Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

18 Hunyo 2020

Kailangan Natin ang Diyos sa Bawa’t Sandali ng Ating Buhay



Kailangan Natin ang Diyos sa Bawa’t Sandali ng Ating Buhay

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ginagamit ng Diyos ang Kanyang buhay para matustusan ang lahat ng bagay maging buhay man o walang buhay, dinadala lahat sa mabuting kaayusan sa bisa ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad. Ito ay katotohanan na hindi kayang isipin o madaling unawain ng sinuman, at ang mga hindi maunawaang katotohanan ang siyang tunay na nagpapahayag ng at katibayan ng puwersa ng buhay ng Diyos. Ngayon, hayaan mong sabihin Ko ang isang lihim: Ang kadakilaan at kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay hindi maaaring maunawaan ng kahit sinong nilalang.
Ito ay ganito ngayon, ganito noon at magiging ganito pagdating ng panahon. Ang pangalawang lihim na aking ibibigay ay ito: Ang pinagmulan ng buhay ay nanggaling sa Diyos, para sa lahat ng nilikha, anuman ang pagkakaiba sa anyo o kayarian. Anumang klase ng buhay na nilalang ka, hindi mo magagawang salungatin ang landas ng buhay na itinakda ng Diyos. Sa anumang pagkakataon, ang aking tanging hiling para sa tao ay kanyang maintindihan na kung walang pangangalaga, pag-iingat, at pagtustos ng Diyos, hindi matatanggap ng tao ang lahat ng dapat niyang matanggap, kahit gaano pa katindi ang pagsisikap o pagpupunyagi. Kung walang pagtutustos ng buhay mula sa Diyos, nawawala sa tao ang diwa ng pagpapahalaga sa buhay at nawawala ang diwa ng layunin sa buhay.”

mula sa “Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

——————————————

Ang Salita ng Diyos Ngayong Araw - patahimikin ang iyong sarili sa harap ng Diyos upang makinig at pagnilayan ang mga salita ng Diyos araw-araw. Ang iyong espiritu ay makakakain at matutustusan, at ang iyong buhay ay patuloy na lalago.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento