Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

14 Hulyo 2020

"Pagkilala sa Diyos ang Landas tungo sa Pagkakaroon ng Takot sa Diyos at Pag-iwas sa Kasamaan" | Sipi 1




1

Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, gumagabay sa direksyon ng pag-unlad mo, nagtatakda ng tadhana mo, at nagtutustos ng mga pangangailangan mo—sa katapus-tapusan, gaano ang nauunawaan mo at gaano ang totoong pagkakakilala mo tungkol sa Kanya?

13 Hulyo 2020

Naniwala ako sa Panginoon nang mahigit kalahati na ng buhay ko.




Naniwala ako sa Panginoon nang mahigit kalahati na ng buhay ko. Walang pagod akong gumawa para sa Panginoon at inaabangan ang Kanyang ikalawang pagdating. Kung dumating ang Panginoon, bakit hindi ko natanggap ang Kanyang pagbubunyag? Isinantabi ba Niya ako? Litung-lito ako dito. Paano ninyo ito ipapaliwanag?

Sagot: Iniisip ng tao na kung kalahati ng buhay niya ay naniniwala na siya sa Panginoon, gumagawang mabuti para sa Panginoon, at mapagmatyag na naghihintay sa Kanyang ikalawang pagdating, kapag dumating muli ang Panginoon Siya ay magbibigay sa kanila ng pagbubunyag. Ito ang paniwala at imahinasyon ng tao at hindi ito tugma sa katunayan ng gawain ng Diyos. Nilakbay ng mga Fariseong Judio ang lupa at dagat sa pagpapalaganap ng landas ng Diyos. Binigyan ba sila ng Panginoong Jesus ng anumang pagbubunyag nang dumating Siya? Sa mga alagad na sumunod sa Panginoong Jesus, sino sa kanila ang sumunod sa Panginoong Jesus dahil sa nabigyan sila ng pagbubunyag?

12 Hulyo 2020

Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw.



Tanong 1: Ang pangako ng Panginoon ay darating Siyang muli upang dalhin tayo sa kaharian ng langit, pero nagpapatotoo ka na nagkatawang-tao na ang Panginoon para gawin ang paghatol sa mga huling araw. Malinaw ang mga propesiya ng Biblia na ang Panginoon ay bababa nang may kapangyarihan at malaking kaluwalhatian sa mga ulap. Medyo kaiba ito sa pinatotohanan mo, na ang Panginoon ay nagkatawang-tao na at lihim na bumaba sa mga tao.

Sagot: Sinasabi mo na nangako ang Panginoon sa tao na Siya ay muling darating upang dalhin ang tao sa kaharian ng langit, sigurado ito, dahil matapat ang Panginoon, tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako. Pero kailangan muna nating linawin na ang muling pagdating ng Panginoon sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao sa mga huling araw para sa gawain ng paghatol ay may direktang kaugnayan sa kung paano tayo dadalhin sa kaharian ng langit. Kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia, hindi mahirap hanapin ang katibayan nito. Sa ilang talata mula sa Biblia, malinaw na nakapropesiya na ang ikalawang pagdating ng Diyos ay ang pagkakatawang-tao. Halimbawa: “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Lahat ng mga propesiyang ito ay tungkol sa “Anak ng tao” o “dumarating ang Anak ng tao.” Ang katagang “ang Anak ng tao” ay tumutukoy sa Isang isinilang sa tao at may normal na pagkatao.

11 Hulyo 2020

Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan



I
Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel
at inalis ito mula roon,
dala ang mga Israelita't lahat ng tao sa Silangan.
Lahat sila'y inakay ng D'yos sa liwanag
nang sila'y muling magkasama't makisama sa liwanag,
'di na kailangang hanapin,
hanapin ang liwanag.

10 Hulyo 2020

Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos





I
Minsan nasabi ng Diyos ang gayong mga salita:
Ang sinasabi ng Diyos ay maasahan, at ito ay mangyayari,
hindi mababago ng sinuman.
Hindi mahalaga kung itong mga salita ay nasabi na
o sasabihin pa lamang,
lahat ng ito'y matutupad, upang makita ng lahat:
Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng mga salita ng Diyos.
Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos.

08 Hulyo 2020

Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos





I
Diyos naging tao dahil pakay ng gawain N'ya
ay 'di espiritu ni Satanas, ni anumang 'di,
'di ng laman, pero ng tao.
Pinasama ni Satanas laman ng tao't
naging pakay ng gawain ng Diyos.

06 Hulyo 2020

Narinig Mo Na Ba ang "Sinasabi ng Espiritu sa mga Iglesia"?

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "'Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.' Narinig na ba ninyo ngayon ang salita ng Banal na Espiritu? Ang mga salita ng Diyos ay dumarating sa inyo. Naririnig ba ninyo ang mga ito? Ginagawa ng Diyos ang gawain ng salita sa mga huling araw, at ang mga nasabing salita ay yaong sa Banal na Espiritu, dahil ang Diyos ay ang Banal na Espiritu at maaaring maging katawang-tao rin; samakatwid, ang mga salita ng Banal na Espiritu, na binigkas sa nakalipas, ay ang mga salita ng nagkatawang-taong Diyos ngayon.