Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

24 Hunyo 2020

Paano Pumasok sa Tunay na Pagdarasal



Sa pagdarasal kailangan mong pumayapa,
at maging tapat.
Sa Diyos tunay na makipagniig.
'Wag Siyang lokohin sa magandang salita.
Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos.
At sa paligid na inayos para sa 'yo,
sarili'y makikilala mo,
kamumuhian at tatalikdan.
Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos,
at magiging mapagmahal ka,
mapagmahal sa Diyos,
magiging mapagmahal ka sa Diyos.

Narito ang Susi sa Pagsalubong sa Pagbabalik ng Panginoon

Nasa mga huling araw na tayo at maraming tao ang maingat na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Karamihan sa mga kapatid ay binibigyang pansin ang pagdarasal, pagbabasa ng Bibliya, pagtulong sa mga mahihirap, paggawa ng maraming mabubuting bagay, at pagpapalaganap ng ebanghelyo, sapagkat naniniwala sila na hangga’t ginagawa nila ang lahat ng mga bagay na ito, maaari nilang masalubong ang Panginoon.

23 Hunyo 2020

Tanging ang mga Gumagalang sa Diyos ang Masaya


I
Mayroong matuwid na taong nagngangalang Job,
na laging nagpitagan sa Diyos at umiwas sa kasamaan,
gawa niya'y pinuri ng Diyos, naalala ng tao.
Buhay niya'y may kahulugan at may halaga.
Pinagpala siya ng Diyos, ngunit siya ri'y tinukso ni Satanas at sinubok ng Diyos.
Siya'y tumayong saksi para sa Diyos na kinatakutan niya,
marapat siyang tawaging isang matuwid na tao.
Anuman ang naranasan ni Job, masaya ang kanyang buhay, walang kirot.
Masaya si Job hindi lamang dahil pinagpala siya o pinuri ng Diyos,
kundi dahil din sa kanyang hangarin,
dahil sinikap niyang igalang ang Diyos.
Masaya si Job.

22 Hunyo 2020

Sa Sandaling Mamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa


Inaasam mo bang makita si Jesus? Inaasam mo bang mabuhay kasama si Jesus? Inaasam mo bang marinig ang mga salitang sinasambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo naman sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbabalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Nguni’t naisip na ba ninyo ito: Talaga bang makikilala ninyo si Jesus sa pagbabalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang-pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya?

21 Hunyo 2020

Ang mga Palatandaan sa Pagdating ng Panginoon ay Naglilitawan—Ang Pagsalubong sa Panginoon ay ang Pinakakritikal na Bagay


Habang ang salot na lumalaganap sa Pilipinas ay nananatili pa rin, ang unang bagyo,Ambo (Vongfong), ay naglandfall sa Pilipinas nitong Mayo 14, at sumira sa mga puno at gusali sa probinsya ng Silangang Samar.

20 Hunyo 2020

Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?


 Paano Nagkakatotoo ang mga Propesiya tungkol sa Pagbalik ng Panginoong Jesus?"


Maraming tao sa mga relihiyon ang sumusunod sa propesiya na bababa ang Panginoon na nakasakay sa ulap at hinihintay nilang dumating Siya sa gayong paraan para dalhin sila sa kaharian ng langit, pero nakaligtaan nila ang mga propesiya ng Panginoon na paparito Siya nang lihim: "Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw" (Pahayag 16:15). "Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). Kaya paano natupad ang mga propesiyang ito tungkol sa pagbalik ng Panginoon? At paano tayo dapat maging matatalinong birhen na sumasalubong sa pagbalik ng Panginoon?

18 Hunyo 2020

Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos


Maraming tao'ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila'y bulag.