Ang Kapalaran ng Tao ay Itinatakda sa Pamamagitan ng Kanyang Saloobin sa Diyos
Ang Diyos ay isang Diyos na buhay, at dahil magkakaiba ang paggawa ng mga tao sa iba’t ibang sitwasyon, ang saloobin ng Diyos sa mga paggawang ito ay magkakaiba rin sapagkat Siya ay hindi isang sunud-sunuran, at hindi rin Siya walang halaga.Ang pagkilala sa saloobin ng Diyos ay isang mahalagang hangarin para sa sangkatauhan. Dapat malaman ng mga tao kung paano, sa pamamagitan ng pagkilala sa saloobin ng Diyos, nilang malalaman ang disposisyon ng Diyos at maunawaan ng paunti-unti ang Kanyang puso.Kapag unti-unti mong maunawaan ang puso ng Diyos, hindi mo mararamdaman na mahirap gawin ang pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Dagdag pa, kapag naiintindihan mo ang Diyos, mas mahirap para sa iyo ang gumawa ng mga konklusyon tungkol sa Kanya. Kapag tumigil ka sa paggawa ng mga konklusyon tungkol sa Diyos, mas malamang hindi ka magkasala laban sa Kanya, at walang kamalayan na dadalhin ka ng Diyos sa pagkakilala sa Kanya, at sa gayong paraan magkakaroon ka ng takot sa Diyos sa iyong puso. Titigil ka sa pagtukoy sa Diyos gamit ang mga doktrina, ang mga liham, at ang mga teyorya na iyong pinagkadalubhasaan. Sa halip, sa pamamagitan ng palaging paghahanap sa mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay, hindi mo mamamalayang nagiging isa kang tao na naaayon sa puso ng Diyos.
Ang gawain ng Diyos ay hindi nakikita at hindi nagagalaw ng sangkatauhan, ngunit para sa Diyos, ang mga pagkilos ng bawat tao, kasama na ang kanilang saloobin sa Kanya—hindi lamang napapansin ng Diyos ang mga ito, kundi nakikita rin Niya. Ito ay isang bagay na dapat makilala at maging malinaw sa lahat. Maaaring lagi mong tinatanong sa iyong sarili: “Alam ba ng Diyos ang ginagawa ko dito? Alam ba ng Diyos kung ano ang iniisip ko ngayon? Marahil ay alam Niya, marahil hindi.” Kung tutularan mo ang ganitong uri ng pananaw, sumusunod at naniniwala sa Diyos ngunit nag-aalinlangan sa Kanyang gawain at sa Kanyang pag-iral, hindi magtatagal ay darating ka sa puntong magagalit ka sa Kanya, dahil ikaw ay lumalakad na sa gilid ng isang mapanganib na bangin. May nakita na Akong mga tao na naniniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon, ngunit hindi pa rin nila nakakamit ang reyalidad ng katotohanan, ni hindi rin nila nauunawaan ang kalooban ng Diyos. Walang anumang pag-unlad ang tayog ng kanilang buhay, nakikinig lamang sila sa pinakamababaw na doktrina. Ito ay dahil hindi kailanman sineryoso ng mga taong ito ang salita ng Diyos bilang mismong buhay nila, at hindi nila kailanman hinarap at tinanggap ang Kanyang pag-iral. Sa tingin mo ba ay napupuno ang Diyos ng kasiyahan kapag nakikita Niya ang ganitong mga tao? Naaaliw ba nila Siya? Sa kasong iyon, ang paraan ng paniniwala ng mga tao sa Diyos ang magpapasya sa kanilang kapalaran. Ito man ay tanong ng kung paano mo sinusunod o itinuturing ang Diyos, ang sarili mong saloobin ang pinakamahalagang bagay. Huwag mong isawalang-bahala ang Diyos sa iyong isipan na para Siyang walang halaga. Lagi mong isipin ang Diyos ng iyong paniniwala bilang isang buhay na Diyos, isang tunay na Diyos. Hindi Siya nandoon sa ikatlong langit na walang ginagawa. Sa halip, patuloy Siyang nakatingin sa puso ng lahat, nakatingin sa kung ano ang binabalak mo, sa bawat maliit na salita at gawa, nakatingin sa iyong pagkilos at sa iyong saloobin sa Diyos. Handa ka mang ibigay ang iyong sarili sa Diyos o hindi, ang lahat ng mga pag-uugali at kaibuturan ng iyong kaisipan at mga ideya mo ay nasa harapan ng Diyos, tinitingnan Niya ang mga ito. Ito ay ayon sa iyong pag-uugali, ayon sa iyong mga gawa, at ayon sa iyong saloobin sa Diyos, na ang opinyon at ang saloobin Niya sa iyo, ay patuloy na nagbabago. Gusto kong mag-alok ng ilang payo sa mga taong nais ilagay ang kanilang mga sarili tulad ng isang maliit na sanggol sa mga kamay ng Diyos, na parang dapat Siyang mahaling sa iyo, na parang hindi ka Niya maaaring iwanan, na parang ang Kanyang saloobin sa iyo ay nakatakda at hindi kailanman maaaring baguhin: Tumigil ka sa pangangarap! Ang Diyos ay matuwid sa pagtrato Niya sa bawat tao. Marubdob Niyang hinaharap ang paglupig at kaligtasan ng sangkatauhan. Iyan ang Kanyang pamamahala. Seryoso Siya sa pagtrato sa bawat tao, hindi tulad ng isang alagang hayop na pinaglalaruan. Ang pag-ibig ng Diyos sa tao ay hindi isang uri ng pagpapalayaw o pamimihasa; ang Kanyang awa at pagpaparaya sa sangkatauhan ay hindi mapagpalayaw o walang pakialam. Sa kabilang banda, ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan ay para pahalagahan, kaawaan, at igalang ang buhay; Ipinahihiwatig ng Kanyang awa at pagpaparaya ang mga inaasahan Niya sa tao; Ang Kanyang awa at pagpaparaya ang kailangan ng sangkatauhan upang mabuhay. Ang Diyos ay buhay, at talagang mayroong Diyos; Ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan ay may prinsipyo, hindi isang dogmatikong batas, at maaari itong baguhin. Ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan ay unti-unting nagbabago at nagbabago sa paglipas ng panahon, ng pangyayari, at sa saloobin ng bawat tao. Kaya dapat kang maging malinaw sa bagay na ito, at intindihin na hindi nagbabago ang diwa ng Diyos, at ang Kanyang disposisyon ay naihahayag sa iba’t ibang panahon, at sa iba’t ibang konteksto. Maaaring iniisip mo na hindi seryoso ang usaping ito, at ginagamit mo ang sarili mong mga pagkaintindi upang isipin kung paano ang dapat na paggawa ng Diyos sa mga bagay-bagay. Ngunit may mga oras na ang ganap na kabaliktaran ng iyong pananaw ay totoo, at sa pamamagitan ng paggamit ng sarili mong pagkaintindi upang subukin at sukatin ang Diyos, napasiklab mo na ang Kanyang galit. Ito ay dahil hindi kumikilos ang Diyos na tulad ng sa tingin mong pagkilos Niya, at hindi ituturing ng Diyos ang bagay na ito na tulad ng sinasabi mong gagawin Niya. Kaya ipinapaalala Ko sa iyo na mag-ingat ka at maging mahinahon sa pagturing mo sa lahat ng bagay sa iyong paligid, at matututunan mo kung paano sundin ang prinsipyo ng paglakad sa landas ng Diyos sa lahat ng bagay—pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan. Kailangan mong bumuo ng isang matatag na pag-unawa sa mga bagay ng kalooban at saloobin ng Diyos; humanap ka ng mga taong naliwanagan upang maitalastas ito sa iyo, at hanaping may pananabik. Huwag mong tingnan ang Diyos ng iyong paniniwala bilang isang sunud-sunuran—walang-pakundangang humuhusga, dumarating sa mga walang-pakundangang konklusyon, hindi tinatrato ang Diyos nang may paggalang na nararapat sa Kanya. Sa proseso ng kaligtasan ng Diyos, kapag pinapakahulugan Niya ang iyong kalalabasan, bibigyan ka man Niya ng awa, o pagpaparaya, o paghatol at pagkastigo, ang saloobin Niya sa iyo ay hindi nakapirmi. Ito ay nakasalalay sa iyong saloobin sa Diyos, at ang pag-unawa mo sa Kanya. Huwag mong hayaan na ang isang aspeto ng iyong kaalaman o pang-unawa sa Diyos ang pamalagiang ipagpakahulugan sa Kanya. Huwag kang maniwala sa isang patay na Diyos; maniwala ka sa isang buhay na Diyos. Tandaan ito! Kahit natalakay Ko ang ilang mga katotohanan dito, mga katotohanang kailangan ninyong marinig, para sa kasalukuyang tayog at antas ninyo, hindi Ako gagawa ng anumang mas malaking kahilingan para hindi maubos ang sigasig ninyo. Ang paggawa nito ay maaaring pumuno sa inyong puso ng kalungkutan, at magpadama sa iyo ng masyadong pagkabigo sa Diyos. Sa halip umaasa Ako na maaari ninyong gamitin ang pag-ibig ng Diyos sa inyong mga puso, at gamitin ang isang saloobin na may paggalang sa Diyos kapag naglalakad sa landas sa hinaharap. Huwag palabuin kung paano ituring ang paniniwala sa Diyos. Ituring ninyo ito bilang isa sa mga pinakamalaking katanungan. Ilagay ninyo ito sa inyong puso, isagawa ninyo ito, iugnay ito sa tunay na buhay—huwag niyo lamang basta sinasabi ito. Dahil ito ay isang bagay ng buhay at kamatayan, at ito ang tutukoy sa iyong tadhana. Huwag mo itong ituring na tulad ng isang biro, tulad ng laro ng isang bata! Pagkatapos Kong ibahagi ang mga salitang ito sa inyo ngayon, ano kaya ang naani ninyong pag-unawa sa inyong mga isip. Mayroon bang anumang mga katanungan ang nais ninyong itanong tungkol sa sinabi Ko dito ngayon?
Kahit na medyo bago ang mga paksang ito, at medyo malayo mula sa inyong mga pananaw at sa karaniwang sinusunod at binibigyang pansin ninyo, sa tingin ko pagkatapos nilang matalakay sa isang sandali, mabubuo sa inyo ang isang karaniwang pang-unawa sa lahat ng bagay na sinabi Ko dito. Dahil ang mga ito ay mga bagong paksa, mga paksa na hindi ninyo isinasaalang-alang noon, umaasa Ako na hindi sila makadadagdag sa inyong pasanin. Sinasabi Ko ang mga salitang ito ngayon hindi upang takutin kayo, at hindi Ko rin sinusubukang makitungo sa inyo; sa halip, ang Aking layunin ay upang matulungan kayong maunawaan ang katotohanan ng bagay na ito. Sa ano’t ano man, may distansya sa pagitan ng sangkatauhan at ng Diyos: Kahit naniniwala ang tao sa Diyos, hindi niya kailanman naunawaan ang Diyos; hindi niya kailanman nakilala ang saloobin ng Diyos. Hindi rin kailanman naging masigasig ang tao sa kanyang kinalaman para sa saloobin ng Diyos. Sa halip, sumampalataya siya nang pikit-mata, nagpatuloy siya nang pikit-mata, at naging di-maingat sa kanyang kaalaman at pang-unawa sa Diyos. Kaya napilitan Akong liwanagin ang mga isyung ito para sa inyo, at tulungan kayong maunawaan kung anong uri ng Diyos ang inyong pinaniniwalaan; kung ano ang iniisip Niya; kung ano ang Kanyang saloobin sa pagtrato Niya sa iba’t ibang uri ng mga tao; kung gaano kayo kalayo sa pagtupad sa Kanyang mga kahilingan; at ang pagkakaiba sa pagitan ng inyong mga kilos at ang pamantayan na Kanyang hinihingi. Ang layunin sa inyong pag-alam nito ay upang mabigyan kayo ng isang pamantayan sa inyong mga puso na susukat at magpapakita kung anong uri ng pag-aani ang kahahantungan ng landas na tinatahak ninyo, kung ano ang hindi pa ninyo natatamo sa landas na ito, at kung ano ang mga lugar na hindi pa kayo nakikibahagi. Kapag nag-uusap kayo, karaniwang pinag-uusapan ninyo ang ilang mga paksang karaniwang tinatalakay; makitid ang saklaw, at ang nilalaman ay napakababaw. May distansya, may puwang, sa pagitan ng mga bagay na tinatalakay ninyo at ang mga layunin ng Diyos, sa pagitan ng mga talakayan ninyo at ang saklaw at pamantayan ng mga kahilingan ng Diyos. Ang pagpapatuloy nang ganito sa paglipas ng panahon ang maglilihis sa inyo palayo nang palayo sa landas ng Diyos. Kinukuha niyo lamang ang mga umiiral na mga salita mula sa Diyos at ginagawa niyo ang mga ito na mga bagay ng pagsamba, ng seremonya at regulasyon. Ganoon lang ito! Sa katunayan, walang lugar ang Diyos sa inyong mga puso, at hindi kailanman natamo ng Diyos ang inyong mga puso. Iniisip ng ilang mga tao na napakahirap kilalanin ang Diyos—ito ang katotohanan. Ito’y mahirap! Kung hinihiling sa mga tao na tuparin ang kanilang mga tungkulin at gawin ang mga bagay-bagay sa panlabas, kung nahihiling sa kanila na magpagal nang husto, sa tingin ng mga tao ay napakadaling sumampalataya sa Diyos, dahil ang lahat ng mga ito ay tumutugma sa saklaw ng mga kakayahan ng tao. Ngunit sa sandaling lilipat ang paksa sa mga bahagi ng mga layunin at saloobin ng Diyos sa tao, mas humihirap ang mga bagay sa pananaw ng lahat. Ito ay dahil kailangan dito ang pang-unawa ng mga tao sa katotohanan at ang pagpasok nila sa reyalidad; siyempre may antas ito ng kahirapan! Ngunit pagkatapos mong makapasok sa unang pinto, pagkatapos mong simulan ang pagpasok dito, unti-unti itong padali ng padali.
Ang Umpisa ng Pagkatakot sa Diyos ay ang Pagturing sa Kanya Bilang Isang Diyos
May isang katatanong lang: Paanong mas higit ang nalalaman natin tungkol sa Diyos kaysa kay Job, ngunit hindi pa rin tayo matakot sa Diyos? Natalakay na natin kamakailan ang kaunti sa paksang ito, hindi ba? Sa katunayan, ang diwa ng tanong na ito ay natalakay na noon, na kahit hindi kilala noon ni Job ang Diyos, itinuring niya Siya na katulad ng Diyos, at itinuring Siya bilang Panginoon ng lahat ng bagay sa langit at lupa. Hindi itinuring ni Job ang Diyos na isang kaaway. Sa halip, sinamba niya Siya bilang ang Maylalang ng lahat ng bagay. Bakit matindi ang paglaban ng mga tao sa Diyos sa panahong ito? Bakit hindi sila matakot sa Diyos? Ang isang dahilan ay dahil lubhang natiwali sila ni Satanas. Sa pamamagitan ng kalikasan ni Satanas na malalim na nakaugat, ang mga tao ay naging kaaway ng Diyos. Kaya, kahit na naniniwala sila sa Diyos at kinikilala nila ang Diyos, maaari pa rin nilang labanan ang Diyos at ilagay ang kanilang sarili na pagsalungat sa Kanya. Ito ay naitakda sa kalikasan ng tao. Ang iba pang dahilan ay bagaman naniniwala ang mga tao sa Diyos, hindi Siya itinuturing bilang Diyos. Sa halip, isinasaalang-alang nila ang Diyos na taliwas sa tao, ibinibilang Siya na kaaway ng tao, at hindi sila makakasundo ng Diyos. Ganoon lang iyon kasimple. Hindi ba napag-usapan ang bagay na ito sa nakaraang sesyon? Pag-isipan mo ito: Iyan ba ang dahilan? Kahit na mayroon kang kapirasong kaalaman tungkol sa Diyos, ano naman ang kaalaman na ito? Hindi ba ito ang pinag-uusapan ng lahat? Hindi ba ito ang sinabi ng Diyos sa iyo? Alam mo lamang ang mga aspetong teyorya at doktrina; naranasan mo na ba ang tunay na aspeto ng Diyos? Mayroon ka bang mapansariling kaalaman? Mayroon ka bang praktikal na kaalaman at karanasan? Kung hindi sinabi ng Diyos sa iyo, malalaman mo ba ito? Ang kaalaman mo sa mga teyorya ay hindi kumakatawan sa tunay na kaalaman. Sa madaling salita, gaano man kadami ang alam mo at kung paano mo nalaman ito, bago mo natamo ang tunay na pang-unawa sa Diyos, kaaway mo ang Diyos, at bago pa ang aktuwal na ganitong pagtrato mo sa Diyos, pasalungat na Siya sa iyo, sapagka’t ikaw ay isang mismong larawan ni Satanas.
Kapag kasama mo si Cristo, marahil maaari mo Siyang bigyan ng pagkain ng tatlong beses sa isang araw, marahil bigyan Siya ng tsaa, asikasuhin ang mga pangangailangan Niya sa buhay, parang pagtrato kay Cristo bilang Diyos. Sa tuwing may mangyari, ang mga pananaw ng mga tao ay palaging salungat sa Diyos. Laging hindi nila maunawaan ang pananaw ng Diyos, hindi nila ito matanggap. Kahit sa panlabas ay mukhang nakakasundo ng mga tao ang Diyos, hindi ito nangangahulugan na kaayon sila sa Kanya. Sa sandaling may mangyari, lilitaw ang katotohanan ng pagsuway ng tao, na magpatitibay sa alitan na umiiral sa pagitan ng tao at Diyos. Sa alitang ito hindi ang Diyos ang sumasalungat sa tao; hindi ang Diyos ang may gustong magalit sa tao, at hindi ang Diyos ang naglalagay at tumatrato sa tao nang ganito. Sa halip, ito ay isang kaso ng pasalungat na diwa sa Diyos nakakubli sa pansariling kalooban ng tao, at sa walang-malay na isip ng tao. Dahil itinuturing ng tao ang nagmumula sa Diyos bilang sentro ng kanyang pananaliksik, ang kanyang tugon sa nagmumula sa Diyos at sa nauugnay sa Diyos ay, higit sa lahat, panghuhula, at pagdududa, at agarang pagpapatibay sa isang saloobin na pasalungat at lumalaban sa Diyos. Pagkatapos nito, kukunin ng tao ang mga di-aktibong saloobin na ito at lalabanan o makipagtunggali sa Diyos, hanggang sa punto kung saan pagdududahan niya kung dapat bang sumunod sa ganitong uri ng Diyos. Sa kabila ng katotohanan na sinasabi ng pagkamakatuwiran ng tao na hindi siya dapat magpatuloy nang ganito, pinipili pa rin niyang gawin ito, na magpapatuloy nang walang pag-aatubili hanggang sa katapusan. Halimbawa, ano ang unang reaksyon ng ilang mga tao kapag naririnig nila ang ilang bulung-bulungan o paninirang-puri tungkol sa Diyos? Ang unang reaksyon nila ay: Hindi ko alam kung ang bulung-bulungan na ito ay totoo o hindi, kung umiiral man ito o hindi, maghihintay lamang ako at magmamatyag. Pagkatapos ay magsisimula silang mag-isip: Walang paraan upang patunayan ito; umiiral kaya ito? Totoo ba ang bulung-bulungan na ito o hindi? Kahit hindi ipinakikita ng taong ito sa lantaran, ang kanilang puso ay nagsimula nang magduda, nagsimula nang ipagkanulo ang Diyos. Ano ang diwa ng ganitong uri ng saloobin, itong uri ng pananaw? Hindi ba ito pagtataksil? Bago sila nahaharap sa bagay na ito, hindi mo makikita ang pananaw ng taong ito—parang hindi sila sumasalungat sa Diyos, parang hindi nila itinuturing ang Diyos na isang kaaway. Gayunpaman, sa sandaling sila ay nahaharap dito, kaagad silang kumakampi kay Satanas at tumututol sa Diyos. Ano ang ipinahihiwatig nito? Ipinahihiwatig nito na magkalaban ang tao at ang Diyos! Hindi dahil itinuturing ng Diyos ang tao bilang isang kaaway, kundi ang mismong pinakadiwa ng tao ang salungat sa Diyos. Hindi alintana kung gaano man katagal na sumusunod sa Diyos ang isang tao, kung magkano ang ibinayad nila; hindi alintana kung paano ang mga papuri nila sa Diyos, kung paano nila ilayo ang kanilang sarili mula sa pagsuway sa Diyos, hinihimok pa nila ang kanilang sarili na ibigin ang Diyos, hindi nila kailanman nagawang ituring ang Diyos bilang Diyos. Hindi ba ito itinatakda ng diwa ng tao? Kung itinuturing mo Siya bilang Diyos, tunay na naniniwala ka na Siya ay Diyos, maaari ka pa rin bang magkaroon ng anumang pag-aalinlangan sa Kanya? Puwede pa rin bang may anumang mga tandang pananong tungkol sa Kanya sa iyong puso? Wala dapat. Ang daloy ng sanlibutang ito ay napakasama, ang sanlibutang ito ay napakasama—paano na wala kang anumang mga pagkaintindi tungkol sa kanila? Ikaw mismo ay napakasama—paano na wala kang anumang mga pagkaintindi tungkol dito? Ngunit ilang mga alingawngaw lamang, ilang mga paninirang-puri, ay maaaring magdulot ng malalaking pagkaintindi tungkol sa Diyos, maaaring magdulot ng maraming ideya, na nagpapakita kung gaano kamusmos ang iyong tayog! Ang “paghiging” lamang ng ilang mga lamok, ang ilang nakaiinis na mga langaw, sapat na yan upang malinlang ka? Anong uri ng tao ito? Alam mo ba kung ano ang iniisip ng Diyos tungkol sa ganitong uri ng tao? Sa katunayan napakalinaw ang saloobin ng Diyos sa kung paano Niya tratuhin ang mga taong ito. Ipagsasawalang-bahala lamang ng Diyos ang mga taong ito—ang saloobin Niya ay ang hindi pagbibigay-pansin sa kanila, at ang hindi pagseryoso sa mga mangmang na mga taong ito. Bakit ganoon? Dahil sa Kanyang puso hindi Niya kailanman binalak na kamtan ang mga tao na ganap na naging salungat sa Kanya hanggang sa katapusan, at hindi kailanman nagbalak na hanapin ang landas ng pagiging kaayon sa Kanya. Marahil ay nakasakit ang mga salitang Aking inihayag sa ilang tao. Payag ba kayo na lagi Ko kayong sinasaktan ng ganito? Hindi alintana kung payag ba kayo o hindi, ang lahat ng mga sinasabi Ko ay katotohanan! Kung palagi Ko kayong sinasaktan ng tulad nito, laging inilalantad ang mga sugat ninyo, nakakaapekto ba ito sa matayog na imahe ng Diyos sa inyong mga puso? (Hindi.) Sumasang-ayon Ako na hindi. Sapagkat wala namang Diyos sa inyong mga puso. Ang matayog na Diyos na nasa inyong mga puso, ang lagi ninyong ipinagtanggol at pinag-iingatan, ay hindi naman Diyos. Sa halip ito ay isang kathang isip ng tao; hindi ito umiiral. Kaya mas mahusay na ilantad Ko ang sagot sa bugtong na ito. Hindi ba ito ang buong katotohanan? Ang tunay na Diyos ay hindi ang nasa mga imahinasyon ng tao. Umaasa Akong matatanggap ninyong lahat ang katotohanan na ito, at makatutulong sa inyong kaalaman sa Diyos.
Ang mga Tao na Hindi Kinikilala ng Diyos
May ilang mga tao na ang paniniwala ay hindi kailanman kinikilala sa puso ng Diyos. Sa ibang salita, hindi kinikilala ng Diyos na mga tagasunod Niya ang mga taong ito, sapagkat hindi pinupuri ng Diyos ang kanilang paniniwala. Para sa mga taong ito, gaano man karami ang taon na pagsunod nila sa Diyos, hindi kailanman nagbago ang kanilang mga ideya at pananaw. Katulad nila ang mga di-mananampalataya, sumusunod sila sa mga di-mananampalataya sa mga prinsipyo at paraan ng paggawa ng mga bagay, sumusunod sila sa kanilang mga batas ng kaligtasan at paniniwala. Hindi nila kailanman tinanggap ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay, hindi sila naniniwala na ang salita ng Diyos ay katotohanan, hindi kailanman nilayon na tanggapin ang kaligtasan ng Diyos, at hindi nila kailanman kinikilala ang Diyos bilang kanilang Diyos. Itinuturing nilang libangan ang pagsampalataya sa Diyos, itinuturing nila ang Diyos bilang isa lamang na espirituwal na pagkain, kaya hindi nila inisip na mahalagang subukan at unawain ang disposisyon ng Diyos at diwa ng Diyos. Maaari mong sabihin na ang lahat na tumutugma sa tunay na Diyos ay walang kinalaman sa mga taong ito. Hindi sila interesado, at hindi sila maaaring abalahin upang tumugon. Dahil sa kailaliman ng kanilang mga puso ay mayroong isang malakas na tinig na palaging nagsasabi sa kanila: Ang Diyos ay hindi nakikita at hindi mahipo, at ang Diyos ay hindi umiiral. Naniniwala sila na pagsasayang lamang ng kanilang pagsisikap ang pagsubok na unawain ang ganitong uri ng Diyos; panloloko lamang ito sa kanilang mga sarili. Kinikilala lamang nila ang Diyos sa mga salita, at wala silang anumang tunay na paninindigan. Wala rin silang ginagawang kahit anong mga praktikal na tuntunin, sa pag-iisip na sila ay matatalino. Ano ang pananaw ng Diyos sa mga taong ito? Itinuturing Niya silang mga di-mananampalataya. Tinatanong ng ilang mga tao: “Maaari bang basahin ng mga di-mananampalataya ang salita ng Diyos? Maaari ba nilang gawin ang kanilang tungkulin? Maaari ba nilang sabihin ang mga salitang ito: ‘Ako ay mabubuhay para sa Diyos’?” Ang madalas nakikita ng mga tao ay ang pakunwari na ipinakikita ng mga tao, hindi ang kanilang diwa. Ngunit hindi tumitingin ang Diyos sa pakunwari na mga pagpapakita; nakikita lamang Niya ang kanilang panloob na diwa. Kaya, ang Diyos ay may ganitong uri ng saloobin, ganitong uri ng kahulugan, sa mga taong ito. Tungkol sa sinasabi ng mga taong ito: “Bakit ito ginagawa ng Diyos? Bakit ginagawa ng Diyos iyon? Hindi ko maintindihan ito; hindi ko maintindihan iyon; hindi ito alinsunod sa mga kuru-kuro ng tao; kailangan mong ipaliwanag yan sa akin;” ... Ang Aking sagot ay: Kailangan bang ipaliwanag ang bagay na ito sa iyo? May anumang kahalagahan ba ang bagay na ito sa iyo? Sino ka sa tingin mo? Saan ka nanggaling? Kwalipikado ka bang magbigay ng mga payo sa Diyos? Naniniwala ka ba sa Kanya? Kinikilala ba Niya ang iyong paniniwala? Sapagkat walang kinalaman sa Diyos ang iyong paniniwala, anong kinalaman ng Kanyang mga gawain sa iyo? Hindi mo alam kung ano ang katayuan mo sa puso ng Diyos, gayon pa man kwalipikado kang makipag-usap sa Kanya?
Mga Salitang Pagpapayo
Kumportable pa ba kayo pagkatapos ninyong marinig ang mga pahayag na ito? Kahit na ayaw ninyong makinig sa mga salitang ito, o ayaw ninyong tanggapin ang mga ito, ang lahat ng mga ito ay pawang katotohanan. Dahil ang yugtong ito ng gawain ay para sa Diyos, kung wala kang pakialam sa mga layunin ng Diyos, wala kang pakialam sa saloobin ng Diyos, at hindi mo nauunawaan ang diwa at disposisyon ng Diyos, sa katapusan ikaw ang matatalo. Huwag mong sisihin ang mga salita Ko na mahirap dinggin, at huwag mong sisihin ang mga ito sa pagliit ng inyong sigasig. Sinasabi ko ang katotohanan; Hindi ko ibig pahinain ang inyong loob. Anumang bagay ang hingin ko sa inyo, at paano man ang paraan ng hinihiling na paggawa ninyo, umaasa ako na lalakad kayo sa tamang landas, at umaasa ako na susundin ninyo ang landas ng Diyos at huwag lumihis mula sa landas na ito. Kung hindi ka magpapatuloy nang alinsunod sa salita ng Diyos, at hindi mo susundin ang Kanyang landas, walang duda na ikaw ay nagrerebelde sa Diyos at lumihis sa tamang landas. Kaya sa tingin Ko ay may ilang bagay na dapat Kong linawin para sa inyo, upang maniwala kayo ng ganap, malinaw, walang kahit kaunting kawalan ng katiyakan, at tulungan kayo ng ganap na malaman ang saloobin ng Diyos, ang mga layunin ng Diyos, kung paano pineperpekto ng Diyos ang tao, at sa anong paraan Niyang itinatakda ang mga kalalabasan ng tao. Kung dumating man ang araw kapag hindi mo magawang lumakad sa landas na ito, wala na akong pananagutan, dahil ang mga salitang ito ay naipahayag na sa iyo ng napakalinaw. Tungkol sa kung paano mo tratuhin ang sarili mong kalalabasan—ang bagay na ito ay ganap na nakasalalay sa iyo. Ang Diyos ay may iba’t ibang saloobin tungkol sa mga kalalabasan ng iba’t ibang uri ng mga tao. Mayroon Siyang sariling mga paraan sa pagsukat sa tao, at Sarili Niyang pamantayan ng mga kahilingan. Ang pamantayan Niya sa pagsukat ng tao ay makatarungan sa lahat ng tao—walang duda tungkol dito! Kaya hindi kailangan ang takot ng ilang mga tao. Maginhawa na ba ang pakiramdam mo ngayon? Iyan na muna para sa ngayon. Paalam!
————————————————————————————
Ang testimonya ni Job ng paggalang sa Diyos ay kahanga-hanga para sa maraming tao. Kaya, paano tayo magkakaroon ng pusong may takot sa Diyos?