Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

31 Oktubre 2018

Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)

Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)

Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus. Sa mga huling araw, sa muling pagpapakita ng Panginoon Jesus sa katawang-tao para isagawa ang Kanyang gawain, inuulit ng mga pinuno sa mundo ng relihiyon ang makasaysayang trahedya ng paglaban ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus. Paano nila nilalabanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Sa pamamagitan ng pagganap ng isang pastor bilang Fariseo sa isang palabas, inihahayag ng dulang ito kung paano pinanghahawakan ng mga makabagong pastor at elder ang Biblia para labanan ang Diyos, at malinaw na ipinapakita na walang pinagkaiba ang landas na tinatahak nila sa landas ng mga Fariseo.

30 Oktubre 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Unang Bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI Ang Kabanalan ng Diyos (III) (Unang Bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao hanggang ang lahat ng maaari nilang isipin ay katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdurusa ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, tinitiis ang kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakrispisyo ang lahat-lahat na mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at sila’y gagawa ng anumang paghatol o disisyon upang kapwa panatilihin at makamit ang katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan iginagapos ni Satanas ang tao ng di-nakikitang mga kadena. Ang kadenang ito ay nakapasan sa mga katawan ng tao, at wala silang lakas ni tapang na itapon ito. Kaya ang mga tao ay kailanman naglalakad pasulong nang may malaking paghihirap, walang kaalam-alam na dinadala ang kadenang ito. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay nahiwalay sa Diyos at ipinagkanulo Siya. Sa pagdaan ng bawat henerasyon, ang sangkatauhan ay naging higit na mas masama, higit na mas madilim at kaya sa ganitong paraan ang isang henerasyon matapos ang isa ay winawasak sa katanyagan at pakinabang ni Satanas."

29 Oktubre 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay III

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (III) (Unang Bahagi)"

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
1. Ang Diyos ay Nagtatakda ng mga Hangganan para sa Lahat ng mga bagay Upang Alagaan ang Kabuuan ng Sangkatauhan

28 Oktubre 2018

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV Ang Kabanalan Ng Diyos (I) (Unang Bahagi)"

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV Ang Kabanalan Ng Diyos (I) (Unang bahagi)"

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito: 1. Atas ng Diyos na si Jehova sa Tao 2. Ang Panunulsol ng Ahas sa Babae

26 Oktubre 2018

Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)

Tagalog Christian Music Video | "Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan" (Tagalog Song)

I
Tunay na daan ay ipinapakita ng anong mga pangunahing prinsipyo? Tingnan kung Espiritu'y gumagawa, kung katotohana'y inihahayag; tingnan kung sinong pinatotohana't anong dulot nito sa'yo. Paniniwala sa Diyos ay sa Espiritu din. Pananalig sa naging-taong Diyos ay pananalig na Siyang kumakatawan sa Espiritu ng Diyos, Siyang Espiritu ng Diyos na kumukuha sa anyo ng katawang-tao, Siya ang Salita na ngayo'y naging katawang-tao na.
II
Dapat ding tingnan mo kung katotohana'y nasa daang ito. Katotohanan, na normal na disposisyon ng buhay ng tao, normal na katinuan, kabatiran, karunungan at pangunahing kaalaman ng pagiging tao. Katotohanan, na inilaan ng Diyos para sa tao mula pa sa paglikha. Ang daan ba ay tungo sa normal na buhay? Katotohanan ba nito'y hiling sa tao na ipamuhay ang normal na pagkatao? Praktikal ba at napapanahon? Kung may katotohanan sa daang ito, magiging tunay ang karanasan ng tao, pagkatao't katinuan nila'y magiging ganap, espirituwal at pisikal na buhay nila ay magiging mas maayos, mga emosyon nila'y mas normal.
III
May isa pang tuntunin para matukoy ang daang tunay. Napalago ba ng daang ito ang kaalaman ng tao sa Diyos? Dapat pukawin ng katotohanan ang pag-ibig sa Diyos sa puso ng tao at mas ilapit ang tao sa presensya N'ya. Reyalidad ang dulot ng katotohanan, nagbibigay ng mga panustos ng buhay. Hanapin ang mga prinsipyong ito at hanapin ang daang tunay, ang daang tunay.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

25 Oktubre 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Dadakilain Ang Ngalan ng Diyos sa mga Bansang Gentil

I Layon ng paghatol ng Diyos himukin pagsunod ng tao; layon ng pagkastigo ng Diyos hayaan pagbabago ng tao. Bagama't gawain ng Diyos ay sa pamamahala N'ya, lahat ay mabuti para sa tao. Nais ng Diyos na sumunod kahit ang mga di-Israelita, upang gawin silang tunay na mga tao, kaya inaabot ng Diyos lupaing labas ng Israel. Pamamahala ito ng Diyos. Gawain N'ya sa lupaing Gentil. II Gawa ng Diyos dapat paglago'y batid n'yo, malayo't malawak kayo'y kakalat. Tatamaan kayo ng Diyos, tatamaan kayo ng Diyos, gaya nang ginawa ni Jehovah sa Israel, para ebanghelyo'y kumalat sa mundo, gawain ng Diyos sa mga lupang Gentil. Sa bata't matanda ngalan ng Diyos lalawak, sa bibig ng lahat ngalan ng Diyos pupurihin. III Sa huling kapanahunan, mga bansang Gentil dadakilain ngalan ng Diyos. Mga kilos ng Diyos tanaw ng mga Gentil, tatawagin S'yang Makapangyarihan, mga salita Niya'y magkakatotoo. Sa tao'y ipapabatid ng Diyos na S'ya'y di lang Diyos ng Israel, S'ya'y Diyos din ng lahat ng Gentil, at nang sinumpa N'ya. Ipapakita N'ya sa tao na Siya'y Diyos ng sangnilikha. Ito'y pinakalubos na gawain ng Diyos, ang layon ng gawain N'ya sa huling mga araw, at tanging gagawin N'ya sa huling mga araw.

24 Oktubre 2018

Tagalog Christian Music Video | "Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos" (Tagalog song)

Tagalog Christian Music Video | "Lahat ng Bagay ay Nasa Kamay ng Diyos" (Tagalog song)

I Minsan nasabi ng Diyos ang gayong mga salita: Ang sinasabi ng Diyos ay maasahan, at ito ay mangyayari, hindi mababago ng sinuman. Hindi mahalaga kung itong mga salita ay nasabi na o sasabihin pa lamang, lahat ng ito'y matutupad, upang makita ng lahat: Ito ang prinsipyo sa likod ng gawain ng mga salita ng Diyos. Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos. Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos? Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari. Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos? Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa? Walang maaaring makahadlang sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy. Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras. Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos. II Ang Diyos ay laging nagtatrabaho sa mga plano sa Kanyang pamamahala. Sino ang kayang gumambala? Di ba't isinasaayos pa rin ng Diyos ang lahat? Ang katayuan na napasok ng mga bagay ngayon ay nasa loob pa rin ng plano at pangitain ng Diyos. Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos. Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos? Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari. Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos? Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa? Walang maaaring makahadlang sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy. Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras. Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos. III Ito ang Kanyang naitalaga. Sino sa inyo ang kayang tarukin ang Kanyang plano para sa hakbang na ito? Dapat makinig ang mga tao ng Diyos sa Kanyang tinig. Lahat ng mga tunay na nagmamahal sa Diyos ay babalik sa harap ng trono kung saan Siya nakaupo! Lahat sa sansinukob ay ipinapasya ng Diyos. Ano ang wala sa mga kamay ng Diyos? Anuman ang sinasabi ng Diyos ay mangyayari. Sino ang maaaring magbago ng kalooban ng Diyos? Maaaring ito ba ang tipan na ginawa ng Diyos sa lupa? Walang maaaring makahadlang sa plano ng Diyos sa pagpapatuloy. Ang Diyos ay gumagawa sa lahat ng oras. Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos. Lahat ng bagay ay nasa kamay ng Diyos.

23 Oktubre 2018

Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan (Tagalog Song)

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay Upang Iligtas ang Sangkatauhan" (Tagalog Christian Song)

Pag-ibig at awa ng Diyos lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala mula sa una hanggang sa huling detalye. I Kung nararamdaman man ng tao ang kalooban Niya o hindi, Siya ay walang humpay na nagpapatuloy sa gawain na kailangan Niyang gawin Kung naiintindihan man ng tao ang pamamahala Niya o hindi, Ang gawain ng Diyos ay nagdudulot ng tulong at tustos na maaaring madama ng lahat. Pag-ibig at awa ng Diyos lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala mula sa una hanggang sa huling detalye. II Marahil ay 'di mo nararamdaman ngayon ang pagmamahal at ang buhay na ibinibigay ng Diyos, ngunit hangga't hindi mo iniiwan ang Kanyang panig, ni tinalikdan ang iyong kalooban upang humanap ng katotohanan, isang araw, tiyak, makikita mo ang ngiti ng Diyos. Dahil sa ang layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos ay upang agawin ang sangkatauhan mula sa sakop ni Satanas, at huwag talikuran ang mga taong natiwali ni Satanas, at tutulan ang Kanyang kalooban. Pag-ibig at awa ng Diyos lumalaganap sa Kanyang gawaing pamamahala mula sa una hanggang sa huling detalye.

21 Oktubre 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Unang Bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II" (Unang Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Walang Makapipigil sa Gawaing Pinagpapasiyahang Gawin ng Diyos

20 Oktubre 2018

Isang Pasalaysay na Pagsasadula ng Isang Tunay na Kuwento ng Buhay: Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos

Isang Pasalaysay na Pagsasadula ng Isang Tunay na Kuwento ng Buhay: Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos

Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin. Pero, dahil kontrolado ng katanyagan at katayuan ang kanyang puso, madalas siyang kumilos ayon sa kanyang sariling mga ideya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin, at wala siyang katwiran at naging diktador. Para sa dahilang ito, pinungos at pinakitunguhan siya ng mga kapatid. Sa simula, nangatwiran siya at ayaw umamin. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nalaman niya ang katotohanan ng kanyang kasamaan. Kaya lang, dahil hindi niya naiintindihan ang intensyon ng Diyos, mali ang pakaintindi niya sa Diyos at inakalang hindi siya ililigtas ng Diyos. Sa panahong ito, unti-unting niliwanagan siya ng salita ng Diyos, ginabayan siya, at ipinaintindi sa kanya ang tapat na intensyon ng Diyos na iligtas ang tao, at naranasan niya ang totoong pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan …

19 Oktubre 2018

Crosstalk – "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" (Tagalog Gospel Video)

Crosstalk – "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos" (Tagalog Gospel Video)

Sa loob ng dalawang libong taon, palaging nagdarasal at nananawagan ang mga Kristiyano sa pangalan ng Panginoong Jesus, nananalig na ang pangalan ng Diyos ay palaging magiging Jesus. Gayunman, ipinropesiya sa Aklat ng Pahayag, kapitulo 3, bersikulo 12, na magkakaroon ng bagong pangalan ang Panginoon pagbalik Niya. Kaya ngayong nagbalik na ang Panginoon sa mga huling araw, matatawag pa rin ba natin siyang Jesus? Anong mga hiwaga ang nasa likod ng pangalan ng Diyos? Ang pagtatanghal na salitaan na may pamagat na "Ang Hiwaga ng Pangalan ng Diyos," ay pinaghahalo ang mga estilo ng pag-awit at pagbigkas para gabayan tayo sa pag-unawa sa kahalagahan kung bakit iba-iba ang pangalan ng Diyos sa iba’t ibang panahon.

18 Oktubre 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Pagpapatuloy ng Unang Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Gawain ng Pamamahala ng Diyos at Pagliligtas ng Sangkatauhan ay Nagsisimula sa Pagsakripisyo ni Abraham kay Isaac
Nakamit ng Tao ang Pagpapala ng Diyos dahil sa Kanyang Pagkamatapat at Pagkamasunurin
Walang Pakialam ang Diyos Kung Hangal man ang Tao—Hinihingi Lang Niyang Maging Totoo ang Tao
Ang Pagkamit sa mga Nakakikilala sa Diyos at mga may Kakayahang Magpatotoo sa Kanya ay ang Di-magbabagong Hangarin ng Diyos

Tagalog Christian Movie Clips | "Ano ang Mabuting Relihiyon, at Ano ang Masamang Kulto?"

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Ano ang Mabuting Relihiyon, at Ano ang Masamang Kulto?"

Ang Partido Komunista ng Tsina ay Marxist-Leninist, isang ateistang partido pulitikal na kumokontra sa lahat ng teismo. Kinokondena ng Partido Komunista ng Tsina ang lahat ng grupo ng relihiyon bilang “masasamang kulto.” Ang pagwawangis bang ito ang katotohanan? Sa huli dapat nakabase kung ano ang makatwiran at kung ano ang masama sa kung ito ba ay umaayon sa katotohanan, at kung ang mga salita ba ng Diyos ay maari o hindi pwedeng gawing basehan ng pagpapasya. Kaya, ano ba ang mabuting relihiyon, at ano ba ang masamang kulto? Panoorin ninyo ang maikling video!
Rekomendasyon: Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo: Salaysay Tungkol sa Pag-Brainwash ng Ccp (Tagalog Dubbed)

17 Oktubre 2018

Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Naiintindihan Mo Ba Talaga ang Katotohanan sa Likod ng Insidente sa Shandong Zhaoyuan?"

Alam ng maraming tao ang tungkol sa insidente ng Zhaoyuan sa Shandong ng gumulantang sa Tsina at sa buong mundo, at nagbunga ng maraming hinala tungkol sa insidente. Gusto rin talaga nilang maintindihan ang katotohanan at ang mga tunay na nangyari sa likod ng insidente ng Zhaoyuan sa Shandong. Ngayon, ang maikling video na ito ang sasagot sa inyong mga katanungan at bubura sa inyong pagdududa.

Ang Kahangalan ng CCP na Kumakalaban sa Paniniwala sa Relihiyon Bilang Piyudal na Pamahiin

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Ang Kahangalan ng CCP na Kumakalaban sa Paniniwala sa Relihiyon Bilang Piyudal na Pamahiin"

Iniisip ng Partido Komunista ng Tsina na ang paniniwala sa relihiyon ay sumibol mula sa takot at pagsamba sa pwersa ng kababalaghan ng tao na napag-iwanan na ng kaalaman sa syensya, at sinasabi nilang isang pamahiin lamang ang relihiyon. Bukod pa rito, kinokondena rin nila at ipinagbabawal ang paniniwala sa relihiyon sa ngalan ng pagkalaban sa piyudal na pamahiin. Ano ang basehan ng mga pananaw na ito ng Partido Komunista ng Tsina? Sa huli, nasaan ang kasamaan ng Partido Komunista ng Tsina na kumakalaban sa paniniwala sa relihiyon bilang piyudal na pamahiin?
Rekomendasyon:
Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo: Salaysay Tungkol sa Pag-Brainwash ng Ccp (Tagalog Dubbed)

16 Oktubre 2018

Tagalog Christian Movie Clips | "Sa Huli Sino Ba ang Sumisira sa mga Pamilya ng mga Kristiyano?"

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | "Sa Huli Sino Ba ang Sumisira sa mga Pamilya ng mga Kristiyano?"


Sinabi ng Panginoong Jesus, “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Mark16:15). Ayon sa mga kailangan ng Diyos, ipinalalaganap ng mga Kristiyano ang ebanghelyo at nagpapatotoo sa Diyos ng sa ganun ay maraming tao ang makatanggap ng pagliligtas Niya. Ang ginagawa nila ay mabuti at marangal. Ngunit walang-awang inaaresto at pinahihirapan ng Partidong Komunista ng Tsina ang mga taong naniniwala sa Diyos, na dahilan para hindi makabalik ang mga Kristiyano sa kanilang mga tahanan. Nagkawatak-watak ang kanilang pamilya, nawasak ang mga tahanan, at nawalan ng buhay ang mga tao. Ganunman, sinasabi ng Partidong Komunista ng Tsina na ang lahat ng ito ay bunga ng pag-iwan ng mga Kristiyano sa mga tahanan nila at propesyon para ipalaganap ang ebanghelyo. Tumutugma ba sa katotohanan ang salaysay na ito ng Partidong Komunista ng Tsina? Sa huli, sino ba talaga ang dahilan ng pagkasira ng pamilya ng mga Krisityano?

Ang Tunay na Layunin sa Likod ng Pagtanggi at Paghatol ng CCP kay Kristo

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | Ang Tunay na Layunin sa Likod ng Pagtanggi at Paghatol ng CCP kay Kristo

Sa Kapanahunan ng Biyaya, nagpakita ang Panginoong Jesus na nagkatawang-tao bilang karaniwan, at normal na tao sa panlabas, ngunit dinala Niya ang landas ng pagsisisi, “Magsisi: sapagkat malapit na ang kaharian ng langit,” at ginawa ang gawain ng pagtubos sa tao sa pamamagitan ng pagpapako sa krus. Sapat na ito upang patunayan na ang Panginoong Jesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Si Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, gaya ng Panginoong Jesus, ay nagpapakita mula sa panlabas bilang isang karaniwang tao. Ganunman, kaya Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng pagdadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan. Pinatutunayan nito na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao. Sa kabilang dako, ang Partido Komunista ng Tsina ay ginagawa ang lahat upang itakwil si Cristo at kalabanin Siya, sa pagsasabing si Cristong nagkatawang-tao ay isa lamang karaniwang tao. Bakit napakasama ng Partido Komunista ng Tsina at salungat sa katwiran?


15 Oktubre 2018

Naging Isa Bang Biyaya o Sumpa ang Siyensiya sa Sangkatauhan?

Tagalog Christian Movie Clips | Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo | Naging Isa Bang Biyaya o Sumpa ang Siyensiya sa Sangkatauhan?

Sa paggamit ng mga argumentong gaya ng materyalismo at ng teorya ng ebolusyon, hindi nag-aksaya ng lakas ang Patido Komunista ng Tsina sa pagkontra sa pag-iral ng Diyos at sa pamumuno Niya. Naniniwala rin sila na kayang magdala ng kaunlaran ang syensya at ng kaligayahan sa sangkatauhan. Totoo ba talaga ito? Totoo bang nagdala ng mga biyaya o sumpa sa sangkatauhan ang syentipikong pag-unald sa kasalukuyang panahon? Rekomendasyon: Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo: Salaysay Tungkol sa Pag-Brainwash ng Ccp (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)

Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sa loob ng huling dalawang libong taon, naging mapagmatyag ang mga nananampalataya sa Panginoon at hinihintay ang pagkatok Niya sa pintuan, kung ganon paano Siya tutuktok sa pintuan ng sangkatauhan sa Kanyang pagbabalik? Sa mga huling araw, pinatototohanan ng ilang tao na nagbalik na ang Panginoong Jesus — ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao — at gagawin Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ginimbal ng balitang ito ang buong mundo ng relihiyon. Si Yang Aiguang, ang bida ng pelikula, ay ilang dekada ng naniniwala sa Panginoon at matagal ng nakikiisa nang buong-puso sa gawain at pangangaral, naghihintay na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Isang araw, may dumating na dalawang tao at kumatok sa pinto, sinabi nila kay Yang Aiguang at sa asawa nito na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ibinahagi sa kanila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Labis silang naantig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pero dahil natuklasan ni Yang Aiguang ang mga kasinungalingan, panlilinlang at paghihigpit ng mga pastor at elder, pinalayas niya sa bahay nila ang mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos noon, ilang beses pang kumatok sa pintuan nila ang mga saksi at ibinahagi kay Yang Aiguang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pinatotohanan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga sandaling ito, paulit-ulit na ginulo at pinigil ng pastor si Yang Aiguang, at hindi nawala ang kanyang pag-aalinlangan. Ganunpaman, sa pakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tuluyang naintindihan ni Yang Aiguang ang katotohanan at naunawaan ang tungkol sa mga tsismis at kasinungalingang ikinalat ng mga pastor at elder. Naiintindihan na niya sa wakas kung paano kumakatok ang Panginoon sa pintuan ng mga tao sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, at kung paano natin Siya dapat salubungin. Nung maglaho ang hamog, narinig na ni Yang Aiguang ang tinig ng Diyos at tinanggap na talagang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

14 Oktubre 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kalungkutan ng Tiwaling Sangkatauhan"

I Ang tao'y naglakad kasama ang D'yos sa paglipas ng mga taon, ngunit di alam ng tao na hawak ng Diyos ang tadhana ng lahat ng bagay. Lalong di alam papaano magsaayos ang Diyos, mamahala sa lahat ng bagay. Gayong bagay ang 'di alam ng tao noon hanggang ngayon 'di dahil mailap ang mga gawa ng Diyos, o plano Niya'y di pa naisakatuparan, nguni't dahil puso't espiritu ng tao, napakalayo sa D'yos. Kahit tao'y sumusunod sa Diyos. Walang malay siyang nagsisilbi kay Satanas. Walang aktibong humahanap sa bakas ng D'yos. Walang sinumang aktibong naghahanap sa pagpapakita ng D'yos, at wala ring nais mabuhay sa pag-aruga't pag-iingat ng D'yos. Mas gusto nilang umasa sa kaagnasan ni Satanas upang umangkop sa masasamang tuntunin ng buhay ng tao. Di namalayan na sa proseso, puso't espiritu N'ya'y isinakripisyo kay Satanas at ng kasamaan. Bukod dito, puso't espiritu ng tao'y nagiging tahanan ni Satanas at kanyang palaruan. II Sa paraang ito, di namamalayang 'di na maunawaan ng tao ang mga prinsipyo ng pagiging tao, at halaga at layunin ng pag-iral ng tao. Mga batas mula sa D'yos at ang tipan N'ya sa tao dahan-dahang kumupas sa puso ng tao at di na n'ya hinahanap ni pakinggan man ang Diyos. Sa paglipas ng panahon tao'y di na makaintindi kung bakit s'ya'y nilikha ng D'yos, di maintindihan mga salita ng Diyos di matanto na lahat ay nanggagaling sa D'yos. Nagsisimulang labanan ng tao mga batas at kautusang itinakda ng D'yos; puso't espiritu niya'y naging patay. Nawala ng Diyos ang orihinal na tao. Nawala ng tao ang kanyang pinagmulan. Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito. Ito ay ang lumbay ng sangkatauhang ito. Ito ay ang lungkot ng sangkatauhang ito.

13 Oktubre 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)

Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.


12 Oktubre 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa ngayon, pormal na gagawing perpekto ng Diyos yaong mga walang relihiyosong paniwala, na handang isantabi ang kanilang dating mga sarili, at sumusunod sa Diyos sa matapat na paraan, at Kanyang gagawing perpekto yaong mga nananabik sa salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat manindigan at maglingkod sa Diyos. Sa Diyos ay naroroon ang walang-katapusang kasaganaan at walang-hangganang karunungan. Ang Kanyang kahanga-hangang gawa at mahahalagang salita ay naghihintay sa lalo pang mas maraming bilang ng mga tao upang masiyahan sa mga iyon. Sa ganitong kalagayan, yaong may mga relihiyosong paniwala, yaong humahawak ng pagiging nauna sa panunungkulan, at yaong hindi maisantabi ang kanilang mga sarili ay nahihirapang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Walang pagkakataon para sa Banal na Espiritu na gawing perpekto ang mga taong ito. Kung ang isang tao ay hindi nagpasya na sumunod, at hindi nauuhaw sa salita ng Diyos, kung gayon hindi nila makakayang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Sila lamang ay magiging mas lalong mapanghimagsik, mas lalong tuso, at hahantong sa maling daan. Sa paggawa ng Kanyang gawain ngayon, itataas ng Diyos ang mas maraming tao na tunay na nagmamahal sa Kanya at nakakatanggap ng bagong liwanag. At lubos Niyang puputulin ang mga relihiyosong namumuno na ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan. Yaong matitigas ang ulo na lumalaban sa pagbabago: hindi Niya nais ang isa man sa kanila."

11 Oktubre 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikalawang Bahagi)

Salita ng Buhay | "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III" (Ikalawang Bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang pagbabawal sa Kanyang gawain, at hindi ito masisira ng sinumang tao, bagay, o kaganapan, at hindi ito maaaring guluhin ng anumang mga puwersa ng kaaway. Sa Kanyang bagong gawain, Siya ay palaging nagwawaging Hari, at ang anumang mga puwersa ng kaaway at ang lahat ng mga erehiya at mga panlilinlang mula sa sangkatauhan ay bumagsak lahat sa ilalim ng Kanyang tuntungan. Kahit na alinman sa Kanyang gawain ang Kanyang tinutupad, ito ay dapat na malinang at palawakin sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at ito ay dapat na ipatupad nang walang kahadlangan sa buong daigdig hanggang sa ang Kanyang dakilang gawain ay mabuo. Ito ang pagiging makapangyarihan ng Diyos at karunungan, ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan."

10 Oktubre 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni’t wala ni katiting na katapatan kayong naigawad para sa Akin. Sa halip, kayo’y uminog sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo kaya sila ay pinanatiling malapit sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan, anumang oras, kahit saan man...Nakikibahagi kayo sa mga gawaing maalab kayo: Ang iba’y tapat sa mga anak, ang iba naman sa asawa, kayamanan, trabaho, mga pinuno, katayuan, o kababaihan. Walang nadaramang pagkainip o pagkayamot sa mga bagay na tapat kayo, sa halip, pinag-iibayo ang inyong kagustuhang maangkin ang mas marami at kalidad na mga bagay na may taglay ng inyong katapatan, at hindi kayo kailanman nawalan ng pag-asa. Ako at ang Aking mga salita ay ipinagtutulakan sa hulihan pagdating sa mga bagay na kayo ay maalab. At wala kayong magagawa kundi ang ihanay sila sa hulihan; ang ilan ay kailangang umalis upang maging tapat sa bagay na hindi pa nila natutuklasan. Wala silang pinananatiling anumang bahagi Ko kailanman sa kanilang mga puso."

09 Oktubre 2018

Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita

Tagalog Christian Music Video | "Ang Diyos Nagkatawang-tao ng mga Huling Araw ay Pangunahing Ginagawa ang Gawain ng mga Salita"

I Ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga huling araw winawakasan ang Kapanahunan ng Biyaya at nagsasalita upang magperpekto at magliwanag, mga salitang nag-aalis ng mga malabong pagkaunawa sa Diyos mula sa puso ng tao. Ginawa ni Jesus ang gawain na naiiba. Nagsagawa Siya ng mga milagro at pinagaling ang may sakit, ipinangaral ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at ipinako sa krus para tubusin ang lahat ng tao. Kaya nagkaroon ng pagkaunawa ang tao na palaging ganito ang Diyos. Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw ang lahat sa salita. Sa mga salita N'ya nakikita mo kung ano S'ya; sa mga salita N'ya nakikita mo na Siya ay Diyos. II Nagkatawang-taong Diyos sa mga huling araw inaalis ang mga malabong pagkaunawa sa Diyos mula sa puso ng tao. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain, ang Kanyang totoo at normal na gawain sa gitna ng lahat ng tao, batid ng tao ang pagkatotoo ng Diyos, hindi naniniwala sa Diyos na malabo. Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao, pinapaging-ganap N'ya ang tao't tinutupad ang lahat. Ito ang gawain na makakamit ng Diyos sa kahuli-hulihan ng mga araw. Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw ang lahat sa salita. Sa mga salita N'ya nakikita mo kung ano S'ya; sa mga salita N'ya nakikita mo na Siya ay Diyos. III Ang Diyos na nagkatawang-tao ay bumibigkas lamang ng mga salita, dahil ito ang Kanyang gawain sa mundo. Makikita mo ang Kanyang kabuuan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, makapangyarihan, mapagpakumbaba, at kataas-taasan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay bumibigkas lamang ng mga salita, dahil ito ang Kanyang gawain sa mundo. Makikita mo ang Kanyang kabuuan sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, makapangyarihan, mapagpakumbaba, at kataas-taasan. Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw ang lahat sa salita. Sa mga salita N'ya nakikita mo kung ano S'ya; sa mga salita N'ya nakikita mo na Siya ay Diyos… Tinutupad at ibinubunyag ng Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw ang lahat sa salita. Sa mga salita N'ya nakikita mo kung ano S'ya; sa mga salita N'ya nakikita mo na Siya ay Diyos.

08 Oktubre 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaanim na Bahagi)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaanim na Bahagi)"


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Patotoo ni Job ay Nagdulot ng Kaginhawahan sa Diyos
Ang Pananampalataya ni Job sa Diyos ay Hindi Nayayanig Dahil Nakatago ang Diyos sa Kanya
Bagama’t ang Diyos ay Hindi Ibinunyag ang Sarili Niya kay Job, Si Job ay Naniniwala sa Dakilang Kapangyarihan ng Diyos
Bagaman ang Diyos ay Nakatago Mula sa Tao, ang Kanyang mga Gawa sa Lahat ng Bagay ay Sapat na para sa Tao na Makilala Siya
Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan
Kung ang Puso ng Tao ay may Pagkapoot sa Diyos, Paano Siya Matatakot sa Diyos at Makalalayo sa Kasamaan

06 Oktubre 2018

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)

Tagalog Christian Family Movie | "Ang Paraan ng Pag-uugali ng Tao" (Full Christian Movie)

Simula pagkabata, tinuruan si Cheng Jianguang ng kanyang mga magulang at guro na ang mga patakarang tulad ng "Ang pagkakasundo'y kayamanan, pagtitimpi'y kabanalan," "Ang pananahimik sa mali ng mabuting kaibigan ay nagpapatagal sa samahan," "Kung mayroon mang mali, magsalita na lang ng kaunti" ang mga batong pansuri sa pagpapanatili ng mabuting ugnayan sa ibang tao. Isinapuso niya ang mga aral na ito, at natutuhan niyang huwag kailan man saktan ang kalooban ng iba sa kanyang mga gawa at salita, at palaging pangalagaan ang kanyang kaugnayan sa iba, kaya nakilala siya bilang "mabuting tao" ng mga nasa paligid niya. Pagkatapos niyang tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, nalaman ni Cheng Jianguang mula sa salita ng Diyos na tanging sa paghahanap ng katotohanan at pagiging tapat niya makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos at mapagkakalooban ng kaligtasan ng Diyos, kaya sumumpa siya na magiging matapat na tao. Pero, sa kanyang mga tungkulin, siya'y napigilan ng kanyang tiwaling disposisyon, at hindi niya mapigilan ang kanyang sarili sa pagkilos ayon sa makasatanas na mga pilosopiya sa buhay: Nang matuklasan niya ang isang pinuno ng iglesia na di kumikilos ayon sa katotohanan sa kanyang mga tungkulin, na nakaimpluwensya sa gawain ng iglesia, nagpasiya si Cheng Jianguang na ingatan ang kanyang kaugnayan sa pinunong iyon, at nabigong kaagad na ipaalam ang problema; nang lapitan siya ng isang kapatid na naghahanap ng sagot na mangangailangan ng kanyang paninindigan at pagprotekta sa kapakanan ng iglesia, sa halip ay pinili ni Cheng Jianguang na magsinungaling, manlinlang, at talikuran ang kanyang mga responsibilidad dahil natatakot siyang masaktan ang damdamin ng iba, na nagresulta sa pag-aresto ng komunistang Pamahalaan ng Tsina sa kanyang mga kapatid…. Nang paulit-ulit siyang malantad ng mga pangyayari at nahatulan at nabunyag sa salita ng Diyos, naunawaan ni Cheng Jianguang na ang lohika at mga patakaran niya sa pagkilos ay mga makasatanas na lason at ipinamumuhay niya ang makasatanas na disposisyon. Nakita rin niya na ang diwa ng pagiging yes-man ay sa taong mapanlinlang, isang taong kinasusuklaman at kinaiinisan ng Diyos, at kung ang isang yes-man ay hindi magsisisi at magbabago, siya'y tiyak na tatanggihan at aalisin ng Diyos. Naunawaan din niya na tanging sa pagiging matapat na tao siya maaaring maging mabuting tao. Kaya, sinikap niyang hanapin ang katotohanan at maging matapat na tao, at sa patnubay ng salita ng Diyos, sa wakas siya'y nagtagumpay sa pamumuhay na tulad ng isang matapat na tao at lumakad sa landas ng kaligtasan ng Diyos.

Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao" (Salita ng Buhay)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, pinakilos ng Espiritu ng Diyos ang dakilang gawaing ito, at bukod dito ay gumawa ng iba’t ibang gawain sa iba’t ibang kapanahunan at sa iba’t ibang bansa. Nakikita ng mga tao ng bawa’t kapanahunan ang ibang disposisyon Niya, na likas na nabubunyag sa pamamagitan ng ibang gawain na ginagawa Niya. Siya ay Diyos, puno ng awa at mapagmahal-na-kabaitan; Siya ang handog para sa kasalanan ng tao at ang pastol ng tao; nguni’t Siya rin ang paghatol, pagkastigo, at sumpa ng tao. Nakaya Niyang pamunuan ang tao upang mabuhay sa lupa sa loob ng dalawang libong taon, at nakaya rin Niyang tubusin ang masamang sangkatauhan mula sa kasalanan. Ngayon, kaya rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, na hindi nakakakilala sa Kanya, at sanhiing magpatirapa sila sa ilalim ng Kanyang pagkasakop, upang ang lahat ay lubusang magpasakop sa Kanya. Sa katapusan, susunugin Niya ang lahat ng marumi at hindi-matuwid sa kalooban ng mga tao sa buong sansinukob, upang ipakita sa kanila na hindi lamang Siya isang maawain at mapagmahal na Diyos, hindi lamang Diyos ng karunungan at mga kababalaghan, hindi lamang isang banal na Diyos, kundi higit pa rito, isang Diyos na humahatol sa tao."

05 Oktubre 2018

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)

Latest Tagalog Christian Movie | "Nakamamatay na Kamangmangan" (Buong pelikula)

Si Zheng Mu'en ay kapanalig sa isang simbahang Kristiyanong Chinese sa US, matagal na nanalig sa Panginoon, at marubdob na naglingkod at gumugol para sa Panginoon. Isang araw, nagpatotoo sa kanya ang kanyang tita na nagbalik na ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at hatulan at dalisayin ang tao sa mga huling araw, isang balitang labis niyang ikinatuwa. Matapos basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos at panoorin ang mga pelikula at video ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Zheng Mu'en na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, at na maaari ngang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, kaya sinimulan nilang siyasatin ng kanyang mga kapatid ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pero nang matuklasan ito ni Pastor Ma, ang lider ng kanilang iglesia, paulit-ulit nitong pinakialaman at pinigilan si Zheng Mu'en. Ipinakita niya kay Zheng Mu'en ang isang propaganda video ng gobyernong CCP na naninira at tumutuligsa sa Kidlat ng Silanganan sa pagtatangkang patigilin si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat nito sa tunay na daan, at nalito siya nang husto sa videong ito: Malinaw na nakikita niya na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan at tinig ng Diyos, kaya bakit tinutuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Makapangyarihang Diyos? Hindi lang nila ayaw maghanap o magsiyasat mismo, sinikap pa nilang patigilin ang iba na tanggapin ang tunay na daan. Bakit ganoon? … Nangamba si Zheng Mu'en na malinlang siya at mali ang tinatahak niyang landas, pero nangamba rin siyang mawalan ng pagkakataong ma-rapture. Sa gitna ng pagtatalo ng damdamin at pagkalito, nagpakita pa si Pastor Ma ng mas negatibong propaganda mula sa CCP at sa mga relihiyon, na nagbunga ng mas maraming pagdududa sa puso ni Zheng Mu'en. Ipinasiya niyang makinig kay Pastor Ma at tigilan ang pagsisiyasat sa tunay na daan. Kalaunan, matapos marinig ang patotoo at paliwanag ng mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ni Zheng Mu'en na sa pagsisiyasat sa tunay na daan, ang pinaka-pangunahing prinsipyo ay alamin kung nasa daang iyon ang katotohanan at kung nagpapahayag ito ng tinig ng Diyos. Sinuman na makakayang magpahayag ng maraming katotohanan ay posibleng ang pagpapakita ni Cristo, dahil walang miyembro ng tiwaling sangkatauhan ang maaaring magpahayag ng katotohanan. Hindi maikakaila ang katotohanang ito. Kung hindi nagtutuon ang isang tao sa pakikinig sa tinig ng Diyos habang sinisiyasat nila ang tunay na daan, at sa halip ay hinihintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus sakay ng mapuputing ulap batay sa kanilang mga imahinasyon, hinding-hindi nila matatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Sa wakas ay naunawaan din ni Zheng Mu'en ang hiwaga ng matatalinong birhen na nakinig sa tinig ng Diyos na binanggit ng Panginoong Jesus, nagpasiyang hindi na maniniwala sa mga kasinungalingan at katawa-tawang mga teorya ng gobyernong CCP at ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, at tumakas sa mga paghihigpit at pang-aalipin ng pastor ng kanyang relihiyon. Lubhang nahirapan si Zheng Mu'en sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Kung hindi sa pagkaintindi o paghahangad sa katotohanan, walang paraan para marinig ang tinig ng Diyos o ma-rapture sa harap ng luklukan ng Diyos. Sa halip, malilinlang at makokontrol at mamamatay lang ang isang tao sa bitag ni Satanas, na lubos na tumutupad sa mga salita sa Biblia na, "Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman" (Hos 4:6). "Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pagunawa" (Kaw. 10:21).

Tagalog Crosstalk | "Serbisyo sa Pagmamanman" | Ripping Off the Mask of China's "Religious Freedom"

Pag-uusap - "Serbisyo sa Pagmamanman" (Tagalog Christian Video)



Sa China, kung saan ang CCP ang mayhawak ng lahat ng kapangyarihan sa pulitika, ang malupit na pang-uusig sa mga Kristiyano ay nangyayari araw-araw. Para mawala ang paniniwala sa relihiyon, ang CCP ay mayroon pang "tracking service" para sa mga Kristiyano. Itinuturo sa inyo ng crosstalk Tracking Service ang lahat ng kasuklam-suklam na pamamaraan na gamit ng CCP para manmanan at tuntunin ang mga Kristiyano, at ipinakikita ang pagpapaimbabaw ng China ukol sa “kalayaan sa relihiyon”.

04 Oktubre 2018

Maikling Dula - "Watch Over This House" (Tagalog Christian Video)

Maikling Dula - "Watch Over This House" (Tagalog Christian Video)


Sa China, inuusig ng CCP ang mga Kristiyano hanggang sa mahirapan na silang umuwi, kaya madalas ay kung saan-saan na lang sila nakatira. Sa dulang ito, isang mag-asawang Kristiyano, na nainis na sa pag-monitor sa kanila sa nayon nila dahil sa paniniwala sa Diyos, ang nagpasiyang lumipat sa lungsod at mangupahan sa apartment, pero hindi nagtagal, ang pulis ng CCP, miyembro ng neighborhood committee, security guard, at isang walang-modong kapitbahay ang nagsimulang bumisita nang sunod-sunod para "tulungan ang matandang mag-asawa na bantayan ang apartment nila." Muling nainis sa pagmamanman, nagpasiya ang mag-asawa na mag-impake at muling lumipat …

Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"

Tagalog Christian Music Video | "Ang Ugat Kung Bakit Nilabanan ng mga Fariseo si Jesus"

I Nais n'yo bang malaman kung bakit nilabanan ng mga Fariseo si Jesus? Nais n'yo bang malaman kung ano ang diwa nila? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesias, naniniwala lamang sa Kanyang pagdating, di-hanap ang katotohanan ng buhay. Sila'y naghihintay pa rin sa Kanya hanggang ngayon, landas ng buhay at katotohana ay di nalalaman. II Paanong mga taong hangal, sutil, mangma'y pagpapala ng Diyos makakamtan? Paanong ang Mesias kanilang mamamasdan? Kinontra nila si Jesus, di-nalamam na sinabi N'ya ang landas ng katotohanan, di-nabatid ang Mesias o ang gawain ng Banal na Espiritu, di-nakita ni nakasama S'ya kailanman. Mga hungkag na papuri ‘ginawad sa ngalan Niya at lahat ginawa para labanan S'ya. III Pasaway, sutil, hambog, pinanghawakan nila ang paniniwalang ito. Malalim man pangangaral Mo, mataas man awtoridad Mo, di Ka Cristo malibang Mesias ang tawag sa'Yo. Paligoy-ligoy lang ang mga ito na dapat kutyai't bansagang malalaking pantasya ng tao. IV Tanong ng Diyos sa inyo: Uulitin n'yo ba mga mali ng mga Fariseo? Yamang si Jesu-Cristo'y di n'yo naiintindihan, nakikilala mo ba ang landas ng katotohanan at buhay, ang gawa ng Banal na Espiritu'y iyo bang nasusundan? Matitiyak mo bang di mo lalabanan si Cristo? Kung di, ikaw nga'y nasa bingit ng kamatayan, di ng buhay.

03 Oktubre 2018

Christian Movie | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus

Tagalog Christian Movie 2018 | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus

Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. … Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. … Naging miserable si Chen Peng, nalito, at hindi maunawaan kung bakit nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia, at bakit nawala sa kanila ang presensya ng Panginoon.


02 Oktubre 2018

Tagalog Christian Skit "Ang Aking Ama, ang Pastor" A Debate on the Bible Between Father and Daughter

Maikling Dula - "Ang Aking Ama, ang Pastor" (Tagalog Christian Video)



Si Chi Shou, isang relihiyosong pastor na apatnapu't taon nang nananampalataya sa Panginoon, ay palaging nanghawak sa pananaw na "lahat ng salita at gawain ng Panginoon ay nasa Biblia," at "ang paniniwala sa Panginoon ay hindi maaaring lumihis mula sa Biblia, at ang paniniwala sa Biblia ay nangangahulugang paniniwala sa Panginoon." Noong tinanggap ng kanyang anak na babae ang gawain ng Diyos ng mga huling araw, gumawa sila ng kanyang asawa ng plano para pigilan siya. Sa araw na ito, babalik ang kanyang anak para magpatotoo sa kanila sa ebanghelyo ng pagbabalik ng Panginoon, at nagkaroon ng mainit, matalino, ngunit seryosong pagtatalo ang pamilya …


Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Yaong mga nagawa nang perpekto ay hindi lamang nakakayang makatamo ng pagsunod pagkatapos na malupig, kundi nakakaya rin nilang magkaroon ng kaalaman at baguhin ang kanilang disposisyon. Kilala nila ang Diyos, nararanasan ang landas ng pagmamahal sa Diyos, at puno ng katotohanan. Alam nilang danasin ang gawain ng Diyos, kayang magdusa para sa Diyos, at mayroong kanilang sariling mga kalooban...Ang nagawang perpekto ay tumutukoy sa mga yaong, pagkalipas ng pagtatapos ng gawaing panlulupig, ay kayang habulin ang katotohanan at makamit ng Diyos. Tumutukoy ito sa mga yaon na, makalipas ang pagtatapos ng gawaing panlulupig, ay tumatayong matatag sa kapighatian at isinasabuhay ang katotohanan."

01 Oktubre 2018

Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nakaranas ka na ng iba’t-ibang karanasan, makikilala mo na ang iba’t-ibang bagay—malalaman mo kung ano ang tama at mali, ang pagkamatuwid at katampalasanan, kung ano ang laman at dugo at kung ano ang nasa katotohanan. Dapat makilala mo ang lahat ng mga ito, at sa paggawa nito, kahit anuman ang mangyari, hindi ka malilito. Ito lamang ang tunay na matayog mong kalagayan. Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay hindi isang simpleng bagay: Dapat mayroon kang pamantayan at layunin sa iyong pagsisikap, dapat alam mo kung paano hanapin ang tunay na daan, at kung paano sukatin kung ito ba ay tunay na daan o hindi, at kung ito ba ay gawain ng Diyos o hindi. Ano ang pinaka-pangunahing alituntunin sa paghahanap sa tunay na daan?"

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (2)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi)"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon, hindi rin nila alam ang karunungan ng gawain ng Diyos, at nananatili silang mangmang tungkol sa maraming mga paraan ng Kanyang pagliligtas sa sangkatauhan, at sa Kanyang kalooban para sa buong sangkatauhan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang lubos na pagpapahayag ng gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan. Yaong mga hindi nakaaalam ng tatlong mga yugto ng gawain ay magiging mangmang tungkol sa iba’t ibang mga paraan at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu; yaong mga mahigpit na kumakapit lamang sa doktrina na naiiwan mula sa isang yugto ng gawain ay mga taong nililimitahan ang Diyos sa doktrina, at ang kanilang paniniwala sa Diyos ay malabo at alanganin. Ang mga taong ganoon ay hindi kailanman makatatanggap ng kaligtasan ng Diyos."