Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Diyos ay ang simula at ang wakas

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mga panalangin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na mga panalangin. Ipakita ang lahat ng mga post

24 Disyembre 2019

Tagalog worship songs | "Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" Tagalog Christian Song


Tagalog worship songs | "Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" | Tagalog Worship and Praise Song 


Narinig na ang nakakaantig na awit ng kaharian, na ipinababatid ang pagdating ng Diyos sa piling ng mga tao sa buong sansinukob! Dumating na ang kaharian ng Diyos! Nagbubunyi ang lahat ng tao, nagagalak ang lahat ng bagay! Lahat ng bagay sa buong kalangitan ay puspos ng kasayahan. Anong kabigha-bighaning mga tagpo ng kagalakan ang mga ito?

21 Disyembre 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Pamamaraan Kung Paano Manalangin Upang Makinig ang Diyos


Cheng Shi

Mga kapatid:

Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal. Gayunpaman, palagi naming nadarama na parang ang Diyos ay wala roon; para bang nakikipag-usap lamang kami sa aming mga sarili kapag nananalangin kami, at ang aming espiritu ay hindi nakadadama ng kapayapaan at kagalakan. Bakit hindi nakikinig ang Diyos sa aming mga panalangin? Paano kami dapat manalangin para matanggap namin ang papuri ng Diyos?