1. Bakit May Mga Pangalan ang Diyos, at Maari ba na ang Isang Pangalan ay Kumatawan sa Kabuuan ng Diyos?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Maaari bang ang pangalan ni Jesus, “Sumasaatin ang Diyos,” ay kumakatawan sa disposisyon ng Diyos sa kabuuan nito? Maaari ba nitong ganap na maipaliwanag ang Diyos? Kung sinasabi ng tao na ang Diyos ay maaari lamang matawag na Jesus at maaaring walang anumang iba pang pangalan sa dahilang hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, tunay na kalapastanganan ang mga salitang ito! Naniniwala ka ba na ang pangalang Jesus, sumasaatin ang Diyos, ay maaaring mag-isang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring matawag ang Diyos sa maraming pangalan, ngunit sa maraming pangalang yaon, wala ni isa ang maaaring taglayin ang kabuuan ng Diyos, wala ni isa ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos. At kaya, ang Diyos ay mayroong maraming pangalan, ngunit ang maraming pangalang ito ay hindi kayang ganap na mailarawan ang disposisyon ng Diyos, sa dahilang ang disposisyon ng Diyos ay napakayaman na lumalampas lamang ito sa kapasidad ng tao na makilala Siya. Walang paraan para sa tao, gamit ang wika ng sangkatauhan, na lubusang ilarawan ang Diyos. Ang sangkatauhan ay may limitadong bokabularyo lamang na tumataglay sa lahat ng kanilang nalalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos: dakila, ginagalang, nakakamangha, hindi maarok, kataas-taasan, banal, matuwid, matalino, at iba pa. Masyadong maraming salita! Ang limitadong bokabularyong ito ay walang kakayahang ilarawan ang kaunting nasaksihan ng tao sa disposisyon ng Diyos. Sa paglipas ng panahon, maraming iba pa ang nagdagdag ng mga salita na sa tingin nila ay mas mahusay na maaaring maglarawan sa sigla ng kanilang mga puso: Ang Diyos ay lubhang dakila! Ang Diyos ay lubhang banal! Ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig! Ngayon, ang mga kasabihan ng tao gaya ng mga ito ay naabot na ang kanilang sukdulan, gayon pa man ang tao ay wala pa ring kakayahang ipahayag ang kanyang sarili nang malinaw. At kaya, para sa tao, ang Diyos ay may maraming pangalan, gayunman wala Siyang iisang pangalan, at ito ay dahil lubhang masagana ang pagiging Diyos ng Diyos, at lubhang kulang ang wika ng tao. Ang isang partikular na salita o pangalan ay walang kapasidad na kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya sa tingin mo ba ang Kanyang pangalan ay maaaring maging pirmihan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal gayunman hindi mo Siya papayagang magbago ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Kung gayon, sa bawat kapanahunan kung saan ang Diyos ay personal na ginagawa ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng pangalan na bumabagay sa kapanahunan upang mataglay ang gawain na Kanyang binabalak gawin. Ginagamit Niya ang partikular na pangalang ito, isa na nagtataglay ng makalupang kabuluhan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyan. Ito ang Diyos na gumagamit ng wika ng sangkatauhan upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. Kahit na pagkatapos, ang maraming tao na nagkaroon ng mga karanasang espirituwal at nakita nang personal ang Diyos gayunman ay may palagay na ang isang partikular na pangalang ito ay walang kakayahang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan—ah, imposible itong maiwasan! Kaya hindi na tinatawag ng tao ang Diyos sa anumang pangalan, at tinatawag lang Siya na “Diyos.” Parang ang puso ng tao ay puno ng pag-ibig ngunit napapaligiran din ng mga pagsalungat, sa dahilang hindi nalalaman ng tao kung paano ipaliwanag ang Diyos. Kung ano ang Diyos ay lubhang sagana, walang paraan kung paano ito mailalarawan. Walang iisang pangalan ang maaaring magbuod sa disposisyon ng Diyos, at walang iisang pangalan ang maaaring maglarawan sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kung magtanong ang isang tao sa Akin, “Anong eksaktong pangalan ang ginagamit Mo?” Sasabihin Ko sa kanila, “Ang Diyos ay Diyos!” Hindi ba ito ang pinakamabuting pangalan para sa Diyos? Hindi ba ito ang pinakamabuting pagbubuod sa disposisyon ng Diyos? Kaya nga, bakit kayo gumugugol ng labis na pagsisikap sa paghahanap ng pangalan ng Diyos? Bakit ninyo binabambo ang inyong mga utak, hindi kumakain at natutulog, lahat para sa kapakanan ng isang pangalan? Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tinatawag na Jehova, Jesus, o Mesiyas—Siya lamang ay magiging “ang Manlilikha.” Sa pagkakataong yaon, lahat ng mga pangalan na Kanyang nagamit sa mundo ay magwawakas, sa dahilang ang Kanyang gawain sa mundo ay magwawakas, pagkatapos nito ang Kanyang mga pangalan ay wala na. … Kinuha lamang Niya ang isa, o dalawa, o maraming pangalan dahil may gawain Siyang dapat magawa at kailangang pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anong pangalan ang itinatawag sa Kanya—hindi ba malayang pinili Niya ito Mismo? Kakailanganin ka ba Niya—isa sa Kanyang mga nilalang—na magpasya nito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay pangalang umaayon sa kung ano ang nakakayang maunawaan ng tao, sa wika ng sangkatauhan, ngunit ang pangalang ito ay hindi isang bagay na maaaring masaklaw ng tao. Maaari mo lang sabihin na may Diyos sa langit, na tinatawag Siyang Diyos, na Siya ang Diyos Mismo na may dakilang kapangyarihan, na lubhang matalino, lubhang mataas, lubhang kahanga-hanga, lubhang mahiwaga, at lubhang makapangyarihan, at pagkatapos ay wala ka nang maaaring sabihin pa; ganito kaunti ang maaari mo lamang malaman. Kaya nga, ang pangalan lamang ba ni Jesus ang maaaring kumatawan sa Diyos Mismo?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang basehan, subalit pinanghahawakan ang kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang “Jehova” ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang “Jesus” ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos sa lahat ng tao na natubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon nang mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa imahe na Kanyang dala sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taon ng plano sa pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at magiging walang kakayanan na umunlad pa nang anumang karagdagan. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay di-darating, at ang kapanahunan ay hindi madadala kailanman sa katapusan nito. Iyon ay dahil sa si Jesus na Tagapagligtas ay tanging para sa pagtubos at pagliligtas ng sangkatauhan. Inako Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng mga makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ang pangalan na kung saan Aking dadalhin ang sangkatauhan sa isang katapusan. Bagaman si Jehova, Jesus, at ang Mesias ay lahat kumakatawan sa Aking Espiritu, ang mga pangalang ito ay nagpapahiwatig lamang ng iba-ibang mga kapanahunan sa Aking plano sa pamamahala, at hindi kumakatawan sa Akin sa Aking kabuuan. Ang mga pangalan na siyang itinatawag sa Akin ng mga tao sa lupa ay hindi maaaring ipaliwanag nang malinaw ang Aking buong disposisyon at ang lahat-lahat na Ako. Ang mga ito ay iba’t-ibang mga pangalan lamang na katawagan sa Akin sa iba’t-ibang kapanahunan. At sa gayon, kapag ang panghuling kapanahunan—ang kapanahunan ng mga huling araw—ay dumating, ang Aking pangalan ay magbabagong muli. Hindi na Ako tatawaging Jehova, o Jesus, higit na hindi Mesias, ngunit tatawaging ang Makapangyarihang Diyos Mismo, at sa ilalim ng pangalang ito, dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa isang katapusan.
mula sa “Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao