Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

06 Mayo 2020

Ano Ang Kalooban ng Diyos sa Likod ng Talinghaga ng Nawawalang Tupa?


Ni Xiaoqing, Tsina

Tala ng Editor: Naniniwala ako na ang lahat ay pamilyar sa talinghaga ng nawawalang tupa na nasa Bibliya. Ginamit ng Panginoong Jesus ang talinghaga ito upang malinaw na maihayag sa atin ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan at hayaan tayong maramdaman kung gaano ka-tapat ang mithiin ng Diyos na mailigtas ang sangkatauhan. Ngunit mayroon bang nakaka-alam kung ano ang kalooban ng Diyos sa likod ng talinghagang ito? Sa isang pag-aaral ng Bibliya mayroong ilang mga kapatid ang sa wakas ay naka-unawa dito sa pamamagitan ng pakikipagbahagian—atin itong tignan ng magkasama.

04 Mayo 2020

Ang Hiwaga ng “Muling Pagkabuhay ng Isang Patay na Tao”


Li Cheng

Mga kapatid, kapayapaan ay suma inyo! Salamat sa Panginoon para sa Kanyang mga paghahanda na nagpahintulot sa atin na ipabatid dito ang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan. Patnubayan nawa tayo ng Panginoon. Sa araw na ito, nais kong mangusap sa bawat isa tungkol sa paksang “muling pagkabuhay ng isang patay na tao.”

02 Mayo 2020

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa


Batay sa mga kilos at gawa ng inyong buhay, lahat kayo ay kailangan ang araw-araw na pagdaloy ng mga salita upang tustusan at muling punan kayo, dahil kayo ay masyadong nagkukulang, at ang inyong kaalaman at kakayahan upang makatanggap ay masyadong kakaunti. Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kalagayan na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi Ako kailanman nakatagpo ni isa na totoong inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nalipat. Samakatuwid, hindi Ko nais na ibuhos nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ihayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas Ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat ng sumunod sa Akin na makatanggap ng Aking pagliligtas at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa Ako na isang araw, kapag isinara mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi isang walang sigla, malamig na mundo kung saan ang kadiliman ay binabalot ang kalangitan at ang mga alulong ay hindi kailanman magwawakas.

29 Abril 2020

"Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan" (Clip 2/2)


Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.

27 Abril 2020

Dagsa ang Malalaking Sakuna sa Mundo: Kailan Magaganap ang Pagdadala?



Ni Becky, U.S.

Ngayon, mas lalong tumitindi ang malalaking sakuna. Ang balita ay puno ng mga kuwento tungkol sa mga salot, lindol, baha, at tagtuyot. Naisip mo na ba sa sarili mo: Natupad na ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, kaya bakit hindi pa natin nasasalubong ang Panginoon? Kung magpapatuloy ito, kapag dumating ang malaking pagdurusa, mapapahamak din ba tayo? Kailan ba talaga tayo dadalhin ng Panginoon sa kaharian sa langit?

26 Abril 2020

Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit


Yang Qing

Baffled From Reading the Bible

Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.

24 Abril 2020

Pagtanggap sa Ebanghelyo ng Ikalawang Pagdating ng Panginoong Hesus at Pagtitipon sa Harap ng Diyos


Sa Biblia, sabi ni Pablo, "Ako’y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo" (Galacia 1:6). Mali ang interpretasyon ng mga pastor at elder sa mga salitang ito ni Pablo, at tinutuligsa ang lahat ng taong tumatanggap sa ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, na sinasabi na pag-apostasiya at pagtataksil ito sa Panginoon. Sa gayo’y lumalampas sa ilang nananalig ang pagkakataong tanggapin ang Panginoon, dahil nalinlang sila. Malinaw na ang malinaw na pag-unawa sa tunay na kahulugan ng tekstong ito ay napakahalaga sa pagtanggap natin sa pagbalik ng Panginoon. Kaya ano ang tunay na kahulugan ng siping ito ng Kasulatan? Pag-apostasiya ba ang tanggapin ang ebanghelyo ng ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus?