Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

31 Disyembre 2017

Salita ng Diyos | Ang Landas... (8)

bagay-bagay, Diyos, kabatiran, sari-saring, Jesus



Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (8)




    Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba. Sa tingin Ko rito, ang sari-saring pagpapahayag ng mga tao ay sapat para magamit ng Diyos bilang mga halimbawa, at ang kanilang mga gawaing pang-isipan ay sapat para sa Kanya upang sanggunian. Marahil ito ay isang aspeto kung saan ang sangkatauhan ay nakikipagtulungan sa Diyos, ito ay di-nalalamang pakikipagtulungan ng sangkatauhan sa Diyos, kaya’t ang pagganap na ito na idinirekta ng Diyos ay makulay at parang buhay, napakalinaw. Sinasabi Ko ang mga bagay na ito sa Aking mga kapatirang lalaki at babae bilang ang pangkalahatang direktor ng palabas na ito—maaaring magsalita ang bawa’t isa sa atin sa ating mga iniisip at nararamdaman pagkatapos isagawa ito, at pag-usapan ang tungkol sa kung paano dinaranas ng bawa’t isa sa atin ang ating mga buhay sa loob ng palabas na ito. Maaari din tayong magkaroon ng isang lubos na bagong uri ng talakayan upang buksan ang ating mga puso at magsalita tungkol sa ating sining ng pagganap, tingnan kung paano ginagabayan ng Diyos ang bawa’t indibidwal upang sa susunod na pagganap kaya nating ihayag ang isang mas mataas na antas ng ating sining at bawa’t isa ay gagampanan ang ating sariling papel sa pinakamagaling nating kakayahan, hindi binibigo ang Diyos. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakayang seryosohin ito—walang hindi makakapansin dito dahil ang pagganap nang mabuti sa isang papel ay hindi isang bagay na makakamit sa loob ng isa o dalawang araw. Kinakailangan nito na maranasan natin ang buhay at lumalim sa ating mga tunay na buhay sa mas matagal na panahon, at magkaroon ng praktikal na karanasan sa sari-saring uri ng mga pamumuhay. Doon lamang tayo maaaring umakyat sa tanghalan. Ako ay puno ng pag-asa para sa Aking mga kapatirang lalaki at babae, at Ako ay naniniwala na kayo ay hindi pinanghihinaan ng loob o nawawalan ng pag-asa, at anuman ang gawin ng Diyos, kayo ay tulad ng isang palayok ng apoy—kayo ay hindi kailanman malahininga at kaya ninyong manatili hanggang sa katapusan, hanggang sa ang gawain ng Diyos ay lubos na mabunyag, at hanggang ang palabas na nais ng Diyos na patnugutan ay dumating sa huling konklusyon nito. Wala Akong iba pang mga kinakailangan sa inyo. Ang inaasahan Ko lamang ay makakaya ninyong ipagpatuloy na humawak, na hindi kayo nababahala sa mga kalalabasan, na kayo ay makikipagtulungan sa Akin upang ang gawain na dapat Kong gawin ay magawa nang mabuti, at walang sinumang lumilikha ng mga pag-antala o mga paggambala. Kapag ang bahaging ito ng gawain ay natapos, ibubunyag ng Diyos ang lahat sa inyo. Pagkaraan na ang Aking gawain ay matapos, ihaharap Ko ang inyong bahaging ginampanan sa harap ng Diyos upang magsulit sa Kanya. Hindi ba’t mas mabuti iyan? Tayo ay maaaring magtulungan sa isa’t isa na makamit ang ating sariling mga layunin. Hindi ba’t ito ay isang perpektong solusyon para sa bawa’t isa? Ito ay isang mahirap na panahon na nangangailangan sa inyo na magbayad ng halaga. Sapagka’t Ako ang kasalukuyang direktor, umaasa Ako na wala sa inyo ang naiinis. Ito ang gawain na Aking ginagawa. Marahil ay magkakaroon ng isang araw kung kailan lilipat Ako sa isang mas akmang “sangay ng gawain” at hindi Ko na pinahihirap ang mga bagay-bagay para sa inyo. Ipakikita Ko sa inyo kung anuman ang handa kayong makita, at bibigyan Ko rin kayo ng katuparan kung anuman ang nahahanda kayong marinig. Subali’t hindi ngayon—ito ang gawain para sa ngayon at hindi Ko maaaring malayang rendahan ang inyong mga papel na ginagampanan at hayaan kayong gawin kung anuman ang nais ninyo. Sa paraang iyan, ang Aking gawain ay hindi magiging madaling gawin. Sa totoo lang, iyan ay hindi magbubunga ng anuman at hindi ito magiging kapaki-pakinabang para sa inyo. Kaya ngayon kailangan ninyong “makaranas ng mga kahirapan”, at kapag ang araw ay dumating na ang yugtong ito ng Aking gawain ay natapos na Ako ay magiging malaya. Hindi na Ako magdadala ng gayong kabigat na pasanin, at sasang-ayon Ako sa anumang hingin ninyo mula sa Akin; hangga’t kapaki-pakinabang ito para sa inyong mga buhay tutuparin Ko ang inyong mga kahilingan. Nakuha Ko na ngayon ang isang mabigat na pananagutan. Hindi Ko maaaring salungatin ang mga utos ng Diyos Ama, at hindi Ko maaaring sirain ang mga plano para sa Aking gawain. Hindi Ko maaaring pamahalaan ang Aking pansariling mga alalahanin sa pamamagitan ng Aking pangnegosyong mga alalahanin. Ako ay umaasa na Ako ay nauunawaan ninyong lahat at patatawarin Ako sapagka’t ang lahat ng Aking ginagawa ay ayon sa hangarin ng Diyos Ama. Aking ginagawa anuman ang ipinagagawa Niya sa Akin anuman ang nais Niya, at Ako ay hindi handang pukawin ang Kanyang galit o Kanyang poot. Ginagawa Ko lamang ang dapat Kong gawin. Kaya sa ngalan ng Diyos Ama, ipinapayo Ko sa inyo na magtiis ng kaunti pang panahon. Walang sinuman ang kailangang mag-alala. Pagkaraang matapos Ko ang kailangan Kong gawin, maaari ninyong gawin anuman ang inyong nais at makita anuman ang nais ninyo, nguni’t kailangan Kong tapusin ang gawaing kailangan Ko.
    Sa yugtong ito ng gawain malakas na pananampalataya at dakilang pag-ibig ang kinakailangan sa atin. Maaari tayong matisod mula sa pinakabahagyang kapabayaan dahil ang yugtong ito ng gawain ay kaiba mula sa lahat ng mga sinusundan nito. Ang pineperpekto ng Diyos ay ang pananampalataya ng sangkatauhan—hindi ito maaaring makita o mahipo ninuman. Ang ginagawa ng Diyos ay halinhan ang mga salita sa pananampalataya, sa pag-ibig, at sa buhay. Dapat makarating ang mga tao sa punto kung saan sila ay nakapagtiis ng daan-daang mga pagpipino at nakakapagtaglay ng pananampalatayang mas dakila kaysa kay Job. Kailangan nilang magtiis ng di-masukat na pagdurusa at lahat ng mga uri ng pagpapahirap nang hindi humihiwalay sa Diyos anumang oras. Kapag sila ay masunurin hanggang sa kamatayan, at may dakilang pananampalataya sa Diyos, kung gayon ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay tapos na. Ang gawaing ito ang Aking kinuha, kaya Ako ay umaasa na makakayang unawain ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ang Aking mga paghihirap at wala ng ibang mga pangangailangan sa Akin. Ito ang kinakailangan ng Diyos Ama sa Akin at hindi Ako makatatakas mula sa realidad na ito. Dapat Kong gawin ang gawaing nararapat Kong gawin. Ang inaasahan Ko lamang ay na hindi kayo walang-katuwiran, na kayo ay nakakatamo ng higit na mga kabatiran at hindi tinitingnan ang mga usápín nang masyadong payak. Ang inyong pag-iisip ay masyadong parang-bata, napakawalang-muwang. Ang gawain ng Diyos ay hindi kasing simple ng inyong maaaring naguguni-guni, na ginagawa lamang Niya kung anuman ang nais Niyang gawin. Kung ganyan ang kalagayan ang Kanyang plano ay mawawasak. Hindi ba ninyo masasabi ang ganoon? Ginagawa Ko ang gawain ng Diyos. Hindi lamang Ako gumagawa ng mga di-pangkaraniwang gawain para sa mga tao, ginagawa kung ano ang maisipan Kong gawin at personal na nagsasaayos kung gagawin Ko o hindi ang isang bagay. Hindi ito ganyang kasimple sa ngayon. Ako ay sinugo ng Ama upang gumanap bilang direktor—palagay ba ninyo Ako ang nagsaayos at pumili nito sa Aking Sarili? Laging ginagambala ng pag-iisip ng mga tao ang gawain ng Diyos. Kaya, matapos Akong gumawa sa loob ng isang sakop ng panahon, maraming mga kahilingan mula sa mga tao na hindi Ko nakayang tuparin at nabago ang isipan ng lahat ng mga tao tungkol sa Akin. Dapat kayong maging malinaw tungkol sa mga ideya ninyong ito—hindi Ko na kailangang tukuyin ang bawa’t isa sa mga iyon. Wala Akong magagawa kundi ipaliwanag ang gawaing Aking ginagawa; ang Aking damdamin ay hindi nasasaktan sa mga ito kahit kaunti. Sa sandaling naunawaan na ninyo iyan, maaari ninyo itong makita sa paano mang paraang nais ninyo. Hindi Ako maglalabas ng anumang di-pagsang-ayon dahil ganito kung paano gumawa ang Diyos. Hindi Ako obligadong ipaliwanag ang lahat ng ito. Naparito lamang Ako upang makumpleto ang gawain ng mga salita, gumawa at gumanap ayon sa pagdidirekta ng mga salita. Hindi Ko kailangang magsalita nang marami tungkol sa nalalabi sa mga ito, at hindi Ko kayang gumawa ng anumang iba pa. Naipaliwanag Ko na ang lahat ng dapat Kong sabihin. Anuman ang isipin ninyo tungkol dito ay ayos lamang, at ito ay walang kaso sa Akin. Nguni’t nais Ko pa ring ipaalala sa inyo na ang gawain ng Diyos ay hindi kasing simple ng naguguni-guni ninyo rito. Mas hindi ito nakaayon sa mga paniwala ng mga tao mas malalim ang kabuluhan, at mas nakaayon ito sa mga paniwala ng mga tao, mas kaunti ang kahalagahan nito, at walang tunay na kabuluhan. Pag-isipan ninyo ang mga salitang ito nang maingat—ito lamang bagay na ito ang sasabihin Ko tungkol diyan, at kayo sa inyong mga sarili ay maaaring magsuri sa natitira. Hindi Ako gagawa ng anumang pagpapaliwanag.
    Naguguni-guni ng mga tao na ang Diyos ay gumagawa ng mga bagay-bagay sa isang tiyak na paraan, nguni’t sa nakaraang taóng ito o higit pa, ang nakita ba natin at naranasan sa gawain ng Diyos ay tunay na naaayon sa pantaong mga paniwala? Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa ngayon, walang sinumang tao ang nakatukoy sa mga yugto o mga panuntunan ng gawain ng Diyos. Kung nakaya nila, bakit hindi nakikilala ng mga relihiyosong tagapangunang yaon na ang Diyos ay kasalukuyang gumagawa sa paraang ito? Bakit napakakaunti ang mga tao na nakakaunawa sa realidad ng kasalukuyan? Mula rito ay makikita natin na walang nakakaunawa sa gawain ng Diyos—ang mga tao ay maaari lamang gumawa ng mga bagay-bagay ayon sa paggabay ng Kanyang Espiritu, subali’t hindi sila maaaring basta mahigpit na maglapat ng mga tuntunin sa Kanyang gawain. Kung iyong kukuhanin ang larawan at ang gawain ni Jesus at ikukumpara ito sa kasalukuyang gawain ng Diyos, ito ay gaya lamang ng mga taong Judio na itinataas si Jesus sa ideya ni[a] Jehova. Hindi ba ang pagdurusang ito ay isang kawalan? Kahit si Jesus ay hindi nakaalam kung ano ang magiging gawain ng Diyos sa mga huling araw; ang tanging nalaman Niya ay na ang kailangan Niyang tapusin ay ang gawain ng pagiging napako sa krus, kaya paano malalaman ng iba? Paano nila malalaman kung anong gawain ang gagawin ng Diyos sa hinaharap? Paano bubuksan ng Diyos ang Kanyang plano sa mga tao, na nasakop ni Satanas? Hindi ba iyan ay kahangalan? Ang tinutulutan ng Diyos na malaman mo at maunawaan ay ang Kanyang kalooban. Hindi Niya tinutulutan na pag-isipan mo ang Kanyang panghinaharap na gawain. Ang kailangan lamang nating gawin ay paniwalaan ang Diyos at paggawa ng mga bagay-bagay ayon sa Kanyang paggabay, praktikal na pagtangan sa tunay na mga kahirapan, hindi pinahihirap ang mga bagay-bagay para sa Diyos o nagsasanhi ng kaguluhan para sa Kanya. Dapat lamang tayong sumulong at gawin ang dapat nating gawin—hangga’t nakakapanatili tayo sa loob ng kasalukuyang gawain ng Diyos sapat na iyon! Ito ang landas kung saan kayo ay Aking ginagabayan. Tayo ay dapat magpatuloy sa pagsulong, at hindi pakikitunguhan nang di-nararapat ng Diyos ang isa man sa atin. Sa huling taóng ito ng inyong kagila-gilalas na mga karanasan kayo ay nakatamo ng maraming dakilang mga bagay; Ako ay naniniwala na hindi ninyo ito masyadong didibdibin. Ang landas kung saan kayo ay Aking pinangungunahan ay ang Aking gawain, Aking panánagutan, at ito ay itinalaga ng Diyos matagal nang panahon upang tayo ay maitadhanang makarating sa ganito kaláyò, hanggang sa ngayon—na nakaya nating gawin ito ay ating malaking pagpapala, at kahit na hindi naging madali ang daan, ang ating pagkakaibigan ay walang-hanggan, at ito ay magpapasalin-salin sa mga kapanahunan. Kung ang mga iyon man ay katuwaan at tawanan o kalungkutan at mga luha, lahat ng mga iyon ay bumubuo sa ating magagandang mga alaala! Marahil ay dapat ninyong malaman na wala Akong maraming araw para sa Aking gawain. Napakarami Kong mga proyektong gawain, at hindi Ko kayo masasamahan nang madalas. Ako ay umaasa na mauunawaan ninyo Ako—dahil ang ating orihinal na pagkakaibigan ay pareho pa rin. Marahil isang araw Ako ay muling magpapakita sa harap ninyo, at Ako ay umaasa na hindi ninyo pahihirapin ang mga bagay-bagay para sa Akin. Matapos ang lahat, Ako ay naiiba sa inyo. Naglalakbay Ako sa palibot para sa Aking gawain, at hindi Ko ginugugol ang Aking buhay sa pag-aaksaya ng oras o panahon lamang sa mga hotel. Kung paanuman sa inyo, basta ginagawa Ko ang dapat Kong gawin. Ako ay umaasa na ang mga bagay-bagay na ating pinagsamahan sa nakaraan ay nawa’y maging bulaklak ng ating pagkakaibigan.
    Maaaring masabi na ang landas na ito ay Ako ang nagbukas, at mapait man o matamis, napangunahan Ko ang daan. Na nakaya nating magpatuloy hanggang sa kasalukuyan ay sanhi lahat ng biyaya ng Diyos. Maaaring may mga nagpapasalamat sa Akin, at maaaring may mga dumaraing laban sa Akin, nguni’t wala sa mga iyan ang mahalaga. Ang nais Ko lamang makita ay na makamit kung ano ang dapat makamit sa grupong ito ng mga tao. Ito ay nararapat na ipagdiwang. Kaya, Ako ay walang hinanakit laban sa mga dumaraing laban sa Akin; ang tanging nais Ko ay matapos ang Aking gawain sa pinakamabilis na paraang posible upang ang puso ng Diyos ay makapahinga sa lalong madaling panahon. Sa sandaling iyon wala na Akong dadalhing anumang mabigat na pasanin, at mawawala na ang mga alalahanin sa puso ng Diyos. Kayo ba ay handang makipagtulungan sa isang mas mabuting paraan? Hindi ba’t ang paggawa sa gawain ng Diyos ay mas mabuting layunin para sa ating mga pakikibaka? Tunay na maaaring masabi na tayo ay sumasailalim sa di-mabilang na mga paghihirap at dumanas ng lahat ng mga kagalakan at mga kalungkutan sa loob ng sakop ng panahong ito, at sa pangkalahatan, ang pagganap ng bawa’t isang tao ay naging halos pasado. Marahil sa hinaharap ay mayroong mas nakasisiyang gawain na kinakailangan sa inyo, subali’t huwag mananahan sa mga iniisip tungkol sa Akin; basta gawin ang dapat ninyong gawin. Ang kailangan Kong gawin ay halos naroon na, at Ako ay umaasa na kayo ay magiging tapat sa lahat ng sandali at na kayo ay hindi mangungulila kaugnay sa Aking gawain. Dapat ninyong malaman na naparito lamang Ako upang tapusin ang isang yugto ng gawain, tiyak na hindi para gawin ang buong gawain ng Diyos. Ito ay isang bagay na kailangan ninyong unawain. Huwag magkakaroon ng anumang iba pang mga palagay tungkol dito. Ang gawain ng Diyos ay nangangailangan ng marami pang mga daanan upang matapos; hindi kayo maaaring laging umaasa sa Akin. Marahil ay nakita ninyo matagal na noon na ang Aking ginagawa ay isang bahagi lamang ng gawain; hindi nito kinakatawan si Jehova o si Jesus. Ang gawain ng Diyos ay nahahati sa maraming yugto, kaya huwag maging masyadong mahigpit. Habang Ako ay gumagawa dapat kayong makinig sa Akin. Ang gawain ng Diyos ay naging iba sa bawa’t isang kapanahunan; hindi ito nananatiling pareho, at hindi ito katulad ng parehong lumang awitin na inaawit. Mayroon Siyang gawain na akma sa bawa’t yugto at ito ay nagbabago kasabay ng mga kapanahunan. Kaya yamang ikaw ay naipanganak sa kapanahunang ito, dapat kang kumain at uminom sa mga salita ng Diyos at basahin ang Kanyang mga salita. Ang araw ay maaaring dumating kung kailan ang Aking gawain ay nagbabago at kayo ay dapat na magpatuloy ayon sa nararapat ninyong gawin. Hindi maaaring magkaroon ng mga mali sa gawain ng Diyos. Kung paano man nagbabago ang mundo sa labas, ang Diyos ay hindi maaaring magkamali at ang Kanyang gawain ay hindi maaaring magkamali. Ito ay ganito lamang na kung minsan ang lumang gawain ng Diyos ay lumilipas at ang Kanyang bagong gawain ay nagsisimula; gayunpaman, hindi maaaring masabi na dahil ang bagong gawain ay sumapit ang lumang gawain ay mali.Iyan ay isang kamalian! Ang gawain ng Diyos ay hindi masasabing tama o mali, maaari lamang sabihin na ito ay nauuna o nahuhuli. Ito ang gabay para sa paniniwala ng mga tao sa Diyos at ito ay walang-pasubaling hindi maaaring ipagwalang-bahala.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga talababa:
a.Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “sa ideya ni.”
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Bakit si Pedro lamang ang nakakilala kay Jesus bilang Kristo ?
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Salita ng Diyos | Ang Landas... (7)

pagpapala, Jesus, Diyos, Ang Banal na Espiritu, Panginoong


Mga Salita ng na Makapangyarihang DiyosAng Landas... (7)



    Maaari nating lahat makita sa ating praktikal na mga karanasan na maraming beses na personal nang binuksan ng Diyos ang isang landas para sa atin upang ang lalakaran nating landas ay mas matatag, mas makatotohanan. Ito ay dahil sa ang landas na ito ay yaong binuksan ng Diyos para sa atin mula pa sa simula ng panahonat ipinasa sa ating salinlahi pagkatapos ng sampu-sampung libong taon. Kaya tayo ang hahalili sa ating mga sinundan na hindi nilakaran ang landas hanggang sa katapusan nito; tayo yaong mga pinili ng Diyos para lumakad sa huling bahagi ng daang ito. Kaya, ito ay inihanda lalo na para sa atin, at kaya makatanggap man tayo ng mga pagpapala o magdanas ng kasawian, wala ng iba pa ang makalalakad sa landas na ito. Idadagdag Ko ang Aking kabatiran dito: Huwag gumawa ng anumang mga plano upang tumakas sa anumang ibang dako o naghahanap ng ibang daanan, nananabik para sa katayuan, o ang pagtatatag ng iyong sariling kaharian; ang lahat ng mga ito ay ilusyon. Kung mayroon kang ilang pagkiling tungo sa mga salitang ito, pinapayuhan kita na huwag malito. Pinakamainam na iyong pag-isipan ito, huwag mong subuking masyadong maging matalino o mabibigong makilala ang tama at mali. Kapag ang plano ng Diyos ay naisakatuparan, pagsisisihan mo iyon. Na ang ibig sabihin, kapag ang kaharian ng Diyos ay dumating dudurugin Niya ang mga bansa sa lupa, at sa panahong iyon makikita mo na ang iyong sariling mga plano ay nawawasak din at yaong mga kinastigo ay yaong mga dinurog. At sa panahong iyong ay ganap nang mabubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon. Iniisip Ko na dapat Kong sabihin sa iyo ang tungkol dito yamang alam Kong mabuti ang ukol sa bagay na ito upang sa hinaharap ay hindi ka magrereklamo tungkol sa Akin. Na nagagawa nating lakaran ang landas na ito hanggang sa kasalukuyan ay itinalaga ng Diyos, kaya huwag mong iisipin na ikaw ay katangi-tangi o na ikaw ay hindi mapalad—walang sinuman ang maaring gumawa ng mga paggiit na may kinalaman sa kasalukuyang gawain ng Diyos upang hindi magkadurog-durog. Ang liwanag ay dumating sa Akin sa pamamagitan ng gawain ng Diyos, at maging anuman, gagawing ganap ng Diyos ang grupo ng mga taong ito at ang Kanyang gawain ay hindi kailanman mababago—dadalhin Niya ang mga taong ito hanggang sa dulo ng daan at tatapusin ang Kanyang gawain sa lupa. Ito ay isang bagay na dapat nating maunawaang lahat. Ang karamihan sa mga tao ay madalas nakatingin sa hinaharap at walang kabusugan; lahat sila ay walang pagkaunawa ukol sa kasalukuyang nababalisang layunin ng Diyos, kaya lahat sila ay mayroong mga saloobin ng pagtakas. Palagi nilang gustong lumabas sa ilang upang maglibot na parang isang kabayong ligaw na itinapon ang mga renda nito, ngunit madalang na magkaroon ng mga tao na gustong manahan sa mainam na lupain ng Canaan upang hanapin ang paraan ng pamumuhay ng tao—nang sila ay makapasok sa lupa na sagana sa gatas at sa pulut-pukyutan, hindi ba sila mag-iisip lamang ng pagtatamasa nito? Sa totoo lang, sa labas ng mainam na lupain ng Canaan saanmang dako ay ilang. Kahit na ang mga tao ay pumasok sa dako ng kapahingahan hindi pa rin nila makayang mapanindigan ang kanilang tungkulin; hindi lamang ba sila mga masasamang babae? Kung nawala mo ang pagkakataon para gawin kang perpekto ng Diyos sa gayong kapaligiran, ito ay isang bagay na pagsisisihan mo sa nalalabi mong mga araw; madarama mo ang hindi masukat na pagsisisi. Magtatapos ka tulad ni Moises na tumingin lamang sa lupain ng Canaan ngunit hindi niya ito nagawang tamasahin, nagtitikom ng walang laman na kamao at namamatay na puno ng pagsisisi—hindi mo ba naiisip na yaon ay isang bagay na kahiya-hiya? Hindi mo ba naiisip na ang hamakin ng iba ay isang nakakahiyang bagay? Nakahanda ka bang hiyain ng iba? Hindi mo ba taglay ang puso na nagsisikap gumawa nang mabuti para sa iyong sarili? Hindi ka ba nakahanda na maging isang kapita-pitagan at kagalang-galang na tao na ginagawang perpekto ng Diyos? Ikaw ba talaga ay isang tao na kulang sa anumang resolusyon? Hindi ka nakahandang tahakin ang ibang mga landas ngunit hindi ka rin nakahandang tahakin ang landas na itinalaga ng Diyos para sa iyo? Nangangahas ka bang salungatin ang kalooban ng Langit? Kahit gaano man kadakila ang iyong kakayahan, makakaya mo ba talagang magkasala sa Langit? Ako ay naniniwala na pinakamainam sa atin na kilalaning mabuti ang ating mga sarili—isang maliit na piraso lamang ng salita ng Diyos ay makapagbabago ng langit at lupa, kaya ano ang isang maliit na payatot na tao sa mga mata ng Diyos?

30 Disyembre 2017

Salita ng Diyos | Ang Landas... (6)

B203-路……(六)-ZB201710-TL-min.jpg


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (6)




    Dahil sa gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan. Nguni’t sa pangkalahatan, ang grupo nating ito ay naitalaga ng Diyos, at Ako ay patuloy na naniniwala na ang Diyos ay may ibang gawain sa atin. Nawa tayong lahat ay magsumamo sa Langit na: “Nawa ang Iyong kalooban ay matupad at nawa Ikaw ay minsan pang magpakita sa amin at huwag takpan ang Iyong Sarili upang makita namin ang Iyong kaluwalhatian at ang Iyong mukha nang mas malinaw.” Lagi Kong nadarama na ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi tumatakbo nang tuwid, kundi ito ay isang paliku-likong daan na punô ng mga lubák, at sinasabi ng Diyos na habang mas mabátó ang landas mas maibubunyag nito ang ating puso ng pag-ibig, nguni’t walang isa man sa atin ang makapagbubukas ng ganitong uri ng landas. Sa Aking karanasan, Ako ay nakalakad sa maraming mabátó at mapanganib na mga landas at Ako ay nakapagtiis ng matinding pagdurusa; may mga sandali na Ako ay lubos na nagdalamhati hanggang sa punto na parang gusto kong umiyak nang malakas, nguni’t nakalakad Ako sa landas na ito hanggang sa araw na ito. Ako ay naniniwala na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya Aking tinitiis ang paghihirap sa lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong dahil ito ang naitalaga ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lamang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi Ako naghahanap na gayahin ang iba o lumakad sa landas na kanilang nilalakaran—ang hinahanap Ko lamang ay matupad Ko ang Aking panata na lumakad sa Aking itinakdang landas hanggang sa katapusan. Hindi Ko hinihingi ang tulong ng iba; sa prangkahan, hindi Ko rin matutulungan ang sinuman. Ako ay tila labis na napakaselan sa bagay na ito. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ito ay dahil lagi Akong naniniwala na gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman. Marahil ang ilan sa ating maiinit na mga kapatirang lalaki at babae ay magsasabi na Ako ay walang pag-ibig. Nguni’t ito lamang ang Aking paniniwala. Ang mga tao ay lumalakad sa kanilang mga landas na nananalig sa paggabay ng Diyos, at Ako ay naniniwala na karamihan sa Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mauunawaan ang Aking puso. Umaasa rin Ako na pinagkakalooban tayo ng Diyos ng napakatinding pagliliwanag sa aspetong ito upang ang ating pag-ibig ay magiging mas dalisay at ang ating pagkakaibigan ay magiging mas mahalaga. Nawa ay hindi tayo malító sa paksang ito, kundi maging mas malinaw upang ang mga pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao ay maitatag batay sa pangunguna ng Diyos.
    Ang Diyos ay nakagawa sa kalakhang-lupain ng Tsina sa loob ng ilang mga taon, at Siya ay nagbayad ng malaking halaga sa lahat ng mga tao upang sa kahulihulihan ay madala tayo sa kung nasaan tayo ngayon. Palagay Ko upang magabayan ang bawa’t isa tungo sa tamang landas, ang gawaing ito ay dapat na magsimula kung saan ang bawa’t isa ay pinakamahina—sa paraang ito lamang na ang unang balakid ay mapagtatagumpayan upang ito ay magpatuloy na sumulong. Hindi ba mas mabuti iyan? Ang sambayanang Tsino na naging tiwali sa loob ng libu-libong mga taon ay nagpatuloy na sumulong hanggang ngayon. Ang lahat ng mga uri ng mga mikrobyo ay patuloy na lumalawak at kumakalat sa bawa’t dako gaya ng salot; sa pagtingin lamang sa mga kaugnayan ng mga tao ay sapat upang makita kung ilang mga mikrobyo ang nasa mga tao. Sukdulang napakahirap para sa Diyos na paunlarin ang Kanyang gawain sa gayong mahigpit-ang-pagkakasara at puno-ng-mikrobyong dako. Ang mga pagkatao ng mga tao, mga kaugalian, paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, lahat ng inihahayag nila sa kanilang mga buhay at kanilang mga pansariling pakikipag-ugnayan sa iba ay di-kapanipaniwalang sirang lahat at kahit ang kanilang kaalaman at kanilang mga kultura ay sinumpang lahat ng Diyos. Bukod pa sa sari-saring mga karanasan na kanilang natutunan mula sa kanilang mga pamilya at lipunan—ang mga ito ay nahatulan nang lahat sa paningin ng Diyos. Ito ay sapagka’t yaong namumuhay sa lupaing ito ay nakakain ng napakaraming mga mikrobyo. Tila pangkaraniwan ito para sa mga tao, at hindi nila ito iniisip. Samakatuwid, habang mas matindi ang katiwalian ng mga tao sa isang lugar, mas hindi-wasto ang kanilang pansariling pag-uugnayan sa isa’t isa. May paglalaban-laban sa mga pantaong ugnayan—sila ay nagbabalak laban sa isa’t isa at nagpapatayan na parang ang lugar na iyon ay lungsod ng mga demonyo kung saan kinakain ng isang tao ang kapwa tao. Masyadong mahirap isakatuparan ang gawain ng Diyos sa ganitong uri ng lugar na lubhang nakakatakot, kung saan ang mga multo ay laganap. Kapag nakikitungo Ako sa mga tao, lagi Akong nagsusumamo sa Diyos nang walang tigil. Ito ay dahil sa Ako ay laging natatakot na makitungo sa mga tao, at matindi ang Aking takot na masasaktan Ko ang “dignidad” ng iba sanhi ng Aking disposisyon. Sa Aking puso Ako ay laging natatakot na ang masasamang espiritung ito ay kikilos nang walang taros, kaya lagi Akong nagsusumamo sa Diyos na ingatan Ako. Lahat ng uri ng di-wastong mga ugnayan ay makikita sa pagitan ng mga taong ito sa gitna natin. Nakikita Ko ang lahat ng mga bagay na ito at may pagkamuhi sa Aking puso. Iyan ay sapagka’t ang mga tao ay laging gumagawa ng mga pantaong pag-aabala sa pagitan nila at sila ay walang pagsasaalang-alang sa Diyos kahit kailan. Kinamumuhian Ko ang mga pagkilos ng mga taong ito nang tagos sa Aking mga buto. Ang makikita sa mga tao sa kalakhang-lupain ng Tsina ay walang iba kundi tiwaling maka-Satanas na mga disposisyon, kaya sa gawain ng Diyos sa mga taong ito, halos imposible na makakita ng anumang kanais-nais na mga bahagi sa kanila; silang lahat ay ang mga bahagi kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu, at ito lamang ang kung saan mas inaantig ng Banal na Espiritu ang mga tao, at gumagawa sa kanila. Halos imposibleng magamit ang mga taong yaon, iyan ay, ang gawaing maantig ng Banal na Espiritu kasama ang pakikipagtulungan ng mga tao ay hindi magagawa. Ang Banal na Espiritu ay matinding kumikilos para antigin ang mga tao, nguni’t magkaganoon man ang mga tao ay manhid pa rin at walang pakiramdam at walang ideya kung ano ito na ginagawa ng Diyos. Kaya, ang gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina ay maihahambing sa Kanyang gawain ng paglikha sa mundo. Ginagawa Niyang muling maisilang ang lahat ng mga tao at binabago ang lahat sa kanila dahil walang bahaging kanais-nais sa mga taong ito. Ito ay masyadong nakakadurog ng puso. Malimit Akong malungkot na nananalangin para sa mga taong ito: “Diyos, nawa ang Iyong dakilang kapangyarihan ay mabunyag sa mga taong ito upang maantig sila nang matindi ng Iyong Espiritu, at upang ang mga manhid at mahina-ang-isip na mga nagdurusang ito ay magising, hindi na matulog, at makita ang araw ng Iyong kaluwalhatian.” Nawa tayong lahat ay manalangin sa harap ng Diyos at sabihing: O Diyos! Nawa Ikaw ay muling mahabag sa amin at kalingain kami upang ang aming mga puso ay lubos na makabaling sa Iyo at kami ay makatakas sa maruming lupaing ito, tumayô, at tapusin kung ano ang ipinagkatiwala Mo sa amin. Ako ay umaasa na muli tayong aantigin ng Diyos upang matamo natin ang Kanyang pagliliwanag, at upang Siya ay mahabag sa atin nang makaya ng ating mga puso na unti-unting bumaling sa Kanya at makamit Niya tayo. Ito ang pagnanais nating lahat.
    Ang landas na ating tinatahak ay lubos na itinalaga ng Diyos. Sa pangkalahatan, Ako ay naniniwala na Ako ay tiyak na makalalakad sa landas na ito hanggang sa katapusan, at ito ay sapagka’t ang Diyos ay laging ngumingiti sa Akin, at para bang ang kamay ng Diyos ay laging gumagabay sa Akin. Kaya, ito ay hindi pinalabnaw ng anuman sa Aking puso—Ako ay laging abala sa gawain ng Diyos. Aking ginagawa ang lahat ng makakaya Ko upang tapusin ang lahat ng ipinagkatiwala sa Akin nang may katapatan, at Ako ay lubos na hindi nakikialam sa mga gawain na hindi Niya inilaan sa Akin, ni nakikialam Ako sa gawaing ginagawa ng sinuman. Iyan ay dahil sa Ako ay naniniwala na ang bawa’t tao ay dapat na lumakad sa kanilang sariling landas nang hindi nanghihimasok sa isa’t isa. Ganito Ko ito nakikita. Marahil ito ay dahil sa Aking sariling pagkatao, nguni’t Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay uunawain at patatawarin Ako dahil hindi Ako kailanman nangangahas na sumalungat sa mga batas ng Aking Ama. Hindi Ako nangangahas na labanan ang kalooban ng Langit. Posible kayang iyong nakalimutan na “ang kalooban ng Langit ay hindi maaaring labanan”? Maaaring may mga taong nag-iisip na Ako ay masyadong makasarili, nguni’t sa palagay Ko Ako ay partikular na nakarating upang gumawa ng isang bahagi sa gawaing pamamahala ng Diyos. Hindi Ako dumating para sa pansariling mga pakikipag-ugnayan. Hindi Ko basta matutunan kung paano magkaroon ng mabuting mga kaugnayan sa ibang mga tao. Nguni’t nasa Akin ang paggabay ng Diyos sa ipinagkatiwala Niya sa Akin, at Ako ay mayroong pagtitiwala at pagtitiyaga upang gawin ang gawaing ito nang mabuti. Maaaring Ako ay masyadong makasarili. Aking inaasam na bawa’t isa ay magkukusa na damahin ang di-makasariling pag-ibig ng Diyos at makipagtulungan sa Kanya. Huwag maghintay sa pagdating ng ikalawang kamahalan ng Diyos—iyan ay hindi mabuti para kaninuman. Lagi Kong iniisip na dapat Kong gawin ang lahat ng bagay na posible upang magawa ang nararapat para mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Ang Diyos ay nagkatiwala sa bawa’t indibidwal ng isang bagay na naiiba, at dapat nating isaalang-alang kung paano ito tutuparin. Dapat ay may kamalayan ka sa kung ano ang landas na tunay mong nilalakaran—lubhang kailangan na ikaw ay malinaw tungkol dito. Yamang handa kang bigyang-kasiyahan ang Diyos, bakit hindi mo muna ibigay ang iyong sarili sa kanya? Nang unang pagkakataon na Ako ay nanalangin sa Diyos, ibinigay Ko na ang Aking puso sa Kanya nang buo. Ang mga tao sa palibot Ko—mga magulang, mga kapatid na babae, mga kapatid na lalaki, o mga kamag-aral—sila ay natakpan sa Aking isipan ng Aking determinasyon, at para bang sila ay hindi kailanman umiiral para sa Akin. Iyan ay sapagka’t ang Aking isipan ay laging nasa Diyos, sa Kanyang mga salita, o sa Kanyang karunungan—ang mga bagay na ito ay laging nasa harap at nasa gitna ng Aking puso at ang mga ito ang naging pinakamahalagang bagay sa Aking puso. Kaya para sa mga tao na punô ng mga pilosopiya sa buhay, Ako ay isang walang-emosyon at malamig-ang-dugong nilalang. Kung paano Ko dalhin ang Aking sarili, paano Ko gawin ang mga bagay-bagay, ang Aking bawa’t galaw—lahat ng ito ay tumutusok sa kanilang mga puso. Sinusulyapan nila Ako nang kakatwa na para bang Ako ay personal na naging isang di-malulutas na palaisipan. Ako ay palihim na sinusukat ng mga tao sa kanilang mga puso—hindi nila alam kung ano ang Aking gagawin. Paano Ako hihinto sa pagsulong dahil sa bawa’t galaw ng mga taong iyon? Baka sila ay naiinggit, o nasusuka, o nang-uuyam—Ako ay sabik pa ring nananalangin sa harap ng Diyos na parang Siya lamang at Ako ang naroon sa parehong mundo, at wala ng iba pa. Lagi Akong sinisikil ng panlabas na mga pwersa, nguni’t ang damdamin ng naaantig ng Diyos ay sumisilakbo rin sa Akin. Sa kalituhang ito, yumukod Ako sa harap ng Diyos: “O Diyos! Ako ay hindi kailanman tumangging gumawa para sa Iyong kalooban. Sa Iyong mga mata Ako ay kagalang-galang at itinuturing na pinong ginto, nguni’t hindi Ako makatakas mula sa mga pwersa ng kadiliman. Ako ay handang magdusa alang-alang sa Iyo habambuhay, handa Akong gawin ang Iyong gawain bilang gawain ng Aking sariling buhay; nakikiusap Ako sa Iyo na bigyan Ako ng isang tamang dako ng kapahingahan upang ialay ang Aking sarili sa Iyo. O Diyos! Handa Akong ialay ang Aking sarili sa Iyo. Nalalaman Mo nang husto ang kahinaan ng tao, kung gayon ay bakit Mo tinatakpan ang Iyong sarili mula sa Akin?” Sa sandaling iyon pakiramdam Ko ay para Akong lila sa bundok na nagpapalabas ng kanyang bango sa hanging amihan, subali’t walang nakaaalam nito. Ang langit ay tumatangis at ang Aking puso ay umiiyak nang umiiyak na para bang mas nasaktan pa ang Aking puso. Ang lahat ng pwersa at pagsalakay ng sangkatauhan ay gaya ng pagkulog at pagkidlat sa maliwanag na araw. Sinong makakaunawa sa Aking puso? Kaya’t Ako ay muling lumapit sa harap ng Diyos at sinabi: “O Diyos! Wala bang daan upang isakatuparan ang Iyong gawain sa lupaing ito ng karumihan? Bakit ganito na ang lahat ay payapa sa isang kapaligirang tumutulong at malaya sa pang-uusig, gayunma’y hindi maisaalang-alang ang Iyong puso? Kahit na Akin pang ibuka ang Aking mga pakpak, bakit hindi pa rin Ako makalipad paláyô? Hindi Ka ba sumasang-ayon?” Maraming araw Ko itong tinangisan, nguni’t lagi Akong naniwala na pagiginhawahin ng Diyos ang puso Kong punô ng kalungkutan. Mula umpisa hanggang katapusan, walang makaunawa sa Aking bagabag na pakiramdam. Marahil ito ay isang tuwirang pagdama mula sa Diyos—Ako ay laging nagniningas para sa Kanyang gawain at halos wala na Akong panahon para huminga. Hanggang sa araw na ito Ako ay nananalangin pa rin: “O Diyos! Kung ito ay Iyong kalooban, nawa ay pangunahan Mo Ako upang isakatuparan ang higit pang malaking gawain Mo upang ito ay lumawak sa kabuuan ng buong sansinukob, magbukas sa bawa’t bansa, sa bawa’t denominasyon sa buong mundo, upang ang Aking puso ay makatamo ng katiting na kapayapaan, upang Ako ay mabuhay sa dako ng kapahingahan para sa Iyo, at upang Ako ay makagawa para sa Iyo nang walang paggambala at makaya Ko na payapain ang Aking puso upang paglingkuran Ka sa buong buhay Ko.” Ito ang pagnanais sa Aking puso. Baka sabihin ng Aking mga kapatirang lalaki at babae na Ako ay mayabang, na Ako ay mapagmalaki. Kinikilala Ko iyan sapagka’t ito ay isang katunayan—ang tinataglay ng mga kabataan ay kayabangan lamang. Kaya sinasalita Ko ang katotohanan nang hindi sinasalungat ang mga katunayan. Sa Akin maaari mong makita ang lahat ng pagkatao ng isang kabataan, nguni’t makikita mo rin kung ano ang pagkakaiba Ko sa ibang kabataan—iyan ay ang Aking katahimikan at kapayapaan. Hindi Ako gumagawa ng isang paksa mula rito; Ako ay naniniwala na mas kilala Ako ng Diyos kaysa sa pagkakilala Ko sa Aking sarili. Ang mga ito ay mga salita mula sa Aking puso, at Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay hindi nasasaktan. Nawa ay isalita natin ang mga salita sa ating mga puso, tingnan ang bawa’t isa sa ating mga pinag-uukulan ng paghahabol, ikumpara ang ating mga puso ng pag-ibig para sa Diyos, pakinggan ang mga salitang ibinubulong natin sa Diyos, awitin ang pinakamagagandang mga awitin sa ating mga puso, at ipahayag ang ating mga damdamin ng pagmamalaki upang ang ating mga buhay ay maging mas maganda. Kalimutan ang nakaraan, tumingin tungo sa ating kinabukasan, at ang Diyos ay magbubukas ng isang landas para sa atin!

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Alam mo ba ang malalim na kahulugan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus ?

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

29 Disyembre 2017

Salita ng Diyos | Ang Landas... (5)

Espiritu, naniniwala, panahon, buhay, Jesus


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (5)




    Dati ay walang nakakakilala sa Banal na Espiritu, at partikular na hindi nila nalalaman kung ano ang landas ng Banal na Espiritu. Kaya laging dinadaya ng mga tao ang kanilang mga sarili sa harap ng Diyos. Maaaring masabi na halos lahat ng mga tao na naniniwala sa Diyos ay hindi nakakakilala sa Espiritu, kundi mayroon lamang isang litóng uri ng paniniwala. Maliwanag mula rito na hindi nauunawaan ng mga tao ang Diyos, at kahit sinasabi nila na sila ay naniniwala sa Kanya, sa mga tuntunin ng diwa nito, batay sa kanilang mga pagkilos sila ay naniniwala sa kanilang mga sarili, hindi sa Diyos. Mula sa Aking pansariling tunay na karanasan, nakikita Ko na sumasaksi ang Diyos sa Diyos na katawang-tao, at mula sa labas, lahat ng mga tao ay napipilitang kilalanin ang Kanyang pagsaksi, at halos hindi masabi na sila ay naniniwala na ang Espiritu ng Diyos ay lubos na walang mali. Gayunpaman, Aking sinasabi na ang pinaniniwalaan ng mga tao ay hindi ang personang ito at ito ay partikular na hindi Espiritu ng Diyos, kundi sila ay naniniwala sa kanilang sariling pakiramdam. Hindi ba’t iyan ay paniniwala lamang sa kanilang mga sarili? Ang mga salitang ito na Aking sinasabi ay totoong lahat. Ito ay hindi pagtatatak sa mga tao, nguni’t kailangan Ko na liwanagin ang isang bagay—na ang mga tao ay madadala sa araw na ito, kung sila man ay malinaw o sila ay litó, ang lahat ng ito ay ginagawa ng Banal na Espiritu at ito ay hindi isang bagay na maaaring idikta ng mga tao. Ito ay isang halimbawa ng Aking binanggit noong una tungkol sa Banal na Espiritu na pinipilit ang paniniwala ng mga tao. Ito ang paraan na ang Banal na Espiritu ay gumagawa, at ito ay isang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu. Kahit na sino ang pinaniniwalaan ng mga tao sa diwa ng nilalaman, pinipilit bigyan ng Banal na Espiritu ang mga tao ng isang uri ng pakiramdam upang sila ay maniwala sa Diyos sa kanilang sariling puso. Hindi ba ito ang uri ng paniniwala na taglay mo? Hindi mo ba nadarama na ang iyong paniniwala sa Diyos ay isang kakatwang bagay? Hindi mo ba iniisip na ito ay isang kakatwang bagay na ikaw ay hindi makatakas mula sa daloy na ito? Hindi mo ba pinagsikapang bulay-bulayin ito? Hindi ba’t ito ang pinakadakilang tanda at himala? Kahit na ikaw ay nagkaroon ng pag-uudyok na tumakas nang maraming ulit, laging mayroong malakas na pwersa ng buhay na umaakit sa iyo at ginagawa kang atubiling lumayo. At sa tuwing makakatagpo mo ito ikaw ay laging nasasakal at humahagulgol, at hindi mo alam kung ano ang gagawin. At mayroong ilang mga tao na sinusubukang lumisan. Subali’t kapag sinusubukan mong umalis, ito ay parang patalim sa iyong puso, at ito ay parang ang iyong kaluluwa ay kinuha sa iyo ng isang multo sa lupa kaya’t ang iyong puso ay bagabag at walang kapayapaan. Matapos iyon, wala kang magáwâ kundi patatagin ang iyong sarili at bumalik sa Diyos…. Hindi ka ba nagkaroon ng ganitong karanasan? Ako ay naniniwala na ang mga batang kapatirang lalaki at babae na nakakapagbukas ng kanilang mga puso ay magsasabing: “Oo! Napakarami ko nang naging mga karanasang ganito; hiyang-hiya akong isipin ang mga iyon!” Sa Aking sariling pang-araw-araw na buhay Ako ay laging masaya na makita ang Aking mga batang kapatirang lalaki at babae bilang Aking mga kaniig sapagka’t sila ay punô ng kawalang-malay—sila ay dalisay at lubhang kaibig-ibig. Parang sila ay Aking sariling mga kasama. Ito ang kung bakit Ako ay laging naghahanap ng pagkakataon na dalhin ang lahat ng Aking mga kaniig na sama-sama, upang pag-usapan ang tungkol sa aming mga simulain at mga plano. Nawa ang kalooban ng Diyos ay maisakatuparan sa atin upang lahat tayo ay tulad ng laman at dugo, walang mga hadlang at walang pagkakalayo. Nawa ay manalangin tayong lahat sa Diyos: “O Diyos! Kung ito ay Iyong kalooban, sumasamo kami sa Iyo na pagkalooban kami ng akmang kapaligiran upang matanto naming lahat ang mga inaasam ng aming mga puso. Nawa ay mahabag Ka sa mga kasama namin na bata at kulang sa katwiran, upang magugol namin ang bawa’t patak ng kalakasan sa aming mga puso!”Ako ay naniniwala na ito dapat ang kalooban ng Diyos dahil noong matagal na, ginawa Ko ang sumusunod na pagsamo sa harapan ng Diyos: “Ama! Kaming mga nasa lupa ay tumatawag sa Iyo sa lahat ng sandali, at umaasa na ang Iyong kalooban ay matatapos sa lalong madaling panahon sa lupa. Ako ay handang hanapin ang Iyong kalooban. Nawa ay gawin Mo ang nais Mo, at tapusin ang ipinagkatiwala Mo sa Akin sa lalong madaling panahon. Hangga’t ang Iyong kalooban ay maaaring matupad sa lalong madaling panahon, handa kahit Ako para Ikaw ay magbukas ng isang bagong landas sa gitna namin. Ang tangi Kong pag-asa ay na ang Iyong gawain ay matatapos sa lalong madaling panahon. Ako ay naniniwala na walang mga panuntunan ang makapipigil sa Iyong gawain!” Ito ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon. Hindi mo ba nakita ang landas na tinatahak ng Banal na Espiritu? Kapag Aking nakakatagpo ang nakatatandang mga kapatirang lalaki at babae, palaging may damdamin ng kaapihan na hindi Ko matukoy. Kapag kasama Ko lamang sila Aking nakikita na sila ay umaalingasaw sa lipunan, at ang kanilang relihiyosong mga paniwala, mga karanasan sa pagtangan sa mga bagay-bagay, ang kanilang mga paraan ng pagsasalita, ang mga salitang kanilang ginagamit, atbp., ay nakakainis lahat. Para bang sila ay punô ng karunungan at Ako ay laging nananatiling malayo sa kanila sapagka’t sa Aking sarili, ang Aking pilosopiya sa buhay ay kulang na kulang. Kapag kasama nila Ako pakiramdam Ko ay lagi Akong pagód at pinahihirapan, at kung minsan ito ay nagiging masyadong seryoso, masyadong mapang-api na halos hindi Ako makahinga. Kaya sa mapanganib na mga sandaling ito, binibigyan Ako ng Diyos ng pinakamahusay na paraan na makalabas. Marahil ito ay sarili Kong maling kuru-kuro. Ang pinahahalagahan Ko lamang ay kung ano ang pakinabang sa Diyos; ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga. Nananatili Akong malayo sa mga taong ito, at kung kinakailangan ng Diyos na pakitunguhan Ko sila, sa gayon, Ako’y susunod. Hindi naman na sila ay kasuklam-suklam, kundi dahil sa ang kanilang “karunungan”, mga paniwala, at mga pilosopiya sa buhay ay masyadong nakakainis. Ako ay narito upang tapusin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa Akin, hindi para matuto sa kanilang mga karanasan sa pagtangan ng mga pangyayari. Natatandaan Ko na minsan ay sinabi ng Diyos sa Akin ang sumusunod: “Sa lupa, hanapin Mo ang kalooban ng Ama at tapusin kung ano ang ipinagkatiwala Niya sa Iyo. Lahat ng iba pa ay walang kinalaman sa Iyo.” Kapag iniisip Ko ito nakakaramdam Ako ng bahagyang kapayapaan. Ito ay sapagka’t lagi Kong nararamdaman na ang mga makalupang mga bagay ay masyadong masalimuot at hindi Ko lubos na malirip ang mga iyon—kailanman hindi Ko alam kung ano ang gagawin. Kaya hindi Ko alam kung ilang ulit Akong masyadong naguluhan dahil dito at kinamuhian ang sangkatauhan—bakit ang mga tao ay masyadong kumplikado? Anong mali sa pagiging mas simple? Nagpupumilit na maging marunong—bakit nag-aabala? Kapag nakikitungo Ako sa mga tao kalimitan ito ay batay sa pagsusugo ng Diyos sa Akin, at kahit na may ilang ulit na hindi ito ang kaso, sinong maaaring makaalam kung ano ang natatago sa kaibuturan ng Aking puso?
    Maraming ulit Ko nang pinayuhan ang mga kapatirang lalaki at babae na kasama Ko na sila ay dapat maniwala sa Diyos mula sa kanilang sariling mga puso at huwag protektahan ang kanilang sariling mga interes, na dapat nilang isaalang-alang ang Kanyang kalooban. Maraming ulit na Ako ay mapait na umiyak sa harapan ng Diyos—bakit hindi isinasaalang-alang ng mga tao ang kalooban ng Diyos? Maaari kaya na ang gawain ng Diyos ay basta na lamang maglalaho na walang bakas nang walang anumang dahilan? Hindi Ko alam kung bakit, at ito ay parang naging palaisipan na sa Aking puso. Bakit ganito na hindi kailanman nakikilala ng mga tao ang landas ng Banal na Espiritu, kundi lagi nilang pinananatili ang di-wastong mga maka-kapwang pag-uugnayan? Nasusuká Ako kapag nakikita Ko ang mga taong ganito. Hindi nila nakikita ang landas ng Banal na Espiritu, ngunit binibigyang-pansin lamang kung ano ang ginagawa ng mga tao. Maaaring bang masiyahan ang puso ng Diyos sa paraang ito? Ako ay malimit na nalulungkot dito. Parang naging pasanin Ko na ito na dadalhin. Ang Banal na Espiritu ay nagmamalasakit din dito—hindi ka ba nakakaramdam ng anumang paninisi sa iyong puso? Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata. Bilang Isa na gumagabay sa mga tao upang pumasok tungo sa espiritu, Ako ay nanalangin na sa Diyos ng maraming ulit: “O Ama! Nawa ay magawa Ko ang Iyong kalooban na siyang sentro at hanapin ang Iyong kalooban. Nawa ay maging tapat Ako sa ipinagkatiwala Mo sa Akin upang Iyong matamo ang grupong ito ng mga tao. Nawa ay dalhin Mo kami sa isang malayang mundo upang kaming lahat ay makaugnay Ka ng aming mga espiritu. Nawa ay Iyong gisingin ang espirituwal na mga damdamin sa aming mga puso!” Ako ay umaasa na ang kalooban ng Diyos ay natapos na, kaya Ako ay nananalangin sa Kanya nang walang patid na patuloy na liliwanagan tayo ng Kanyang Espiritu at tutulutan tayong lahat na tahakin ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Ito ay sapagka’t ang landas na Aking nilalakaran ay ang landas ng Banal na Espiritu. Sino pa ang maaaring makalakad sa landas na iyan sa lugar Ko? Ito ang lalo pang nagpapabigat sa Aking pasanin. Aking nararamdaman na parang babagsak na Ako, nguni’t Ako ay naniniwala na tiyak na hindi aantalahin ng Diyos ang Kanyang gawain. Marahil kapag ang ipinagkatiwala Niya sa Akin ay tapos na maghihiwalay Kami. Kaya baka ito ay dahilan sa epekto ng Espiritu ng Diyos na palagi Kong nararamdaman na naiiba mula sa iba. Para bang nais ng Diyos na gumawa ng ilang gawain, at ngayon ay hindi Ko pa rin ito naiintindihan. Gayunpaman, Ako ay naniniwala na walang sinuman sa lupa ang mas mabuti kaysa Aking mga kaniig, at Ako ay naniniwala na ang Aking mga kaniig ay mananalangin para sa Akin sa harap ng Diyos. Kung magkaganoon, Ako ay labis na magpapasalamat para dito. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay maaaring sabihin kasama Ko: “O Diyos! Nawa ang Iyong kalooban ay lubos na mabubunyag sa amin sa huling kapanahunan upang kami ay mapagpala ng buhay ng espiritu, na maaari naming makita ang mga gawa ng Banal na Espiritu at ang Kanyang totoong mukha!” Sa sandaling marating namin ang hakbang na ito kami ay tunay na mamumuhay sa ilalim ng paggabay ng Espiritu, at sa panahong iyon lamang namin makikita ang totoong mukha ng Diyos. Iyan ay, makakaya ng mga tao na maunawaan ang tunay na kahulugan ng lahat ng buong katotohanan. Ito ay hindi nauunawaan o naiintindihan sa pamamagitan ng mga paniwala ng tao, kundi ang pagliliwanag ay nangyayari batay sa kalooban ng Espiritu ng Diyos. Sa kabuuan nito, ito ay ang Diyos Mismo na gumagawa nang wala ni katiting man ng kaisipan ng tao rito. Ito ang Kanyang plano ng gawain para sa mga pagkilos na nais Niyang ibunyag sa lupa, at ito ang Kanyang huling bahagi ng gawain sa lupa. Handa ka bang makibahagi sa gawaing ito? Nais mo bang maging bahagi ng gawaing ito? Mayroon ka bang kalooban na maperpekto ng Banal na Espiritu at tamasahin ang buhay ng espiritu?
    Ang mahalagang gawain sa ngayon ay ang lumalim mula sa ating orihinal na pundasyon. Dapat tayong lumalim sa mga aspeto ng katotohanan, ng pangitain, at ng ating mga buhay. Gayunpaman, dapat Ko munang ipaalala sa Aking mga kapatirang lalaki at babae na upang pumasok tungo sa gawaing ito, dapat mong alisin ang iyong dating mga paniwala. Iyan ay, dapat mong baguhin ang iyong dating uri ng pamumuhay, gumawa ng bagong plano, at buksan ang isang bagong dahon. Kung patuloy mong panghahawakan kung ano ang pinahalagahan mo sa nakaraan, ang Banal na Espiritu ay hindi makakakilos sa iyo; bahagya na Niyang matutustusan ang iyong buhay. Kung ang isang tao ay hindi naghahanap o pumapasok, o nagpaplano, lubusan silang tatalikuran ng Banal na Espiritu. Ito ay tinatawag na isa na itinakwil ng kapanahunan. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawang lahat sa Aking puso, at Ako ay umaasa rin na mas maraming “bagong mga inaakay” ang makakayang tumayo at gumawa kasama ng Diyos upang tapusin ang gawaing ito nang sama-sama. Ako ay naniniwala na pagpapalain tayo ng Diyos, at naniniwala rin Ako na pagkakalooban Ako ng Diyos ng mas marami pang mga kaniig upang makapaglakbay Ako hanggang sa mga dulo ng lupa at maaaring magkaroon pa ng mas higit na pag-ibig sa isa’t isa. Ako ay mas kumbinsido na palalawakin ng Diyos ang Kanyang kaharian dahil sa aming mga pagsisikap, at Ako ay umaasa na ang aming masigasig na paggawa ay makakaabot sa di-pa-narating na mga antas upang ang Diyos ay makatamo ng mas marami pang mga kabataan. Nawa ay manalangin tayong lahat nang higit pa para dito at magsumamo sa Diyos nang walang patid upang ang ating mga buhay ay maisabuhay sa harap Niya, at na tayo ay kaniig ng Diyos. Nawa ay walang mga hadlang sa kalagitnaan natin, at nawa ay ipahayag nating lahat ang panunumpang ito sa harap ng Diyos: “Gumawa nang nagkakaisa! Pag-aalay hanggang sa katapusan! Hindi kailanman maghihiwalay, laging magsasama-sama!” Nawa ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay italaga ang paninindigang ito sa harap ng Diyos upang ang aming mga puso ay hindi maligaw at ang aming mga kalooban ay hindi natitinag! Upang makamit ang kalooban ng Diyos, nais Kong muling sabihin: Gumawang masigasig! Ibigay ang lahat ng iyong makakaya! Ang Diyos ay walang-pasubaling pagpapalain tayo!

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang pangalan ng Diyos- Ano ang pangalan ng ikalawang pagpaparito ni Jesus sa mga huling panahon ?

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Salita ng Diyos | Ang Landas... (4)

kapanahunang, daan, Diyos, pag-asa, Jesus



Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (4)




    Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos. Ako ay nagpapasalamat sa Diyos para dito, at nais Kong samahan Ako ng Aking mga kapatirang lalaki at babae sa pagpupuri sa Diyos: “Lahat ng kaluwalhatian ay suma-Iyo, ang pinakamataas na Diyos Sarili Niya! Nawa ang Iyong kaluwalhatian ay sumagana at mabunyag sa mga kasama namin na Iyong pinili at natamo.” Ako ay nakatamo ng pagliliwanag mula sa Diyos—bago ang mga kapanahunan tayo ay naitalaga na ng Diyos at nais na matamo tayo sa mga huling araw, sa gayon ay tinutulutan ang lahat ng mga bagay sa sansinukob na makita ang kaluwalhatian ng Diyos sa kabuuan nito sa pamamagitan natin. Sa gayon, tayo ang mga naibunga ng anim na libong taon ng planong pamamahala ng Diyos; tayo ang mga huwaran, ang mga halimbawa ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Ngayon Ko lamang natuklasan kung gaano ang pag-ibig na tunay na iniuukol sa atin ng Diyos, at na ang gawaing ginagawa Niya sa atin at ang mga bagay na Kanyang sinasabi ay hinihigitang lahat yaong sa mga nakaraang kapanahunan nang milyong ulit. Kahit kay Israel at kay Pedro, ang Diyos ay hindi kailanman personal na gumawa ng napakalaking gawain at nagsalita ng napakarami. Ipinakikita nito na tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay tunay na di-kapanipaniwalang pinagpala—di-maikukumparang mas pinagpala kaysa mga banal ng mga panahong nakaraan. Ito ang kung bakit laging nasasabi ng Diyos na ang mga tao sa huling kapanahunan ay pinagpala. Anuman ang sabihin ng iba, Ako ay naniniwala na tayo ang mga tao na pinakapinagpala ng Diyos. Dapat nating tanggapin ang mga pagpapala na ipinagkaloob sa atin ng Diyos; marahil ay mayroong ilan na dadaing sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na ang mga pagpapala ay nanggagaling sa Diyos at iyan ay nagpapatunay na ang mga iyon ang nararapat sa atin. Kahit na ang iba ay dumaing o hindi masayang kasama natin, Ako ay laging naniniwala na walang sinuman ang maaaring tumanggap o kumuha ng mga pagpapalang naibigay ng Diyos sa atin. Sapagka’t ang gawain ng Diyos ay isinasakatuparan sa atin at Siya ay nagsasalita sa atin nang mukhaan—sa atin, hindi sa iba—ginagawa ng Diyos anuman ang nais Niyang gawin, at kung ang mga tao ay hindi napapaniwala, hindi ba iyan ay paghingi lamang ng kaguluhan? Hindi ba iyan pagnanais ng kahihiyan? Bakit Ko sasabihin ito? Ito ay sapagka’t may malalim Akong karanasan dito. Gaya lamang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa Akin na Ako lamang ang makatatanggap—magagawa ba ito ng iba? Ako ay mapalad na ipinagkakatiwala ito ng Diyos sa Akin—magagawa ba iyan nang basta-basta ng iba? Nguni’t Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking puso. Ito ay hindi upang itaas ang Aking sariling mga katibayan-ng-kakayahan upang ipagyabang sa mga tao, kundi upang ipaliwanag ang isang usapin. Ako ay handang ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos at hayaan Siyang masdan ang bawa’t isa sa ating mga puso upang ang ating mga puso ay madalisay lahat sa harapan ng Diyos. Nais Kong ipahayag ang isang inaasam mula sa kaibuturan ng Aking puso: Ako ay umaasa na maging ganap na natamo ng Diyos, maging isang dalisay na birhen na isinakripisyo sa dambana, at lalong higit magkaroon ng pagkamasunurin ng isang tupa, nagpapakita sa gitna ng buong sangkatauhan bilang isang banal na espirituwal na katawan.  Ito ang Aking pangako, ang panunumpa na Aking itinalaga sa harap ng Diyos. Ako ay handang tuparin ito at suklian ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan nito. Handa ka bang gawin ito? Ako ay naniniwala na ang Aking pangakong ito ay magpapalakas ng marami sa mga nakababatang kapatirang lalaki at babae, at magdadala sa maraming kabataan ng pag-asa. Aking nadarama na tila binibigyan ng Diyos ng tanging pagpapahalaga ang mga kabataan. Marahil ito ay Aking sariling pagkiling, nguni’t lagi Kong nadarama na ang kabataan ay may pag-asa para sa kanilang kinabukasan; tila gumagawa ang Diyos ng dagdag na gawain sa mga kabataan. Bagaman sila ay kulang sa panloob-na-pananaw at karunungan at silang lahat ay masyadong masisigla at mainitin-ang-ulo gaya ng isang bagong-silang na guya, Ako ay naniniwala na ang kabataan ay hindi lubos na walang silbi. Makikita mo ang kawalang-malay ng kabataan sa kanila at sila ay madaling tumanggap ng mga bagong bagay. Bagaman ang mga kabataan ay may disposisyong tungo sa kayabangan, kabagsikan, at pagiging dala ng emosyon, ang mga bagay na ito ay hindi nakaaapekto sa kanilang kakayahan na tumanggap ng bagong liwanag. Ito ay sapagka’t ang mga kabataan sa pangkalahatan ay hindi kumakapit sa lipás nang mga bagay. Iyan ang kung bakit nakikita Ko ang walang-hangganang pag-asa sa mga kabataan, at kanilang kasiglahan; ito ang pinagmumulan ng Aking pagiging malambot sa kanila. Bagaman hindi Ko kailanman inaayawan ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, hindi rin Ako interesado sa kanila. Gayunpaman, Ako ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae. Marahil ang Aking nasabi ay wala sa lugar o walang-pakundangan, subali’t Ako ay umaasa na kayong lahat ay maaaring magpatawad sa Aking kapabayaan, sapagka’t Ako ay napakabata at hindi masyadong nagpapahalaga sa Aking paraan ng pagsasalita. Gayunpaman, sa totoo lang, ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, matapos ang lahat, ay mayroong kanilang mga tungkulin na dapat nilang gampanan—sila ay hindi kailanman walang-silbi. Ito ay sapagka’t sila ay may karanasan sa pakikitungo sa mga pag-uugnayan, sila ay matatag sa kung paano tatanganan ang mga bagay-bagay, at sila ay hindi gumagawa ng ganoong karaming pagkakamali. Hindi ba ang mga ito ay kanilang mga kalakasan? Nais Ko na sabihin nating lahat sa harap ng Diyos: “O Diyos! Nawa ay magampanan naming lahat ang aming sariling mga tungkulin sa aming iba’t ibang mga katungkulan, at nawa ay magawa naming lahat ang aming sukdulang makakaya para sa Iyong kalooban!” Ako ay naniniwala na ito ay kalooban ng Diyos!
    Mula sa Aking nakita sa Aking karanasan, ang marami na lantarang lumaban sa daloy na ito, iyan ay, ang marami na tuwirang lumaban sa Espiritu ng Diyos, ay ang mga taong mas matatanda. Ang relihiyosong mga paniwala na pinanghahawakan ng mga taong ito ay napakalakas at kanilang ikinukumpara ang makalumang mga bagay sa mga salita ng Diyos sa bawa’t aspeto. Lagi nilang inilalapat ang mga bagay-bagay na tinanggap nila sa nakaraan sa mga salita ng Diyos. Hindi ba sila nakakatáwá? Ang isa bang gaya niyan ay makagagawa ng gawain ng Diyos? Maaari bang magamit ng Diyos ang ganyang uri ng tao para sa Kanyang gawain? Ang Banal na Espiritu ay may pamamaraan para sa isang tiyak na araw ng Kanyang gawain; kung ang mga tao ay mangangapit sa makalumang mga bagay, darating ang araw na sila ay itutulak mula sa tanghalan ng kasaysayan. Sa bawa’t yugto ng Kanyang gawain, ang Diyos ay laging gumagamit ng bagong mga tao. Kung ang isa ay mangangaral sa iba ng mga di-na-ginagamit na mga bagay, hindi ba wawasakin lamang nito ang mga tao? Hindi ba ito pagpigil sa Kanyang gawain? Kung gayon kailan matatapos ang gawain ng Diyos? Marahil ay may ilan na may mga paniwala tungkol sa kasasabi Ko lamang. Marahil ay hindi sila mapapaniwala. Gayunpaman, Ako ay umaasa na ikaw ay hindi nababahala; maraming mga bagay na ganito ang mangyayari sa malapit na hinaharap, at ito ay maipaliliwanag lamang sa pamamagitan ng mga katunayan. Mabuti pang bisitahin natin ang ilang mahahalagang mga personalidad, ilang mga sikat na pastor o tagapagpaliwanag ng Biblia at ipangaral ang daloy na ito sa kanila. Sa una, sila ay tiyak na hindi hayagang lalaban, nguni’t maglalabas sila ng Biblia upang makipagtunggali sa iyo. Ipasasalaysay nila sa iyo ang Aklat ni Isaias at Aklat ni Daniel, at ipapapaliwanag pa nila sa iyo ang Aklat ng Pahayag. At kung hindi ka makapagsalita rito, tatanggihan ka nila, at tatawagin kang isang bulaang Cristo, sasabihing nagkakalat ka ng daan ng katatawanan. Makalipas ang isang oras gagawa sila ng mga maling paratang laban sa iyo hanggang hindi ka na makahinga. Hindi ba ito lantarang paglaban? Nguni’t iyan ay simula pa lamang. Hindi nila kayang pigilan ang susunod na hakbang ng gawain ng Diyos, at hindi magtatagal, pipilitin sila ng Banal na Espiritu na tanggapin ito. Ito ang pangkalahatang takbo; ito ay isang bagay na hindi kayang gawin ng mga tao at isang bagay na hindi kayang guni-gunihin man lamang ng mga tao. Ako ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay lalaganap nang di-napipigilan sa buong sansinukob. Ito ang kalooban ng Diyos, at walang sinumang makapagpapatigil dito. Nawa ay liwanagan tayo ng Diyos at tulutan tayong tumanggap ng higit pang bagong liwanag at huwag gambalain ang pamamahala ng Diyos sa bagay na ito. Nawa ay kaawaan tayo ng Diyos upang makaya nating lahat na makita ang pagsapit ng Kanyang araw ng kaluwalhatian. Kapag ang Diyos ay naluwalhati sa buong sansinukob ay iyan din ang panahon na makakamtan natin ang kaluwalhatian kaagapay Niya. Tila iyan din ang magiging panahon na Ako ay mawawalay mula sa mga yaon na lumalakad kasama Ko. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay magtataas ng kanilang mga tinig kasama ng sa Akin sa isang pagsusumamo sa Diyos: Nawa ang dakilang gawain ng Diyos ay matapos sa lalong madaling panahon upang makita natin ang Kanyang araw ng kaluwalhatian sa panahon ng ating buhay. Umaasa pa rin Ako na matutupad ang kalooban ng Diyos sa panahon ng Aking buhay, at umaasa Ako na ipagpapatuloy ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa atin at wala na kailanmang anumang mga hadlang. Ito ang Aking walang-hanggang hangarin. Nawa ang Diyos ay lumagi sa ating kalagitnaan at nawa ang Kanyang pag-ibig ay magtayo ng mga tulay sa pagitan natin upang ang pagkakaibigan sa pagitan natin ay nagiging mas mahalaga. Umaasa Ako na ang pag-ibig ay lilikha ng higit pang pagkaunawa sa pagitan natin at na ang pag-ibig ay magpapalapit pa sa atin, aalisin ang anumang pagkakalayo sa pagitan natin, at na ang pag-ibig sa pagitan natin ay magiging mas malalim, mas malawak, at mas matamis. Ako ay naniniwala na ito dapat ang maging kalooban ng Aking Diyos, at Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mas makakaniig Ko, at na pahahalagahan naming lahat ang maikling mga araw namin na magkakasama at ang mga iyon ay magsisilbing magandang mga alaala para sa amin.
    Nagkaroon pa ng mas maraming mga hakbang ang gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina subali’t ang mga iyon ay hindi kailanman masalimuot. Sa pag-iisip sa lahat ng mga hakbang na yaon, ang mga iyon ay hindi walang dahilan—ang mga iyon ay natapos nang lahat ng Diyos Sarili Niya, at lahat ng mga tao ay gumaganap ng sari-saring mga papel sa loob ng Kanyang gawain. Bawa’t tagpo sa palabas na ito ay katawa-tawa sa mga tao, at kataka-taka na ang bawa’t isa ay may papel dito. Sa bawa’t pagsubok, ang mga pagganap ng mga tao ay tunay na buhay, at bawa’t isa sa mga tao ay naiguhit nang napakalinaw at lubusan ng panulat ng Diyos. Bawa’t isa ay may napakarami na nalantad sa liwanag ng araw. Hindi Ko sinasabi na ginagawa ng Diyos na katatawanan ang mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain; walang magiging kabuluhan diyan. Lahat ng gawain ng Diyos ay mayroong kanyang layunin; Siya ay walang-pasubaling hindi gumagawa ng anumang bagay na walang kahalagahan o kabuluhan. Bawa’t bagay na Kanyang ginagawa ay upang gawing perpekto at matamo ang sangkatauhan. Mula lamang dito Aking tunay na nakita na ang puso ng Diyos ay lubos na para sa kabutihan ng tao. Bagaman ito ay matatawag na isang palabas, masasabi rin na ang palabas na ito ay isang halimbawa ng tunay na buhay, nguni’t para sa pangkalahatang direktor ng drama, ang Diyos, lahat ng mga tao ay dapat na makipagtulungan sa Kanya upang matapos ang gawaing ito. Nguni’t mula sa isa pang panig, nakakamit ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan nito at ginagawa na lalo pa Siyang mahalin ng mga tao. Hindi ba ito Kanyang kalooban? Kaya Ako ay umaasa na walang sinuman ang may anumang mga alalahanin. Wala ka bang nalalamang anuman tungkol sa kalooban ng Diyos? Napakarami Ko nang nasabi—Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay maaaring maunawaang lahat at hindi mamamali ang pagkaunawa sa Aking puso. Ako ay naniniwala na ang Diyos ay walang-pasubaling makakamit kayo. Bawa’t isa ay lumalakad sa ibang landas. Ako ay umaasa na ang landas sa ilalim ng inyong mga paa ay ang landas na binuksan ng Diyos, at kayo ay mananalanging lahat at sasabihin:: “O Diyos! Nawa ay makamit Mo ako upang ang aking espiritu ay bumalik sa Iyo.” Handa ka ba na hanapin ang paggabay ng Diyos sa kaibuturan ng iyong espiritu?

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus

Kristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano



Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKristiyanong Pelikula (Tagalog) | Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano



    Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig, nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …
   Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

28 Disyembre 2017

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo




Habang Daan Kasama Mo
Ako'y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa'Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo,
payapang-payapa ako.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay 




I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.