Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

03 Pebrero 2020

Tagalog Praise Songs | Awit ng Matamis na Pag-ibig


Tagalog Praise Songs | "Awit ng Matamis na Pag-ibig" Praise and Thank God for His Love (Tagalog Subtitle)


I
Pag-ibig Mo'y nakatago sa puso ko.
Inaakay akong mapalapit sa Iyo 
sa pinakamatamis na paraan.
Pagsasaalang-alang sa 'Yong kalooba'y 
ginagawang mas matamis aking puso.
Naglilingkod ako sa 'Yo sa puso't isipan, 
wala na akong ibang gusto.
Iyong salita'y gabay sa 'king puso, 
at sinusunod ko ang Iyong mga hakbang.
Mabubuhay ako ayon sa Iyong kalooban, 
bigyang-kasiyahan Ka'y nagpapasaya sa akin.
Dinala Mo ako sa mas mabuting lugar,
isang mundo na Ikaw lamang at ako.
Walang inaalala, wala nang dinaramdam.
Ang Iyong salita'y lumilinis sa aking katiwalian,
napuno ng mga ito ang puso ko.
Mahal Kita, oh, mahal Kita,
ang Iyong salita'y 
pinakamalaking bahagi ng aking buhay.
Anong kapalaran na maligtas Mo.
Kailanman mamahalin Kita't 
aawitin ang Iyong papuri.
Allelu-Allelujah! Allelu-Allelujah!
Allelu-Allelujah! Purihin ang Panginoon.

II
Sa pag-ibig tayo'y 'di mapaghihiwalay 
at masaya ang ating puso.
Nauunawaan ko ang Iyong kalooban 
at sinusunod ito nang walang pasubali.
Di ako kailanman maghihimagsik, 
o hihiwalay sa 'Yo, lalo pang mabubuhay sa harap Mo.
Mga salita Mo'y pagnilayan ko, 
aking pahahalagahan kung ano Kayo, mahal na Diyos.
Dinala Mo ako sa mas mabuting lugar,
isang mundo na Ikaw lamang at ako.
Walang inaalala, wala nang dinaramdam.
Ang Iyong salita'y lumilinis sa aking katiwalian,
napuno ng mga ito ang puso ko.
Mahal Kita, o , mahal Kita,
ang Iyong salita'y 
pinakamalaking bahagi ng aking buhay.
Anong kapalaran na maligtas Mo.
Kailanman mamahalin Kita't 
aawitin ang Iyong papuri.
Allelu-Allelujah! Allelu-Allelujah!
Allelu-Allelujah! Purihin ang Panginoon.
Allelu-Allelujah! Allelu-Allelujah!
Allelu-Allelujah! Purihin ang Panginoon. 
Purihin ang Panginoon. Panginoon.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin


Magrekomenda nang higit pa:Tagalog Christian Songs


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento