Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

06 Hunyo 2020

Puso Ko'y Napukaw ng Paghatol


Anong dapat kong hanapin
sa aking pananampalataya?
Ako ngayon ay namulat.
Dati, naniwala ako sa Panginoon
para lamang sa mga pagpapala.
Tinamasa ko biyaya ng Diyos
nang may kasakiman.
Ngunit puso ko'y napukaw ng paghatol.

05 Hunyo 2020

Ipinako ang Panginoong Jesus bilang alay sa kasalanan para tubusin ang sangkatauhan. Tinanggap na natin ang Panginoon, at nakamit ang kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang biyaya. Bakit kailangan pa nating tanggapin ang gawaing paghatol at pagdadalisay ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?


Sagot: Sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos. Hindi gawaing paghatol ng Diyos sa mga huling araw na iligtas ang sangkatauhan. Ang nakamit ng gawaing pagtubos ay nagsilbi ang Panginoong Jesus ilang alay sa kasalanan para sa ating lahat, at tinubos Niya tayo mula sa mga kamay ni Satanas, pinagsisi tayo sa ating mga kasalanan, at tinanggap ang pagliligtas ng Diyos. Ginawa Niya tayong karapat-dapat na humarap sa Diyos at tamasahin ang biyaya at pagpapala ng Diyos. Iyan ang tunay na kahulugan ng gawain ng pagtubos.

04 Hunyo 2020

Paano magpapakita at gagawa ang Panginoon kapag Siya ay bumalik?


Kaugnay na mga Talata sa Biblia:

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25).

“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

“Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

03 Hunyo 2020

Mga Pagkakaiba ng Daan ng Pagsisisi at Daan ng Walang Hanggang Buhay



Ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay iisang Diyos. Isinasagawa ng Panginoong Jesus ang gawaing pagtubos, ipinangangaral Niya ang daan ng pagsisisi. Isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw ang gawaing paghatol para linisin ang sangkatauahn, dinadala Niya ang daan ng walang hanggang buhay. Ngayon, kung gusto mong malaman ang mga pagkakaiba ng daan ng pagsisisi at daan ng walang buhay, panoon ang maikling video na ito.

02 Hunyo 2020

Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?


Mga kapatid:

Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal. Gayunpaman, palagi naming nadarama na parang ang Diyos ay wala roon; para bang nakikipag-usap lamang kami sa aming mga sarili kapag nananalangin kami, at ang aming espiritu ay hindi nakadadama ng kapayapaan at kagalakan. Bakit hindi nakikinig ang Diyos sa aming mga panalangin? Paano kami dapat manalangin para matanggap namin ang papuri ng Diyos?

01 Hunyo 2020

Ang Unang Prayoridad ng Pananampalataya sa Diyos


Ang Unang Prayoridad ng Pananampalataya sa Diyos


Unawain ang ginagawa ng Diyos,
umayon sa Kanyang salita,
sa pagtindig sa Kanyang panig.
Pananaw mo'y magiging tama. Magiging tama.

31 Mayo 2020

Tunay Bang Pagsunod sa Diyos ang Pagtatrabaho nang Husto, Pagsuko sa mga Bagay at Paggastos sa Diyos?


Tunay Bang Pagsunod sa Diyos ang Pagtatrabaho nang Husto, Pagsuko sa mga Bagay at Paggastos sa Diyos?


Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21).  Ang pangunahing tauhan, si Song Enze, ay naniniwala na ang pagsuko sa mga bagay, paggastos niya sa Diyos, at pagtatrabaho nang husto para sa Panginoon ay pagsunod sa Diyos at paggawa sa Kanyang kalooban; iniisip niya na sa pamamagitan ng paghahanap sa ganitong paraan, tiyak na matatanggap niya ang pagsang-ayon ng Diyos at makapapasok sa kaharian ng langit. Gayunman, nagpahayag ng pagdududa ang mga kapatid niya tungkol dito—paano kung sa tingin ay ginugugol ng isang tao ang kanyang sarili ngunit ang balak pala nito ay makapasok sa kaharian at mapagpala? Hindi ba’t pakikipagtransaksyon iyon sa Diyos? Kung may nagbayad ngunit nababahiran iyon ng mga motibong ito, pagsunod ba iyon sa Diyos? Mahahanap mo ang sagot sa napakagandang sipi na ito mula sa pelukulang Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy.