Sa loob ng dalawang libong taon, lahat nang tunay na nananampalataya sa Panginoon ay inaasam ang pagbabalik ng Panginoon. Ngayon ay mga huling araw na at lumalala na ang mga sakuna sa buong mundo. Naganap na ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoon. Maraming mga Kristiyano ang nakakaramdam na nagbalik na ang Panginoon, kaya bakit hindi pa natin Siya sinasalubong?
Sabi ng Panginoong Jesus, "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20).
"Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2:7). Prinopesiya din nang maraming ulit sa Pahayag, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia." Hindi ba't ipinapahiwatig ng mga bersikulong ito na ang Panginoon ay magsasalita sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw at gagamitin ang Kanyang mga salita upang kumatok sa pintuan ng puso ng tao? Kung hindi tayo magtutuon sa paghahanap kung ano ang sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia at pakikinig sa tinig ng Panginoon, masasalubong ba natin ang pagbabalik ng Panginoon?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.”
Mangyaring samahan kami sa pelikula ng ebanghelyong ito na "Kumakatok sa Pintuan" upang saliksikin ang misteryo kung paano kakatok muli ang Panginoon sa ating pintuan at salubungin ang Kanyang pagbabalik.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento