Ni Li Qing, China
Isang umaga, habang ako ay nagdedebosyon, nakita ko ito na nakasulat sa Bibliya: “Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain. Datatuwa’t pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya. Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin sa sabbath. Datapuwa’t sinabi niya sa kanila…Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Dapatuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath” (Mateo 12:1–3, 6–8). Pagkatapos kong basahin ang talatang ito, napaisip ako nang malalim: “Sa Panahon ng Batas, inatasan ni Jehovah ang mga karaniwang tao na ipangilin ang Sabbath. Sa araw ng Sabbath, dapat tumigil sa paggawa ang mga karaniwang tao; kapag hindi sila tumigil, iyan ay isang kasalanan, at kailangan nilang harapin ito. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gampanan ang Kanyang gawain, hindi na Niya ipinangilin ang araw ng Sabbath, sa halip, pinangunahan Niya ang kanyang mga alagad na magtungo sa iba’t ibang lugar upang mangaral ng Ebanghelyo at gumawa. Bakit ganito ito? Anong babala para sa atin ang ipinapakita ng Panginoong Jesus? Pinag-isipan ko ito nang mahabang panahon, nguni’t hindi ko pa rin naunawaan.