Tagalog Christian Song | "Ibang Panahon, Ibang Gawaing Banal"
Sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohananna "Ang Salita ay magiging tao"
na isinakatuparan ng Diyos.
I
Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa lupa,
pinangyayari ng Diyos na makilala Siya ng tao,
pinangyayari na ang tao ay makipag-ugnayan sa Kanya,
at ginagawang makita ng tao ang Kanyang aktwal na gawa.
Ginagawa Niyang makita nang malinaw ng tao
na kung minsan ay ginagawa Niya o hindi
na magpakita ng mga tanda at kababalaghan.
Ito ay batay sa kapanahunan.
Ipinakikita nito na kaya ng Diyos
na magpakita ng mga tanda at kababalaghan,
ngunit binabago Niya ang Kanyang paggawa
batay sa Kanyang gawain at sa panahon.
Dahil ito'y sa ibang kapanahunan
at ibang yugto ng gawain ng Diyos,
mga gawang ginagawang malinaw ng Diyos ay iba-iba.
Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi sa mga tanda,
kababalaghan o himala,
kundi sa Kanyang tunay na gawain sa bagong panahon,
sa bagong panahon.
II
Sa kasalukuyang yugto ng gawain,
Hindi Niya ipinakikita ang mga tanda o kababalaghang
ginawa Niya sa kapanahunan ni Jesus,
dahil iba ang Kanyang gawain sa panahong iyon.
Hindi ginagawa ngayon ng Diyos ang gawaing iyon.
At iniisip ng iba na hindi Niya kayang gawin iyon
o hindi Siya Diyos dahil hindi Niya ginagawa.
Hindi ba iyan kamalian?
Kaya ng Diyos na magpakita ng mga tanda't kababalaghan,
ngunit gumagawa Siya sa ibang panahon
kaya't hindi Niya ginagawa ang gayong gawain.
Dahil ito'y sa ibang kapanahunan
at ibang yugto ng gawain ng Diyos,
mga gawang ginagawang malinaw ng Diyos ay iba-iba.
Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi sa mga tanda,
kababalaghan o himala,
kundi sa Kanyang tunay na gawain sa bagong panahon,
sa bagong panahon.
III
Ah, nakikilala ng tao ang Diyos
sa paraan ng paggawa ng Diyos.
Nililikha ng kaalamang ito sa tao
ang paniniwala sa Diyos, sa Kanyang gawain at gawa.
Dahil ito'y sa ibang kapanahunan
at ibang yugto ng gawain ng Diyos,
mga gawang ginagawang malinaw ng Diyos ay iba-iba.
Ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi sa mga tanda,
kababalaghan o himala,
kundi sa Kanyang tunay na gawain sa bagong panahon,
sa bagong panahon, sa bagong panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento