Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"
I
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig,
ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli,
ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.
II
Ang mga salita ng Diyos ay nagpapaginhawa,
nagpapasigla sa tao.
Ang mga ito'y humahatol, sumusumpa,
nagsisiwalat at nangangako
Anuman ang sinasabi ng Kanyang mga salita,
ito'y nagmumula sa Kanyang pagmamahal.
Ito ang kakanyahan ng Kanyang gawain.
Bakit maraming malapit na sumusunod?
Bakit kaya sila puno ng enerhiya?
Ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos, lahat sila'y nakakita .
Ang tiyempo ng Diyos ay perpekto. 'Di Siya nagpapaliban.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.
III
Iniisip ng tao na mahal niya ang kanyang sarili.
Pagmamahal ba 'to?
Ang pag-ibig ng Diyos ang pinakatotoo, mararamdaman mo.
Kung Siya'y 'di naging tao,
laging namatnubay at namuhay kasama ng tao,
magiging mahirap para sa kanila
na malaman ang pag-ibig ng Diyos.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.
Oo, ang Diyos lamang ang nagmamahal sa tao.
Mahal Niya ang tao.
mula sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
🍀💞💞💞💞🍀
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento