Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post

06 Hunyo 2018

Tagalog Christian Worship Praise Songs 2018 | Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan




I
O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo.
Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian
araw at gabi.
Kayraming pagsubok at sakit,
kayraming mga paghihirap.
Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan,
at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas.
Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman.
Inakay Mo 'ko sa maraming hirap.
Iningatan sa maraming panganib.
Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.

23 Abril 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis


Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,
dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.

13 Marso 2018

Cristianong Musikang | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol

Buhay musika | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol



 I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.

Kanta ng Papuri | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita

Awit ng Papuri | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita



I
Nagmamahal sa isa't-isa, tayo ay pamilya.
Ahh ... ahh ... ahh ...
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita;
isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos.
Na walang kinikilingan; malapit na samasama,
ang tamis at saya sa puso'y umaapaw.
Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon;
ngayon tayo'y nagkakaintindihan,
namumuhay sa pag-ibig ng Diyos.
Gaano kasaya kung tayo'y
nagkakaintindihan at walang katiwalian.
Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya.
Na walang kinikilingan, malapit na samasama.
Ahh ... ahh ... ahh ...
oohing……

08 Marso 2018

Cristianong Musikang | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan

Buhay musika | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan



 I
Ang "awa" ay pwedeng unawain sa iba't-ibang paraan.
Ang magmahal at pag-iingat at pag-aalaga.
Ang "awa" ito'y malalim at masidhing pagkapit.
Ito ay pag-aalagang ayaw manakit.
Ang lahat ng ito'y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito'y pahayag ng damdaming sila'y di isusuko.
Ang lahat ng ito'y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito'y pahayag ng damdaming sila'y di isusuko.
Ito'y awa ng Diyos at pagpaparaya sa tao.
Salitang karaniwan gamit ng Diyos sa tao,
ito'y nagdadala ng Kanyang puso't saloobin sa tao.
Nang Diyos ay nagwika, binunyag lahat ng ganap.

28 Pebrero 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos





Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos




Diyos nagkatawang-tao upang mamuhay sa gitna natin.
Sa kababaa't kahihiyan, inalay sa'tin kaligtasan.
Nguni't 'di ko S'ya kilala o naunawaan, panay karaingan.
Anong dalamhati ng puso N'ya sa pagrebelde ko't paglaban!
Mahal na Makapangyarihang Diyos, sala ko'y nilimot Mo na.

27 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan




I
Kadakilaan, kabanalan, dakilang kapangyariha't pag-ibig,
mga detalye ng kakanyahan at disposisyon ng Diyos
naibubunyag sa tuwing Siya'y nagpapatupad ng Kanyang gawain,
nakita sa Kanyang kalooban para sa tao,
natupad sa buhay ng sangkatauhan.

05 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol



I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.

27 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?

 

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?




    Bilang isang tao na naniniwala sa Diyos, nararapat mong maunawaan na ngayon, sa pagtanggap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw at ang lahat ng gawain ng plano ng Diyos sa iyo, ikaw ay nakatanggap ng malaking pagpaparangal at kaligtasan mula sa Diyos. Ang lahat ng gawa ng Diyos sa buong sansinukob ay nakatutok sa kalipunan ito ng mga tao. Inilaan Niya ang lahat ng Kanyang pagsisikap para sa inyo at inihandog ang lahat para sa inyo; Kanyang tinubos at ibinigay sa inyo ang lahat ng gawain ng Espiritu sa buong mundo. Iyan ang dahilan kung bakit Ko sinasabing, kayo ang mapalad. Higit pa rito, inilipat Niya ang Kanyang kaluwalhatian mula sa Israel, ang Kanyang piniling mga tao, sa inyo, nang sa gayon ay matupad ang layunin ng Kanyang plano na lubusang maihayag sa pamamagitan ninyo. Samakatwid, kayo ang makatatanggap ng pamana ng Diyos, at higit pa, ang mga tagapagmana ng kaluwalhatian ng Diyos. Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: “Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;” Sa nakaraan, narinig ninyo ang mga kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ito ang mga salita na isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lugar kung saan ito namamalagi. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lugar na ito, ang mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao. Habang ang gawain ay naisasakatuparan sa lugar na tumututol sa Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay sinasalubong ng labis na mga hadlang, at marami sa Kanyang mga salita ay hindi maisasakatuparan sa madaling panahon; kaya, ang mga tao ay pinino dahil sa mga salita ng Diyos. Ito rin ay bahagi ng paghihirap. Labis na nakakapagod para sa Diyos na isakatuparan ang Kanyang gawain sa lupain ng malaking pulang dragon, ngunit dahil na rin sa ganoong hirap na gumagawa ang Diyos ng larangan para sa Kanyang gawain upang ipahayag ang Kanyang karunungan at mga nakakamanghang gawa. Ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang lubusin itong kalipunan ng tao. Dahil sa pagdurusa ng tao, ang kanilang kakayahan, at lahat ng masasamang disposisyon ng mga tao sa maruming lugar na ito, ginagawa ng Diyos ang gawain Niya ng pagdadalisay at paglupig nang sa gayon, mula rito, Siya ay magkamit ng kaluwalhatian at makuha ang mga tao na maging saksi sa Kanyang mga gawa. Ito ang lubos na kahalagahan ng lahat ng paghahandog na ginawa ng Diyos para sa kalipunan ng taong ito. Ibig sabihin, ang Diyos ang gumagawa ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan lamang ng yaong mga sumasalungat sa Kanya. Samakatwid, sa paggawa nito ay maaaring maihayag ang dakilang kapangyarihan ng Diyos. Sa ibang salita, yaon lamang nasa maruming lupa ang karapat-dapat na magmana ng kaluwalhatian ng Diyos, at ito lamang ang makapagbibigay ng katanyagan sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit ko sinasabing ang kaluwalhatian ng Diyos ay nakamit sa maruming lupa at mula sa mga naninirahan doon. Ito ang kalooban ng Diyos. Ito ay katulad din sa yugto ng gawa ni Jesus; maaari lamang Siyang luwalhatiin sa kalagitnaan ng mga Pariseong umusig sa Kanya. Kung hindi dahil sa pag-uusig na iyon at ang pagkakanulo sa Kanya ni Hudas, hindi sana pinagtawanan o nakaranas ng paninirang-puri si Jesus, higit dito ay ang ipako sa krus, at hindi sana Siya nagkamit ng kaluwalhatian. Kahit saan man gumawa ang Diyos sa bawat panahon at kahit saan siya gumawa ng Kanyang tungkulin sa katawang-tao, Siya ay nagkakamit ng kaluwalhatian doon at nagkakamit ng mga ninanais Niyang makamit. Ito ang plano ng gawa ng Diyos, at ito ang Kanyang pamamahala.

26 Enero 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

pag-ibig, pagdurusa, pagsunod, gawa ng Diyos, katotohanan


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan


  Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, at pinawalang-saysay ang lahat ng lumang mga bagay. Tinapos ng pagdating ni Jesus ang Kapanahunan ng Kautusan at inihatid ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pagdating ng Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw ay nagdala ng katapusan sa Kapanahunan ng Biyaya. Naparito Siya pangunahin na upang bigkasin ang Kanyang mga salita, upang gamitin ang mga salita para gawing perpekto ang tao, upang paliwanagin at liwanagan ang tao, at upang alisin ang lugar ng malabong Diyos sa loob ng puso ng tao. Hindi ito ang yugto ng gawain na ginawa ni Jesus noong Siya ay dumating. Noong dumating si Jesus, nagpakita Siya ng maraming himala, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at isinakatuparan Niya ang gawain ng pagtubos ng pagpapapako sa krus. Bunga nito, sa kanyang mga pagkaintindi, naniniwala ang tao na ganito dapat ang Diyos. Dahil noong dumating si Jesus, hindi Niya ginawang alisin ang imahe ng malabong Diyos mula sa puso ng tao; noong Siya ay dumating, Siya ay ipinako sa krus, nagpagaling Siya at nagpalayas ng mga demonyo, at pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit. Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa panahon ng mga huling araw ang lugar na kinalalagyan ng malabong Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na mga salita at aktwal na gawa, Kanyang pagkilos sa buong lupain, at ng natatanging tunay at normal na gawaing Kanyang isinasakatuparan kasama ng tao, Kanyang sinasanhi ang tao na ganap na maunawaan ang pagiging-tunay ng Diyos, at inaalis ang kinalalagyan ng malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.

22 Enero 2018

Salita ng Diyos | 5. Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | 5. Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus




    Sa mga huling araw, ang Diyos ay nagkatawang-tao sa China upang magtrabaho, at nagpahayag ng milyun-milyong salita, nanlulupig at nagliligtas sa isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang salita at nagpapasimula sa bagong kapanahunan ng paghatol simula sa bahay ng Diyos. Ngayon, ang paglaganap ng gawain ng Diyos sa mga huling araw ay umabot na sa kasukdulan sa Mainland China. Karamihan sa mga tao sa Iglesiang Katoliko at lahat ng Kristiyanong denominasyon at sekta na naghahanap sa katotohanan ay nakabalik na sa harapan ng luklukan ng Diyos. Naisakatuparan ng Diyos na nagkatawang-tao ang gawain ng “lihim na pagparito ng Anak ng tao” na ipinropesiya sa Biblia, at di-maglalaon ay magpapakita sa publiko sa bawat bansa at lugar sa mundo. Lahat ng tao sa bawat bansa at lugar na nauuhaw sa pagpapakita ng Diyos ay aasamin ang pagpapakita ng Diyos sa publiko. Walang puwersang maaaring humadlang o sumira sa kaharian ng Diyos, at sinumang lalaban sa Diyos ay parurusahan ng galit ng Diyos, tulad ng sinabi sa mga salita ng Diyos: “Nahuhubog ang kaharian Ko sa buong sandaigdigan, at sinasakop ng Aking trono ang mga puso ng trilyun-trilyong mga tao. Sa tulong ng mga anghel, malapit nang matagumpay na maging ganap ang dakila Kong gawain. Sabik na hinihintay ng lahat ng Aking mga anak at ng Aking bayan ang Aking pagbabalik, inaasam nila ang muli Kong pakikisama sa kanila, na hindi na kailanman maghihiwalay muli. Sa pakikisalamuha Ko sa kanila, paanong hindi magdiriwang ang lahat ng mga tao sa Aking kaharian? Wala kayang halaga ang muling pagtitipon na ito? Marangal Ako sa mga mata ng lahat ng tao, ipinahahayag Ako sa mga salita ng lahat. Sa Aking pagbabalik, mas lalo Kong lulupigin ang lahat ng mga puwersa ng kaaway. Ang oras ay dumating na! Gusto Kong ipagpatuloy ang Aking gawain, gusto Kong magharing pinakadakila sa kalagitnaan ng tao! Babalik Ako! Aalis Ako! Ito ang inaasam ng lahat, ang kanilang inaasahan. Ang nais Ko ay tulutan ang lahat na makita ang pagdating ng Aking araw at malugod na salubungin ang pagdating ng Aking araw!” “Ang lahat ng Aking iniibig ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka't ako'y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa. Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!

10 Enero 2018

Salita ng Diyos | Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Inaakay ng Isang Normal Na Espirituwal na Buhay Ang Mga Tao sa Tamang Landas




    Ang nilakaran pa lamang ninyo ay isang napakaliit na bahagi ng landas ng isang sumasampalataya sa Diyos, at hindi pa kayo nakapasok sa tamang landas, kaya malayo pa rin kayo mula sa pagtatamo ng pamantayan ng Diyos. Sa ngayon, ang inyong tayog ay hindi sapat upang matugunan ang Kanyang mga kinakailangan. Dahil sa inyong kakayahan at sa inyong katutubong tiwaling kalikasan, palagi kayong padalus-dalos sa pagtrato sa gawain ng Diyos at hindi ito sineseryoso. Ito ang inyong pinakamalaking pagkukulang. Tangi sa roon, wala kayong kakayahan na mahanap ang landas ng Banal na Espiritu. Hindi ito naunawaan ng karamihan sa inyo at hindi ito nakikita nang malinaw. Higit sa rito, karamihan sa inyo ay hindi nagtutuon ng pansin sa usaping ito, at hindi gaanong seryoso tungkol rito. Kung magpapatuloy kayong gumawi kagaya nito at hindi nalalaman ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ang landas na inyong tinatahak bilang isang sumasampalataya sa Diyos ay magiging walang saysay. Ito ay dahil hindi ninyo ginagawa ang lahat sa inyong kapangyarihan upang hangarin na matupad ang kalooban ng Diyos, at sapagkat hindi kayo nakikipagtulungan nang husto sa Diyos. Hindi sa ang Diyos ay hindi gumawa sa iyo, o na hindi ka kinilusan ng Banal na Espiritu. Ito ay dahil sa ikaw ay masyadong walang ingat at hindi mo sineseryoso ang gawain ng Banal na Espiritu. Dapat mong kaagad na papanumbalikin ang mga bagay at lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. Ito ang pangunahing paksa sa kasalukuyan. Itong “landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu” ay ang pagkakamit ng mga tao ng pagliliwanag sa kanilang espiritu, mayroon silang kaalaman ukol sa salita ng Diyos, nagkakamit sila ng kaliwanagan sa landas nila sa hinaharap, at nagagawa nilang pumasok sa katotohanan nang unti-unti, at lalo pang nakararating sa pagkaunawa sa Diyos. Ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu ay pangunahin na ang mga tao ay magkaroon ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, malaya mula sa mga paglihis at mga maling akala, upang malakaran nila ito. Upang matamo ang epektong ito, kailangan ninyong gumawa nang may pagkakaisa kasama ang Diyos, maghanap ng isang tamang landas na isasagawa, at lakaran ang landas na pinangungunahan ng Banal na Espiritu. May kinalaman ito sa pakikipagtulungan sa panig ng tao, iyon ay, kung ano ang inyong gagawin upang matamo ang mga kinakailangan ng Diyos sa inyo, at kung paano kayo gagawi upang pumasok sa tamang landas.

08 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Hindi Maaaring Kumatawan sa Diyos

sariling-kahalagahan, disposisyon, pag-ibig, Banal na Espiritu, Jesus


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Hindi Maaaring Kumatawan sa Diyos




    Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos na walang kalayaan sa impluwensya ni Satanas. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong ma-proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Sa ibang salita, ang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Samakatuwid, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito na nanggagaling sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, lubos na pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung ang tao ay hindi direktang magawang perpekto, pakitunguhan, masira, pungusin, madisiplina, maparusahan, o gawing dalisay ng Banal na Espiritu, kung gayon ay walang tunay na umiibig sa Diyos. Kung sasabihin mo na ang isang bahagi ng iyongdisposisyon ay kumakatawan sa Diyos at kaya mong ibiginng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa kang tao na nagsasambit ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. Ang katulad ng ganitong mga tao ay ang arkanghel! Ang sadyang kalikasan ng tao ay hindi maaaring direktang kumatawan sa Diyos. Kailangang mahubog ang tao sa pamamagitan ng pagka-perpekto ng Diyos, pagkatapos ay alagaan at pasayahin ang kalooban ng Diyos at magpasakop sa gawain ng Banal na Espiritu, bago aprubahan ng Diyos ang kanyang pagsasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa katawang-tao ang maaaring direktang kumatawan sa Diyos maliban kung siya ay ginamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit na ang gayong disposisyon ng tao at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi maaaring sabihin na ganap na kumakatawan sa Diyos; ito ay maaari lamang sabihin na ang kanyang isinasabuhay ay pinamahalaan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos.

Salita ng Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya




    Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa’ yo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay manatili sa kasalukuyang kalagayan; hindi nito makamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi mag-ugat sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkaraan nitong namukadkad at natuyo pagkatapos. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung iibigin mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos nito, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagmamanipula at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng mga taong hindi ganap na nakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga bayan na nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga bayan na nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng mga ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.

30 Disyembre 2017

Salita ng Diyos | Ang Landas... (6)

B203-路……(六)-ZB201710-TL-min.jpg


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (6)




    Dahil sa gawain ng Diyos kaya tayo ay nadala tungo sa kasalukuyan. Kaya, lahat tayo ay mga nanatiling buháy sa planong pamamahala ng Diyos, at na tayo ay maaaring mapanatili hanggang sa kasalukuyan ay isang dakilang pagtataas mula sa Diyos. Ayon sa plano ng Diyos, ang bansa ng malaking pulang dragon ay dapat na wasakin, nguni’t Aking iniisip na marahil ay nakapagtatag Siya ng isa pang plano, o nais Niyang isakatuparan ang isa pang bahagi ng Kanyang gawain. Kaya hanggang sa ngayon ay hindi Ko pa rin naipaliliwanag ito nang malinaw—para bang ito ay isang di-maipaliwanag na palaisipan. Nguni’t sa pangkalahatan, ang grupo nating ito ay naitalaga ng Diyos, at Ako ay patuloy na naniniwala na ang Diyos ay may ibang gawain sa atin. Nawa tayong lahat ay magsumamo sa Langit na: “Nawa ang Iyong kalooban ay matupad at nawa Ikaw ay minsan pang magpakita sa amin at huwag takpan ang Iyong Sarili upang makita namin ang Iyong kaluwalhatian at ang Iyong mukha nang mas malinaw.” Lagi Kong nadarama na ang landas kung saan ginagabayan tayo ng Diyos ay hindi tumatakbo nang tuwid, kundi ito ay isang paliku-likong daan na punô ng mga lubák, at sinasabi ng Diyos na habang mas mabátó ang landas mas maibubunyag nito ang ating puso ng pag-ibig, nguni’t walang isa man sa atin ang makapagbubukas ng ganitong uri ng landas. Sa Aking karanasan, Ako ay nakalakad sa maraming mabátó at mapanganib na mga landas at Ako ay nakapagtiis ng matinding pagdurusa; may mga sandali na Ako ay lubos na nagdalamhati hanggang sa punto na parang gusto kong umiyak nang malakas, nguni’t nakalakad Ako sa landas na ito hanggang sa araw na ito. Ako ay naniniwala na ito ang landas na pinangungunahan ng Diyos, kaya Aking tinitiis ang paghihirap sa lahat ng pagdurusa at nagpapatuloy na sumulong dahil ito ang naitalaga ng Diyos, kaya sinong makatatakas dito? Hindi Ko hinihingi na makatanggap ng anumang mga pagpapala; ang hinihingi Ko lamang ay makaya Kong lumakad sa landas na dapat Kong lakaran ayon sa kalooban ng Diyos. Hindi Ako naghahanap na gayahin ang iba o lumakad sa landas na kanilang nilalakaran—ang hinahanap Ko lamang ay matupad Ko ang Aking panata na lumakad sa Aking itinakdang landas hanggang sa katapusan. Hindi Ko hinihingi ang tulong ng iba; sa prangkahan, hindi Ko rin matutulungan ang sinuman. Ako ay tila labis na napakaselan sa bagay na ito. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng ibang tao. Ito ay dahil lagi Akong naniniwala na gaano man ang dapat ipagdusa ng isang indibidwal at gaano man kalayo ang dapat nilang lakarin sa kanilang landas ay itinakda ng Diyos at walang sinuman ang tunay na makatutulong sa kaninuman. Marahil ang ilan sa ating maiinit na mga kapatirang lalaki at babae ay magsasabi na Ako ay walang pag-ibig. Nguni’t ito lamang ang Aking paniniwala. Ang mga tao ay lumalakad sa kanilang mga landas na nananalig sa paggabay ng Diyos, at Ako ay naniniwala na karamihan sa Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mauunawaan ang Aking puso. Umaasa rin Ako na pinagkakalooban tayo ng Diyos ng napakatinding pagliliwanag sa aspetong ito upang ang ating pag-ibig ay magiging mas dalisay at ang ating pagkakaibigan ay magiging mas mahalaga. Nawa ay hindi tayo malító sa paksang ito, kundi maging mas malinaw upang ang mga pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao ay maitatag batay sa pangunguna ng Diyos.
    Ang Diyos ay nakagawa sa kalakhang-lupain ng Tsina sa loob ng ilang mga taon, at Siya ay nagbayad ng malaking halaga sa lahat ng mga tao upang sa kahulihulihan ay madala tayo sa kung nasaan tayo ngayon. Palagay Ko upang magabayan ang bawa’t isa tungo sa tamang landas, ang gawaing ito ay dapat na magsimula kung saan ang bawa’t isa ay pinakamahina—sa paraang ito lamang na ang unang balakid ay mapagtatagumpayan upang ito ay magpatuloy na sumulong. Hindi ba mas mabuti iyan? Ang sambayanang Tsino na naging tiwali sa loob ng libu-libong mga taon ay nagpatuloy na sumulong hanggang ngayon. Ang lahat ng mga uri ng mga mikrobyo ay patuloy na lumalawak at kumakalat sa bawa’t dako gaya ng salot; sa pagtingin lamang sa mga kaugnayan ng mga tao ay sapat upang makita kung ilang mga mikrobyo ang nasa mga tao. Sukdulang napakahirap para sa Diyos na paunlarin ang Kanyang gawain sa gayong mahigpit-ang-pagkakasara at puno-ng-mikrobyong dako. Ang mga pagkatao ng mga tao, mga kaugalian, paraan ng paggawa ng mga bagay-bagay, lahat ng inihahayag nila sa kanilang mga buhay at kanilang mga pansariling pakikipag-ugnayan sa iba ay di-kapanipaniwalang sirang lahat at kahit ang kanilang kaalaman at kanilang mga kultura ay sinumpang lahat ng Diyos. Bukod pa sa sari-saring mga karanasan na kanilang natutunan mula sa kanilang mga pamilya at lipunan—ang mga ito ay nahatulan nang lahat sa paningin ng Diyos. Ito ay sapagka’t yaong namumuhay sa lupaing ito ay nakakain ng napakaraming mga mikrobyo. Tila pangkaraniwan ito para sa mga tao, at hindi nila ito iniisip. Samakatuwid, habang mas matindi ang katiwalian ng mga tao sa isang lugar, mas hindi-wasto ang kanilang pansariling pag-uugnayan sa isa’t isa. May paglalaban-laban sa mga pantaong ugnayan—sila ay nagbabalak laban sa isa’t isa at nagpapatayan na parang ang lugar na iyon ay lungsod ng mga demonyo kung saan kinakain ng isang tao ang kapwa tao. Masyadong mahirap isakatuparan ang gawain ng Diyos sa ganitong uri ng lugar na lubhang nakakatakot, kung saan ang mga multo ay laganap. Kapag nakikitungo Ako sa mga tao, lagi Akong nagsusumamo sa Diyos nang walang tigil. Ito ay dahil sa Ako ay laging natatakot na makitungo sa mga tao, at matindi ang Aking takot na masasaktan Ko ang “dignidad” ng iba sanhi ng Aking disposisyon. Sa Aking puso Ako ay laging natatakot na ang masasamang espiritung ito ay kikilos nang walang taros, kaya lagi Akong nagsusumamo sa Diyos na ingatan Ako. Lahat ng uri ng di-wastong mga ugnayan ay makikita sa pagitan ng mga taong ito sa gitna natin. Nakikita Ko ang lahat ng mga bagay na ito at may pagkamuhi sa Aking puso. Iyan ay sapagka’t ang mga tao ay laging gumagawa ng mga pantaong pag-aabala sa pagitan nila at sila ay walang pagsasaalang-alang sa Diyos kahit kailan. Kinamumuhian Ko ang mga pagkilos ng mga taong ito nang tagos sa Aking mga buto. Ang makikita sa mga tao sa kalakhang-lupain ng Tsina ay walang iba kundi tiwaling maka-Satanas na mga disposisyon, kaya sa gawain ng Diyos sa mga taong ito, halos imposible na makakita ng anumang kanais-nais na mga bahagi sa kanila; silang lahat ay ang mga bahagi kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu, at ito lamang ang kung saan mas inaantig ng Banal na Espiritu ang mga tao, at gumagawa sa kanila. Halos imposibleng magamit ang mga taong yaon, iyan ay, ang gawaing maantig ng Banal na Espiritu kasama ang pakikipagtulungan ng mga tao ay hindi magagawa. Ang Banal na Espiritu ay matinding kumikilos para antigin ang mga tao, nguni’t magkaganoon man ang mga tao ay manhid pa rin at walang pakiramdam at walang ideya kung ano ito na ginagawa ng Diyos. Kaya, ang gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina ay maihahambing sa Kanyang gawain ng paglikha sa mundo. Ginagawa Niyang muling maisilang ang lahat ng mga tao at binabago ang lahat sa kanila dahil walang bahaging kanais-nais sa mga taong ito. Ito ay masyadong nakakadurog ng puso. Malimit Akong malungkot na nananalangin para sa mga taong ito: “Diyos, nawa ang Iyong dakilang kapangyarihan ay mabunyag sa mga taong ito upang maantig sila nang matindi ng Iyong Espiritu, at upang ang mga manhid at mahina-ang-isip na mga nagdurusang ito ay magising, hindi na matulog, at makita ang araw ng Iyong kaluwalhatian.” Nawa tayong lahat ay manalangin sa harap ng Diyos at sabihing: O Diyos! Nawa Ikaw ay muling mahabag sa amin at kalingain kami upang ang aming mga puso ay lubos na makabaling sa Iyo at kami ay makatakas sa maruming lupaing ito, tumayô, at tapusin kung ano ang ipinagkatiwala Mo sa amin. Ako ay umaasa na muli tayong aantigin ng Diyos upang matamo natin ang Kanyang pagliliwanag, at upang Siya ay mahabag sa atin nang makaya ng ating mga puso na unti-unting bumaling sa Kanya at makamit Niya tayo. Ito ang pagnanais nating lahat.
    Ang landas na ating tinatahak ay lubos na itinalaga ng Diyos. Sa pangkalahatan, Ako ay naniniwala na Ako ay tiyak na makalalakad sa landas na ito hanggang sa katapusan, at ito ay sapagka’t ang Diyos ay laging ngumingiti sa Akin, at para bang ang kamay ng Diyos ay laging gumagabay sa Akin. Kaya, ito ay hindi pinalabnaw ng anuman sa Aking puso—Ako ay laging abala sa gawain ng Diyos. Aking ginagawa ang lahat ng makakaya Ko upang tapusin ang lahat ng ipinagkatiwala sa Akin nang may katapatan, at Ako ay lubos na hindi nakikialam sa mga gawain na hindi Niya inilaan sa Akin, ni nakikialam Ako sa gawaing ginagawa ng sinuman. Iyan ay dahil sa Ako ay naniniwala na ang bawa’t tao ay dapat na lumakad sa kanilang sariling landas nang hindi nanghihimasok sa isa’t isa. Ganito Ko ito nakikita. Marahil ito ay dahil sa Aking sariling pagkatao, nguni’t Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay uunawain at patatawarin Ako dahil hindi Ako kailanman nangangahas na sumalungat sa mga batas ng Aking Ama. Hindi Ako nangangahas na labanan ang kalooban ng Langit. Posible kayang iyong nakalimutan na “ang kalooban ng Langit ay hindi maaaring labanan”? Maaaring may mga taong nag-iisip na Ako ay masyadong makasarili, nguni’t sa palagay Ko Ako ay partikular na nakarating upang gumawa ng isang bahagi sa gawaing pamamahala ng Diyos. Hindi Ako dumating para sa pansariling mga pakikipag-ugnayan. Hindi Ko basta matutunan kung paano magkaroon ng mabuting mga kaugnayan sa ibang mga tao. Nguni’t nasa Akin ang paggabay ng Diyos sa ipinagkatiwala Niya sa Akin, at Ako ay mayroong pagtitiwala at pagtitiyaga upang gawin ang gawaing ito nang mabuti. Maaaring Ako ay masyadong makasarili. Aking inaasam na bawa’t isa ay magkukusa na damahin ang di-makasariling pag-ibig ng Diyos at makipagtulungan sa Kanya. Huwag maghintay sa pagdating ng ikalawang kamahalan ng Diyos—iyan ay hindi mabuti para kaninuman. Lagi Kong iniisip na dapat Kong gawin ang lahat ng bagay na posible upang magawa ang nararapat para mabigyang-kasiyahan ang Diyos. Ang Diyos ay nagkatiwala sa bawa’t indibidwal ng isang bagay na naiiba, at dapat nating isaalang-alang kung paano ito tutuparin. Dapat ay may kamalayan ka sa kung ano ang landas na tunay mong nilalakaran—lubhang kailangan na ikaw ay malinaw tungkol dito. Yamang handa kang bigyang-kasiyahan ang Diyos, bakit hindi mo muna ibigay ang iyong sarili sa kanya? Nang unang pagkakataon na Ako ay nanalangin sa Diyos, ibinigay Ko na ang Aking puso sa Kanya nang buo. Ang mga tao sa palibot Ko—mga magulang, mga kapatid na babae, mga kapatid na lalaki, o mga kamag-aral—sila ay natakpan sa Aking isipan ng Aking determinasyon, at para bang sila ay hindi kailanman umiiral para sa Akin. Iyan ay sapagka’t ang Aking isipan ay laging nasa Diyos, sa Kanyang mga salita, o sa Kanyang karunungan—ang mga bagay na ito ay laging nasa harap at nasa gitna ng Aking puso at ang mga ito ang naging pinakamahalagang bagay sa Aking puso. Kaya para sa mga tao na punô ng mga pilosopiya sa buhay, Ako ay isang walang-emosyon at malamig-ang-dugong nilalang. Kung paano Ko dalhin ang Aking sarili, paano Ko gawin ang mga bagay-bagay, ang Aking bawa’t galaw—lahat ng ito ay tumutusok sa kanilang mga puso. Sinusulyapan nila Ako nang kakatwa na para bang Ako ay personal na naging isang di-malulutas na palaisipan. Ako ay palihim na sinusukat ng mga tao sa kanilang mga puso—hindi nila alam kung ano ang Aking gagawin. Paano Ako hihinto sa pagsulong dahil sa bawa’t galaw ng mga taong iyon? Baka sila ay naiinggit, o nasusuka, o nang-uuyam—Ako ay sabik pa ring nananalangin sa harap ng Diyos na parang Siya lamang at Ako ang naroon sa parehong mundo, at wala ng iba pa. Lagi Akong sinisikil ng panlabas na mga pwersa, nguni’t ang damdamin ng naaantig ng Diyos ay sumisilakbo rin sa Akin. Sa kalituhang ito, yumukod Ako sa harap ng Diyos: “O Diyos! Ako ay hindi kailanman tumangging gumawa para sa Iyong kalooban. Sa Iyong mga mata Ako ay kagalang-galang at itinuturing na pinong ginto, nguni’t hindi Ako makatakas mula sa mga pwersa ng kadiliman. Ako ay handang magdusa alang-alang sa Iyo habambuhay, handa Akong gawin ang Iyong gawain bilang gawain ng Aking sariling buhay; nakikiusap Ako sa Iyo na bigyan Ako ng isang tamang dako ng kapahingahan upang ialay ang Aking sarili sa Iyo. O Diyos! Handa Akong ialay ang Aking sarili sa Iyo. Nalalaman Mo nang husto ang kahinaan ng tao, kung gayon ay bakit Mo tinatakpan ang Iyong sarili mula sa Akin?” Sa sandaling iyon pakiramdam Ko ay para Akong lila sa bundok na nagpapalabas ng kanyang bango sa hanging amihan, subali’t walang nakaaalam nito. Ang langit ay tumatangis at ang Aking puso ay umiiyak nang umiiyak na para bang mas nasaktan pa ang Aking puso. Ang lahat ng pwersa at pagsalakay ng sangkatauhan ay gaya ng pagkulog at pagkidlat sa maliwanag na araw. Sinong makakaunawa sa Aking puso? Kaya’t Ako ay muling lumapit sa harap ng Diyos at sinabi: “O Diyos! Wala bang daan upang isakatuparan ang Iyong gawain sa lupaing ito ng karumihan? Bakit ganito na ang lahat ay payapa sa isang kapaligirang tumutulong at malaya sa pang-uusig, gayunma’y hindi maisaalang-alang ang Iyong puso? Kahit na Akin pang ibuka ang Aking mga pakpak, bakit hindi pa rin Ako makalipad paláyô? Hindi Ka ba sumasang-ayon?” Maraming araw Ko itong tinangisan, nguni’t lagi Akong naniwala na pagiginhawahin ng Diyos ang puso Kong punô ng kalungkutan. Mula umpisa hanggang katapusan, walang makaunawa sa Aking bagabag na pakiramdam. Marahil ito ay isang tuwirang pagdama mula sa Diyos—Ako ay laging nagniningas para sa Kanyang gawain at halos wala na Akong panahon para huminga. Hanggang sa araw na ito Ako ay nananalangin pa rin: “O Diyos! Kung ito ay Iyong kalooban, nawa ay pangunahan Mo Ako upang isakatuparan ang higit pang malaking gawain Mo upang ito ay lumawak sa kabuuan ng buong sansinukob, magbukas sa bawa’t bansa, sa bawa’t denominasyon sa buong mundo, upang ang Aking puso ay makatamo ng katiting na kapayapaan, upang Ako ay mabuhay sa dako ng kapahingahan para sa Iyo, at upang Ako ay makagawa para sa Iyo nang walang paggambala at makaya Ko na payapain ang Aking puso upang paglingkuran Ka sa buong buhay Ko.” Ito ang pagnanais sa Aking puso. Baka sabihin ng Aking mga kapatirang lalaki at babae na Ako ay mayabang, na Ako ay mapagmalaki. Kinikilala Ko iyan sapagka’t ito ay isang katunayan—ang tinataglay ng mga kabataan ay kayabangan lamang. Kaya sinasalita Ko ang katotohanan nang hindi sinasalungat ang mga katunayan. Sa Akin maaari mong makita ang lahat ng pagkatao ng isang kabataan, nguni’t makikita mo rin kung ano ang pagkakaiba Ko sa ibang kabataan—iyan ay ang Aking katahimikan at kapayapaan. Hindi Ako gumagawa ng isang paksa mula rito; Ako ay naniniwala na mas kilala Ako ng Diyos kaysa sa pagkakilala Ko sa Aking sarili. Ang mga ito ay mga salita mula sa Aking puso, at Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay hindi nasasaktan. Nawa ay isalita natin ang mga salita sa ating mga puso, tingnan ang bawa’t isa sa ating mga pinag-uukulan ng paghahabol, ikumpara ang ating mga puso ng pag-ibig para sa Diyos, pakinggan ang mga salitang ibinubulong natin sa Diyos, awitin ang pinakamagagandang mga awitin sa ating mga puso, at ipahayag ang ating mga damdamin ng pagmamalaki upang ang ating mga buhay ay maging mas maganda. Kalimutan ang nakaraan, tumingin tungo sa ating kinabukasan, at ang Diyos ay magbubukas ng isang landas para sa atin!

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Rekomendasyon:Alam mo ba ang malalim na kahulugan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus ?

Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

28 Disyembre 2017

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri (Tagalog) | Habang Daan Kasama Mo




Habang Daan Kasama Mo
Ako'y parang bangka, palutang-lutang sa dagat.
Pinili Mo ako, at sa isang kanlungan inakay Mo ako.
Ngayon sa'Yong pamilya, dama ang pag-ibig Mo,
payapang-payapa ako.

27 Disyembre 2017

Salita ng Diyos | Ang Landas... (3)

buhay, kapayapaan, Diyos, pag-ibig, Iglesia


Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (3)




    Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumatagal at kailanma’y hindi nagbabago!” Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang kariktan ng Diyos, kataasan, at kadakilaan. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng buhay? Naranasan mo na ba ang buhay ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang espiritu ay naantig na ng Diyos? Nakita mo na ba kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao? Naibigay mo na ba ang iyong puso sa Diyos nang buo? Kapag buo mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakakaya mong tuwirang maranasan ang buhay ng Banal na Espiritu, at ang Kanyang gawain ay maaaring patuloy na mabunyag sa iyo. Sa panahong iyon, maaari kang maging isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Handa ka ba na maging ganoong uri ng tao? Sa Aking alaala, noong Ako ay naantig ng Banal na Espiritu at unang ibinigay ang Aking puso sa Diyos, bumagsak Ako sa harapan Niya at umiyak: “O Diyos! Ikaw ang nagbukas ng Aking mga mata upang Aking makilala ang Iyong pagliligtas. Handa Akong ibigay ang Aking puso sa Iyo nang buo, at ang tangi Kong hinihiling ay mangyari ang Iyong kalooban. Ang tangi Kong inaasam ay makamit ng puso Ko ang Iyong pagsang-ayon sa Iyong presensya, at maisakatuparan ang Iyong kalooban.” Ang panalanging iyon ay pinaka-hindi-malilimutan para sa Akin; Ako ay masyadong naantig, at Ako ay mapait na tumangis sa harapan ng Diyos. Iyon ang Aking unang matagumpay na pananalangin sa presensya ng Diyos bilang isang tao na naligtas, at iyon ang una Kong hinahangad. Ako ay malimit na naaantig ng Banal na Espiritu matapos iyon. Nagkaroon ka na ba ng ganitong uri ng karanasan? Paano nakágáwâ ang Banal na Espiritu sa iyo? Sa palagay Ko ang mga tao na naghahanap na ibigin ang Diyos ay magkakaroong lahat ng ganitong uri ng karanasan, sa humigit-kumulang na mga antas, subali’t nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga iyon. Kung sinasabi ng isang tao na hindi pa sila nagkaroon ng ganitong karanasan, pinatutunayan niyan na sila ay hindi pa naliligtas at nasa ilalim pa rin ng sakop ni Satanas. Ang gawain na isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa bawa’t isa ay ang landas ng Banal na Espiritu, at ito rin ang landas ng isang tao na naniniwala at naghahanap sa Diyos. Ang unang hakbang ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao ay yaong pag-antig sa kanilang mga espiritu. Matapos iyon, sila ay magsisimulang mahalin ang Diyos at habulin ang buhay; ang lahat niyaong mga nasa landas na ito ay nasa loob ng daloy ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay hindi lamang ang mga paggalaw ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, kundi sa buong sansinukob din. Ginagawa Niya ito sa buong sangkatauhan. Kung ang isang tao ay hindi pa naantig kahit minsan, ipinakikita nito na sila ay nasa labas ng daloy na ito ng pagbabawi. Aking idinadalangin sa Diyos nang walang-patid sa Aking puso na maaantig Niya ang lahat ng mga tao, na ang bawa’t isa sa ilalim ng araw ay maaantig Niya at lalakad sa landas na ito. Marahil ito ay isa Kong napakaliit na kahilingan sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na gagawin Niya ito. Ako ay umaasa na lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mananalangin para dito, upang ang kalooban ng Diyos ay mangyari, at nang ang Kanyang gawain ay matapos sa lalong madaling panahon upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay makapahinga. Ito ang Aking sariling maliit na pag-asa.
    Ako ay naniniwala na yamang naisasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain sa isang lungsod ng mga demonyo, kung gayon tiyak na kaya Niyang isakatuparan ang Kanyang gawain sa di-mabilang na mga lungsod ng mga demonyo sa buong sansinukob. Yaong mga kasama natin sa huling kapanahunan ay tiyak na makikita ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos. Ito ay tinatawag na “ang pagsunod hanggang sa katapusan ay hahantong sa kaligtasan.” Walang sinuman ang makapapalit sa yugtong ito ng gawain ng Diyos—ang Diyos Sarili Niya lamang ang makagagawa nito. Ito ay dahil sa ito ay di-pangkaraniwan; ito ay isang yugto ng gawain ng paglupig, at hindi kayang lupigin ng mga tao ang ibang tao. Tanging ang mga salita mula sa sariling bibig ng Diyos at ang mga bagay na ginagawa Niya nang personal ang makalulupig sa sangkatauhan. Sa buong sansinukob, ginagamit ng Diyos ang bansa ng malaking pulang dragon bilang isang dakong subukan. Pagkatapos nito, sisimulan Niya ang gawaing ito sa lahat ng iba pang dako. Ibig sabihin niyan isasakatuparan ng Diyos ang lalong mas malaki pang gawain sa buong sansinukob, at lahat ng mga tao ng sansinukob ay tatanggap ng gawain ng paglupig ng Diyos. Ang mga tao sa bawa’t denominasyon at bawa’t sekta ay dapat tanggapin ang yugtong ito ng gawain. Ito ay landas na dapat tahakin—walang sinumang makatatakas dito. Handa ka bang tanggapin itong ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos? Lagi Kong nadarama na ang pagtanggap sa isang bagay na ipinagkatiwala ng Banal na Espiritu ay isang maluwalhating bagay. Ang tingin Ko rito, ito ang pinakadakilang pagtitiwala na inilalagak ng Diyos sa sangkatauhan. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay gagawa nang masigasig kaagapay Ko at tatanggapin ito mula sa Diyos, upang ang Diyos ay maluwalhati sa buong sansinukob, at ang ating mga buhay ay hindi mawawalan ng kabuluhan. Tayo ay dapat gumawa ng isang bagay para sa Diyos, o dapat tayong gumawa ng panunumpa. Kung ang isang tao ay naniniwala sa Diyos nguni’t walang hinahabol, kung gayon ang kanilang buhay ay nawawalan ng saysay, at kapag dumating ang sandali ng kanilang kamatayan, ang makikita lamang nila ay ang asul na kalangitan at ang maalikabok na lupa. Iyan ba ay isang makahulugang buhay? Kung kaya mong katagpuin ang mga kinakailangan ng Diyos habang ikaw ay nabubuhay, hindi ba ito isang mainam na bagay? Bakit ka laging naghahanap ng gulo, at nakatungo? Sa paraang iyan nakatatamo ka ba ng kahit anuman mula sa Diyos? At ang Diyos ba ay makatatamo ng anuman mula sa iyo? Sa loob ng Aking ipinangako sa Diyos, basta ibinibigay Ko ang Aking puso sa Kanya at hindi Siya nililinlang ng Aking mga salita. Hindi Ako gagawa ng isang bagay na gaya niyan—Ako ay handa lamang na paginhawahin ang Diyos na Aking minamahal ng Aking puso, upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay maginhawahan. Ang puso ay maaaring mahalaga nguni’t ang pag-ibig ay mas mahalaga. Ako ay handang ibigay ang pinakamahalagang pag-ibig sa Aking puso sa Diyos upang ang Kanyang matatamasa ay ang pinakamainam na bagay na mayroon Ako, upang Siya ay makadama ng kaganapan sa pag-ibig na iniaalay Ko sa Kanya. Handa ka bang ibigay ang iyong pag-ibig sa Diyos upang tamasahin Niya? Handa ka ba na gawin ito bilang iyong pangunahin para manatiling buháy? Ang nakikita Ko mula sa Aking karanasan ay na mas higit ang pag-ibig na ibinibigay Ko sa Diyos, mas higit kong nadarama na Ako ay nabubuhay nang may kagalakan, at Ako ay may walang-hangganang kalakasan, Ako ay handang isakripisyo ang Aking buong katawan at isipan, at laging nadarama na hindi maaaring maibig Ko nang sapat ang Diyos. Kaya ang pag-ibig mo ba ay pag-ibig na napakaliit, o ito ba ay walang-hangganan at di-masukat? Kung tunay na nais mong ibigin ang Diyos, palagi kang magkakaroon ng higit na pag-ibig na maisusukli sa Kanya. Kung ganyan ang kalagayan, sinong tao at anong bagay ang maaaring posibleng maging hadlang sa iyong pagmamahal sa Diyos?
    Pinahahalagahan ng Diyos ang lahat ng pag-ibig ng sangkatauhan; Kanyang ibinubunton ang lalong higit pa ng Kanyang mga pagpapala sa lahat niyaong mga nagmamahal sa Kanya. Ito ay sapagka’t ang pag-ibig ng tao ay napakahirap makamit, napakakaunti lamang nito, at ito ay halos hindi masumpungan. Sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtangkang hingin na suklian ng mga tao ang Kanyang pag-ibig, subali’t sa pagdaan ng mga kapanahunan magpahanggang sa ngayon, yaong nakapagsukli ng tunay na pag-ibig sa Diyos ay iilan—maliit ang kanilang bilang. Ang Aking natatandaan, si Pedro ay isa, nguni’t siya ay personal na ginabayan ni Jesus at sa panahon lamang ng kanyang kamatayan niya ibinigay ang kanyang buong pag-ibig sa Diyos, na tumapos sa buhay niyang yaon. Samakatuwid, sa ilalim ng ganitong mga uri ng di-kanais-nais na mga kalagayan pinakitid ng Diyos ang sakop ng Kanyang gawain sa sansinukob, ginagamit ang bansa ng malaking pulang dragon bilang pagpapakita. Kanyang itinutuon ang lahat ng Kanyang lakas at pagsisikap sa isang dako. Ito ay magkakaroon ng mas kanais-nais na mga kalalabasan at magiging mas kapakipakinabang sa Kanyang pagsaksi. Sa ilalim ng dalawang kalagayang ito dinala ng Diyos ang Kanyang gawain ng buong sansinukob sa mga taong ito na may pinakamahinang kakayahan sa kalakhang-lupain ng Tsina at sinimulan ang Kanyang mapagmahal na gawain ng paglupig, sa gayon matapos na makaya ng mga taong ito na mahalin Siya, Kanyang maisasagawa ang susunod na hakbang ng Kanyang gawain. Ito ang plano ng Diyos. Ang bunga ng Kanyang gawain ay magiging pinakamainam sa paraang ito. Ang sakop ng Kanyang gawain ay kapwa nakasentro at natatanganan. Maliwanag kung gaano kalaki ang halaga na nabayaran ng Diyos at kung gaano katindi ang pagsisikap na Kanyang nagugol sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Kanyang gawain sa atin, na ang ating araw ay nakarating. Ito ang ating pagpapala. Kaya, ang hindi naaayon sa pantaong mga paniwala ay na ang mga Kanluranin ay naiinggit sa atin sa pagiging isinilang sa isang magandang lugar, subali’t nakikita nating lahat ang ating mga sarili bilang mababa at mapagkumbaba. Hindi ba’t ito ay pagtataas ng Diyos sa atin? Ang mga inapo ng malaking pulang dragon na palagi nang nayuyurakan ay tinitingala ng mga Kanluranin—ito ay tunay na ating pagpapala. Kapag iniisip Ko ito, Ako ay nadaraig ng kabaitan ng Diyos, at sa pamamagitan ng Kanyang kamahalan at kalapitan. Mula rito ay makikita na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay hindi katugma ng pantaong mga paniwala, at bagaman ang lahat ng mga taong ito ay isinumpa, Siya ay hindi nasikil ng mga paghihigpit ng kautusan at sinadya Niyang isentro ang Kanyang gawain sa palibot nitong bahaging ito ng lupa. Ito ang kung bakit Ako ay nagsasaya, bakit Ako nakadarama ng di-masukat na kasayahan. Bilang isang tao na nangunguna sa gawain, gaya ng mga punong pari sa gitna ng mga Israelita, kaya Ko na tuwirang isakatuparan ang gawain ng Espiritu at tuwirang paglingkuran ang Espiritu ng Diyos; ito ang Aking pagpapala. Sinong mangangahas na mag-isip ng isang bagay na gaya nito? Subali’t ngayon, ito ay hindi-inaasahang nakarating sa atin. Ito ay tunay na isang malaking kagalakan na nararapat nating ipagdiwang. Umaasa Ako na patuloy tayong pagpapalain ng Diyos at itataas tayo upang yaong mga kasama natin na nasa tambak ng basura ay maaaring magamit nang makapangyarihan ng Diyos, sa gayon ay tinutulutan tayong masuklian ang Kanyang pag-ibig.
    Ang pagsusukli sa pag-ibig ng Diyos ang landas na Aking tinatahak ngayon, subali’t Aking nadarama na ito ay hindi kalooban ng Diyos, ni ito ang landas na dapat Kong nilalakaran. Ang kalooban ng Diyos ay para magamit Niya Ako nang makapangyarihan—ito ang landas ng Banal na Espiritu. Marahil ay nagkakamali Ako. Iniisip Ko na ito ang landas na Aking tinatahak dahil matagal Ko nang itinatag ang Aking kapasyahan kasama ng Diyos. Handa Akong magabayan ng Diyos upang Ako ay makapasok tungo sa landas na dapat Kong tahakin sa lalong madaling panahon, at magawa ang kalooban ng Diyos sa lalong madaling panahon. Anuman ang maaaring isipin ng iba, naniniwala Ako na ang pagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos ang pinakamahalaga at ito ang pinakamahalagang bagay sa Aking buhay. Walang sinuman ang makapag-aalis sa Akin ng karapatang ito—ito ang Aking pansariling pananaw, at marahil ay may ilan na hindi makakaunawa rito, nguni’t Ako ay naniniwala na hindi Ko kailangang ipaliwanag ito kahit kanino. Tatahakin Ko ang landas na dapat Kong tahakin—sa sandaling makita Ko ang landas na dapat Kong lakaran dito Ako lalakad at hindi uurong. Sa gayon ay bumabalik Ako sa mga salitang ito: itinatalaga Ko ang Aking puso sa pagsasagawa ng kalooban ng Diyos. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay hindi pupuna sa Akin! Sa pangkalahatan, sa Aking pansariling pagkakita, maaaring sabihin ng ibang tao ang gusto nila, subali’t Aking nadarama na ang pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos ay may tanging-kahalagahan at hindi Ako dapat sumailalim sa mga pagsikil kaugnay dito. Hindi Ako maaaring magkamali sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban, at ang paggawa nito ay hindi maaaring planuhin batay sa Aking pansariling mga pakinabang! Naniniwala Ako na nakita ng Diyos ang kaibuturan ng Aking puso! Kaya paano mo ito uunawain? Handa ka ba na ialay ang iyong sarili sa Diyos? Handa ka ba na magpagamit sa Diyos? Ang iyo bang sariling kapasyahan ay upang isakatuparan ang kalooban ng Diyos? Umaasa Ako na ang lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makatatamo ng kahit kaunting tulong mula sa Aking mga salita. Bagaman ang Aking sariling pananaw ay masyadong mababaw, sinasabi Ko pa rin ang Aking makakaya upang tayong lahat ay makapag-usap nang puso-sa-puso nang malaya sa anumang mga hadlang, upang ang Diyos ay manatili sa ating kalagitnaan magpakailanman. Ang mga ito ay mga salita mula sa Aking puso. Sige! Iyan na lamang para sa Aking taos-pusong pananalita sa ngayon. Umaasa Ako na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay magpapatuloy na gumawa nang masigasig, at Ako ay umaasa na palagi tayong pangangalagaan ng Espiritu ng Diyos!

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

Bakit si Pedro lamang ang nakakilala kay Jesus bilang Kristo ?

Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!