Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Patotoo ng isang Cristiano. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Ang Patotoo ng isang Cristiano. Ipakita ang lahat ng mga post

22 Mayo 2019

Pamilya|Paano Makakasundo ng Walang Modo, at Mayabang na Kabataang Tulad Ko ang Lola Ko?

September 2, 2018 An Qi
Ako si An Qi. Bago ang gulang na anim, nakatira ako sa bahay ng aking lola. Noong panahong iyon, ang aking lola ang nadama kong tao na pinakamalapit ako. Bawat araw tuwing pumapasok ako sa kindergarten, pinagpapasyahan ng aking lola kung aling mga damit ang aking susuotin at kung paano ko susuklayin ang aking buhok. Dama ko na ginawa ito ng aking lola nang buong galing. Unti-unti, lumaki ako at nagsimula kong masamain ang mga bagay na ginagawa ng aking lola. Nagsimula rin akong masamain ng lola. Sa bawat pagkakataon na pumunta ako sa kanyang bahay, pinagagalitan niya ako. Kung hindi niya ako kinagagalitan sa isang bagay, kinagagalitan niya akong sa ibang bagay. Labis akong naging balisa.
Noong 2016, labis na naging sikat ang pagsusuot ng kuwintas na nakapalibot sa sariling balagat. Nakabili rin ako ng isa nitong mga kuwintas. Isang araw, matapos ang paaralan, masaya akong pumunta sa bahay ng aking lola. Nang dumating ako roon, sinipat niya ako at patangging nagsabi, “Tingnan kung anong uri ng bagay ang nasa palibot ng iyong leeg. Waring kulyar ng isang aso. Kumportable ba ang pakiramdam mo niyan na mahigpit na nakalingkis sa iyong leeg?” Sa umpisa, sadyang masaya ang pakiramdam ko ngunit matapos na marinig kong sabihin niya ito, hindi na ako naging masaya. Walang-galang akong sumagot, “Napakatanda mo na. Ano ang alam mo? Uso ang tawag dito. Kahit na ipaliwanag ko ito, hindi mo maiintindihan!” Sa dahilang ito, naging masungit pa rin ako sa gabi.

05 Mayo 2019

Mga Pelikula tungkol sa Buhay sa Iglesia 2019 | "Hindi Naglalaho ang Integridad"

Ang katapatan sa salita at gawa ay ang pangunahing kasanayan na maging tapat na tao. Tanging matapat na tao ang makakapasok sa kaharian ng langit.

New tagalog dubbed movies 2019 | "Hindi Naglalaho ang Integridad"

    Wang Xinyu and her husband run a clothing shop, and though at first they try to operate their store with integrity and conscience, they don't earn much money, and their lives are very difficult. But when they see their peers who rely on lying and deception to do business buying cars and houses and living lavish lives, they decide they don't want to be left behind. Guided by their peers, they follow the social trend and begin to do business through lying and trickery. A few years later, although they make some money, their consciences are often uneasy and their hearts feel empty. Then, they accept Almighty God's gospel of the last days, read God's words, through which they discover that God likes honest people and despises deceitful people and learn that honest people receive God's blessings. However, they also see the evil and darkness in the world and worry they won't be able to make money by doing business with integrity, and will even risk losing money, so they continue to use lies and tricks to deceive customers, yet know God detests them for it.... After several struggles and failures, they finally choose to be honest people according to the words of God, and are surprised to receive God's blessings. Not only does their business flourish, they also enjoy the peace and security of being honest people.

29 Abril 2019

Tagalog Christian Movie Trailer | "Hindi Naglalaho ang Integridad"

Ang katapatan sa salita at gawa ay ang pangunahing kasanayan na maging tapat na tao. Tanging matapat na tao ang makakapasok sa kaharian ng langit. 


Tagalog Christian Movie Trailer | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Wang Xinyu and her husband run a clothing shop, and though at first they try to operate their store with integrity and conscience, they don't earn much money, and their lives are very difficult. But when they see their peers who rely on lying and deception to do business buying cars and houses and living lavish lives, they decide they don't want to be left behind. Guided by their peers, they follow the social trend and begin to do business through lying and trickery. A few years later, although they make some money, their consciences are often uneasy and their hearts feel empty. Then, they accept Almighty God's gospel of the last days, read God's words, through which they discover that God likes honest people and despises deceitful people and learn that honest people receive God's blessings. However, they also see the evil and darkness in the world and worry they won't be able to make money by doing business with integrity, and will even risk losing money, so they continue to use lies and tricks to deceive customers, yet know God detests them for it.... After several struggles and failures, they finally choose to be honest people according to the words of God, and are surprised to receive God's blessings. Not only does their business flourish, they also enjoy the peace and security of being honest people.
Manood ng higit pa:  Tagalog Dubbed Movies

13 Abril 2019

Pamilya | Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)

Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan
  Isang gabi, naglilinis ng kanyang bahay si Jingru.
“Kring, kring.” Nagsimulang tumunog ang telepono. Sinagot niya ito at isang kakaiba ngunit pamilyar na boses ang kanyang narinig: “Hello! Si Wang Wei ito. Nasa bahay ka!”
“Wang Wei?” Medyo nabigla si Jingru: Bakit siya napatawag ngayon makalipas ang napakaraming taon?
“Oo … nasa bahay ako. Ano’ng meron?” tanong ni Jingru sa pagkagulat.
“Antagal na nating ‘di nagkita. Gusto kitang ipasyal. Papunta na ako sa inyo at malapit na ako. Antayin mo na lang ako sa may pintuan!” sabi ni Wang Wei.
Matapos niyang ibaba ang telepono, bumilis ang tibok ng puso ni Jingru, at bumalik ang mga ala-ala niya noong mga panahon nila sa paaralan …

27 Pebrero 2019

Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)

Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)

Xiaoxue, Malaysia

Mayroon akong dalawang anak na lalaki na isang taon ang pagitan. Upang palakihin sila nang edukado, may magandang modo, mabubuting tao na makakayanang tumayo sa kanilang sariling mga paa sa lipunan at magtagumpay, nang sila ay dalawang taong gulang pa lamang, kinausap ko ang aking asawa tungkol sa paghahanap ng kindergarten na may magandang reputasyon. Matapos ang ilang pagbisita, pagtatanong at pagkukumpara, pumili kami ng isang English kindergarten dahil nagbibigay halaga sila sa kakayahan at abilidad ng mga bata, na siya namang tumutugma sa aking pananaw sa pagtuturo sa mga bata. Bagaman medyo mahal nang kaunti ang matrikula, hangga’t ang mga bata ay nalilinang nang mas maayos at nakakakuha sila ng mas mahusay na edukasyon, sulit ang paggastos ng mas maraming pera.
gods-words-guide-me.jpg

Habang lumalaki ang aking mga anak, napansin kong hindi sila ganoon katino at kamasunurin tulad nang inaasahan ko. Sa kabaligtaran, labis silang naging hambog at mapagrebelde. Halimbawa, noong dinala ko sila sa mall, nang may nakita silang gusto nila, basta-basta na lamang nila itong kinuha at kung hindi ko iyon binili para sa kanila, maglulupasay sila sa sahig at iiyak at gagawa ng eksena. Kapag nakipaglaro naman sila sa ibang mga bata, kapag may nakita silang gusto nila, basta na lamang nila itong aagawin. Kung hindi sa kanila ibinigay ng ibang bata, susuntukin nila sila. Pagkakita ko sa pagiging sumpungin at dominante ng aking mga anak, sinasaway ko silang palagi. Gayunpaman, hindi lang sa hindi ito epektibo, ngunit lalong naging mga pasaway ang mga anak ko. Sa oras na pangaralan ko sila, itatapon nila ang kanilang mga damit at sapatos sa basurahan. Kapag galit sila, kukuha sila ng gunting at gugupit-gupitin ang mga damit nila, mga sapin at unan. Ikinalungkot ko nang husto ang tungkol dito. Paanong naging ganoon kahambog at kasuwail ang aking mga anak? Iminungkahi ko sa aking asawa na palipatin sila ng paaralan ngunit hindi siya sumang-ayon. Sinabi niyang dapat natural at kusang-loob ang paglaki ng mga bata. Ikinagalit ko ang saloobin ng aking asawa tungkol sa aking mga anak: Ang isang mahusay na bata ay nililinang, hindi hinahayaang lumaki nang mag-isa. Malay ba natin kung anong mangyayari sa kanila kung hahayaan mo silang lumaki nang mag-isa! Ngunit kahit gaano ko siya hikayatin, iginigiit pa rin niya ang kanyang pananaw. Sobrang ikinasama ng loob kong makita ang asawa ko na napakairesponsable. Kung nagpatuloy kami na ganito, ano ang kahihinatnan ng mga anak ko sa hinaharap! Habang iniisip ko ang tungkol dito, mas lalo akong nag-aalala, at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin tungkol sa pag-aaral ng aking mga anak at nakaramdam ako ng pasakit at pag-aalala.
Noong Marso 2017, tinanggap ko ang mabuting balita ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw ng Hunyo ng taong iyon, nakita ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nagsasabing: “Maliban sa kapanganakan at pagpapalaki ng anak, ang tungkulin ng mga magulang sa buhay ng isang bata ay basta bigyan sila ng isang pormal na kapaligiran na kalalakihan nila, pagkat wala maliban sa naitadhana ng Manlilikha ang may kaugnayan sa kapalaran ng tao. Walang sinuman ang makakakontrol sa anumang uri ng kinabukasang magkakaroon ang tao; ito ay malaon nang naitadhana, at kahit na ang sariling mga magulang ay hindi maaaring makapagpabago ng sariling kapalaran. Kung patungkol sa kapalaran, ang bawa’t isa ay nagsasarili, at bawa’t isa ay may kanyang sariling kapalaran. Kung kaya walang mga magulang ninuman ang makakapagpatigil sa kapalaran ng isa sa buhay o maipipilit ang kaunti mang impluwensya sa papel na gagampanan ng isa sa buhay. Maaaring masabi na ang pamilya na kung saan naitadhana ang isa na maisilang, at ang kapaligiran na kinalakihan ng isa, ay wala nang higit sa mga kondisyon upang matupad ang sariling misyon sa buhay. Ang mga ito’y hindi sa anumang paraan ang nagpapasya sa kapalaran ng isang tao sa buhay o ang uri ng tadhana sa gitna kung saan ang isang tao ay tumutupad sa kanyang misyon. At kung kaya’t walang mga magulang ninuman ang maaaring tumulong sa isa na matupad ang sariling misyon sa buhay, walang kaanak ninuman ang maaaring makatulong sa isa na ipagpalagay ang sariling papel sa buhay. Kung paano isasagawa ng isa ang sariling misyon at sa anong uri ng pamumuhay sa kapaligiran ang isasaganap ng isa sa sarili niyang papel ay ganap na naitadhana na ng sariling kapalaran sa buhay” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nang makita ko ang mga salita ng Diyos, napagtanto ko na kahit tayo ang mga magulang ng mga anak natin, ipinanganak lamang natin sila, pinalaki at binigyan ng kapaligiran na kanilang makalalakihan. At sa kung ano ang kanilang magiging kinabukasan, anong papel ang kanilang gagampanan at anu-anong mga misyon ang kanilang tutupdin, ang lahat ng ito ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang Diyos ang may hawak sa kanilang kapalaran at siya ang makapagsasabi ng kanilang kinabukasan, hindi ang kanilang mga magulang. Ang tanging bagay na aking magagawa ay ang manalangin sa Diyos, at ipaubaya sa Diyos ang aking mga anak at umasang gagabayan sila ng Diyos sa kanilang paglaki. Pinagnilayan ko rin kung paano ko tratuhin ang aking mga anak. Palagi kong ginagamit ang aking mga kakayahan upang pwersahang kontrolin at gipitin ang mga anak sa tuwing hindi nila ako sinusunod. Pinapalo ko sila, sa pag-aakalang mababago ko ang masasama nilang gawi at mapapabuti ang kanilang kakayahan sa ganitong paraan. Ngunit hindi lamang sa hindi sila naging masunurin at matino, sila ay naging mas mapagrebelde. Ngayon na parang hindi ko naunawaan ang katotohanan at naintindihan ang dominasyon at mga pagsasaayos ng Diyos, kung kaya hindi ko maaaring turuan ang aking mga anak, maski ang hayaan silang lumaki nang maayos. Dapat kong baguhin ang paraan ng aking pagtuturo sa kanila at pakitunguhan sila nang may angkop na saloobin. Matapos nito, nang nakagawa ng pagkakamali ang aking mga anak, matiyaga ko silang kinausap at pinagpaliwanagan ng mga maling nagawa nila. Noong makita kong tumungo sila at tumigil magsalita, hindi ko na sila pinagalitan pa. Minsan ay napakakulit nila didisiplinahin ko sila nang kaunti at sasabihang humarap sa pader at pagnilayan ang kanilang mga ginawa. Unti-unti, napag-alaman kong mas tahimik na sila kaysa noon at hindi na sila nananakit ng ibang mga bata at napakadalang na nilang manumpa at magmura. Nang makita ko na nagsisimulang lumaki nang maayos ang aking mga anak, sobra-sobra ang aking pagsasalamat at alam kong ang lahat ng ito ay dahil sa mga salita ng Diyos at mula sa kaibuturan ng aking puso ay nagpasalamat ako sa Diyos!
Noong Nobyembre 2017, noong malapit nang matapos ang aking panganay na anak sa kindergarten at magpatuloy sa unang baitang, pumili ako at ang aking asawa ng isang kilalang mababang paaralan para sa kanya, sa pag-asang magsusumikap siyang mag-aral at magkakaroon ito ng magandang bunga sa hinaharap. Sa kalagitnaan ng Hulyo, inihatid namin nang mas maaga ang aming anak para kumuha ng pagsusulit. Pagkatapos ng pagsusulit, ipinatawag ako ng punong-guro at sinabi sa akin na ang markang nakuha ng anak ko ang pinakamababa sa dose-dosenang mga bata at hindi niya kakayaning makisabay sa ibang mga batang nasa unang baitang. Sinabi rin niyang magsasagawa muli sila ng ng ikalawang pagsusulit ang aking anak. Nang marinig ko iyon, medyo hindi ako naging komportable, ngunit inihatid pa rin naming mag-asawa ang aming anak para sa pagsusulit na iyon. Nang inanunsyo ang resulta ng pagsusulit, natulala ako at hindi nakapagsalita: Tatlong taong nag-aral sa kindergarten ang anak ko pero wala siyang natutunan. Ni hindi siya makapagbasa o makapagsulat ng alpabeto ni makasagot ng tig-isang numerong addition at subtraction. Magsisimula na ang anak ko sa unang baitang at hindi ko inaasahang napakababa ng kanyang mga marka—hindi ako makapaniwala sa resultang iyon. Nilapitan ako ng punong-guro at itinanong sa akin: “Masyado ka bang abala? Kahit taga-Tsina ka, napakasama ng Tsino ng anak mo; paano mo ba siya tinuruan?” Sobrang nahiya ako sa pangaral na iyon ng punong-guro. Iyon ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganoong uri ng pagkabigo bilang isang ina. Sa sobrang pagkahiya ko ay ayokong makipagkita kahit kanino at hindi ako makapaghintay na humanap ng lugar na mapagtataguan.
Nang umuwi ako sa bahay nang hapong iyon, sinabihan ako ng asawa kong maghanap kaagad ng kindergarten para sa aking anak. Pagkarinig ko nito, sumabog ang galit na itinago ko sa aking loob at hindi ko napigilan ang sarili ko at nagsimulang magalit uli sa aking mga anak. Sinabihan ko silang matulog na at agaran akong tumakbo sa isang maliit na kuwarto nang mag-isa, isinara ang mga bintana at mga kurtina, humiga sa kama, at kinlaro ko ang aking isipan. Ganito ako nakatulog nang hindi ko namamalayan. Hanggang ala-sais ng gabing iyon, napakasama ng loob ko at hindi ko napigilan ang aking mga luha. Ni wala akong ganang magluto ng hapunan. Kaharap ang mga resultang iyon, ano ang dapat kong gawin? Sa pagdurusa, nanikluhod ako sa Diyos at nanalangin: “Diyos ko, hindi ko ito kaya. Lubusang nasasaktan ang aking puso. Nawa’y bigyan Mo ako ng liwanag at gabayan mo akong maunawaan ang iyong kalooban. Handa akong isabuhay ang katotohanan upang masiyahan ka.” Matapos nito ay naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Palaging magkakaroon ng ilang agwat sa pagitan ng sariling mga pangarap at mga realidad na dapat niyang kaharapin; ang mga bagay kailanman ay hindi ayon sa ninanais ng isa na maging, at sa harap ng ganoon mga realidad hindi kailanman makakamit ng mga tao ang kasiyahan o katiwasayan. May ilang mga tao na gagawin ang anumang maaaring gawin, magpupunyagi nang husto at gagawa ng malaking mga sakripisyo para sa kapakanan ng kanilang mga pinagkakakitaan at hinaharap, bilang pagtangka na mapalitan ang kanilang sariling kapalaran. Subalit sa katapusan, kahit na matupad nila ang kanilang mga pangarap at mga pagnanais sa pamamagitan ng kanilang sariling marubdob na paggawa, hindi nila kailanman mapapalitan ang kanilang mga kapalaran, at gaano man kasidhi nilang subukin, hindi nila kailanman malalampasan kung ano ang itinakda sa kanila ng tadhana. Hindi alintana ang mga pagkakaiba sa kakayahan, IQ, at paghahangad, ang mga tao ay pantay-pantay lahat sa harap ng tadhana, na walang pagkakaiba sa malaki o sa maliit, sa mataas o sa mababa, sa pinaparangalan o sa hinahamak. Anumang hanapbuhay na sinisikap na matamo, anuman ang ginagawa ng isa upang kumita, at kung gaano na ang naimpok niyang kayamanan sa buhay ay hindi napapagpasyahan ng sariling mga magulang, ng sariling mga talento, ng sariling mga pagpupunyagi o sariling mga ambisyon, kundi nang naitadhana ng Manlilikha” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Diyos ay bigla kong naintindihan na hindi ang mga tao ang magpapasya tungkol sa ating kapalaran at tadhana at hindi ito maaaring baguhin ng sinuman. Ito ay depende sa kasanayan at pagtatadhana ng Diyos. Kahit gaano pa kataas ang ambisyon at mga pagnanais ng tao o gaano man kahanga-hanga ang kanilang mga hangarin at mga inaasahan, hindi nito mababago ni katiting ang kasanayan at pagsasaayos ng Diyos sa tadhana ng mga tao. Hindi natin alam kung ilang tao ang nagsikap matamo ang tagumpay at mataas na puwesto, ngunit sa huli ay nabibigo pa rin. Sa huli, namumuhay pa rin sila tulad ng mga karaniwang tao tao. Maraming tao ang nagnanais magsumikap ayon sa kanilang kakayahan at mamuhay nang masaya, ngunit habang buhay na naghihirap at nabibigong makamtan ito. At marami pang iba. Madalas makita ang mga katotohanang ito sa ating paligid. Naiisip kong ganito rin ako noong tinuturuan ko ang aking mga anak. Mula sa oras na ipinanganak ko sila, pinagtuunan ko ng pansin ang kanilang paglaki at edukasyon at umaasang sila ay maging edukado, magkakaroon ng magandang asal at magiging mabubuting tao. Upang makamit ko ang sarili kong mga kagustuhan, gumawa ako ng mahigpit na mga kahilingan para sa kanila at ginawa ang lahat ng aking makakaya upang hanapan sila ng magandang paaralan, ngunit kahit sobra ang aking pag-aalala at pagod, sa bandang huli ay hindi naging maganda ang pakita ng aking anak tulad ng inaasahan ko. Sa pagbabasa lamang ng mga salita ng Diyos ko naunawaan ito: Ang mga akademikong tagumpay ng mga bata, kung anong uri ng karera ang mayroon sila, kung ano ang gagawin nila sa hinaharap, kung ano ang ikabubuhay nila at kung ano ang kanilang katauhan ay hindi batay sa edukasyon mula sa paaralan at pagpapalaki sa kanila. Ang lahat ng ito ay pinagpapasyahan ng kasanayan at pagtatadhana ng Diyos. Ang ating papel bilang mga magulang ay ang ibigay ang lahat ng ating makakaya upang turuan ang ating mga anak. Para naman sa kanilang kapalaran sa hinaharap at kung sila ba ay magiging talentado o hindi, Diyos lamang ang makapagsasabi. Patuloy kong tinuruan ang aking mga anak batay sa aking mga sariling kinakailangan at pinalaki sila ayon sa aking mga kagustuhan. Hindi ba ito pagtakas lamang sa kasanayan ng Diyos? Ito rin ay pagpapahayag ng pagsuway sa Diyos! Matapos kong maintindihan ang kalooban ng Diyos, nanalangin ako sa Kanya: “Diyos ko, nauunawaan kong nasa Iyong mga kamay ang kinabukasan ng aking anak. Hindi ko na tuturuan ang aking mga anak sa sarili kong pamamaraan at kagustuhan, at ganap na ipauubaya ko sa Iyo ang aking mga anak, titingalain Kita, at susundin ko ang iyong kasanayan at mga pagsasaaayos.” Matapos kong magdasal, naramdaman ko ang kapangyarihan sa aking puso at lumakas ang aking puso.
Kinaumagahan, naghanap na naman ako ng paaralan para sa aking anak. Patuloy akong nagdasal sa daan at nawa ay gabayan ako ng Diyos. Tumingin ako ng dalawang paaralan nang araw na iyon. Nang makita ko ang pangalawang paaralan, nagustuhan ko ito at naramdaman kong sumusunod ito sa mga pamantayan. Pagdating ng mga mag-aaral sa paaralan, mayroon silang karaniwang gawain sa umaga at mayroon din silang mga sariling mga kuwento. Tipikal na paaralan. Pumapasok ang mga bata mula alas-otso ng umaga hanggang ala-sais ng gabi, kung kaya’t mas marami akong oras upang makadalo sa mga pagtitipon. Napakasaya ko at napakasaya rin ng anak ko nang makita niya ang paaralan. Kaya nagpasya akong doon siya ipasok. Matapos iyon, matagumpay kong tinapos ang lahat ng mga kailangang asikasuhin para sa kanya at opisyal na nga siyang nakapag-enrol nang araw ring iyon.

26 Pebrero 2019

Nakakapagpalaya ang Pagtapon sa Kapangyarihan ni Satanas

Nakakapagpalaya ang Pagtapon sa Kapangyarihan ni Satanas

Momo Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui

Bago ako naniwala sa Diyos, anuman ang ginagawa ko, hindi ko ginustong mapag-iwanan. Handa akong tanggapin ang anumang paghihirap hangga’t nangangahulugan ito na maaari akong umangat kaysa kaninuman. Matapos kong tanggapin ang Diyos, nanatiling pareho ang aking saloobin, dahil matibay akong naniwala sa kasabihang, “Walang paghihirap, walang makakamtam,” at nakita ko ang aking saloobin bilang patunay ng aking adhikain. Nang ibunyag ng Diyos ang katotohanan sa akin, sa wakas ay nalaman ko na ako ay nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, nabubuhay sa ilalim ng kaharian nito.
Kailan lang, gumawa ng plano ang iglesia na ipadala sa labas ang kapatid na babae na naging kapareha ko upang maglingkod sa posisyong pamumuno. Nang marinig ko ang balita, nanlumo ang aking puso. Pareho kaming dating naglingkod sa mga tungkulin na pamumuno hanggang sa muli kaming maitalaga bilang mga patnugot. Ngayon ang aking kapatid na babae ay babalik sa isang posisyong pamumuno at maglilingkod sa Diyos nang walang limitasyon ang potensiyal na paglago, ngunit mananatili pa rin ako sa isang mesa, na ginagampanan ang aking tungkulin sa karimlan. Anong hinaharap ang mayroon doon? Sa pangalawang pag-iisip, pinaalalahanan ako ng lumang kasabihan, “May isang milyong iba’t ibang landas sa tagumpay.” Hangga’t tinutupad ko ang aking tungkulin nang maayos, maaari din akong maging matagumpay. Kailangan ko lang doblehin ang aking pagsisikap na matamo ang katotohanan. Kung tumuon ako sa pagpatnugot ng mga pangaral upang mas mahusay nilang ipahayag ang katotohanan, marahil isang araw ay makikita ng mga pinuno na nauunawaan ko ang katotohanan. Pagkatapos ay itataas nila ako at ang aking hinaharap ay magiging kasing liwanag. Matapos ng pagkaunawang ito, nagsimulang umatras ang mga kulay-abong ulap na pabor sa isang panibagong pagpupunyagi. Isinubsob ko ang sarili ko sa aking trabaho, at kumain at uminom ng salita ng Diyos kapag hindi ako abala, na hindi nagawang magpalubay kahit sa isang sandali.

throwing-off-satans-yoke-is-liberating

    Isang araw, nakita ko ang sumusunod na sipi sa Mga Pangaral at Pagbabahagi sa Pagpasok sa Buhay: “Lahat ng bagay na naghihigpit sa iyo mula sa pagsisikap na matamo ang Diyos at paghahanap ng katotohanan ay isa sa mga kadena ni Satanas. Kung ikaw ay nakagapos sa isa lamang sa mga tanikala ni Satanas, nabubuhay ka sa ilalim ng kaharian nito. “Matapos marinig ito, wala akong nagawa kundi tanungin ang sarili ko, “Sa aling mga kapangyarihan ni Satanas ako nabubuhay? Alin sa mga lason nito ang pumipigil sa aking paghahangad ng katotohanan?” Habang tahimik kong sinubukang pagnilayan ang tanong na ito, naalala ko ang aking kamakailan na sitwasyon. Matapos ipadala ang aking kapatid na babae sa kanyang bagong puwesto, hindi ako walang kibo. Sa katunayan, mas pinag-ukulan ko ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, pananalangin sa Diyos, at aktibong pagtupad ng aking tungkulin. Sa panlabas, nagmukha akong mas masigasig sa paghahangad ng katotohanan kaysa sa dati, ngunit kung aalisin mo ang tabing at susuriin ito, ang kakayahan kong tanggapin ang pagiging nahuhuli ay dahil lamang sa nagkimkim ako ng mga ambisyon na paglukso pasulong balang araw. Ang aking nag-aalab na pagnanais na maging pinakamagaling sa lahat ay ang dahilan kung bakit hindi ako naging walang kibo at sa halip ay mas aktibong hinangad ang katotohanan, ngunit ang aking tinaguriang paghahangad ng katotohanan ay isang ilusyon lamang, isang masamang hangarin. Pinipili ko ang isang panandaliang paghahangad ng katotohanan upang matupad ang sarili kong makasariling layunin. Sa paggunita sa mga taon na ginugol ko sa pagsunod sa Diyos, napagtanto ko na ang lahat ng aking mga sakripisyo ay binayaran ng lason ni Satanas na “Walang paghihirap, walang makakamtan.” Ganito kung paano ako iginapos tulad ng hindi nakikitang kadena at nagtulak sa akin upang magsikap para sa kahusayan. Kapag may posisyon na ako, nagpapatuloy pa rin akong hangarin ang isang mas mataas pa; Nang nawala ang aking posisyon o nabigong sumulong, hindi ako naging walang kibo; nagmukha pa rin akong handang magdusa upang hanapin ang katotohanan. Gayunman, hindi ito dahil sa naunawaan ko ang katotohanan at handang magsakripisyo para dito. Nais ko lang gamitin ang anyo ng sakripisyo sa pagsisikap na magtagumpay. Noon ko lang naunawaan sa wakas na ang aking paninindigan na “Walang paghihirap, walang makakamtan” ay talagang isa sa mga lason ni Satanas na dumadaloy sa aking mga ugat. Ako ay nalinlang; inubos ng lason ang lahat ng aking katauhan. Ako ay mapagmataas at ambisyoso na walang anumang diwa ng pananaw. Nangyari ang lahat sa akin mismong harapan. Talagang naisip ko na ang aking ambisyon ay isang pagpapatotoo ng aking hangarin. Akala ko na ang aking mapagmataas na disposisyon na hindi pagpayag na mahuli ay isang tanda ng aking adhikain. Sinamba ko ang mga kamalian ni Satanas bilang katotohanan at nakita ang mga ito bilang sagisag ng karangalan sa halip na isang pulang titik. Gaano ako kahangal upang malinlang ni Satanas nang gayon, na nabigong makita ang pagkakaiba ng kabutihan sa kasamaan? Sa wakas ay nakita ko kung gaano ako naging kaawa-awa. Natutunan ko rin kung gaano na lihim na mapanira at kasuklam-suklam si Satanas. Gumagamit si Satanas ng mga mapaimbabaw na kamalian upang linlangin at sirain tayo. Inililigaw tayo nito, at sumusumpa tayo ng katapatang-loob sa mga mapanlinlang na pakana nito. Ginagawa ang lahat ng ito nang hindi natin nalalaman. Akala natin ay hinahangad natin ang katotohanan at nagsasakripisyo para sa katotohanan, ngunit ang totoo ay nabubuhay tayo sa panlilinlang sa sarili. Talagang makamandag ang mga lason ni Satanas! Kung hindi dahil sa pagliliwanag ng Diyos, hindi ko kailanman makikita ang katotohanang ako ay ginawang tiwali ni Satanas, at tiyak na hindi ko kailanman makikita nang malinaw ang mga mapanlinlang na pakana nito. Kung hindi dahil sa pagliliwanag ng Diyos, marahil ay nanatili akong nabubuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas, hanggang sa tuluyan akong ubusin nang buo ni Satanas.
Sa oras na iyon, naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi Ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang.” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang paraan ng pagsasagawa: Bilang isa sa mga nilikha ng Diyos, dapat ko Siyang mahalin at palugurin nang walang kondisyon at matapat na tuparin ang aking tungkulin. Ito ang diwa na dapat taglayin ng isang nilikha ng Diyos. Ito ay isang pagsisikap na naaayon sa Kanyang kalooban. Mula sa araw na ito, gagawin ko ang aking pinakamahusay upang hangarin ang katotohanan. Aasa ako sa katotohanan upang maaarok ang panlilinlang ni Satanas at itapon ang kapangyarihan nito. Hindi na ako maghahangad ng anuman sa laman. Sa halip, magtatrabaho akong mabuti sa karimlan, tinutupad ang aking tungkulin upang palugurin ang Diyos. Kahit na maiwan ako nang walang anuman sa huli, magpapatuloy ako nang maluwag sa kalooban na walang pagsisisi, sapagkat isa lamang ako sa mga hamak na nilikha ng Diyos. Ang pagbibigay-kasiyahan sa Lumikha ang aking isang tunay na layunin sa buhay.

03 Enero 2019

Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

Tagalog Gospel Movie "Paggising Mula sa Panaginip" | The Mystery of Entering the Kingdom of Heaven

    Si Yu Fan  ay kagaya lang ng maraming iba na nananalig sa Panginoong Jesus—ipinalagay niya na nang ipako sa krus ang Panginoong Jesus, pinatawad na Niya ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan, na nagtamo na siya ng katuwiran sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya, at na basta’t isuko lang niya ang lahat at naglingkod siya nang husto sa Panginoon, pagbalik ng Panginoong Jesus tiyak na papasok siya sa kaharian ng langit. Pero nagduda ang kanyang mga kapanalig: Napatawad na tayo sa pananalig sa Panginoon at makapagsasakripisyo tayo at makapaglilingkod sa Panginoon, pero madalas tayong magkasala at nilalabanan natin ang Panginoon. Talaga bang makakapasok tayo sa kaharian ng langit sa ganitong paraan? … Matapos makausap at makadebate kalaunan ni Yu Fan ang mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan niya ang mga hiwaga ng pagdatng ng Panginoon at pagpasok sa kaharian ng langit, at sa wakas ay nagising mula sa kanyang panaginip …

28 Disyembre 2018

Tagalog Full Gospel Movie "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | How Should We Treat the Bible?

Tagalog Full Gospel Movie "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | How Should We Treat the Bible?

    Si Feng Jiahui ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon at noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala. Pero nitong nakaraang mga taon ang iglesia ay naging mapanglaw at nanlamig ang pananampalataya ng mga nananalig, na naging sanhi ng kanyang malalaking pagdududa. Paano man siya magsalita tungkol sa Biblia hindi niya mapasigla ang iglesia …. Hanggang sa isang araw ay isang kapanalig, si Brother Yuan, ang nag-anyaya ng mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa pamamagitan ng sunud-sunod na matitinding debate, naunawaan ni Feng Jiahui sa huli ang kuwentong nakapaloob sa Biblia at ang diwa nito. Iniba niya ang kanyang pananaw, sinunod ang mga yapak ng Kordero, at hinikayat ang ibang mga nananalig na bumaling sa Makapangyarihang Diyos.

21 Disyembre 2018

Gospel Movie Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Revealing the Inside Story of Bible

Tagalog Gospel Movie Trailer "Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia" | Revealing the Inside Story of Bible

    Si Feng Jiahui ay pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maraming taon siyang nanalig sa Panginoon at noon pa man ay naisip na niya na ang Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, na ito ay dapat sundin ng isang tao sa kanyang pagsampalataya, ang mga salita ng Diyos ay hindi lumilitaw sa labas ng Biblia, at ang paglihis sa Biblia ay maling paniniwala. Pero nitong nakaraang mga taon ang iglesia ay naging mapanglaw at nanlamig ang pananampalataya ng mga nananalig, na naging sanhi ng kanyang malalaking pagdududa. Paano man siya magsalita tungkol sa Biblia hindi niya mapasigla ang iglesia …. Hanggang sa isang araw ay isang kapanalig, si Brother Yuan, ang nag-anyaya ng mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at sa pamamagitan ng sunud-sunod na matitinding debate, naunawaan ni Feng Jiahui sa huli ang kuwentong nakapaloob sa Biblia at ang diwa nito. Iniba niya ang kanyang pananaw, sinunod ang mga yapak ng Kordero, at hinikayat ang ibang mga nananalig na bumaling sa Makapangyarihang Diyos.

20 Disyembre 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom

Tagalog Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom

    Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …

19 Disyembre 2018

Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom

Tagalog Christian Movie Trailer | "Ang Sugo ng Ebanghelyo" | Bear the Cross and Preach the Gospel of Kingdom

    Maraming taon nang naniwala ang Kristiyanong si Chen Yixin sa Panginoon, at naging mapalad na sumalubong sa pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naintindihan niya ang agarang kalooban ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos pati na ang misyon at tungkulin na dapat gawin ng isang nilikhang nilalang, kaya sinimulan niyang ibahagi ang ebanghelyo at sumaksi sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Habang ginagawa ito naglalakbay siya sa maraming lungsod at lalawigan at nagdurusa ng pagpigil at pagtanggi mula sa mga relihiyosong grupo nang paulit-ulit pati na rin ng pagtugis at pang-uusig ng pamahalaang CCP. Tinitiis niya ang maraming pagdurusa. Gayunpaman, sa ilalim ng pamamatnubay ng mga salita ng Diyos, nananatili siya sa kanyang misyon, hindi natatakot sa panganib, matapang na sumusulong …

18 Disyembre 2018

Tagalog Gospel Movie | "Umuwi ang isang Pagala-galang Puso" | God Led Me Onto the Right Path of Life

Tagalog Gospel Movie | "Umuwi ang isang Pagala-galang Puso" | God Led Me Onto the Right Path of Life

    Magmula noong maliit siya, naniwala si Novo sa Panginoong Jesus, tulad ng kanyang ina. Kahit na madalas siyang nagbabasa ng Biblia, nagdarasal, at dumadalo sa mga sermon, madalas niyang hindi mapigilang sundan ang mga masasamang kalakaran ng mundo, hanapin ang mga kasayahan ng laman, at magsinungaling at mandaya … Maraming beses siyang nagpasyang iwaksi ang buhay na paulit-ulit sa pagkakasala at pangungumpisal, pangungumpisal at pagkakasala. Subalit, palagi siyang nabibigo. Paglaon, noong nagtatrabaho si Novo sa Taiwan, narinig niya ang ebanghelyo ng kaharian, at sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos naisip niya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at na ang Kanyang gawain ng paghatol at pagpapadalisay sa mga huling araw ay ganap na makakayang lutasin ang problema ng makasalanang kalikasan ng sangkatauhan. Kaya tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw nang may pusong puno ng galak. Pagkalipas ng dalawang taon, bumalik si Novo sa Pilipinas at sinimulang tuparin ang kanyang tungkulin sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natagpuan niya ang kanyang layunin at direksyon sa buhay, at magmula noon nakauwi na sa wakas ang kanyang pagala-galang puso.

17 Disyembre 2018

Tagalog Full Christian Movie | "Mabuting Tao Ako!" | How to Be Good People in the Eyes of God

Tagalog Full Christian Movie | "Mabuting Tao Ako!" | How to Be Good People in the Eyes of God

    Nagustuhan na ni Yang Huixin, isang Kristiyano, na maging mabuting tao noong bata pa siya. Ayaw niyang makasakit ng iba. Naniniwala siya na mabuti siyang tao dahil siya ay mabait at kaaya-aya sa iba. Pero matapos niyang tanggapin ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw at sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, saka lang siya namulat, at natanto niya na hindi siya isang tunay na mabuting tao. Bagkus, namuhay siya base sa masasamang pilosopiya, at isang mapakamakasarili at tusong "mabuting tao." Naging determinado siyang hanapin ang katotohanan at amging mabuting taong tapat at matwid …. Ano ang mga naranasan ni Yang Huixin para sumailalim siya sa gayong pagbabago?

14 Disyembre 2018

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mabuting Tao Ako!" | What Is It to Be Truly Good People?

Tagalog Christian Movie Trailer | "Mabuting Tao Ako!" | What Is It to Be Truly Good People? 

    Nagustuhan na ni Yang Huixin, isang Kristiyano, na maging mabuting tao noong bata pa siya. Ayaw niyang makasakit ng iba. Naniniwala siya na mabuti siyang tao dahil siya ay mabait at kaaya-aya sa iba. Pero matapos niyang tanggapin ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw at sumailalim sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, saka lang siya namulat, at natanto niya na hindi siya isang tunay na mabuting tao. Bagkus, namuhay siya base sa masasamang pilosopiya, at isang mapakamakasarili at tusong "mabuting tao." Naging determinado siyang hanapin ang katotohanan at amging mabuting taong tapat at matwid …. Ano ang mga naranasan ni Yang Huixin para sumailalim siya sa gayong pagbabago?

08 Disyembre 2018

True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God

True Story "Mula sa mga Pangil ng Kamatayan" | Christian Experience of Wonderful Salvation of God

    Si Liu Zhen, pitumpu't walong taong gulang, ay isang karaniwang maybahay sa probinsya. Pagkatapos manalig sa Diyos, nakadama siya ng walang katumbas na kaligayahan mula sa pagbabasa ng Kanyang mga salita at pagkanta ng mga awit ng papuri sa Diyos araw-araw, at madalas na nakikipagtipon sa mga kapatid sa pananalig para magbahagi ng katotohanan. ... Gayunpaman, walang mabuting bagay na nagtatagal. Inaresto siya at inusig ng Komunistang gobyerno ng Tsina, inilagay siya sa isang hindi makatarungang sitwasyon. Tatlong ulit siyang dinala ng mga pulis sa presinto upang tanungin, at binalaan na huwag nang manalig pa sa Diyos. Minamatyagan siya at pinupuntahan sa bahay upang takutin. Dahil sa panggigipit ng Komunistang gobyerno ng Tsina, ang kanyang asawa, anak at manugang ay sumasalungat at nagbabawal na rin sa kanya na mananalig sa Diyos. Dahil sa paghihirap na ito, sa Diyos lang siya tunay na umaasa at tumitingin, at ang Kanyang mga salita ang nagbibigay sa kanya ng pananampalataya at lakas, pinahihintulutan siyang manindigan sa gitna ng pang-uusig at kapighatian. At sa rurok ng kanyang pagdurusa kung kailan ganap na siyang walang magawa, agad siyang umiyak sa Diyos. Narinig ng Diyos ang kanyang panalangin at nagbukas ng landas para sa kanya. Isang gabi, bigla na lamang siyang nawalan ng malay at hindi siya magising. Sinasabi ng doktor na hindi na siya makaliligtas at sinabihan ang kanyang pamilya na maghanda na sa kanyang pagpanaw, pero matapos ang labing walong oras, himala siyang nagkamalay. Ang milagrong ito ng Makapangyarihang Diyos ay nakakagulat para sa nakapalibot sa kanya at nagbukas ng bagong landas para sa kanya. Pagkatapos ng karanasang ito, lubos na naunawaan ni Liu Zhen na ang buhay ng mga tao ay walang katiyakan at walang sinuman sa atin ang makakapagkontrol nito--tanging ang Diyos lang ang namamahala sa kapalaran ng mga tao at ang ating mga buhay, kamatayan, kabutihan at kasawian ay nasa Kanyang mga kamay. Naranasan din niya na tanging ang Diyos lamang ang sasagot sa atin, at palaging naroon para tulungan tayo , at tanging Siya lamang ang mapagkakatiwalaan natin at maaasahan.