Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Paghihinagpis ng Makapangyarihan
I
Nakikita ng Makapangyarihan sa lahatang pag-iyak at kawalanghiyaan ng mga nagdurusa't nasaktan,
dama ang takot at hina ng taong nawalan ng kaligtasan.
Tumatanggi sila sa kalinga Niya, sa sariling landas dumaraan,
iniiwasan mga mata Niyang naghahanap.
Mas gusto nilang danasin mga pasakit ng dagat,
kasama ang kaaway.
Ang paghihinagpis ng Makapangyarihan sa lahat
ay di na maririnig ninuman.
Mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat ayaw nang abutin,
ayaw na Niyang hipuin ang miserableng sangkatauhan.
II
Muli't-muli, nababawi't nawawala.
Sa ganitong paraan inuulit-ulit Niya ang Kanyang gawa.
Mula ng sandaling yaon, napapagod Siya't nabagot,
kaya tinigil ang paggawa sa kamay Niya,
di na naglalakad sa gitna ng tao.
Walang nakakapuna sa mga ito,
walang nakakapuna sa mga pagbabago.
Walang may alam sa kabigua't kalungkutan,
ang pagdating at pagyao ng Makapangyarihan sa lahat.
III
Lahat sa mundo'y mabilis ang pagbabago
sa mga kaisipan ng Makapangyarihan sa lahat
at sa mga mata niya.
Mga di pa narinig ng sangkatauhan, biglang dumarating.
Ngunit, ang laging sa kanya'y di nalalamang naglalaho.
Walang makaaarok kung nasaan ang Makapangyarihan sa lahat.
Walang nakadarama ng kahigitan at kadakilaan
ng lakas ng buhay ng Makapangyarihan sa lahat.
Ang kahigitan Niya'y
batay sa pagkatalos Niya sa 'di kaya ng tao.
Kadakilaan Niya'y
pagligtas sa mga tinanggihan Siya.
Batid Niya'ng kahulugan ng buhay at kamatayan,
at batas ng buhay ng sangkatauhang nilalang.
Siya ang batayan ng kanilang pag-iral
at ang Manunubos para sila'y muling mabuhay.
Pinalulungkot Niya pusong masasaya't
pinasasaya pusong nalulungkot.
Lahat ito'y para sa gawain Niya't plano, plano.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento