Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

20 Mayo 2019

Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 2)

Album ng mga Sipi mula sa mga Salita ng Diyos | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III" (Sipi 2)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kahit gaano pa kagaling ang mga kakayahan ng tao, hindi niya maaaring maimpluwensyahan, mas lalong hindi niya maisasaayos, maihahanda at makokontrol, o mababago ang mga kapalaran ng iba. Ang natatanging Diyos Mismo lamang ang nagdidikta ng lahat ng bagay para sa tao, sapagkat Siya lamang ang nag-aangkin ng natatanging awtoridad na tangan ang kapangyarihan sa ibabaw ng kapalaran ng tao; at sa gayon tanging ang Manlilikha ang natatanging Panginoon ng tao. Ang awtoridad ng Diyos ang may tangan sa kapangyarihan hindi lamang sa ibabaw ng nilikhang sangkatauhan, ngunit kahit na sa di-nilikhang mga nilalang na hindi nakikita ng tao, sa mga bituin, sa kosmos. Ito ay isang hindi mapag-aalinlanganang katotohanan, isang katotohanan na tunay na umiiral, na hindi maaaring mabago ninuman o ng anuman....
Kung kailanma’y hindi mo naramdaman sa iyong buhay ang dakilang kapangyarihan ng Diyos at Kanyang mga pagsasaayos, lalong hindi ang kilalanin at tanggapin ang awtoridad ng Diyos, kung gayon ikaw ay magiging lubos na walang halaga, walang duda na ikaw ang layon ng pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos, salamat sa daan na iyong tinahak at ang pagpiling ginawa mo. Subalit yaong, sa gawain ng Diyos, ay kayang tanggapin ang Kanyang pagsubok, tangggapin ang Kanyang dakilang kapangyarihan, magpasailalim sa Kanyang awtoridad, at unti-unting makatamo ng tunay na karanasan ng Kanyang mga salita, ay makapagkakamit ng tunay na kaalaman ng awtoridad ng Diyos, tunay na pagkaunawa ng Kanyang dakilang kapangyarihan, at magiging tunay na tauhan ng Manlilikha. Tanging ang ganoong mga tao ang tunay na maliligtas."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento