyang mga tagasunod. Sa matinding malasakit ng Diyos para sa mga tao, sa panahon ng inyong mga karanasan unti-unti ninyo itong madarama at mararanasan. Gayunman, ito ay matatamo lamang sa unti-unting pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos sa batayan ng paghahangad ng isang pagbabago sa inyong sariling disposisyon. Ang pagpapakita ng Panginoong Jesus ay pinatotohanan ang Kanyang matinding pagmamalasakit sa Kanyang mga tagasunod sa pagiging tao at ipinasa sa Kanyang espirituwal na katawan, o maaari ninyong sabihing sa Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang pagpapakita ay nagpahintulot sa mga tao na magkaroon ng isa pang karanasan at pagdama sa malasakit at pangangalaga ng Diyos samantalang pinatutunayan din nang may kapangyarihan na ang Diyos ay ang Isa na nagpapasimula ng isang kapanahunan, na nagpapaunlad sa isang kapanahunan, at Siya ang Isa na nagtatapos sa isang kapanahunan. Sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatatag Niya ang pananampalataya ng lahat ng tao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita pinatunayan Niya sa mundo ang katotohanan na Siya ang Diyos Mismo. Naibigay nito sa Kanyang mga tagasunod ang walang hanggang pagpapatibay, at sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita nakapagsimula rin Siya ng isang yugto ng Kanyang gawain sa bagong kapanahunan.


——————————————————————

Mangyaring basahin ang artikulong ito, alamin ang tungkol sa kahalagahan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, maunawaan ang mabuting hangarin ng Diyos ng pagliligtas sa tao, at madama ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos.




23 Marso 2020

Pagninilay sa Ebanghelyo Ngayon: Ang Katotohanan Tungkol sa Pag-akyat sa Langit


Kagaya ng ibang mga kapatid na Kristiyano, sabik na sabik na ako sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus. Tinatalima natin ang sumusunod na talata sa Biblia: “Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (1 Tesalonica 4:17). Sa dahilang ito, para tayong mangmang na tumitingala sa langit na nasasabik para sa araw ng pagbabalik ni Jesus at dadalhin tayo sa mga ulap upang makasama natin ang Panginoon.

22 Marso 2020

Pamalandong Sa Ebanghelyo: Makakapasok ba ang mga Kristiyano sa Kaharian ng Langit sa Pamamagitan ng Paggawa?


Kumusta mga kapatid sa Espirituwal na Tanong at Sagot,

Kamakailan lamang, isang tanong ang gumugulo sa akin, at nais kong humingi ng mga sagot mula sa inyo: Maraming taon na akong naniniwala sa Panginoon, at palagi akong tumatalikod, gumugugol sa Diyos, at ginagawa ang gawain ng Panginoon, dahil palagi akong naniniwala na kapag naniwala ako sa ganitong paraan, kapag dumating ang Panginoon, hahayaan ako nitong maitaas sa kaharian ng langit. Ngunit kamakailan lamang, nakita ko sa Biblia na sinabi ng Panginoong Hesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:21-23). Nalilito ako dito. Bakit hindi maaaring pumasok sa kaharian ng langit ang mga nagpapakalat ng ebanghelyo, nagpapagaling ng may sakit, at nagpapalayas ng demonyo sa ngalan ng Panginoon? At bakit sinasabi ng Panginoon na sila ang mga gumagawa ng kasamaan? Nangangahulugan ba ito na tayo na nagtatrabaho, tumatalikod at gumugugol sa Diyos ay hindi yaong mga gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit? Ano ang mga pamantayan sa pagpasok sa kaharian ng langit? Umaasa ako na matutulungan ninyo akong malutas ang mga kalituhan ko.

20 Marso 2020

Tanging Yaong Susunod sa Kalooban ng Diyos ang Maaaring Makapasok sa Kaharian ng Langit


Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.