Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

20 Mayo 2020

Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan


Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu.

18 Mayo 2020

Ang Landas ng Pananalig sa Diyos Ay ang Landas ng Pag-ibig sa Kanya


Ang Landas ng Pananalig sa Diyos Ay ang Landas ng Pag-ibig sa Kanya


Ang pananalig sa Diyos
ay pagmamahal sa Kanya.
Kung nananalig ka,
dapat mahalin mo Siya.

16 Mayo 2020

Ang madala ay kailangang ibatay sa mga salita ng Diyos at hindi sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao


Ang madala ay kailangang ibatay sa mga salita ng Diyos at hindi sa mga pagkaintindi at imahinasyon ng tao


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9–10).

14 Mayo 2020

Naglalaman Ba ang Bibliya ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan?


Ni Weixiang, Tsina

Isang gabi, Si Kapatid Gao ay nagmamadali, na kapit ang Bibliya at kumakaripas papunta sa bahay ni Kapatid Gui …

Nang makarating siya doon, silang dalawa ay naupo sa sopa.

Binuksan ni Kapatid Gao ang Bibliya at sinabi, “Kapatid Gui, nakatagpo ako ng problema sa aking pagbabasa ng Bibliya at hindi ko alam kung paano malulutas ito. Sa palagay ko ang problemang ito ay susi sa atin na makamit ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ating pananalig sa Panginoon, kaya nagmadali akong pumunta dito upang hanapin ang sagot kasama ka.”

12 Mayo 2020

Ang Panginoong Jesus ay Kumakain ng Tinapay at Ipinaliliwanag ang mga Kasulatan Pagkatapos ng Kanyang Muling Pagkabuhay


 Lu 24:30–32 At nangyari, nang Siya’y nakaupo na kasalo nila sa dulang ng pagkain, ay Kaniyang dinampot ang tinapay at binasbasan; at ito’y pinagputolputol, at ibinigay sa kanila. At nangabuksan ang kanilang mga mata, at Siya’y nakilala nila; at Siya’y nawala sa kanilang mga paningin. At sila-sila’y nangagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo’y kinakausap Niya sa daan, samantalang binubuksan Niya sa atin ang mga kasulatan?

10 Mayo 2020

Andito ang Landas upang maitaboy ang Kasalanan at Pumasok sa Kaharian ng Langit



Andito ang Landas upang maitaboy ang Kasalanan at Pumasok sa Kaharian ng Langit


Maraming mga tao na may pananampalataya sa Panginoon ang naniniwala na sa pagtanggap sa kaligtasan ng Panginoong Jesus, ang ating mga kasalanan ay napatawad na, at tayo ay maaari nang madala sa Kaharian ng Langit kapag Ang Panginoon ay nagbalik muli.

08 Mayo 2020

Anong Babala ang Ibinigay ng Panginoong Jesus sa Atin sa Hindi Pangingilin sa Araw ng Sabbath?


Ni Li Qing, China

Isang umaga, habang ako ay nagdedebosyon, nakita ko ito na nakasulat sa Bibliya: “Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain. Datatuwa’t pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya. Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin sa sabbath. Datapuwa’t sinabi niya sa kanila…Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Dapatuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath” (Mateo 12:1–3, 6–8). Pagkatapos kong basahin ang talatang ito, napaisip ako nang malalim: “Sa Panahon ng Batas, inatasan ni Jehovah ang mga karaniwang tao na ipangilin ang Sabbath. Sa araw ng Sabbath, dapat tumigil sa paggawa ang mga karaniwang tao; kapag hindi sila tumigil, iyan ay isang kasalanan, at kailangan nilang harapin ito. Nang dumating ang Panginoong Jesus upang gampanan ang Kanyang gawain, hindi na Niya ipinangilin ang araw ng Sabbath, sa halip, pinangunahan Niya ang kanyang mga alagad na magtungo sa iba’t ibang lugar upang mangaral ng Ebanghelyo at gumawa. Bakit ganito ito? Anong babala para sa atin ang ipinapakita ng Panginoong Jesus? Pinag-isipan ko ito nang mahabang panahon, nguni’t hindi ko pa rin naunawaan.