Ⅰ
Sa pagdarasal kailangan mong pumayapa,
at maging tapat.
Sa Diyos tunay na makipagniig.
'Wag Siyang lokohin sa magandang salita.
Puso mo'y tatahimik sa harap ng Diyos.
At sa paligid na inayos para sa 'yo,
sarili'y makikilala mo,
kamumuhian at tatalikdan.
Magiging normal ang relasyon mo sa Diyos,
at magiging mapagmahal ka,
mapagmahal sa Diyos,
magiging mapagmahal ka sa Diyos.