Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na katotohanan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na katotohanan. Ipakita ang lahat ng mga post

01 Disyembre 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas


Mga Pagbigkas ni Cristo | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Tumatayo Ako sa ibabaw ng sansinukob sa bawa’t araw, nagmamasid, at mapagpakumbabang itinatago ang Aking Sarili sa Aking dakong tahanan upang maranasan ang pantaong buhay, maiging pinag-aaralan ang bawat gawa ng tao. Kailanma’y walang sinumang tunay na naghandog ng kanyang sarili sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang nagsikap na matamo ang katotohanan. Wala kahit isa ang kailanma’y naging napakaingat para sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang gumawa ng mga pagpapasya sa harap Ko at nanatili sa kanyang tungkulin. Wala kahit isa ang kailanma’y pinayagan Akong manahan sa kanya. Walang sinuman ang nagpahalaga sa Akin tulad ng pagpapahalaga niya sa kanyang sariling buhay. Kailanma’y walang sinumang nakakita sa praktikal na reyalidad sa buong katauhan ng Aking pagkadiyos. Walang sinuman ang kailanma’y nagnais na makaugnay ang praktikal na Diyos Mismo."

16 Nobyembre 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Ito ang Pagsasagawa ng Katotohanan


Fan Xing Lungsod ng Zhumadian, Lalawigan ng Henan

Sa nakaraan, ipinares ako sa isang kapatid na babae para sa ilang tungkulin. Dahil ako ay mapagmataas at makasarili at hindi naghanap ng katotohanan, mayroon na akong paunang nabuong mga ideya tungkol sa kapatid na ito na lagi kong itinatago sa aking puso at hindi hayagang sinasabi sa kaniya. Nang kami ay magkahiwalay, hindi ako nakapasok sa katotohanan ng isang magandang samahan sa gawain. Sa bandang huli, iniayos ng iglesia na ako ay magtrabaho kasama ng isa pang kapatid na babae at ako ay bumuo ng isang pasiya sa harap ng Diyos: Mula ngayon, hindi ko tatahakin ang mga landas ng kabiguan. Natuto na ako ng aking aral kaya sa pagkakataong ito ay tiyak na magkakaroon ako ng higit na bukas na pakikipag-usap sa kapatid na ito at magkaroon ng magandang samahan sa gawain.

02 Nobyembre 2019

Filipino Variety Show | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me


Filipino Variety Show | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me


Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin. Pero, dahil kontrolado ng katanyagan at katayuan ang kanyang puso, madalas siyang kumilos ayon sa kanyang sariling mga ideya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin, at wala siyang katwiran at naging diktador. Para sa dahilang ito, pinungos at pinakitunguhan siya ng mga kapatid. Sa simula, nangatwiran siya at ayaw umamin. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nalaman niya ang katotohanan ng kanyang kasamaan. Kaya lang, dahil hindi niya naiintindihan ang intensyon ng Diyos, mali ang pakaintindi niya sa Diyos at inakalang hindi siya ililigtas ng Diyos. Sa panahong ito, unti-unting niliwanagan siya ng salita ng Diyos, ginabayan siya, at ipinaintindi sa kanya ang tapat na intensyon ng Diyos na iligtas ang tao, at naranasan niya ang totoong pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan …

15 Oktubre 2019

Tagalog Christian Praise and Worship Song | "Lahat ng Sangkatauhan ay Sumasamba sa Diyos"



Tagalog Christian Praise and Worship Song | "Lahat ng Sangkatauhan ay Sumasamba sa Diyos"



I
Ang kidlat ay kumikislap mula 
sa Silangan hanggang sa Kanluran.
Si Cristo ng mga huling araw ay naririto
upang isagawa ang Kanyang gawain sa Tsina.
Naihayag na ng Diyos ang katotohanan,
at nagpakita na ang tunay na liwanag.
Narito ang Diyos upang gumawa sa mga tao,
at lahat ng sangkatauhan ay sumasamba 

11 Oktubre 2019

Kristianong video | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)


Si Li Xinguang ay isang estudyante sa senior high school. Noon pa mang bata siya ay matino at masunurin na siya. Gustung-gusto siya ng kanyang mga magulang at guro. Habang nasa middle school, nahumaling siya sa internet computer games. Madalas siyang lumiliban sa klase para magpunta sa internet café. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat para maputol niya ang adiksyon niya sa online gaming. Sa kasamaang-palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging basagulero. … Nang wala nang maisip na remedyo ang mga magulang ni Li Xinguang, nabalitaan nila na kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, na tutulungan Niya silang putulin ang kanilang adiksyon sa online gaming at makaalpas mula sa kasamaan ni Satanas. Dahil dito, ipinasiya nilang manalig sa Diyos at inasam na mailigtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasamaan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kadiliman at kasamaan ng tao at naunawaan na Diyos lamang ang makapagliligtas at makapagpapalaya sa mga tao mula sa kasamaan at pagpapahirap ni Satanas. Kinailangan lang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at makakalaya siya sa kanyang adiksyon sa online gaming. Dahil dito, ipinangaral nila ang ebanghelyo kay Xinguang at inakay siyang basahin ang mga salita ng Diyos. Ipinagdasal nila sa Diyos na iligtas ang kanilang anak at tulungan itong putulin ang kanyang adiksyon sa online gaming. … Matapos magtalo ang kalooban, nagsimulang magdasal at manalig sa Diyos si Xinguang. Sa patnubay ng mga salita ng Diyos, naputol niya kalaunan ang kanyang adiksyon sa online gaming at napalaya ang sarili mula sa kasamaan at pagpapahirap ni Satanas. Nakauwi na rin sa wakas ang anak na ito na nawalan na ng pag-asa dahil sa internet games at internet cafés!

29 Setyembre 2019

Tagalog Christian Movie | "Isang Anticristo sa Iglesia"


Tagalog Christian Movie | "Isang Anticristo sa Iglesia"


Si Brother Li ay isang mananampalatayang dumadalo sa isang bahay-iglesia. Habang sinisiyasat nila ng kanyang mga kapatid ang tunay na daan, sabi ng pastor nila, "Nasa Biblia ang lahat ng salita't gawain ng Diyos, at maling pananampalataya ang anumang wala sa Biblia" at "mali ang sinumang nangangaral tungkol sa pagbabalik ng Panginoon bilang nagkatawang-taong laman" para hadlangan at pigilan ang mga mananampalataya na hanapin at siyasatin ang tunay na daan. Malinaw na sinabi ng Panginoong Jesus, "Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan" (Juan 16:12-13). Iprinopesiya rin ng Aklat ng Pahayag, "Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Pahayag 2:7). Babalik ang Panginoon sa mga huling araw, at dapat makinig nang husto ang mga tao sa tinig ng Panginoon para makasabay sa mga yapak Niya, kaya bakit lantarang itinatanggi ng kanilang pastor ang mga salita ng Panginoon at sinisikap na pigilan ang mga mananampalataya na tanggapin ang Panginoon? Panoorin ang crosstalk na Isang Anticristo sa Iglesia para sa mga kasagutan.

17 Setyembre 2019

Ibunyag ang Misteryo Tungkol sa Biblia (2) "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Natuklasan: Ang Kaugnayan ng Diyos sa Biblia"


Naniniwala ang mga pastor at elder ng mga relihiyon na lahat ng salita at gawain ng Diyos ay nasa loob ng Biblia, na kumpleto na ang pagliligtas ng Diyos at basta’t ibinabase ng mga tao sa Biblia ang kanilang paniniwala sa Panginoon at nananangan sila sa Biblia, maaari silang madala at makapasok sa kaharian ng langit. Talaga bang ganito ang nangyayari? Ang Diyos ba ang makapagliligtas sa atin, o ang Biblia? Ang Diyos ba ang makapagpapahayag ng katotohanan, o ang Biblia? Para malaman ang iba pa, panoorin lamang ang videong ito!

Higit pang pansin:Tagalog Christian Movie

01 Setyembre 2019

Mga Artikulong Patotoo sa Karanasan sa Buhay | Natagpuan Ko ang Tunay na Liwanag


Qiuhe Japan

Isinilang ako sa isang Katolikong pamilya. Mula pa noong bata ako, dumalo ako sa Misa sa simbahan kasama ang aking lolo at lola. Dahil sa impluwensiya ng aking kapaligiran at ng aking paniniwala sa Diyos, natuto akong umawit ng iba’t ibang banal na kasulatan at isagawa ang iba’t ibang ritwal.

24 Agosto 2019

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at ang Kanyang Gawain ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nakaranas ka na ng iba’t-ibang karanasan, makikilala mo na ang iba’t-ibang bagay—malalaman mo kung ano ang tama at mali, ang pagkamatuwid at katampalasanan, kung ano ang laman at dugo at kung ano ang nasa katotohanan. Dapat makilala mo ang lahat ng mga ito, at sa paggawa nito, kahit anuman ang mangyari, hindi ka malilito. Ito lamang ang tunay na matayog mong kalagayan. Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay hindi isang simpleng bagay: Dapat mayroon kang pamantayan at layunin sa iyong pagsisikap, dapat alam mo kung paano hanapin ang tunay na daan, at kung paano sukatin kung ito ba ay tunay na daan o hindi, at kung ito ba ay gawain ng Diyos o hindi. Ano ang pinaka-pangunahing alituntunin sa paghahanap sa tunay na daan?"
Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/who-know-God-can-satisfy-God-word.html

14 Agosto 2019

Tagalog Gospel Songs | "Ang Mga Tapat Na Tao Lamang Ang Mayroong Pagkahawig Sa Tao"


Tagalog Gospel Songs | "Ang Mga Tapat Na Tao Lamang Ang Mayroong Pagkahawig Sa Tao" | Ang Theme Song ng Hindi Naglalaho ang Integridad


I
Minsan kong hinabol ang yaman at katanyagan.
Mga prinsipyo ko'y itinakwil;
nagsinungaling ako para kumita.
Aking budhi'y nawala,
binale wala ang moralidad.
Integridad, dignidad, lahat ng mga ito
walang kahulugan sa akin.

08 Agosto 2019

Tagalog church songs | "Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus"


Tagalog church songs | "Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus"


I
Kapag Diyos naging tao ngayon,
gawa N'ya'y ipahayag disposisyon N'ya,
pangunahin sa pagkastigo't paghatol.
Gamit 'to bilang pundasyon,
dala Nya'y mas maraming katotohanan sa tao,
ipinapakita mas madaming paraan ng pagsasagawa,
kaya nakakamit layunin N'yang paglupig
at pagligtas sa tao mula sa masamang disposisyon n'ya.
Ito ang nasa likod
ng gawain ng Diyos sa Panahon ng Kaharian.
Kung tao'y nanatili sa Panahon ng Biyaya,
sariling disposiyon ng Diyos 'di nila malalaman kaylanman,
o makalaya sa disposisyong masama.
At kung nabubuhay sila sa kasaganaan ng biyaya,
ngunit hindi alam kung paano pasasayahin ang Diyos, 
kaya sa Kanya'y kaawa-awang naniniwala sila
pero kaylanma'y 'di matatamo S'ya. 

21 Hulyo 2019

Mga Movie Clip | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 2/2)


Mga Movie Clip |  "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 2/2) Paano Lutasin ang Panloloko at Maging Tapat na Tao na Naghahatid ng Kagalakan sa Diyos

Sabi ng Panginoong Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit" (Mateo 18:3). Si Cheng Nuo, isang Kristiyano, ay hindi tumitigil kailanman sa paghahangad na maging isang tapat na tao. Pagkaraan ng ilang taon ng pagpapailalim sa gawain ng Diyos, dumalang na ang kanyang pagsisinungaling at nagtrabaho siya para sa simbahan mula madaling araw hanggang hatinggabi, nahihirapan at ginugugol ang sarili. Itinuturing niya na isa siyang tapat na tao na umaayon sa kalooban ng Diyos. Ngunit nang masaktan nang malubha ang kanyang asawa sa isang aksidente, nagsimulang mabuo sa kanyang puso ang mga maling pagkaunawa at reklamo sa Diyos at nawalan siya ng hangaring gampanan ang kanyang tungkulin. Sa pamamagitan ng pagsubok at paglalantad sa kanya ng Diyos, binasa ni Cheng Nuo ang mga salita ng Diyos at nagnilay-nilay. Nalaman niya na kahit madalang na siyang magsinungaling mula nang manalig siya, nasa puso pa rin niya ang pagiging tuso at mapanlinlang, at ang paggugol niya para sa Diyos ay para makipagtawaran sa Diyos, na naghahanap ng mga pagpapala at gantimpala; ang pagkakaroon niya ng sakim at mapanlinlang na masamang disposisyon ay malalim pa ring nakabaon sa kanya, at hindi siya isang tapat na tao na naghahatid ng kagalakan sa Diyos. Kalaunan ay naunawaan niya ang kanyang likas na panlilinlang sa paghahanap ng katotohanan at nakasumpong ng landas tungo sa pagiging isang tapat na tao at isang taong nararapat sa kaharian ng Diyos …

07 Hulyo 2019

Ano ang katotohanan? Ano ang kaalaman at doktrina sa Biblia?


Ano ang katotohanan? Ano ang kaalaman at doktrina sa Biblia?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.” “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin, ... na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:1, 14).

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).

“Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan” (Juan 17:17).

05 Hulyo 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"


I

Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana, 
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.
--
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.

03 Hulyo 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos



Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos


Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili. Kung ang iyong pananampalataya ay hindi naitatag sa saligan ng pagtalima sa Diyos, sa kasukdulan ikaw ay parurusahan dahil sa iyong pagsalungat sa Diyos.

19 Hunyo 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom

Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian. Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.

05 Hunyo 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Tatlong Paalaala"

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bilang isang nananampalataya sa Diyos, dapat kang maging tapat sa Kanya lamang sa lahat ng mga bagay at makayang umayon sa Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, ang mga katotohanang ito na pinaka-kitang-kita at pangunahin, sa ganang sa tao, ay hindi lubusang nakikita sa kanya, salamat sa kanyang iba’t ibang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, pagiging-katawa-tawa, at katiwalian. Samakatuwid, bago pagpasyahan ang inyong katapusan, kailangan munang sabihin Ko sa inyo ang ilang bagay, na sukdulang napakahalaga para sa inyo....Sa inyong mga buhay nakikita Kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, kaya’t madalian Kong hinihingi na kayo ay maging mga tagapaglingkod ng katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag yurakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking paalaala sa inyo."
Malaman ang higit pa:  Salita ng Buhay

14 Marso 2019

Pagpuntirya nang Direkta sa mga Tsismis | Saloobin ng mga Kristiyano: Talaga bang Walang Pakialam sa Kanilang Pamilya ang mga Nanalig sa Diyos?

Pagpuntirya nang Direkta sa mga Tsismis | Saloobin ng mga Kristiyano: Talaga bang Walang Pakialam sa Kanilang Pamilya ang mga Nanalig sa Diyos?


2018-05-22

Mu Xinping(asawa ni Zheng Weiguo): Ah, Xiaoyi, Xiaorui, may gusto akong sabihin sa inyo. Alam ko na mabuting manalig sa Diyos. Inaakay nito ang mga tao sa tamang landas. Kaya, nang manalig kayo sa Diyos, nakahinga ako nang maluwag at hindi na nag-aalala na maligaw kayo ng landas. Pero nakita ko na sinasabi sa mga dokumento ng gobyerno, gaya ng ilang taong nananalig kay Jesus, iniiwan ng mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang kanilang pamilya para ipangaral ang ebanghelyo. Hindi pa nga nag-aasawa ang ilan habambuhay. Sinasabi rin sa mga dokumento na gusto ng gobyerno na ikulong ang isang grupo ng mga taong nananalig sa Makapangyarihang Diyos at patayin ang isa pang grupo. Balewala sa kanila ang patayin sila. May isa pa gaya ng "Hindi paaatrasin ang mga kawal …" tama, "hangga't walang pagbabawal." Maraming nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang inaresto, ibinilanggo, sinugatan at nilumpo ng CCP. Nawalan pa ng trabaho ang ilan at nawasak ang kanilang pamilya. Nag-ani ito ng maraming puna na ang mga taong nananalig sa Diyos ay ayaw sa kanilang pamilya. Xiaoyi, Xiaorui, totoo ba ito? Sasabihin ko sa inyo, hindi maaaring iwanan n'yo ang inyong pamilya o hindi kayo mag-asawa. Kung ganito talaga ang pananalig n'yo sa Diyos, ang payo ko ay huwag kayong maniwala sa Makapangyarihang Diyos, okey?
    Zheng Rui(Isang Kristiyano): Ma, alam n'yo na ang manalig sa Diyos ang tamang daan, maganda 'yan! Kung talagang alam n'yo na ang pagpapakita at gawain ng Diyos ay para sa kaligtasan ng tao, mananalig at susunod din kayo sa Diyos. Sinabi [ni Jesus] sa kanila, "Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Walang taong nagiwan ng bahay, o asawang babae, o mga kapatid, o mga magulang o mga anak, dahil sa kaharian ng Dios, Na di tatanggap ng makapupung higit sa panahong ito, at sa sanglibutang darating, ng walang hanggang buhay" (Lucas 18:29-30).
    Zheng Yi(Isang Kristiyano): Sinabi rin Niya: "At ang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin, ay hindi karapatdapat sa akin. Ang nakasusumpong ng kaniyang buhay ay mawawalan nito; at ang mawalan ng buhay dahil sa akin ay makasusumpong niyaon" (Mateo 10:38-39).
    Zheng Rui: Oo nga po, Ma! Kung makikita mo ang mga salitang ito ng Panginoong Jesus, malalaman n'yo kung anong klaseng mga tao ang mga tunay na nananalig sa Panginoong Jesus. Ang ganitong klase mismo ng mga alagad ng Panginoon ang pinaka-kinamumuhian ng CCP. Ma, alam n'yo ba kung bakit nila sinusunod ang Panginoon sa ganitong paraan?
christians-inner-voice
    Sinusunod nila ang Panginoon sa ganitong paraan para sa katotohanan, para sa buhay, at para sa Panginoon. Maaari nilang talikuran ang makamundong kaluwalhatian at kayamanan, hindi sila nag-iimbot ng pisikal na kaginhawahan at makamundong kasiyahan, handa silang magtiis ng mga hirap sa pangangaral ng ebanghelyo at magdusa ng lahat ng klase ng pasakit para magpatotoo para sa Panginoon. Napakarangal nilang mga tao! Ang gayong mga tao ay pinupuri ng Panginoon. Gayunman, bakit labis na kinamumuhian, sinisiraan at tinutuligsa ng CCP ang mga taong ito? Bakit ikinukulong at pinapatay ang mga taong ito? Nagbabanta pa ito na, "Hindi paaatrasin ang mga kawal hangga't walang pagbabawal." Hindi ba ito kasamaan laban sa Langit? Hindi ba ito pagkalaban sa Diyos? Sa palagay ko, lahat ng nagawa ng CCP sa mga taong ito na nananalig sa Diyos ay isang krimen at makasalanan. Talagang ayaw nito ng pagbabago! Ma, kailangan mong matukoy ang kaibhan ng dalawang ito.
    Zheng Yi: Ma, ang mga nananalig sa Diyos ay nangangaral ng ebanghelyo para magpatotoo para sa Diyos para lumapit at sumamba ang mga tao sa Diyos, at maligtas sila ng Diyos. Nakikita n'yo rin na lalong nagiging madilim at masama ang mundo. Lalong nagiging tiwali ang mga tao. Ipinagtatanggol nila ang kasamaan at kinasusuklaman ang katotohanan. Lahat sila ay sumusunod sa masasamang kalakaran ng mundo, nag-iinuman, nagkakainan at naglalaro, nagtatamasa ng makasalanang kasiyahan, at lantarang tumatanggi, kumakalaban at kumikilos laban sa Diyos. Ma, napakasama ng mundong ito at lubhang tiwali ang mga tao, matagal na ba silang dapat lipulin? Nagpropesiya ang Biblia ng isang malaking kapahamakan sa mga huling araw. Kung ang sangkatauhan ay hindi magbabalik sa Makapangyarihang Diyos, hindi tatanggapin ang paglilinis at pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos, lilipulin ito ng malaking kapahamakan. Nalalapit na ngayon ang malaking kapahamakan, at nahaharap ang sangkatauhan sa kalamidad ng pagkalipol. Ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpahayag ng katotohanan sa mga huling araw at gumawa ng hakbang sa Kanyang gawain para hatulan at linisin ang sangkatauhan para iligtas sila mula sa kasalanan at madala sa kaharian ng Diyos. Hindi ba mabuting balita 'yan? Naparito ang Diyos para sa kaligtasan ng tao. Hindi ba 'yan ang pag-ibig ng Diyos? Kung gustong maligtas ng sangkatauhan, iisa lang ang paraan ngayon. Yon ay ang tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Makapangyarihang Diyos para malinis mula sa tiwaling disposisyon nito para maligtasan ang malaking kapahamakan sa proteksyon ng Diyos. Nauunawaan ng mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos ang kasabikan ng Diyos na iligtas ang tao. Handa silang talikuran ang pisikal na kasiyahan, na maaresto at mapahirapan ng CCP, at sikaping ipangaral at patotohanan ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos. Ginagawa ito para mas maraming tao ang mailigtas ng Diyos. Pagsasakatuparan ito ng kalooban ng Diyos, Ma! Sabi nga ng Panginoong Jesus, "Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal" (Marcos 16:15). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Bilang mga miyembro ng sangkatauhan at tapat na mga Kristiyano, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating mga isipan at katawan para sa katuparan ng kautusan ng Diyos, dahil ang ating buong pagkatao ay nagmula sa Diyos, at ito ay umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos. Kung ang ating mga isip at katawan ay hindi para sa kautusan ng Diyos at hindi para sa matuwid na dahilan ng sangkatauhan, sa gayon ang ating mga kaluluwa’y hindi magiging karapat-dapat sa mga taong naging martir para sa kautusan ng Diyos, mas hindi karapat-dapat sa Diyos, na naglaan sa atin ng lahat ng bagay” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pa, Ma, palagay n'yo ba ang mga taong nananalig sa Makapangyarihang Diyos ay mga hangal na hindi nahihiwatigan ang panganib sa pangangaral ng ebanghelyo? Kung gayon, mali kayo. Ang pangangaral ng ebanghelyo ay naaayon sa mga kalooban ng Langit at ng mga tao. Ito ay isang mabuti at banal na gawa! Gayunman, nagtaksil ang gobyernong CCP sa mga kalooban ng Langit at ng mga tao nang hibang nilang tuligsain ang kabaitan ng mga Kristiyano at malupit silang inaresto at pinahirapan. Maraming Kristiyano ang nawalan ng tirahan. Napakaraming taong inaresto at ibinilanggo at ang ilan ay pinahirapan pa hanggang sa mamatay! Ang gobyernong CCP ang salarin sa likod ng pagkawasak ng napakaraming pamilyang Kristiyano. Pero tumugon ito na ang mga pamilya ng mga taong ito ay winasak ng kanilang pananalig sa Diyos. Hindi ba pagbabaligtad ito ng mga tunay na pangyayari at pagbabaluktot ng katotohanan? Kung hindi sa baliw na panunupil, pag-aresto at pagpapahirap ng CCP sa mga Kristiyano, gayon din ba ang kahihinatnan? Hindi ba ito ang kasalanang ginawa ng CCP sa pamamagitan ng pagpapahirap sa mga Kristiyano? Ang pananalig sa Diyos ay lubos na makatwiran. Napakaraming tao sa mga bansa sa buong mundo ang nananalig sa Diyos. Kaninong mga pamilya ang nawasak? Hindi ba totoong lahat 'yan? Ang ilang taong walang malay ay nalilinlang pa rin ng mga tsismis at kalokohan ng CCP. Hindi lamang nila hindi kinasusuklaman ang CCP sa pagpapahirap sa mga Kristiyano, kundi sinasabi pa nila na mali ang mga Kristiyano sa pananalig sa Diyos. Hindi ba ito kawalang-isip at kahibangan? Ma, Pa, kailangan n'yong mahiwatigan ang mga tunay na pangyayari. Huwag kayong makinig sa mga tsismis at kalokohan ng CCP.
    Mu Xinping: Sa narinig ko sa 'yo, nauunawaan ko na ngayon. Ikinulong ng CCP ang napakaraming nananalig sa Diyos, nilumpo at pinatay pa sila, at winasak ang napakaraming pamilya, pero ipinapasa nito ang sisi sa mga biktima at sinasabi na may kasalanan sila dahil nanalig sila sa Diyos. Hindi ba ito garapal na kabaligtaran ng katotohanan? Napakaimbi at napakasama ng gobyernong CCP! Mas gusto pang tiisin ng mga nananalig sa Diyos ang pagpapahirap at pag-aresto ng gobyerno para ipangaral ang ebanghelyo para iligtas ang iba. Kahanga-hanga 'yan. Mabubuting tao sila talaga!
mula sa script ng pelikulang Red Re-Education sa Bahay

13 Marso 2019

Ang Pagtatalo sa Pagitan ng Tama at Mali | Isang Debate sa Pagitan ng Isang Kristiyano at Isang Opisyal ng CCP: Ano Ba Talaga ang Isang Kulto?

Ang Pagtatalo sa Pagitan ng Tama at Mali | Isang Debate sa Pagitan ng Isang Kristiyano at Isang Opisyal ng CCP: Ano Ba Talaga ang Isang Kulto?

2018-05-22
Mga Tauhan:

Zheng Yi: Isang Kristiyanong Chinese. Nang magtrabaho siya sa Amerika, siniyasat niya ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang tatlong taon, nagbalik siya sa China, at itinuro ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa kapatid niyang si Zheng Rui.

    Zheng Weiguo: Ama ni Zheng Yi, ang pastor ng isang United Front Work Department ng bayan sa China. Ginawa niya ang red re-education ng kanyang mga anak sa bahay, matinding kinontra ang pananalig nila sa Makapangyarihang Diyos at sinubukang pigilin ito.

    Zheng Weiguo: Xiaoyi, Xiaorui, hindi pa rin yata n'yo nauunawaan ang patakaran ng estado. Kung ang alam mo lang ay ang nakalaan sa kalayaan sa pananalig sa konstitusyon, ibig bang sabihin ay nauunawaan mo ang Communist Party? Napakaraming taon ko nang nagtatrabaho sa United Front. Malinaw na sa 'kin 'yon. Ang pinaka-ayaw ng CCP sa lahat ay ang pagpapakita ng Diyos at ang Kanyang gawain. Matagal nang isinumpa ng gobyerno ang Kristiyanismo bilang kulto, at ang Biblia bilang aklat ng kulto, at napakarami nang kopya nito ang sinunog. Determinado ang gobyernong CCP na lubos na ipagbawal ang lahat ng bahay-iglesia. Nang manalig ka kay Jesus noong araw, tinutulan ko 'yon. At ngayo'y nananalig ka na sa Makapangyarihang Diyos, talagang hindi ko ito papayagan! Alam mo ba kung tungkol saan ang Makapangyarihang Diyos? Pinatototohanan nila na ang Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus na nagpapakita para gumawa, ang pagpapakita ni Cristong Tagapagligtas sa mga huling araw na nagpahayag pa sa aklat na Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ng mahigit sa isang milyong salita. Kapag kumalat ito, hindi mailalarawan ang ibubunga nito! Ang Communist Party at si Cristong Tagapagligtas ay mortal na magkaaway. Hindi ba titigil ang CCP sa panunupil at pag-aresto sa mga Kristiyanong 'yon? Alam mo ba? Matagal nang itinakda ng CCP ang mga taong nananalig sa Kidlat ng Silanganan bilang pinaka-wanted na kriminal sa estado. Sinuman ang sunggaban nila ay walang awang parurusahan. Ni walang sinumang makapagpiyansa para makalaya sila. Hindi biro 'yan! Para sabihin ko sa 'yo ang totoo, para lubos na mapuksa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa mga taon na ito, nagpalabas ng maraming lihim na dokumento ang Central Government, at paulit-ulit na sinupil at tinugis ang Kidlat ng Silanganan. Buong maghapon din kaming nagdaraos ng mga pulong para pag-aralan kung paano supilin at ipagbawal ang Kidlat ng Silanganan. Patungkol naman sa Kidlat ng Silanganan, napakalinaw ng saloobin ng pamunuang sentral, ang, "Hindi paaatrasin ang mga kawal hangga't walang pagbabawal." Samakatwid, talagang pinagbabawalan kitang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Narinig mo ba?

    Zheng Yi: Pa, dahil alam n'yo na pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ang pagbalik ng Panginoong Jesus at ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw para ipangaral at patotohanan ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Tagapagligtas para sa kaligtasan ng sangkatauhan, siguradong alam n'yo kung gaano kahirap para sa gobyernong CCP na supilin, arestuhin at hatulan ang Kidlat ng Silanganan nang gayon. Napakalaking kasalanan ang kalabanin ang Diyos at kumilos nang masama laban sa Langit. Matapos itong pag-aralan, nalaman ko na natupad na nang lubusan ng Kidlat ng Silanganan ang propesiya ng Panginoong Jesus: "Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao" (Mateo 24:27). Ang pinatototohanan ng Kidlat ng Silanganan ay ang pagpapakita at gawain ng Anak ng tao. Pa, Ma, hindi n'yo pa nababasa ang salitang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, kaya hindi n'yo nauunawaan kung tungkol saan ang Kidlat ng Silanganan. Kung gusto n'yong maunawaan ang Kidlat ng Silanganan, kailangan n'yong basahin ang salita ng Makapangyarihang Diyos para makita kung ito ang katotohanan, ang pagbigkas ng Espiritu ng Diyos na nagsasalita sa sangkatauhan, at ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw. Napakahalagang pag-aralan ang mga ito. Ngayo'y inilunsad na ng gobyernong CCP ang nakakatakot na pakikidigma ng mga tao laban sa Kidlat ng Silanganan. Ang Kidlat ng Silanganan lamang ang Iglesia ni Cristo sa mga huling araw. Ito ay hindi isang bansa ni isang lahi. Kailangan bang ilunsad ng gobyernong CCP itong pakikidigma ng mga tao laban sa Kidlat ng Silanganan? Ipinahayag pa ng CCP, "Hindi paaatrasin ang mga kawal hangga't walang pagbabawal." Ang pakikipagdigmaang ito ng CCP sa Diyos ay nakatalagang isumpa at parusahan ng Diyos!

    Zheng Rui: Pa, tama ang kapatid ko. Kung gugunitain natin ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa kasaysayan, lahat ng tao, lahi o bansang iyon na kumalaban sa Diyos ay isinumpa at pinuksa ng Diyos. Halimbawa, tatlong libong taon na ang nakararaan, pinatay ang Faraon ng Egipto dahil pinarusahan siya sa pagkalaban sa Diyos. Matapos magpakita ang Panginoong Jesus para gumawa, winasak ng malaking salot ng Diyos ang Imperyong Romano dahil sa pagkalaban sa Kanya at malupit na pagpapahirap sa Kanyang mga piling tao. Siguradong wawasakin ng malaking kapahamakang pabababain ng Diyos ang CCP dahil sa pagkalaban kay Cristo sa mga huling araw. Pa, maraming taon kayong nag-aral ng relihiyon, siguradong alam n'yo ang mga bagay na ito, 'di ba? Ano ang pakiramdam n'yo sa pagkalaban ng CCP sa Makapangyarihang Diyos?

    Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Ang totoo, nakita na namin sa simula pa lang naang Kidlat ng Silanganan ay hindi isang karaniwang relihiyon.Nasaksihan nila ang pagbalik ng Panginoong Jesus, ibig sabihin,personal nang dumating sa mundo si Cristong Tagapagligtas sa mga huling araw para iligtas ang sangkatauhan.Kung pinapayagan ng gobyerno na patuloy na mangaral ng ebanghelyo at magpatotoo para sa Diyos ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,aabutin lang ng ilang taon para tanggapin ng napakaraming tao ang Makapangyarihang Diyos. Alam mo na ang CCP ay isang partidong ateistana galit sa pananalig sa Diyos.Ang digmaan sa pagitan ng CCP at ng mga taong nananalig sa Diyos ay isang digmaang ideolohikal.Mabigat na pakikibaka ito.Paano natulutan ng CCP ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Paano nito natulutan ang pag-iral ng iglesia?Kaya bumuo ng patakaran ang gobyernong CCP para supilin at ipagbawal ang pananalig sa relihiyonsa pamamagitan ng pag-aalis at pagbabawal sa lahat ng relihiyon para mangingibabaw ang ateismo sa China.Ito lang ang paraan para magtuluy-tuloy ang paghahari ng CCP sa China!Kaya, mula nang mapunta rito ang kapangyarihan, palagi nang sinusupil at ipinagbabawal ng CCP ang pananalig sa relihiyon.Sa panahong ito, napakaraming Kristiyanong naaresto at nabilanggo,kaya maraming pamilyang Kristiyano ang nawasak. Ang ilang Kristiyano ay namatay pa sa bilangguan.Alam naming totoo ito.Bakit parami nang parami ang mga taong nananalig sa Diyos?Ang pangunahing dahilan ay napakabilis ng pagkalat ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.Maraming tao mula sa iba't ibang grupo ang tumanggap sa Makapangyarihang Diyos dahil nabasa nila ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao.Napakabisa ng aklat na ito!Kumakalat ito ngayon at lumalawak sa mundo.Naging sakit ng ulo ito sa pamunuang sentral.Hindi makakatulog ang gitnang pamunuan hangga't hindi naipagbabawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.Xiaoyi, Xiaorui, unawain n'yo ito,kung may tapang ang CCP na tawaging kulto ang mga relihiyong orthodox tulad ng Kristiyanismo at Katolisismo,paano ito magiging maluwag sa Kidlat ng Silanganan? Nitong mga huling taon, tinawag ding kulto ng Central Government ang Kidlat ng Silangananat naging puntirya ng pag-atake at pagbabawal. Kapag nananalig kayo sa Kidlat ng Silanganan, hindi n'yo ba inihaharang ang dibdib n'yo sa dulo ng baril?Katalinuhan ba 'yan o katangahan?

    Mu Xinping(asawa ni Zheng Weiguo): Xiaoyi, Xiaorui, narinig kong sinabi ito ng tatay n'yo noong araw.Ngayong ginagawa ng CCP ang lahat para supilin at ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos,at pinakikilos din ang media para makakuha ng maraming opinyon ng publiko sa buong pagsisikap na tuligsain ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.May ilang Three-Self Church pa na ipinagbawal at ang iba pang mga iglesia ay giniba.Mukhang determinado ang CCP na alisin ang lahat ng pananalig sa relihiyon!Narinig ko ring sinabi ng tatay n'yo na maraming mananampalataya ng Makapangyarihang Diyos ang naaresto.Layon ng CCP na ipapatay ang mga nananalig sa Makapangyarihang Diyos.Kung nananalig kayo sa Makapangyarihang Diyos, aarestuhin kayo sa malao't madali.Hindi lang n'yo sinisira ang kinabukasan n'yo, baka manganib pa ang buhay n'yo! Xiaoyi, Xiaorui, sa bagay na ito kailangan n'yong makinig sa tatay n'yo.Hindi kayo maaaring manalig sa Makapangyarihang Diyos! Okey?
what-really-is-a-cult-1

    Zheng Rui(Isang Kristiyano): Ma, Pa, alam nating lahat na mula nang mamuno ang CCP, sinimulan na nitong usigin ang mga pananalig sa relihiyonsa pamamagitan ng walang-habas na panunupil sa Kristiyanismo at Katolisismo, at pag-aresto at pagpatay sa maraming Kristiyano. Sa loob ng napakaraming taon,tumitindi ang panunupil ng CCPsa mga pananalig sa relihiyon. Matagal na silang isinumpa ng Diyos.Tingnan n'yo ang walang-humpay na mga kalamidad at kamalasan sa China.Ang pagkalaban ng CCP sa Diyos at mga kilos nila laban sa Langit ang naghatid ng napakaraming kalamidad sa mga tao sa China.Nang mamuno ang CCP, pineste na ang China ng napakaraming kalamidad at kamalasan.Bakit hindi pinag-iisipan ng CCP ang sarili nila? Kapag may mga kalamidad, nagpahayag pa nga ng pagsisisi sa publiko ang sinaunang mga emperador! Di-gaanong maunlad ang CCP kumpara sa mga sinaunang emperador! Hindi nito isinaalang-alang ang kalooban ng Langit at ng mga tao. Bastos pa nga nitong tinawag na kulto ang Kristiyanismo at Katolisismo. Ang pinaka-nakasusuklam ay itinuring pa ng CCP na aklat ng kulto ang Banal na Biblia. Bakit itinuturing ng CCP na masama ang Diyos, ang salita at ang gawain ng Diyos? Ipinapakita lang nito na napakasama ng CCP!

    Zheng Yi(Isang Kristiyano): Tama 'yan! Pa, Ma,Matagal ko nang narinig na ang nagtatag ng Communist Party ay ang Satanistang si Karl Marx.Satanismo ang pinakamasamang kulto. Bakit napakasama ng CCP? Direkta ang kaugnayan nito sa pananalig at pagsamba ng mga komunista kay Marx.Ang CCP ay isang grupo ng mga demonyong ateista na hayagang lumalaban sa Diyos! Ano ang batayan nito sa paghatol sa relihiyong orthodox? Ano ang batayan nito sa pagtawag sa Banal na Biblia na aklat ng kulto? Ano ang batayan nito sa pagtawag na kulto sa Kidlat ng Silanganan? Batay ba ito sa ateismo ng Marxist-Leninist at sa Communist Manifesto? Bakit galit na galit na tinutuligsa ng CCP ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Bakit ito naglulunsad ng napakatindingpalakad na hanapin-at-arestuhin laban kay Cristo sa mga huling araw at sa Kanyang mga alagad?Bakit pa rin ito nangangampanya sa media para maglabas ng mga tsismis, paninirang-puri at paghatol sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos? Nagpapakamatay ba ito? Hinuhukay nila ang sarili nilang libingan sa pagkabalan sa Diyos. Nakasaad sa Biblia na totoo ito. Nang marinig ni Haring Herodes ang tungkol sa pagsilang ng Hari ng Israel sa Betlehem,iniutos niyang patayin ang lahat ng batang lalaki sa bayan na wala pang dalawang taon.Hindi niya papayagan kailanman na maghari si Cristo sa lupa. Kaya pala walang-awang sinusupil at ipinagbabawal ng CCP ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pinaghahanap si Cristo at nililipol ang lahat ng Kanyang alagaday dahil takot na takot din ito na si Cristo ang maghari sa lupa,takot na takot na tanggapin ng sangkatauhan ang katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Pa, wala ba talagang ideya ang Communist Party na ang gawain ng pagpapakita ni Cristo ay ang gawain ng Espiritu ng Diyosat ang pagdating ng Lumikha sa mundo para iligtas ang sangkatauhan? Alam ba ng CCP kung ano ang kinakalaban nila? Pakiramdam ba nila hindi pa sapat ang laki ng mga kalamidad sa China?Hindi ba inilalagay ng CCP sa panganib ang bansa at ang mga mamamayan nito sa pagkalaban nila sa Diyos nang ganito?

    Zheng Weiguo: Xiaoyi, bakit tinatawag na kulto ng CCP ang Kristiyanismo? Bakit tinatawag ng CCP na aklat ng kulto ang Biblia? Dapat mong malinawan 'yan.Nangangaral at nagpapatotoo ang Biblia tungkol sa pagpapakita at gawain ng Diyos.Sa loob ng libu-libong taon,dahil sa mga impluwensya ng Biblia, dumami nang dumami ang mga taong nananalig sa Diyos.Basta't nariyan ang Kristiyanismo at ang Biblia,tiyak na hindi makakapanaig ang ateismong Marxist-Leninist at ebolusyonismo.Kaya nga ang tingin ng CCP sa Kristiyanismo ay mga puwersa ng kaaway.Natural na tatawagin nitong aklat ng kulto ang Biblia.Ang patotoo, lalo na, ng Kidlat ng Silanganan na nagbalik na ang Panginoong Jesusang higit na kinatatakutan ng CCP.Ang CCP at si Cristong Tagapagligtas ay mortal na magkaaway. Hindi ba nito magagawa ang lahat para supilin ang mga pananalig sa relihiyon at ipagbawal ang mga bahay-iglesia? Ang madalas na mga pulong ng Central Committee at pagpapalabas ng lihim na mga dokumentoay nagpapatunay na ang mabilis na pag-unlad ng mga pananalig sa relihiyon ay nagdala ng krisis ng pamamahala sa Communist Party. Inulit-ulit ng Central Committee lalo nana ang mga miyembro ng CCP at ang mga opisyal ng estado ay talagang pinagbawalang manalig saDiyos.Huwag n'yong kalimutan ang edukasyon ng CCP:Ang mga anak ng mga miyembro ng CCP ay kailangang manalig sa Marxism-Leninism at sa Ideya ni Mao Tse-tung. Ipinagbabawal talaga ang pananalig sa Diyos. Ang pananalig sa Diyos ay kataksilan sa CCP! Kailangang sundin ng mga anak ng mga miyembro ng CCP ang Party, sundan ang Party at laging makibilang sa CCP! Alam mo ba?Simula nang ipangaral at patotohanan ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ayon sa ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, naging lubos na alerto ang CCP, sa takot na kumalat ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao sa buong mundo. Kaya ginawa ng gobyerno ang lahat para supilin at arestuhin ang Kidlat ng Silanganan,na nakatuon sa lubos na pagbabawal sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ano man ang sabihin n'yo, ang CCP na ngayon ang may kapangyarihan. Hangga't may Communist Party, hind kayo maaaring manalig sa Diyos. Ang totoo, hindi ako sang-ayon sa pagpapahirap ng CCP sa mga pananalig sa relihiyon,pero wala akong magagawa. Miyembro ako ng Communist Party na ang kabuhayan ay nagmumula sa CCP. Kailangan kong sundin ang Party. Kung hindi ako opisyal ng CCP, ano ang ikabubuhay ng pamilya natin? Hindi ba lahat ng tinatamasa natin ngayon ay nagmumula sa CCP? Huwag n'yong kalilimutan 'yan.

    Zheng Yi(Isang Kristiyano): Pa, sa sinabi n'yo ngayon,parang nauunawaan n'yo ang lahat ng ginagawa ng CCP. Pero naniniwala ba kayo sa parusa? Kung susundan n'yo ang halimbawa ng CCP sa paggawa ng kasamaan at ipapahamak n'yo ang mga nananalig sa Diyos, nagkakasala kayo nang malakina siguradong tatanggap ng mga parusa. Pa, ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen laban sa Diyos. Hindi nito kinilala kailanman na mayroong Diyos. Ano ang mga katangian nito para magdesisyon kung aling iglesia ang tunay na daan o isang kulto? Lahat ng bagay sa langit at lupa pati na ang sangkatauhan ay nilikha ng Diyos. Ang Diyos ang Lumikha. Ang Lumikha lamang ng buong sanlibutan ang may pinakamataas na awtoridad. Ang Diyos lamang ang katotohanan, at ang Kanyang pagpapakita at gawain ang tunay na daan. Ang Makapangyarihang Diyos ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang pagpapakita ni Cristong Tagapagligtas sa mga huling arawna pumarito para ipahayag ang katotohanan para sa paghatol at kaligtasan ng sangkatauhan. Hindi lamang ayaw kilalanin at tanggapin ng CCP ang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, kinakalaban at tinutuligsa pa nito ang Makapangyarihang Diyos. Hindi ba napakasama at konserbatibo ng kilos na ito? Kinalaban na ng CCP ang Diyos at napakaraming beses na silang nagkasala. Ito ay isang makademonyong rehimen na higit na namumuhi sa katotohanan at kumakalaban sa Diyos. Ano pala ang isang kulto? Dapat ipaliwanag na anumang partido o grupong pulitikal na kumakalaban at kumikilos laban sa Diyos ay isang kulto.Anumang organisasyon ng masasamang espiritu at demonyo na nililinlang at ginagawang tiwali ang sangkatauhan ay isang kulto.Anumang partido o organisasyong sumusuporta sa materyalismo, ebolusyonismoat mga kamalian laban sa katotohanang ipinahayag ng Diyos ay isang kulto.Pa, dapat mo palang linawin kung alin ang kulto.Ang mga ideolohikal na teorya ng CCP ay mga kamalian ng isang kulto.Lahat ng ginagawa ng CCP ay kumakalaban at labis na konserbatibo laban sa Diyos. Ang CCP ang talagang masama at kulto!

    Zheng Rui(Isang Kristiyano): Pa, Ma, dumating na sa mundo ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling arawpara ipahayag ang katotohanan para linisin at iligtas ang sangkatauhan.Katulad ito ng tunay na liwanag sa langit na tumatanglaw sa madilim na mundopara ipakita sa tao na ang liwanag at katuwiran ay bumaba na sa lupa. Bakit galit na galit na kinakalaban at tinutuligsa ng CCPang pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw? Bakit nito ginawa ang lahat para puksain si Cristo at ipagbawal ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Kabuktutan ito talaga laban sa Langit at ayaw nila ng pagbabago! Bakit kaya kapag mas positibo at mas makatotohanan ang isang bagay, mas tutugisin at tutuligsain ito ng CCP, at hindi titigil ang CCP hangga't hindi ito lubos na naipagbabawal? Hindi ba lubhang nakakatakot ang CCP! Hindi ba tunay na masama at isang kulto ang CCP? Pa, Ma, sinusunod ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos si Cristo at pinatototohanan ang Kanyang pagpapakita at gawainat ipinapangaral ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos. Lubos na makatarungan ang kanilang mga kilos. Baliw na kinakalaban ng CCP ang Diyos, at napakalupit na inaaresto at pinahihirapan ang mga sumusunod at nagpapatotoo kay Cristo, paano ito hindi isusumpa ng Diyos? Paano ito hindi maghahatid ng walang-katapusang mga panganib sa mga tao sa China? Lahat ng malaking kapahamakang nangyari sa China ay may tuwirang kaugnayan sa pagkalaban ng CCP sa Diyos. Pa, Ma, matatanggap ba n'yo ang sinasabi namin?

    Zheng Weiguo: Inaamin ko na sa mga taon na nasa kapangyarihan ang Communist Party, hindi lang iilan ang nagawa nitong kasamaan. Ngayong hindi na tagapagligtas ang Communist Party sa puso ng mga karaniwang tao.Ni hindi ito ang pulang araw o mahal na ama at ina.Napakalinaw nito sa puso ko. Ano't anuman, ang CCP pa rin ang may kapangyarihan sa China.Partidong rebolusyonaryo ang may kakayahang gawin ang anuman kung kailangan.Kung nananalig kayo sa Makapangyarihang Diyos, maaari kayong arestuhin anumang oras o manganib pang mamatay. Samakatwid, hindi ko kayo papayagan kailanman na manalig sa Makapangyarihang Diyos para na rin sa inyong kapakanan. May kasabihan nga na, "Ang isang matalinong tao ay umaakma sa sitwasyon." Hindi mo maaaring iharang ang dibdib mo sa dulo ng baril. Nauunawaan n'yo ba ang ibig kong sabihin? Nilinaw ko ito sa inyo ngayon. Pinahihintulutan lamang ng edukasyong komunista ang mga pananalig sa Marxism-Leninism at ang Ideya ni Mao Tse-tung. Bawal na bawal ang manalig sa Diyos! Ang mga anak ng mga miyembro ng Communist Party ay maaari lamang makinig sa Party at sumama sa Party. Hindi nila maaaring tanggapin, sundin at patotohanan si Cristo kailanman! Ang mga anak ng mga miyembro ng Communist Party ay kailangang manalig palagi sa Communist Party sa maraming henerasyon!
mula sa script ng pelikulang Red Re-Education sa Bahay

10 Marso 2019

Ang Gawa-gawang Kaso sa Zhaoyuan | Bakit Inimbento ng Chinese Communist Party ang Pangyayari sa Zhaoyuan noong 5/28?

Ang Gawa-gawang Kaso sa Zhaoyuan | Bakit Inimbento ng Chinese Communist Party ang Pangyayari sa Zhaoyuan noong 5/28?

2018-05-22

zhaoyuan-incident

Ma Jinlong (Kapitan ng National Security Team): Sa totoo lang, Han Lu. Hindi ito dahil hindi namin naiintindihan ang mga naniniwala sa Diyos. May mga kaibigan ako'ng mananampalataya. Alam kong ang mga naniniwala sa Diyos ay mabubuting tao na hindi gumagawa ng masasamang bagay. Kaya lang bakit gusto kayong hulihin ng Partido Komunista? Iyon ay dahil mabilis na lumalago Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at mas lumalaganap ang epekto nito. Patuloy niyo pa ring ipinalalaganap ang salita ng Makapangyarihang Diyos, ikinabibigla 'yon ng religious community. Posible ba na hindi kayo sugpuin at paghigpitan ng Partido Komunista? Alam mo ba kung ano ang tungkol sa "Kaso ng Mayo 28 Shandong Zhaoyuan"? Hudyat ito ng Partido Komunista sa buong mundo na gustong ipagbawal at wasakin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isinisigaw nito ang slogan na "hindi aalis ang mga pulis hangga't hindi natatapos ang ban. Ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita nito na ang sentral na pamumuno ay nagpasya na ganap na ipagbawal at alisin lahat ng sekretong iglesia. lalo na ang inyong Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos ang pampublikong paglilitis ng kaso ng Shandong Zhaoyuan, kahit maraming tao pa rin ang nagtatanong sa kaso ng Shandong Zhaoyuan, sinasabi na ang kasong ito ay malamang na isang kasinungalingang sadyang ginawa ng Partido Komunista para mabitag at dungisan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayunman, dininig ang kasong ito sa publiko ng hukuman. Gumawa rin ng kasunod na ulat sa kaso ang media ng pagbabalita. Kahit na gaano pa ninyo pagdudahan at itanggi ang May 28 Shandong Zhaoyan case, wala itong silbi. Kung masasabi at magagawa iyon ng Partido Komunista, Auntiek na maraming tao ang maniniwala rito. Kahit na hindi positibong bagay ang kasinungalingan at karahasan, epektibo ang mga ito. Hindi ba't ito ang lahat?

    Han Lu (Isang Kristiyano): Captain Ma, maloloko lamang ng kaso ng Shandong Zhaoyuan ang mga tao sa maikling panahon. Hindi nagtatagal ang mga kasinungalingan. Mabubunyag at mabubunyag ang katotohanan. Kapag sinusugpo ng CCP ang mga paniniwala sa relihiyon, sinusugpo ang mga etnikong minorya, sinusugpo ang mga estudyante sa unibersidad, lagi muna itong bumubuo ng ilang hindi makatarungang kaso. Ito ang mga batayan ng pampublikong palagay na dinisenyo upang makamit ang mithiin nito. Sinong hindi nakakaalam na ganap na kontrolado ng Partido Komunistang Tsino ang mga hukuman at media ng China? Wala talagang sariling pagpapasya. Ang hukuman ng Chinese Communist Party amg pambansang makinarya ng Partido Komunista para mapanatili ang diktadura. Ang media ng pagbabalita ang tagapagsalita at instrumento ng Chinese Communit Party, ang mga tagapagbalita na gumagawa ng kasinungalingan para sa Partido Komunistang Tsino upang lituhin ang mga tao at linlangin ang mundo. Isa itong katotohanang kinilala ng publiko. Ang kaso ng Mayo 28 Shandong Zhaoyuan ay napuno ng mga pagdududa. Noong dinidinig ng hukuman ang kaso ng Shandong Zhaoyuan, sinabi ng mga may kasalanan sa hukuman, "Si Zhang Fan at ako lamang ang mga tagapagsalita para sa tunay na 'Makapangyarihang Diyos'. Ang pinipigilan ng estado ay ang 'Makapangyarihang Diyos' na pinaniniwalaan ni Zhao Weishan, hindi ang 'Makapangyarihang Diyos' na pinaniniwalaan namin." "Hindi ako kailanman nagkaroon ng ugnayan sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Paulit-ulit nilang sinabi na hindi sila mga miyembro ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang nakakapagtataka ay nang hindi rin pansinin ng Chinese Communist Judge ang pahayag ng mga nasasakdal. at may buong pananaw na nagpasya na ang lahat ng nasasakdal ay miyembroga tao ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos Pinasama ng Chinese Communist Court ang mga katotohanan, idiniin at dinungisan ang Iglesia, at binalewala ang mga katotohanan at ang batas sa pamamagitan ng pagbibintang sa kaso ng pagpatay na ito sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ginamit din ng Chinese Communist Government ang media upang iulat nang hayagan at laganap ang kaso. Makikita ng mga marunong kumilatis na ang kaso ay pakana lang ng CCP. Ano ang layunin ng CCP sa paggawa nito? Makikita ng matatalinong tao na ito pinagsasama-samang opinyon lang ng publiko para sugpuin at usigin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

    Chen Jun (Deputy Captain ng National Security Team): Kahit hindi totoo ang kaso ng Shandong Zhaoyan, ano naman? Para sugpuin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pinagana ng Partido Komunistang Tsino ang lahat ng makina ng propaganda, mangalap ng mga opinyon ng publiko at kumuha ng ilang resulta. Mayroong megaphone ang CCP. Lahat ng media, mga istasyon ng Radyo at diyaryo ay mga kasangakapan ng Partido Komunista. Kahit nasa tama kayo, wala kayong lugar para sabihin ito. Mayroong kasabihan ang Partido Komnista "Magiging katotohanan ang kasinungalingan kung inulit ito nang sampung libong beses." Sinasabi mo ba'ng hindi mo alam 'yon? Pinamumunuan ng Communist Party ang mga Chinese sa pamamagitan ng mga kasinungalingan at rebolusyong karahasan. Isa itong pampulitikang pangangailangan. Gaya ng sinabi ni Chairman Mao, "Hindi ito isang pagsasabwatan, isa itong bukas na sabwatan." Ano ang mga kasinungalingan at panlilinlang? "Walang masamang paraan kung maganda ang kalalabasan" ang prinsipyo at estilo ng Partido Komunista. Naiintindihan mo?

    Han Lu: Sa palagay ba ninyo ay kaya ninyong lituhin at linlangin sa kasinungalingan ang mga Chinese at ang mundo? Sa tingin ko hindi. Puwedeng lituhin at linlangin ng mga kasinungalingan ang tao pansamantala, pero hindi pangmatagalan.. Sa bandang huli, lalabas din ang katotohanan. Sa akin, ang kasabihang "magiging katotohanan ang kasinungalingan kung inulit ito nang sampung libong beses" ay hindi kapani-paniwala. Hindi ko mahanap ang katotohanan ng kasinungalingan na nagiging katotohanan matapos itong ulitin nang sampung libong beses. Mabubunyag ang mga kasinungalingan at mawawala. Hindi ito makatatayo ng matatag kailanman. Ang mga kilos at gawain ng Partido Komunista ay ganap na kinumpirma ang mga salita ng Biblia: "Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito" (Juan 8: 44) Ang demonyo ang ama ng mga sinungaling. Demonyo lang ang walang taros na magsisinungaling at manlilinlang …

mula sa script ng pelikulang Katamisan sa Kahirapan