Isang Pasalaysay na Pagsasadula ng Isang Tunay na Kuwento ng Buhay: Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos
Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin. Pero, dahil kontrolado ng katanyagan at katayuan ang kanyang puso, madalas siyang kumilos ayon sa kanyang sariling mga ideya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin, at wala siyang katwiran at naging diktador. Para sa dahilang ito, pinungos at pinakitunguhan siya ng mga kapatid. Sa simula, nangatwiran siya at ayaw umamin. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nalaman niya ang katotohanan ng kanyang kasamaan. Kaya lang, dahil hindi niya naiintindihan ang intensyon ng Diyos, mali ang pakaintindi niya sa Diyos at inakalang hindi siya ililigtas ng Diyos. Sa panahong ito, unti-unting niliwanagan siya ng salita ng Diyos, ginabayan siya, at ipinaintindi sa kanya ang tapat na intensyon ng Diyos na iligtas ang tao, at naranasan niya ang totoong pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan …