Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

29 Mayo 2020

Pag-aaral ng Biblia Magandang Balitang Natanggap sa Pagpupulong ng Pag-aaral ng Biblia (I)


Ni Chengshan, Estados Unidos

Sa kasalukuyan, maraming mga kapatid ang hindi sumusubok na makinig sa mga sermon nang nakababa ang kanilang mga depensa sa takot na maloko ng mga huwad na Kristo. Ngunit ang pagsasara ng ating mga pinto at ang manatiling ganito ay aantalahin lamang ang pag-unlad natin sa buhay, at maaari pang maging dahilan upang mawala sa’tin ang pagkakataon na salubungin ang Panginoon. Maaari pa Niya tayong iwan. Ang totoo, hangga’t nasa atin ang prinsipyo na makilala ang pagkakaiba ng mga huwad na Kristo, awtomatikong hindi nila tayo malilinlang. Matapos dumalo sa mga pagpupulong sa pag-aaral ng Biblia, hindi ko lamang basta naintindihan ang prinsipyo na makilala ang pagkakaiba ng mga huwad na Kristo, ngunit nakakuha rin ako ng magandang balita.

28 Mayo 2020

Paraan Upang Dinggin ng Diyos ang Ating Panalangin sa Araw-araw


Gawa ni Guoshi

Mga kapatid:

Sumainyo ang kapayapaan ng Panginoon! Ngayong araw, ang ating paksa sa pagbabahagi ay “ang tatlong problemang dapat nating lutasin sa panalangin.” Gabayan nawa ng Panginoon ang ating pagbabahagi. Alam nating magkakapatid na ang panalangin ang daan para sa pagtatatag ng isang normal na relasyon sa Diyos. Umaasa tayong lahat na diringgin at tatanggapin ang mga panalangin natin, pero maraming mga kapatid ngayon ang nababagabag sa katotohanang hindi dinirinig o tinatanggap ang kanilang mga panalangin. Kaya, pa’no tayo magdadasal nang naaayon sa kalooban ng Diyos, at ano’ng mga problema ang dapat nating lutasin sa mga panalangin natin para pakinggan ‘yon ng Panginoon?

27 Mayo 2020

Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupa ng Canaan


Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupa ng Canaan


I

Balik sa pamilya ng D'yos, sabik, masaya.

Kamay ko'y tangan ang sinta, puso'y sa Kanya.

Lambak ng Luha ma'y dinaanan, rikit ng D'yos nakita.

Pag-ibig bawa't araw lumalago, D'yos aking galak.

Nagayuma ng ganda ng D'yos, puso'y kapit sa Kanya.

D'yos 'di maibig nang sapat, awiting papuri ay apaw.

26 Mayo 2020

Anong Uri ng mga Tao ang mga Mapagpakumbabang-loob


Sa isa sa aking pang-araw-araw na debosyon, nabasa ko na sinabi ng Panginoong Jesus, “Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit” (Mateo 5:3). Inilapag ko ang Bibliya at nagsimula akong magnilay-nilay dito, “Iniibig at pinagpapala ng Panginoon ang mga mapagpakumbabang-loob, at para sa kanila ang kaharian ng langit. Nguni’t anong uri ng mga tao ang mga mapagpakumbabang-loob? Ang mga mapagpakumbabang-loob ba ay yaong may mababang loob, maamo, at mapagmahal sa iba?” Pinagnilay-nilayan ko ito nang ilang sandali, nguni’t hindi ako naliwanagan, at pinag-isipan ko ito hanggang hapon na nagkataon naman na ako ay may pulong kung saan pwede kong talakayin at saliksikin ang katanungan kasama ang aking mga kapatiran.

23 Mayo 2020

Bakit Mabilis na Sumusulong ang Kidlat ng Silanganan nang may Di-mapigilang Pag-unlad?


Bakit Mabilis na Sumusulong ang Kidlat ng Silanganan nang may Di-mapigilang Pag-unlad?


Mahigit nang 20 taong ginagawa ni Cristo ng mga huling araw ang Kanyang gawain sa mainland China, gawaing lubusang nagpayanig sa iba’t ibang sekta ng relihiyon. Ang pinaka-nakapagtatakang tanong para sa komunidad ng mga relihiyon sa panahong ito ay: Karamihan sa mga pastor at elder sa komunidad ng mga relihiyon ay nagawa na ang lahat para hatulan at atakihin ang Kidlat ng Silanganan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng pagkakalat ng tsismis at paninira sa Kidlat ng Silanganan. Bukod diyan, kinandaduhan pa nila ang kanilang mga iglesia at nakipagkutsaba pa sa pamahalaang CCP na arestuhin at usigin ang mga Kristiyano sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pero habang napapailalim sa nagngangalit na pagtuligsa, pagkalaban, at pag-uusig ng pamahalaang CCP at ng mundo ng mga relihiyoso na gumaganap bilang dalawang bisig ng mga puwersa ni Satanas, bakit parami nang parami ang mga nananalig mula sa iba’t ibang denominasyon at sekta na tumatanggap at sumusunod sa Makapangyarihang Diyos?

22 Mayo 2020

Bumalik Na Nga Talaga ang Panginoon


Ni Reshi, USA

Naniniwala sa Diyos ang buong pamilya ko. Dumadalo ako sa misa kasama ng mama ko mula pa noong bata pa ako at napakaraming pagpapala na ang ibinigay sa amin ng Diyos—punung-puno kami ng pasasalamat sa Kanya at hinihintay din namin ang pagbabalik ng Panginoon. Pero kahit kailan ay hindi ko naisalarawan sa isip ko na kapag talagang bumalik na ang Panginoon upang gumawa at iligtas tayo, hindi ko makikilala ang Kanyang gawa ngunit sa halip ay aasa sa aking aroganteng kalikasan at kakapit sa mga luma kong paniniwala, muntik nang makaligtaan ang kaligtasan ng Panginoon. Sa tuwing iisipin ko ito ay nakakaramdam ako ng pagsisisi sa sarili ngunit nagbubunyi din ako. May awa sa akin ang Panginoong Jesus at sa pamamagitan ng matiyagang pagbabahagi sa akin ng mga kapatid tungkol sa mga bagong salita ng Panginoon ay naintindihan ko ang Kanyang bagong gawain, kaya naman nagawa kong sundan ang Kanyang mga yapak. Nagpapasalamat ako sa pagliligtas ng Diyos sa akin na naging daan upang mahabol ko ang pinakahuling tren para sa Kapanahunan ng Kaharian. Ngayon ay iba’t ibang eksena ng pagtanggap ko sa Panginoon ang naglalaro sa aking isipan….

20 Mayo 2020

Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan


Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu.